CHAPTER ONE
Ha? Prologue? Nakakain ba yun? Chos. 'Wag na mag-Prologue.
MATCHMAKER'S TRAGEDY
[Okay na, lesa q]
"Oh, kumusta kayo ni Squidward?"
Busy ako sa pagsusulat nang pumasok ang kinikilig na si Sam. Gumawa pa siya ng ingay pagka-upo, nagpaypay ng sarili habang nakangiti, ear to ear. I had the urge to roll my eyes but I stop.
"Shutangness, inaya niya ako mag-MoguMogu d'yan sa tabi. Feeling ko magkaka-forever na ako. Ano, sagutin ko na ba? Liligawan niya daw ako. Sagutin ko na ba agad?" Ang dami niyang sinasabi!
"Bahala ka. Mas madaling makuha, mas madaling mawala. Ikaw rin. Pwede ka namang lumandi habang nagpapaligaw." Saad ko na hindi man lang siya tinatapunan ng paningin, busy pa rin sa pagsusulat.
"Tingin mo?" Tanong niya. I just shrugged. "Pero, paano kapag nagsawa? Napagod? Forever na, naging bato pa." Naghihisteryang ani niya. Nanatili pa rin ang atensiyon ko sa sinusulat.
"Bakit? Kapag sinagot mo ba agad, sure kang hindi siya magsasawa or mapapagod?" Halos umirap na ako sa kausap ko.
Bakit ba ako ang pinapoproblema nila sa lovelife nila?
"Oo nga, noh?" Realization popped her. "Sige. I'll play hard to get muna. Dalagang Pilipina mode on." Saad niya saka ako iniwan.
Napahilot naman ako sa sintido ko, na-stress na. Tinanggal ko muna ang reading glass ko saka pinuyod ang buhok kong kulot. Kainis pero okay lang.
"Xia, diba kaibigan mo 'yun? Reto mo naman ako." Napatingin ako sa nagsalita. Si Vince. Tiningnan ko naman yung tinuturo niya saka ako napatawa ng mahina na nagbigay naman ng lito sa kanya.
Ganda mo, Sam.
"Si Sam? Taken na 'yan." Natatawang saad ko.
Why do I have this feeling na ang ginagawa ko ay Human Trafficking. Peste.
Napailing ako sa iniisip ko. What? Reto daw eh. Uhaw naman si Sam sa forever so I made her a favor.
"Ganon ba? Sayang naman." Ramdam ko ang panlulumo niya kaya naman nakonsensiya ako. Linchak.
"U-Uhmm...Pwede naman kitang...hannapan ng bago?" Hindi ko alam kung bakit yun ang unang pumasok sa isip ko. Pinangatawanan ko na talaga ang pagiging little matchmaker.
"Talaga?! Gagawin mo 'yun?!" Tuwang-tuwa na siya dun. Parang naka-achieve ng pangarap, eh.
Hindi ko alam sa mga tao. Parang ang big deal kapag walang kalampungan. Oh, yeah. A bitter once said.
Nag-isip tuloy ako kung saan makakahanap ng irereto sa kanya. Sa social circle ko, Section Diamond ang mga single. Dun na lang siguro ako maghahanap. Naniniwala kasi ako sa blockcest. Hayst.
Natapos na rin ang break-time kaya nagsipasukan na ang lahat ng mga kaklase ko. Grade conscious kasi ang mga taga-Beryl. Nagturo na rin ang guro kaya nakinig na lang kami.
"Xia, uy!" Habang naglalakad, may tumawag sa akin. Huminto naman ako at tiningnan kung sino ito. It's Hershey from Section Amethyst. Kaibigan ko rin.
"Oh, bakit?" Natatawang tanong ko dahil sa itsura niya. Nakasimangot.
"Wala ka bang mairereto d'yan?"
Sakto.
"Actually, meron. Meet-up kayo mamaya sa school backyard." Saad ko saka sinimulang maglakad. She cling her arms on mine. Papunta na kami ngayong school canteen.
"Talaga?! Yiee, naks. Libre ko na tubig mo, dahil d'yan." Tinawanan ko na lang siya dahil dun.
Kaso ang kulit niya kasi panay ang tanong niya about sa mukha. Gwapo daw ba or ano pa. Anything senseless.
"Blind date toh, tanga." Anas ko at pumasok na sa canteen.
"Ihh, na-excite kasi ako." Halata nga.
"Egg sandwich saka tubig lang." Baling ko sa tindera. "Seryoso. Dapat ma-surprise ka. Ikaw na bahala magjudge sa mukha." Saad ko sa kanya. "Thank you. Mauna na ako. School backyard, after class." 'Yun lang at umalis na rin ako.
"Aww, sad. Mag-isa lang."
Muntikan na akong masamid sa iniinom ko nang may maupo sa harap ko. Tinawanan niya lang ako.
"Ang nerd na madaming kaibigan pero walang kasama." Sulsol ng isa.
"Ang tiga-gawa ng forever pero hindi mahanap ang forever." Natatawang anas naman ng isa.
"Bobobo niyo." Sagot ko na nagpatawa sa kanila.
It's Reese, Lola and Blake. Sa mga kaibigan ko, masasabi kong sila ang closest.
"Ahh, kawawa! Walang lovelife!" Tinawanan pa ako ni Lola saka nakipag-apir kay Reese. Si Blake naman ay ngingisi-ngisi lang. They are here to stress the hell out of me!
"Bagay kayo." Nang-uuyam na saad ko. Nagkatingin naman sila and just like in the books full of cliches, sabay nandiri.
"Kilabutan ka nga!"
"Goosebump is real."
Napailing na lang ako. Kapag ito nagkatuluyan? Ako pa magsasampal ng isang platong whipped cream sa kanila.
Tatlo silang taga-section Diamond. Si Reese na lang pala sana ang nireto ko kay Hershey at si Lola kay Vince.
Bakit kaya hindi ko naisip yun?
"Lola, may reto ako sa'yo." Nakangising saad ko. Napaangat naman ang tingin nito sa akin, nakataas ang kilay.
"Sino?" Excitement is evident in her voice. "Panis! May forever na ako." Painggit ni Lola kay Reese na noon ay nakasimangot lang, hindi nagugustuhan ang usapan. "Beh, sino, beh?" Pangungulit niya pa.
"Bawal siya." Natawa kami pareho ni Blake sa reaction ni Reese.
"Luh, kupal. 'Wag kang makinig sa inggiterong 'yan. Sino nga siya?" Hindi pinansin ni Lola si Reese.
"Ang bata-bata mo pa para sa mga ganyan, Lola. 'Wag, Xia. Isusumbong ko 'yan kay Papa." Hindi na pumalag pa si Lola nang marinig ang 'Papa'.
Kumain na lang kami. They are talking about something that I can't get into. May activity ata sila.
"Tara na, uy! Bye, Xia! Landi well." Saad niya saka hinila si Reese na noon ay tuwang-tuwa sa pagpapabigat.
"Those two are really the worst." Napatingin ako kay Blake na nakatingin sa papalayong sina Reese at Lola na nagbibinyagan pa ng batok.
"Oh, bakit hindi ka pa sumabay sa kanila? Loner ka na rin?" Natatawang anas ko.
"Hatid na kita." Nagulat ako sa sinabi niya kaya siya na naman ang tumawa. "Tara na."
"Hoy, ako na!" Angal ko nang bitbitin niya pa ang bag ko. Mamaya pala mabigat. May hiya naman ako noh!
"Kaya ko." Hindi na ako pumalag since hindi niya rin naman ibibigay. Sabay kaming naglakad. Hanggang balikat lang pala ako nito? Astig.
"Xia, how would you know if you like a person?"
"Ha?" Natanga ako dun. First time niyang mag-open ng topic about that so nakakagulat talaga.
"Wala." Natawa pa siya nang makitang natanga ako dahil sa tanong niya. Hindi naman kasi siya yung tipong bigla na lang mago-open up about that topic kaya anong ine-expect niyang reaction ko? Pumalakpak?
Hanggang sa makarating ng room at makaalis siya, natatanga pa rin ako. Ang big deal lang ng bigla niyang pag-open.
He likes someone and now, he is confuse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top