CHAPTER NINE

"Si Xia ba 'yan?"

"Oo nga. Eh nasaan na 'yung salamin niya?"

"Bakit? Kukuhanin para mag-top ka rin sa class?"

"Tanga, hindi. Pero malay mo effective."

Unexpected.

Hindi ko alam na ganito pala ang bubungad sa akin kapag pumasok ako. I mean, oo may nagbago sa akin. I just didn't know that they are paying attention on me. Oo, alam ko. Hindi naman ako 'yung tipong outcast. Actually, halos lahat ng nandito ay friend ko. Pero hindi ko naman ine-expect na ganito ang reaction nila kapag tinanggal ko ang salamin ko.

"Wow, Xia hindi ka na bulag?" Tanong ng isa kong kaklase na nakapagpatawa sa akin.

"Tanga. Bulag ba si Xia? Pero oo nga, Xi. Paano na 'yang mata mo?" Anang isa pa.

"Hindi talaga updated sa mundo ang dalawang ugok na ito, eh. Hindi pa ba kayo pinapanganak nang mauso ang contact lense?"

"Bakit? Hindi ba bagay?" Conscious na tanong ko. Tiningnan ko naman ang sarili ko kanina sa salamin. Bagay naman. "May deperensiya na kasi ang salamin ko kaya pinalitan ko na lang."

"Ahh..." They chorused. Matapos nilang maintriga sa bagong look ko, bumalik na rin sila sa upuan nila. Mga tao nga naman. Kapag may bago, pagkakaguluhan.

Hindi naman halata 'yung contact lense kasi hazel brown ang kinuha ko. Medyo hazel brown ang kulay ng mata ko. In fairness, mas maganda ito kesa sa salamin.

"Good Morning, class. Attendance muna tayo."

Napaayos kami ng upo nang pumasok si Ma'am. Hindi man lang kami hinintay na makabati sa kanya. Nagsimula na siyang magtatatawag ng pangalan.

"Dela Luna..."

"Present."

"Enriquez..."

"Present."

"Fidel..."

"Present."

"Gauran..."

"Present and Pretty."

Natawa ang buong klase sa sinagot ni Gauran. Okay lang. Sanay na kami. Napailing na lang ang teacher namin at muling nagsisitawag ng mga pangalan. Nagtaas lang ako ng kamay nang tawagin ako kasi may hinahanap ako sa bag ko.

Pagkatapos nun, nagsimula na rin siyang magturo. Hindi tulad ng iba, wala akong paboritong subject. Lahat naman kaya kong gawin. Well, medyo sa math. Hindi ko hate ang math. Nahihirapan lang ako.

Filipino ang subject namin. At dahil nga third quarter na, medyo sumisilip na ang topic sa El Filibusterismo. To be honest, hindi ko pa nababasa ang dalawang nobela na 'yun ni Rizal. Kahit 'nung grade 9, hindi ko masyadong maintindihan kasi malalim ang mga salitang nakalagay. Balak ko siyang basahin sa bakasyon.

Pagkatapos ng Filipino, Science na agad ang kasunod. Volcanoes. Syempre, nahirapan ang klase na sauluhin ang parts of volcanoes. Pati na rin 'yung types. Ako nga, Flat Volcano lang ang naalala ko. Strato ba 'yun? Basta may isang nagsisimula sa letter S.

"Goodbye, class." And then she left us. Pagkaalis niya, nag-ingay na naman ang mga kaklase ko.

Meron pang ten minutes bago ang recess. Ang mga may baon na snacks, hindi na nakapaghintay at kumain na agad. Samantalang ang mga wala, nambuburaot. Nambuburaot kasi ang narinig kong term nila. Buraot daw.

"Wow naman. Next time, magbaon din kayo 'noh?"

"Pabaunan mo nga."

"Loh, gold? Gold?"

"Next time kasi, kapag magbabaon ka, isama mo na ako."

"Ikaw na pala ang bagong definition ng makapal ang mukha."

"Mahal mo naman."

"Mahal din 'tong hinihingi mo, baka lang naman, diba?"

"Oo na, babayaran na nga."

"Sus, pang-ilan na 'yan hindi ka naman nagbabayad."

"Wala naman akong sinabi kung kelan. Saka mo na ako singilin kapag sinabi ko kung kailan."

Mas pinili kong tingnan na lang ang labas kesa pakinggan sila. Unti-unti na ring naglalabasan ang mga estudyante, senyales na malapit na talaga mag-recess. Syempre, kapag nasa higher section ka, hindi ka dapat nauunang lumabas kapag recess.

Nang tumunog ang bell, nagmamadaling nagsilabasan ang mga kaklase ko. Hinintay ko munang makalabas ang mga nag-uunahan saka ako sumunod.

"Tubig po atsaka egg sandwich." Saad ko saka binigay ang bayad. "Thank you." Nakipagtanguan pa ako sa tindera saka umalis.

"WOW! Ito na ba ang tinatawag nilang glow up?"

Hindi ko na natuloy ang balak kong pagsubo ng kinakain ko nang dumukwang bigla si Lola sa harap ko. Tinawanan ko na lang siya sa ka-oa-han niya.

"Tamang table ba ang napuntahan natin?" Dumating pa si Reese at sinabayan pa sa pagiging OA si Lola.

"Oo naman. Kulot oh." Pinakita niya pa ang buhok ko. "Sana nung naglagay ka ng contact dense, pina-straight mo na rin ang buhok mo para magkatotoo 'yung nababasa kong Nerd Turn Into Goddess."

"Gaga, lense 'yun." Sumunod naman na dumating si Fiona. Halos magkasabay lang na dumating si Harry at Blake.

"Lense, dense, magkatunog din 'yun. Dami mong alam. Matalino na tayo niyan?" Sarkastikong anas ni Lola.

"Duh!" Umirap na lang si Fiona.

"Where is your reading glass?" Napatingin ako kay Blake nang tumabi ito. Bale magkatabi kami, si Fiona at si Harry, at si Lola at si Reese.

"Ah, may deperensiya na kaya pinalitan ko na lang ng contact lense. Masakit kasi sa mata." Paliwanag ko. Tumango na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Medyo nagmadali na lang kaming kumain since 30 minutes lang ang break. Pero syempre, hindi pwedeng hindi mag-ingay sina Fiona, Reese at Lola. I wonder how they can maintain there energy.

Si Blake at Harry, bilang magkalapit lang naman ng upuan, nag-uusap na rin. Maya-maya, nang mapikon si Reese sa dalawang babae, sumama na lang ito kina Harry at Blake. So...ako na lang mag-isa ang walang kausap. Hindi ko mapantayan ang energy at ingay nila Fiona at Lola.

"Loner ka 'no?" Dinig kong sabi ni Fiona sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi naman. Kaibigan ko nga lahat ng nasa classroom eh. From Beryl to the last section, may connection ako." Saad ko.

"Ay hulaan ko papasok 'to sa politics." Sabi ni Fiona.

"Gaga, hindi nga tumakbong officer 'yan ng school eh. Tapos sasabihin mo pang papasok sa politika?"

"Bakit? Kapag ba papasok sa mundo ng politics kelangan officer ng high school? Sinong itlog ang nagsabi?"

"Syempre, kelangan ng experience!" Hindi nagpatalo si Lola.

Hindi ko alam kung paanong ang topic sa pagiging loner ko ay napunta sa mundo ng politics hanggang sa toxicity ng mga mag-aaral. Kapag ang dalawang ito ang nag-usap, hindi mo namamalayan na nag-iba na pala ang topic.

"Si Reynan kamo ang pangit ng ugali. Pabida amputa. Hindi naman kausap, salita ng salita. Sabatero pa."

"Buti sa klase namin, hindi masyadong talamak ang toxicity. Happy-happy lang sila. Syempre kapag happy sila, happy rin ako. Kapag happy ako, syempre maganda ako."

"Uyy, nasingit mo pa 'noh?" Sabat ko.

"Itong si Xia, minsan na lang mag-talk, kokontra pa." Inirapan niya lang ako. "Walang kokontra. Ang kokontra, hindi magiging dyosa."

Hindi na nakasingit pa si Lola nang magring bigla ang bell, senyales na tapos na ang lunch break. Sabay-sabay kaming tumayo para magligpit.

"Sasabay ulit akong maglunch sa inyo. Kapag hindi ako nakasabay, ibig sabihin, hinila ako nina Hershey at Tiffany. Kapag nakita niyong umupo ako sa ibang table, ibig sabihin 'nun, nakisama ako, hindi ako peyk prend." Sabi niya saka kumaway sa amin at sumabay kay Harry.

"Paano ba 'yan, Xia-girl. See you sa lunch time. Babye na." Tumango na lang ako sa kanya. Hinila niya na rin si Reese na as usual, pinagtitripan na naman siya dahil nagpapabigat ulit.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Gusto kong irapan si Blake sa tanong niya pero pinigilan ko. After two days of resting, seriously?

"Dalawang araw 'yun, paanong hindi magiging maayos?" Saad ko.

"Required bang magsungit kapag nagpalagay ng contact lense?" Tumawa pa siya. "Anyways, why do you need to put contact lense if you can just buy another glass?"

"Ah, I researched about it and base on people's comment, it stated na mas madali siyang gamitin kesa sa glasses kasi hindi mo na siya kelangan bitbitin." Paliwanag ko.

"What if ang nabili mo ay isang fake? It will harm your eyes." He scolded.

"The contact lense is fine. I bought from an expert of an eye." I defended.

"You sure that you buy that from a real Ophthalmologist?" Tumango na langa ko atsaka siya inirapan. Wala eh. Kusa na lang umikot ang mata ko.

Kinausap niya pa ako sandali ng kung anu-ano na pwede niya namang sabihin kanina. Muntikan pa tuloy kaming ma-late dahil sa kakulitan niya.

Mabuti na lang 'yung teacher namin ang late. In fairness, kapag medyo late ako, mas late ang teacher namin. I wonder kung anong nangyayari. Pero mas okay na rin 'yung ganito kesa naman masumbong ako na late na pumasok. Mga tao pa naman ngayon, kung anu-anong pinagsasasabi. Ayoko namang mapagalitan 'no. Hindi ako binibigyan ng atensiyon ng magulang ko pero hindi ako pupunta sa point na gagawa ako ng bagay para lang magpapansin. Kapag kasi may sinasabi silang masama sa akin, pakiramdam ko, nagiging worthless ako. 'Yung tipong sinasabi nila na nagpapabaya daw ako sa pag-aaral kesyo medyo bumaba ang grade ko. Ayoko namang bumaba ang tingin nila sa akin. 'Yun na nga lang ang recognition na meron ako, mawawala pa ba?

The class went well. Hindi ko namalayan ang pagdaloy ng oras dahil hindi ko alam. Baka dahil nabagot ako ng sobra to the point na nakatulala lang ako at hindi naantabayan ang oras? Hanggang sa dumating ang tanghalian. Hindi namin nakasabay si Fiona kasi kila Hershey naman siya nakisabay. Nag-aasaran ang tatlo habang ako ay nakikinig lang sa kanila kasi hindi ako makarelate. Iba pa rin talaga kapag magkakasama kayo ng kaibigan mo sa isang section.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na galingan nila mag-aral para magkakaklase kami. Hindi rin naman ako pwedeng lumipat ng section kasi magagalit si Papa. Hays.

Habang naglalakad sa pathway ng mag-isa, patuloy pa ring umiikot ang sinabi ni Blake kanina. Ewan ko ba. Para na akong tanga dahil paulit-ulit na pumapasok sa utak ko 'yung sinabi niya. Hindi ko alam kung masyado ko bang inisip 'yun o tumatak lang talaga ang sinabi niya.

"Mas maganda ka kapag may salamin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top