CHAPTER FOUR

"Ha?"

Hindi ko ata naproseso ang sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung hindi ko pa masyadong napakinggan, kung nadivert ba ang atensiyon ko kaya hindi ko naintindihan. Ano daw?

"No pressure. If you just want." May bahid pang kaba na sabi niya. Naiilang kasi 'yung mukha niya. "I said, I like someone now and I want you to help me. If you just want." Paglilinaw niya.

"Ahhhh." Tumikhim pa ako habang nag-iisip. Nag-iisip kung papayag ba ako. Nagsalubong ang kilay niya nang tumawa ako.

"What's funny?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

"Uyy, tao ka pala talaga noh? Nagkakaroon ka rin pala ng crush." Pang-aasar ko sa kanya. He just scoffed as if I say something ridiculous.

"Are you going to agree or what?"

"You're talking like you are going to pay me for that request." I scoffed. He look ashamed. "But...yeah, sure. Who is 'this' girl you are talking about?" Nakangising anas ko, nang-aasar.

"You're going to help me?" Mabagal na saad niya, dinadigest ang naging desisyon ko.

Mukha ba akong nagbibiro?

"Mm-mm." Nakangiti ko ng saad. "So, sino itong babaeng sinasabi mo? Ireto na agad kita!"

"Her name is V-Vina." He said, stuttering. "From section Sapphire."

"Sapphire..." Inalala ko ang mga taga doon. Vina? Vina Buenaventura? "Vina Buenaventura?" Paninigurado ko. He nodded.

Ahh, si Vina pala? Gusto niya 'yun? Sabagay, mabait nga naman kasi.

Akala ko may gusto siya kay Lola, hihi.

"Okay. I'll just talk to her. Where do you guys want to meet up, anyways? Or do you have any ideal place to go with someone you like?" Tanong ko. Kapag hindi niya sinagot, meet up nila sa gubat, bahala sila.

"Any coffee shops near here? I don't know. You decide." I almost roll my eyes on him. Fuck!

"Do you want to meet at the forest?" Sarcasm is evident in my voice. "Sige. Sa coffee shops na lang. I'll text you the name." Saad ko at pinakita ang cellphone ko. Tumunog naman ito, tumatawag ang driver ko.

"Hello, Kuya?"

[Saan ka na po, Ma'am?]

"Ahh, may kinakausap lang pong kaibigan. Si Blake. May pinag-usapan lang kami. Uh...lalabas na rin po ako."

'Yun lang at tinapos ko na ang tawag.

"Driver mo?" I nodded. Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. "Sabay na tayo palabas." He put his hand inside his pocket and lead the way so I followed him.

"Mauna na ako." Nakipagtanguan pa ako sa kanya. Tumango naman siya saka sumakay na rin sa kotseng naghihintay sa kanya, mukhang pinaghintay rin ang driver.

Sumakay na rin ako. Tumango lang sa akin si Kuya bilang pagbati. Nilapag ko ang bag ko sa tabi ko at sinalpak na lang ulit ang earpods sa tenga ko.

'Cause it's 12:51
And I thought my feelings was gone
But I'm lyin' on my bed
Thinkin' of you again

And the moon shines so bright
But I gotta dry these tears tonight
'Cause you're moving
And I'm not strong to hold on
Any longer

"Nandito na po tayo, Ma'am."

Hindi ko man lang naramdaman na nakatulog pala ako habang nasa byahe. Nang imulat ko ang mata ko, tumambad sa akin ang medyo madilim na paligid. Nagliliwanag lamang ang bahay namin na pinaliligiran ng mga ilaw.

Tumango na lang ulit ako sa driver bago bumaba. It was a tiring day. Dibale, malapit na ring matapos ang second grading. Malapit na semestral break.

"I'm home."

Typical me. Babati kahit walang may pake-alam. Parang automatic na lang na lalabas sa bibig ko ang katagang 'yun. O baka naman gusto ko lang malaman nila na may anak sila?

Si Papa, nagbabasa lang ng d'yaryo habang si Mama naman ay nagtsa-tsaa, pareho walang pake-alam sa paligid. Siguro nag-aaral si Ben sa kwarto niya. Hindi siya nilalaro ni Mama eh.

Alam kong masama pero hindi ko maiwasang mainggit kay Ben. Sana katulad niya na lang rin ako na hindi nape-pressure magpataas ng grade. Na okay lang kahit anong grade ang makuha. Na hindi kahihiyan kapag hindi nakakuha ng mataas na marka.

"Balita ko malapit na daw ang labas ng grade niyo para sa third quarter, Xia. Kamusta?" I pursed my lips when I heard my mom's soft but strict voice.

"Next week po ang bigayan ng card." I politely said.

"Matataas naman ba ang nakuha mo?" Si Papa naman ang nagsalita. Kung titigngnan, parang wala lang sa kanya ang tinatanong niya pero hindi.

"Hindi po ako sigurado. Pero sa tingin ko naman po, since nasasagot ko naman ang mga recitations at mataas ang nakukuha sa test." Pinilit kong damihan ang sinabi ko. Oo, tunog nagmamayabang. Gusto ko kasing marinig ang sasabihin nila.

"Dapat lang."

Dapat lang...

Napangiti ako ng mapait. What do I even expect them to say? That they are proud of me? Funny that I still expect. Baka lang naman kasi.

Nagpaalam na lang ako sa kanila na aakyat na ako. Hindi na sila sumagot kaya umakyat na lang ako.

Chineck ko muna kung nasa kwarto ba si Ben. Nandon nga siya, nagsusulat ng kung ano-ano.

"Hi, ate!" Masayang bati niya sa akin. Tinanguan ko lang siya saka muling isinara ang pintuan. Pagkasara ko ng pintuan ay pumasok na rin ako sa kwarto ko na katapat lang ng kanya.

From: Blake
U home na?

'Yan agad ang bungad na message sa'ken pagkabukas ko ng cellphone.

To: Blake
yeah...

'Yun lang at sinend ko na. Hinubad ko na rin ang sapatos ko atsaka pumunta sa banyo para maghugas ng katawan. Feeling ko ang lagkit ko.

Pagkatapos nun ay sabay-sabay kaming kumain pero katulad ng iba naming hapunan, parang may kanya-kanya pa rin kaming mundo. Si Mama ay inaasikaso si Ben habang si Papa naman ay may binabasa pa rin sa d'yaryo. At ako? Ito, tahimik na kumakain. Hindi na rin ako mag-eexpect na kukumustahin nila ako. If I am fine or if I have friends.

Nagpaalam na rin ako pagkatapos ko kumain. Sinabi kong matutulog na ako. Hindi na sila umalma. Kasi wala naman silang pake-alam.

Kinabukasan, pagkapasok ko sa school ay nakita ko agad si Blake na nakangiti ng sobrang lawak sa akin. Excited ata ang loko.

"Good morning, Xi!" He greeted so I greeted him back.

"Good morning. Parang ang saya ng umaga mo, ah?" Kahit nagtataka, nagawa ko pa ring ngumiti.

"Ah, yeah. I saw Vina earlier." Parang kinilig pa siya nang sabihin niya iyon.

"Wow. What a good start for a day." Saad ko saka naglakad. Sumabay naman siya sa akin. "So, you already talked to her?" Tanong ko.

"No. I just watched how she watered plants in their plantbox." He stated.

"Ang bagal mo namang gumalaw. Maunahan ka ng iba d'yan mamaya." Natatawang saad ko na nagpatigil sa kanya.

"M-Maunahan?" He asked. Tumango naman ako.

"You see. Vina is pretty, kind, and responsible. She is like a diamond. Many men would approach her and asked her a date." Paninira ko sa araw niya.

"You think she would just accept some penguins over there?" Natawa na ako ng tuluyan sa kanya. Pikon na. Nangtatawag na ng penguin eh.

"You're not sure. Some girls don't base their choices with the looks. Mas gusto ng mga babae ay 'yung kaya siyang sabayan sa mga hilig niya." Pagpapatuloy niya.

"I disagree. Girls nowadays tell that they don't base on the looks. But look at them. They reject ugly-ass and would say, 'study first'. But when a good looking but bad-ass approach them, they would squeal as if an artist approach them." He scoffed.

Agree naman ako sa kanya. Ako rin naman. Bumabase ako sa panlabas na anyo. Syempre, kapag patok ang panglabas, pwede mo pa siyang pakisamahan and you will know the true colors of him.

Kapag ikaw ba ay pumipili ng pagkain, pipiliin mo ang pagkaing hindi presentable? Admit it. Boys and girls, specifically human, base the choices on looks. Don't be hypocrite.

"Anyways, bakit mag-isa ka lang ngayon? Nasa'n 'yung dalawa?" I asked as I put my bag on the table. We're on the canteen as of now since I am early for my class. Gan'on lang naman ang ginagawa ko kapag maaga akong dumadating sa school.

"I don't know. Maybe they are late. This isn't the first time, anyways." He casually said. He's right. Minsan talaga, mas nauuna kaming pumasok sa dalawang 'yun. "Have you eaten breakfast?"

"Uh...a little bit?" Hindi siguradong sagot ko. Hindi ko naman kasi masyadong dinadamihan kumain kapag umaga. Feeling ko kasi, bibigat t'yan ko buong araw.

"Tsk. You should eat more breakfast. It will boost your mood and will give you more energy for a day." He said and stood up.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"I'm going to buy our breakfast?" Nakataas ang kilay na tanong niya, sarkastiko.

"Our? Hindi ka rin kumain? Hah! Tapos sasabihan mo ako na kumain." I rolled my eyes on him.

"Wow! Nagtataray na si Xia." Anas niya saka ako iniwan.

Nilabas ko na lang ang notepad ko kung saan nakasulat ang mga exams or test ko sa isang araw. Titignan ko lang kung meron ba para makapag-review.

MATH???!!!

Napakamot ako sa kilay ko. Inayos ko pa ang pagkakalagay ng reading glass ko. Wala pa man ay nai-stress na ako.

"What's the matter?" Blake asked when he saw my face.

"Wala. May test lang kami sa math. Mahirap na pa naman ang topic namin." Pagrereklamo ko.

Kinuha niya naman ang notebook ko at binasa ang nakalagay. Nakakunot din ang noo niya na animong iniintindi kung paanong kukunin.

"Ahh. Ganito lang 'yun oh..." Tinabihan niya ako at tinuro sa akin ang mas madaling way para makuha. Agad kong nalanghap ang mabangong amoy niya. Hindi ata siya nagpapabango since sabon at shampoo lang ang naamoy ko. "Are you listening?"

"Oo naman." It sounded defensive! He chuckled at my sudden reaction.

"Yeah? How did I get this?" Tinuro niya pa kung alin.

"Add this to this tapos kapag nakuha mo na, i-minus mo 'to then divide by 10, multiply by 12." Mayabang na saad ko. He really think I didn't listen, huh.

"Wrong. You are not going to subtract anything." Nakangising ani niya. Napamaang naman ako at tiningnan 'yun.

"H-Hindi ba?" I stuttered.

"You won't get the accurate answer if you subtract that number to this." He said, looking at me intently.

And as I looked into his eyes, I feel my heart begins to beat abnormally. My heart beats fast as I stare at his hazel brown eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top