CHAPTER EIGHTEEN
"Kwento mo sa November Scorpio na mataas ang pride."
It's another day with my friends here in the canteen. Lola and Fiona, as usual, chatting non sense topic. Sila lang naman ang nakakaintindi. Tatlo lang kaming nasa lamesa kasi 'yung tatlong lalaki, may binili pa sa labas ng school.
"Kwento mo sa kaklase mong tumatawa habang nagdadasal." Sagot naman ni Lola. Inismiran siya ni Fiona na halatang tinamaan sa sinabi ni Lola.
"Pa'nong hindi matatawa? Let's close our heads and bow our eyes? Sige nga, paki-explain kung sinong hindi matatawa. Alam niyo naman na sobrang babaw ng hahaness ko." She flipped her hair again. "Kwento mo kay Xia na nerd. Ay charot. Charot lang." Nagpeace sign pa ito sa akin.
"Nakita niyo na naman ako." I said. They just chuckled at my reaction. Ang tagal naman ng tatlo na 'yun. "Kwento mo kay Lola na ano..." I smirked at her making her roll her eyes.
"Kwento mo kay Xia na nagselos sa pinsan."
"Wow, personalan! Ang galing. Sige pa." Mukhang enjoy na enjoy si Fiona nagaganap.
Grabe naman si Lola. Kapag ito tinarget ko din, iiyak 'to.
"Malay ko bang magpinsan 'yun! Hindi ko naman alam 'no." Saad ko at dumukdok. I hate Blake! Pasan ko tuloy 'yung hiya ngayon dahil sa pagseselos sa kanila ni Vina.
"Wow, sana all nagpapractice magparada, di'ba?" Napatingin ako sa tinitingnan ni Fiona na nagpapractice daw magparada. Nakita ko ang tatlo na mukhang enjoy na enjoy sa paglalakad dahil nagtatawanan pa ito. Pinakamalakas nga lang tumawa si Reese which is no new. "Akala ko magpapaabot pa kayo ng time 'dun eh."
"Ano ba kasing binili niyo sa labas?" Si Lola habang nakapangulambaba. Siniko naman ni Reese 'yung kamay niya, pinapahiwatig na 'wag mangalumbaba.
"Fishball, kikiam, kwek-kwek saka ano ba 'to? Basta mga pagkain na hindi binebenta sa canteen." Napatingin ako sa katabi ko na noon ay naglalabas na rin ng pinamili niya. Recess pa lang naman kaya okay lang na kumain ng mga ganoon.
"Ano 'to?" Kinuha ko ang nakaplastic na pagkain na binili niya. "Cotton candy?" Napatingin naman siya sa akin, nagtatanong ang mata kung anong mali. I just shrugged and bring it back to him.
"No. Para sa'yo 'yan. That cost five pesos only so I grabbed it. Look, it's so fluffy." He said. I scratched my forehead with what he said.
"Hindi mo ako binilhan ng cotton candy? Hindi mo na siguro ako love." Napatingin ako kay Fiona na naka-cross arm at nakaharap kay Harry. May hinalungkat naman ang lalaki sa loob at inilabas ang cup ng ice cream.
Nagsimula na lang kaming kumain. Kelangan ko pang magmadali kasi may group activity kaming tatapusin dahil may reporting kami pagkatapos ng recess. Buti na lang at medyo mabilis din silang kumain pero hindi pa rin mawawala ang daldalan ni Lola, Reese at Fiona na pinaka-active sa lahat.
"Ulol. Kwento mo sa akin na magtatapos na ng highschool na hindi man lang naranasang makorner sa locker." Fiona said and followed by Lola and Reese's laugh. Halatang naiirita na si Harry sa pinaggagawa ni Fiona na pagkakalat ng pagkain pero wala siyang magawa kundi linisin ito.
"Ikwento mo na lang sa akin na tatapak ng senior high ng hindi man lang naranasang pag-aagawan ng dalawang campus crush." At syempre, hindi pwedeng walang i-ambag si Lola sa usapan. "Risa, paabot nga 'nung panyo ko sa bag."
"Pangit ka kasi." Pang-aasar ni Fiona.
"Wow, ganda mo naman."
"Ako lang 'to, ene ke be."
Natapos ang breaktime namin na napuno lang ng asaran. Kinailangan kong maunang umalis sa kanila dahil baka naghihintay na ang mga kagrupo ko sa akin. And I am right. Pagkapasok ko sa loob, naghihintay nga sila sa akin.
"Sorry, uh...ano ngang gagawin?" Tanong ko dahil nakalimutan ko ang topic ng report.
"Motions na tayo di'ba? So 'dun na tayo magrereport sa two dimensions of motion which is the vertical at ang horizontal dimension. Kasama ba 'yung trajectory?"
"Ah, oo. Naalala ko na. Kasama nga ang trajectory." Sagot ko at naupo na. Tumabi naman sa akin ang magsusulat sa manila paper kasama 'yung illustrator.
"Wait lang. Nalilito kasi ako sa vertical at horizontal eh. Pa'no ba kasi madidistinguish kung alin ang vertical at horizontal." Halatang nalilito nga ang magrereport ng presentation namin.
"Uh...hatiin mo ang first letter ng vertical and horizontal. Paano mo ba hahatiin ang 'V'? Patayo di'ba? So patayo ang vertical. Ang 'H' naman sa horizontal ay palihis so palihis din ang H or pahiga. Gets mo na?" Paliwanag ko. Tumango naman ito at sinimulan ko ng banggitin ang mga dapat isulat sa manila paper.
Buti na lang nang dumating ang teacher namin ay tapos na kami. Nagkaroon pa ng bunutan kung sino ang unang magrereport. Pangatlo kami sa apat na magrereport. Gusto kong mauna na lang kami para hindi na nakakahiya, though hindi naman ako ang magrereport. Ako lang ang sasagot sa mga itatanong ng kaklase ko.
When it's already our turn, nagsitayuan na ang mga inatasan ko sa reporting. Napatampal ako ng noo dahil ang dami nila sa harap.
"Sana lahat ng manila paper mabigat di'ba?"
"Anong brand ng manila paper niyo at kelangan pang madami ang humawak?"
"Good Morning guys so this the report that me and my group with our leader, Xia, prepared." The main reporter started. Wala naman ng nag-ingay nang magsimula silang magreport. They're all listening to what my group mates are saying because our teacher said that after this, we will having a short test.
The presentation went well and nang tinanong nila kung may katagdagang katanungan pa ba, wala ng nagtaas ng kamay so the teacher just tell them to take a sit. Ganon din naman ang nangyari sa last group na nagreport. Katulad nga ng sinabi niya, nagbigay siya ng ten-item quiz ngunit sa kasamaang palad, hindi lahat nakakuha ng mataas. Sure, marami ang nakakuha ng 8-10 pero marami din ang below 'dun which is okay lang naman sa kanila. Better 1 than zero nga daw eh.
"Bubu, talaga 'nung kinopyahan ko eh. Tanga magsagot. Buti na lang mas mataas pa ako sa kanya. Salamat na lang talaga sa lahat." So, apat na lang kami sa isang table ngayon dahil 'dun naman sumama si Fiona kina Hershey na nasa malayong table sa amin.
"Sabi ko naman kasi sa'yo, sa akin ka na komopya. Tingnan mo ang nangyari." Pinagmayabang pa ni Reese na mas mataas siya ng two points kay Lola.
"Alam mo namang may trust issues ako sa mga sagot mo. Last time na komopya ako sa'yo, legwak lahat ng sagot." Lola said. Sumimsim pa ito sa inumin niya saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Atsaka, two points lang ang lamang, akala mo naman naka-perfect ka na."
"Sige. Sa susunod, tataasan ko na." Mayabang pa siyang tumango kay Lola na noon ay nagmake-face lang.
"Si Blake, hindi mo kakamustahin, Xia? Si Mr. Perfect!" Pumalakpak pa si Lola at narinig ko din ang palakpak ni Fiona mula sa kabilang table. Mukha silang tanga ni Lola, sa totoo lang. "Lakas talaga ng power ng tenga mo 'no?"
"Sorry, ganda lang." Fiona shouted before waving her hand at me. Tumango lang ako sa kanya.
"Congrats." I said to him. He scratched his ears, getting shy now. I smiled and bring my attention back in my food.
"Next time, kay Blake na lang ako kokopya. Hindi na 'dun sa lalaki na 'yun, kakainis. At hindi na rin sa'yo, Reese. Pareho kayong nakakainis." She hissed.
"Okay. Ikaw na nga lang ang pakokopyahin, aarte ka pa." Lola mocked his words then starts eating again.
Tahimik lang kami sa table namin pero hindi 'yung tahimik na awkward. Pagkatapos namin kumain, naglaro pa si Reese at Blake ng mobile games. ML daw ba 'yun? Ewan ko pero ang ingay nila habang naglalaro.
"Hoy, Blake, asan ka na? Gagi, tulungan mo ako dito, uy!"
"Wait...wait...wait...hi, baby minions-----ahhh! Fuck!" Napatingin ako kay Blake nang sumigaw ito. Parang tanga lang. "Nasa base ulit ako, Reese. Where the fuck are you, really?"
"Has been slain."
"Your team destroyed the torrent."
"Pangalawang tore. Gagu, tanga mag-SS oh, tanginang kabobohan 'yan, hindi pa mamatay." Mabibilis kumilos ang daliri nila at hindi ko masundan. Kahit nga manood ay hindi ko kaya kasi sobrang sakit sa mata ng graphics.
"Ay, bobo, Reese, nandyan na 'yung pusa, ano ka ba naman." Si Lola na natetense na akala mo naman ay kasama sa paglalaro. "Ay, shutanginang 'yan, alam nang maga-SS, nagsugod pa. Sige, enjoy-in mo 'yung tsokolateng ibibigay sa'yo mamaya. Wala kang ganap sa laro."
"Defeat."
"Argh!!"
"Sabi na nga ba eh. Kahit kelan talaga, Reese. Pabuhat ka."
Blake sighed as if he lost a big, big prize. I laughed at him. Narinig ko 'yun. Defeat daw. Kahit naman hindi ko naiintindihan 'yung laro, alam ko naman ibigsabihin kapag defeat.
"Bobo 'nung kakampi." Like me, Lola is laughing at Reese's loss.
"Defeat ka na nga, hindi ka man lang nasama sa valuable player. Ano 'yang nakuha mo? Kahoy?" Tumawa na naman si Lola. Tiningnan ko naman kung anong nakuha ni Blake. Gold.
Wow, gold, galing 'nun!
Blake rested on my shoulder. Niyaya niya pa ng one game si Reese pero hindi na ako pumayag. Tama na 'yung one game, ang ingay-ingay nila eh.
"But----,"
"Mm. Bawal na nga, eh. Lagi naman kayong talo." Sumimangot lang ito sa akin saka ibinagsak ang cellphone sa lamesa.
"Ayan, galit na si Misis. Iyak ka na lang." Pang-aasar ni Reese kay Blake na n'un ay tinaasan lang siya ng gitna ng daliri. "Kita mo 'yun, Xia? Bastos 'yan eh."
We just spent the remaining time with random conversation. Mabuti na lang at hindi na siya nag-insist maglaro. Mamayang gabi na siya maglaro, ang ingay nila eh. At nang magtime na, nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na. Baka kasi mauna 'yung teacher namin dumating kesa sa akin. Ang aga pa naman 'nun lagi tapos 'yung mga nalate ng limang minuto pataas, pagrerecite-in niya ng formulas. Geez!
"How's school, Xia?" Nagulat na naman ako nang si Mom ang sumundo sa akin. Kinabahan ako na baka nakita niya kami ni Blake na magkasama. Wala naman kaming ginagawang masama pero baka isipin ni Mama na distraction lang 'yun sa pag-aaral ko. "Is that Blake who's with you kanina?"
"O-Opo..." Pagkasakay ko ng backseat, sinuot ko na ang seat belt ko. Tumango naman ito at hindi na nagsalita. "Bibili ba ulit tayo ng vitamins ni Ben, Ma?" I tried to divert the topic.
"Ah, yes. He's out of stock, again." Tumango na lang ako kasi wala na rin naman akong sasabihin pa. "Xia..."
"Y-Yes?" Mas lalo akong kinabahan dahil sa seryosong boses ni Mama.
"I want to know him more." Naguluhan ako sa sinabi ni Mama. What does she mean 'know him more'? Who? "That guy, Blake. I want to know him more so invite him in our house."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top