CHAPTER EIGHT

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Pumasok sa loob ng clinic si Blake bitbit ang pagkain binili niya sa canteen. Hindi ko pa daw kasi pwedeng inumin hangga't hindi ako kumakain. Sinabi kong nakakain na ako sa bahay pero pinilit ni Blake na kumain ako para sure. He, being caring is so annoying. He won't listen to you and decide for what he think is good.

"Medyo." Tipid kong ani. Bumangon ako at umupo, nilaylay ang paa sa higaan.

"The teacher informed your parents that you are sick. You need to go home. Your driver will soon arrived." He said. As much as I want to stay, I am shy to bother anyone.

"Yeah. 'Dun na lang ako sa bahay. Bukas na lang ako papasok. Magbibigay na lang ako ng excuse letter. You can attend your class now." I said.

"I don't wanna. That class will kill me. So boring." He said as he get his own chair. "Eat that so you can drink your medicine."

Inilingan ko na lamang ito at kinain ang binili niyang pagkain. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain.

Gusto niya rin ba?

"Gusto mo?" Para naman siyang nagising sa isang malalim na pag-iisip nang magsalita ako. "Kanina ka pa tumutulala d'yan." Tumawa pa ako.

"Wala. May...may iniisip lang." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. In fairness, it tastes good. I just don't know the dish but hell, it taste good.

"Si Vina?" Tanong ko. Napaangat naman ang tingin niya sa akin saka mahinang tumawa. "Gusto mo ipaglapit ko ulit kayo?"

"Hmm?"

"Duh! Ako na bahala." Saad ko. Ako nahihirapan sa kanya eh. Minsan lang pa naman magkaroon ng happy crush. I wonder how would he act if he had a girlfriend. Napangisi ako sa naiiisip kong itsura niya.

"I doubt that smirk on your face. It makes me nervous. What are you thinking?"

"Nothing. Just some stupid stuffs of mine." Pagpapalusot ko.

"Care to share?" Pagpipilit niya pa.

"No, of of course. Sino namang tanga ang magsasabi ng katangahan niya? Definitely not me." Saad ko.

"I never know you were this loud." Natatawang saad niya kaya napatigil ako. Bakit nga ba ang ingay ko?

"Sinong hindi iingay kapag ikaw ang kasama? Pambubuwiset mo pa lang, solve na."

And kagaya nga ng sinabi ko, patuloy pa rin siya sa pangungulit. Sinasabayan ko na lang ang energy niya kahit medyo naninibago ako sa sarili ko na maingay. Nagsasalita at nakikipag-usap ako pero hindi ako dumating sa point na makikipagsigawan ako gaya ng ginagawa ko ngayon.

"Umalis ka na nga lang dito. Ginugulo mo lang ako, eh." Reklamo ko sa kanya.

"Ayoko nga. Mas nag-eenjoy ako dito kesa sa lecture ng teacher. I like pestering you so bear with it." Tinawanan niya pa ako.

"Xia, nand'yan na ang sundo mo." Sabay kaming napatingin sa nurse nang pumasok ito. Tumango na lang ako sa kanya. Sabay pa kaming tumayo ni Blake.

"Hatid na kita. Baka mahimatay ka pa d'yan sa daan. Come on." Kinuha niya na ang gamit ko at siya na ang nagbitbit. Hindi na lang ako umalma dahil mauubos lang ang lakas ko sa pakikipaglaban sa kanya. If you can't fight him, let him suffer.

Sinabayan ko siya maglakad. Lahat ng madadaanan naming classroom, tumitingin ang mga estudyante sa amin. Marahil naiinggit ang iba kasi maaga akong pinauwi.

Pagkarating namin sa sasakyan na naghihintay lang sa gate, nagpaalam na ako kay Blake.

"Salamat." Saad ko sa kanya.

"Take care. Hope you feel better soon. I'm looking forward to see you again in the canteen." He smiled at me.

"Para namang ooperahin ako sa sinasabi mo." Tumawa pa ako na nakapagpasimangot sa kanya. "Sige na. Attend your class."

"Yes, mom." Inirapan ko na lang siya sa naging sagot niya na ikinatawa niya naman. "Manong, please be sure to be careful on driving her home. And... don't open the air conditioner." He reminded my driver.

"Manong knows." I reminded him too, in a sarcastic way.

"I know." He replied. "Go, manong. And please, Xia, rest and drink your meds."

"Yeah, yeah, whatever." I told the driver to drive me home. I watched him from side mirror, waving his hand on me. I lips curved into smile as I dozed to sleep.

I open my eyes as I felt the car halted. I look outside, the sun is dazzling. Bumaba ako ng sasakyan at sumalubong sa akin ang nakakapasong init ng araw. Ganon talaga siguro kapag may lagnat ka. Nanghihina ang protective barrier ng skin mo kaya mabilis ka lang mapaso ng araw.

"Ako na, Manong." I said and tried to get the umbrella on him but he didn't let me. The maids welcomed me and help me carry my things. Sinabi kong ako na lang but they insisted. Baka raw kasi mapagalitan sila kapag nakita sila na pinababayaan ako. Hindi na lang ako umangal since trabaho na nga naman nila ang pinag-uusapan. Baka masisante pa sila dahil akala ng mga magulang ko, pinababayaan ako.

"Nasaan po sila Mama?" I asked as I entered the house.

"Ah, mayamaya pa sila uuwi, ija." She hesitated at first but she knows that there is no sense of lying. "Uuwi rin naman sila mamaya." Bawi niya agad. I avoided her gazed when a hint of pity crosses it. I don't hate when someone pity me. I just don't get why they did pity me. Hindi naman ako ulila. Pero hindi ko rin maramdamang may magulang ako.

Nagpaalam lang ako na aakyat na. Sinabi nilang hahatidan na lang nila ako ng pagkain at gamot mamaya na sinagot ko lang ng tango. If I just know that they will not be here, I could have just stay at the clinic. Buti pa 'dun, may nurse na mag-aalaga. At nandon din siya para tingnan-tingnan ako. 'Cause I feel sick here, not literally even though I literally feel sick. Pwede pala 'yun noh? Na mawalan ka ng gana sa sarili mong bahay. This house doesn't feel home anymore.

I had the urge to sleep and rest for the lifetime when I saw the bed. I tiredly lay my self to the comforting bed and let the tiredness swallow my human body. I dozed to sleep without changing my outfit.

Nang makarinig ng katok, nagising ako. Napatingin ako sa bintana at nakitang hapon pa rin. Ilang minuto pa lang akong nakakatulog. Kahit na medyo nainis, pinilit ko pa ring kausapin ng maayos 'yung kumatok.

"Sino 'yan? Bukas 'yang pinto." I give my energy to shout kahit masakit sa lalamunan.

"Ija, kumain ka na muna bago magpahinga. Inumin mo na rin 'tong gamot para bumaba ang lagnat mo. Naghanda rin ako ng halamang gamot. Epektibo 'to." Tinanguan ko na lang si Manang nang ilapag niya ang pagkain sa kama.

Inamoy ko ang gamot niya at agad ko naman 'yung pinagsisihan. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Manang. Amoy pa lang, masasabi mo na agad na hindi maganda ang lasa. Nagpaalam si Manang na lalabas na at babalik na lang daw makalipas ang isang oras para kuhanin ang pinagkainan ko.

Nang makalabas siya ay kinain ko na lang ang hinanda niya. Hindi ko alam kung paano akong biglang nilagnat eh nakakain naman ako kagabi. Hindi rin naman ako naulanan. Basta na lang nagkaroon. Pagkatapos kong kumain, ininom ko na agad 'yung gamot ko. Tinabi ko muna 'yung halamang gamot at mamaya ko na lang siguro iinumin. Or pwede rin namang hindi na lang? No. Sabi ni Manang, effective daw at kelangan kong magpagaling kaya iinumin ko ito.

Nagpalit naman agad ako ng sando at shorts dahil nasa bahay lang naman ako. Nabawasan na rin ang lamig na nararamdaman ko at medyo bumaba ang temperatura dahil nakainom na siguro ako ng gamot. Habang nakahiga ako ay muling pumasok si Manang para kunin ang pinagkainan ko. Nagpasalamat lang ako sa kanya at sinabihan niya akong magpahinga.

Nagising lang ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay na dumadampi sa balat ko. Malamig siya pero pakiramdam ko napapaso ako. Ang lamig-lamig ng pakiramdam ko at the same time, mainit. Bahagya kong iminulat ang paningin ko at nakita ko siya habang pinupunasan ako. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Naramdaman niya ata na nagising ako kaya napatingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. Hinaplos niya ang buhok ko kaya napapikit ulit ako.

"Sleep more, dear. You need to be fine again. Let me take care of you..."

When I heard her voice, unconsciously, nakatulog na naman ako. How I wish I am not dreaming this time. Or if I am, please don't wake me up.

"Oh, gising ka na pala." I looked at the one who enter my room. Si Manang. Mukhang sinilip niya lang ako kasi wala naman siyang dala kahit ano maliban sa isang comforter na sa tingin ko ay lalabhan niya. "Gusto mo na bang kumain?"

"Nasaan po sila Mama?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi pa naman ako nagugutom. Well, slight.

"Ah, maaga silang umalis kasi may kelangan asikasuhin si Mama mo. Si Papa mo naman, nasa Plaza kasi may event ata." Tumango na lang ako at sinabing bababa na lang para kumain. Halata sa itsura niya na gusto niyang umangal pero wala siyang nagawa nang umalis ako sa kama at kinuha ang salamin ko.

Huh?

Tinanggal ko ang salamin ko at pinunasan. Muli ko itong sinuot pero malabo talaga. Kinusot ko naman ang mata ko saka muling sinubukan pero ganon talaga. Hindi naman sobrang labo ng mata ko. Masakit lang talaga siya kapag may tinatanaw ako kaya kelangan may salamin. Eh, kaso?

Wala akong nagawa kundi i-dispose 'yun. Isang taon lang 'yun tapos may deperensiya agad? Naghanap na lang ako ng pwedeng ipalit. Naisip ko agad ang contact lense kaya naghanap agad ako ng pwedeng mapagbilhan. Sinigurado kong safe ang kukuhanin ko kaya sa isang expert sa mata ako nag-inquire. Sa isang Ophthalmologist para sigurado. Pero sa kalagitnaan ng pagpili ng magandang kalidad ng contact lense ay ang pagpasok ng pangamba sa isip ko. Paano kung hindi nila ako payagan?

Sandali akong napahinto sa pag-scroll at inisip ang magiging reaksiyon nila. Tama bang bumili ako nito kahit hindi ko sinasabi sa kanila?

Sa huli, mas pinili ko pa ring bumili.

I am me. I can buy what I want without thinking of their reaction. I am myself. Anyone can guide me but no one will decide for me. This time, it is my decision that matter.

-----------------------------------------------------------------------

A/N: Ang OA ni Xia sa huling line 'noh? Imagine? Bibili lang ng contact lense, nasama pa ang freedom? Pero sa mga tao out there na feeling nila is kontrolado sila, lagi niyong tatandaan na you are the master of your sea. Pero kapag alam niyo namang may pinupunto ang nagsasabi sa inyo, minsan, okay lang rin na magpaubaya sa iba. Huwag mo lang ipa-ubaya ng buo sa kanila na akala mo buhay nila. May sense pa ba ako? Pero 'yun nga. Learn to appreciate someone who cares for you and learn to segregate someone who control you. Half-charot. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top