THE NOMINEES FOR HUSBAND OF HANNIYAH NICOLE


Candidate #1: 

JOHNNY SUN DE LEON


"Tangina? Uso pa rin ba ang arranged marriage ngayon?!"

"Bibig mo, De Leon!"

Ay, nandito pala si Norah.

Tinignan ko naman si ninong, mukhang hindi talaga siya nagbibiro. "Paano po kung may girlfriend na ako?"

"Siyempre, kailangan mo na siyang hiwalayan ngayon," sumingit na 'tong si Meir sa usapan habang hawak na niya ang pang-vape niya na kulay pink. Hindi ko na alam kung gusto na ba niya maging babae o favorite color lang niya ang pink.

"Bakit ka ba sumisingit sa usapan, kuya?" Hayan na, nag-aaway na ang magkapatid na 'to! Fight!

"E, pinapunta niyo ako rito so sisingit talaga ako sa usapan."

"Hindi naman ikaw ang ikakasal, ah."

"Pero pinapunta niyo ako rito."

"Hindi naman ikaw ang kinkausap kaya manahimik ka. At huwag ka nga mag-vape rito! Nandito si sir Sewell, nagvavape ka!"

"May binubuga na ba akong usok, ha? Norah? Meron na ba? May nakikita ka na bang usok?!"

"Ano ba!"

"Ano ba!"

"Tumigil na kayong dalawa."

Sabay pa sila tumingin kay ninong nang sabihin niya iyon. Tumayo si Meir sa pinto at tinago naman niya ang vape.

"Huwag ka mag-vape rito, baka magalit ang may-ari ng bahay. Bawal din manigarilyo. Hindi ito sa atin, maliwanag ba?"

"Yes po, sir." Tinago naman sa bulsa niya ang pink na vape. Tsk, malapit na ata maging bading 'to. Tumingin pa siya sa'kin at nag-middle finger pa.

"E, paano 'yon? Hindi pa natin siya nakukuha."

Tinignan ko sina ninong at Norah, nakatingin pala si ninong sa'kin. "Nakapag-enroll ka na ba?"

"Ah, hindi pa po. Nakapag-shift na po ba siya? Pasensya na po, hindi ako nakatutok sa kanya nitong mga nakaraang araw. Busy po ako sa paghahanap ng magiging unit."

Promise, ang hirap maghanap ng unit sa area nila. Ilang araw ako naghintay na may magmo-move out sa unit na kinuha ko ngayon. Ang maganda pa roon, 'yon computer shop na babantayan ko, malapit pa sa bahay nila. 'Di ko naman kasi kailangan sumideline pero okay na rin, dagdag experience at allowance.

"You must know her schedule at kailangan magkaklase kayo sa ibang subject na ita-take niya ngayon," utos ni ninong sa'kin. Tumango na lang ako sa kanya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa iisang school lang silang lahat," sabi na lang ni Norah habang umiinom ng pineapple juice, "yare talaga tayo kapag nakatakas si Joyce."

"Hindi lang naman tayo ang nagbabantay sa kanya, Norah. Alam kong alam mo kung sinu-sino ang mga iyon."

Huminga na lang ako nang malalim matapos sabihin 'yon ni Meir. Kilalang-kilala namin, muntikan na namin mapatay ang mga 'yon noon. 

"Huwag mo na alalahanin iyon, inaanak," tumingin na lang ako kay ninong, "ang mahalaga, protektahan natin ang mga prinsesa."

STAFORBEL DERSHATIN. Hayan ang ipinangalan namin sa assignment na 'to. We prefer to this "assignment" kaysa "mission" dahil ang makakasama namin ay puro mga estudyante mula sa The Central Mind University. The name of our assignment came from the combination of their surnames. Mas okay na ganyan para hindi malaman ng iba namin kasama sa Yangency, baka pagtripan pa nila ang mga binabantayan namin, mga babae pa naman.

"Curious talaga ako sa may-ari ng bahay na 'to."

Tinignan ko si Norah, saka naman siya tumingin sa'kin. "Ipakilala mo naman siya sa'kin, oh."

"Huh?"

"Excited ka?"

"Manahimik ka, kuya!" sigaw nito saka ako tinignan ulit, "kaibiganin mo na agad. For sure, maiinlove naman 'yon sa'yo."

Tumingin na lang ako kay ninong, sana makuha niya na hindi ako interesado sa isang pilit na relasyon a.k.a. forced marriage.

"That's our job, Johnny—"

"Mag-arranged marriage, sir Sewell?"

"Tangina talaga neto ni kuya, e. Huwag ka nga sumingit sa usapan!" sigaw ng kapatid niya habang hawak ang monay na kaka-serve lang sa'min. Kumuha na rin ako, ang bango, eh.

"No, Meir. Our job is to protect the princesses. Sila ang pinaka-una nating assignment when Yangency is created, right?"

Tumango na lang ako sa sinabi ni ninong. Sa pagkaka-alam ko kasi, request ito ng dalawang pamilya sa grupo ni Zebastian after nila mahanap ang mga 'yon. Akala ko tatlo lang ang hinanap nila, nagulat na lang ako na naging anim sila.

At 'yon isa sa kanila, pinsan niya ang kriminal. Which is siya raw ang pakakasalan ko.

"So, bakit po may arranged marriage na magaganap, ninong?" tanong ko.

"I promised to your parents, remember?" Ayt, taena naman nila, oh! "Hindi raw kasi nila nagustuhan 'yon ex-girlfriend mo kaya gusto nila, ipa-arranged marriage ka. Isa raw sa mga prinsesa."

Taena, huwag na sila umuwi rito! Huwag sila magpapakita sa kasal ko, ah!

"Pwede naman sila mag-annulment, 'no?" tumingin ako kay Meir. Aba, willing tumulong ang gago.

Tumango na lang si ninong, "Oo, basta bigyan mo lang sila ng apo."

"Ha?"

"Tangina HAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Bwisit ka kuya! Ang lakas ng boses mo! Muntikan na matapon juice ko!"

"Sorry! Teka!" Gago, ang lakas tumawa ang hayup.

Tinignan ko na lang si ninong, sana naman nagbibiro lang siya. Bata pa ko sa mga ganyan, eh. May kinuha siya sa table at inabot sa'kin ang pulang folder.

"Nandito ang babantayan mo."


# # #


Inaasahan ko pa naman sa campus kami magkikita. Kaso hindi. Sa computer shop ko siya unang nakita at nakakahiya dahil ang iingay ng mga bata sa tapat ng PC namin ngayon. 

"Dapat doon ka sa likod pinaupo, e. Maiingayan ka talaga sa mga batang 'yan."

Tumingin siya sa'kin, alam kong nagsusulat siya sa Pen Pages at alam ko rin ang username niya roon. Nakasulat kasi 'yon sa bio-data na binigay ni ninong.

Isa siya sa palagi pumupunta rito sa computer shop, sabi ng tita ng kaibigan ko. Nakakagulat pa no'n, kaklase kami sa isang subject kaya lang. professor namin ang kapatid ng Fortoulalleza. Kung pwede lang talaga ilayo 'to sa mga 'yon, matagal na namin ginawa. Lalo na kapag nalaman nilang lahat ang totoo.

GInawa ko ang lahat para lang makadikit sa kanya, kahit 'yung mga bago niyang tropa. Nag-background check naman ako kaya alam kong safe ang mga kaibigan niya. Pero, lumalapit talaga ang mga peste pati 'yon professor. Hindi ko alam kung bantay din ba nila ang babaeng ito o natural lang na kausapin siya ng mga 'to dahil naging tropa naman sila. Lalo na 'yong Joseph na 'yon.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko nang makita ko ang peste.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" yabang naman nito, "hindi ka naman nakatira sa lugar na 'to."

Mali ka, dito ako nakatira!

"Hindi ka rin naman nakatira sa lugar na 'to kaya may karapatan ako magtanong," sabi ko sa kanya.

"Huwag na huwag mo siyang isasama sa plano ninyo."

Pasensya na, pare. Sa amin siya sasama.


# # #

"Tangina, ano sabi mo?"

"Gago naman neto, huwag mo ko murahin. Kakagaling ko lang simbahan."

Kinapa ko ang noo niya, pati na rin ang noo ko for comparison lang. "Jusko, wala ka naman lagnat. Bakit ka nagsimba?"

"Ano?"

"Demonyo ka, 'di ba? Buti hindi ka nasunog?"

Ngumisi na lang ang gago, "Tanga. Do'n ko nakilala ang karibal mo."

"Karibal ko? May susugod sa'kin?" Ako naman si gago, lumingon-lingon sa paligid. Hindi ko pa naman dala ang baril ko dahil galing ako sa school.

"May gusto umagaw sa bride-to-be mo."

Nang lumingon ako kay Meir, may hawak siya na bio-data. Hindi ko pa nakukuha sa kanya, nakilala ko na ang lalaking iyon. Salamat sa picture.

"May idea ka ba kung sino 'to?" tanong pa niya pagkatapos nagbuga ng vape sa kabilang side. Masusuntok ko talaga 'to kapag binuga niya sa harap ko ang usok!

"Bakit hindi mo alam, Meir? Dapat alam mo kung sino siya at ano'ng connection niya sa mapapangasawa ko."

Ngumisi na lang bigla ang gago, "Aba! Asawa mo na siya por que nakatira na kayo sa iisang bubong ngayon!"

"Bahay niya iyon, nakikitira lang kami ni ninong. At saka, bantay natin siya 'no." Tumango na lang si Meir.

Ano na ang gagawin ko? E, gustong-gusto ng magiging asawa ko ang lalaki na 'yon. 

"Pero pare, kilala na ba niya talaga 'yon? 'Yung totoong identity niya, ha?"

"Siguro? Kung sinabi mong karibal ko 'yon, ibig sabihin alam na niya ang lahat tungkol sa babae na 'yon."

"At wala rin idea ang magiging asawa mo sa kaganapan sa paligid niya, 'no?"

Tumango na lang ako. Sana naman huwag muna sabihin ni ninong sa kanya, baka mailang na siya sa'kin.

"Huwag ka mag-alala pare, sa'yo pa rin ako. Kaya nga sinundan ko siya mula sa school hanggang simbahan. Sakristan pala ang lalaki na 'yon."

Napatakip na lang ako sa balikat niya. "Maraming salamat pare sa sakripisyo na ginawa mo para sa'kin."

"Iaalay ko ang buhay ko, lalung-lalo na sa pagpasok ng simbahan. Kaya galingan mo, ha?"

"Pare! Maraming salamat talaga! Alam kong hindi kita makikita sa langit kapag namatay ako—"

"Tangina mo, ah!" Mabuti na lang nakalayo agad ako sa kanya, hindi ko agad napansin 'yung isang bote ng beer sa tabi niya.

Pumasok na ang panibagong semester, bibihira ko na siya makita. Nakakainis kasi na sched 'to, ako ang nag-adjust para iisa lang ang sched ng anim na prinsesa. Kapag naman may event ang school na 'to, kailangan nandoon ako. Hindi naman mahagip ng mata ko ang magiging asawa ko, pakiramdam ko kasi kumikilos na ang 'karibal' na 'yon.

"March?"

Nando'n siya, nasa likod ng 'karibal' na 'yon. Bakit ba naman kasi hindi niya suot ang salamin niya? Nakaka-iyak.

"L-lorimer. Ayos lang, kilala ko naman siya."

"Kilala ko rin 'yan, Marso." Taena, hinala pa niya ang prinsesa papunta sa kanya.

"Lorimer, aalis na kami ni March." Sayang naman ang pagtakas ko sa event kung hindi ko makukuha ang babae na 'yan.

"Manahimik ka, De Leon." Aba! Gusto ko 'yan, surname ko ang ginamit!

"Ikaw ang manahimik, Lorimer." Pinuntahan ko ang prinsesa para makuha ang kanan kamay niya. Kaya lang, pinigilan naman ni gago.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na hindi siya pwede sumama sa'yo." Ah, oo nga pala. Nagkasagutan kami sa call kagabi. I-d-dial ko na sana ang number niya na nakita ko sa bio-data kaya lang, siya ang unang tumawag. Huwag daw ako lalapit kay March dahil hindi magiging payapa ang buhay niya.

Ano'ng alam ba niya? Delikado na ang buhay ni March kaya kailangan ko siyang protektahan. Kung magiging asawa ko siya, wala na dapat ikabahala ang magiging asawa ko.

"March?"

Ohh, nandito pala ang dalawang prinsesa. Kaya lang, sina Axiela at Shaira pala ang mga 'to. Parehas silang nakatingin sa'ming tatlo. Sabay pa sila ngumisi habang may hawak sila na mga inumin.

"Sabi na, eh! May something, eh!" sigaw pa nilang dalawa.

Huminga na lang ako nang malalim, mukhang alam na ata nila ang identity ni March. Kawawa naman 'tong magiging asawa ko.


Huwag ka mag-alala, Marchie. Safe na safe ka sa akin, hinding-hindi kita pababayaan lalung-lalo na sa kanilang lima.



 ~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top