March Monarie Dosal
Sabi nga nila, masaya raw ang magbasa ng isang love story. Maaari kang matuwa sa mga character lalo na siguro kung happy ending.
Maaaring maiyak ka dahil sa dinami-dami na nangyari sa kanila, hindi pala sila magkakatuluyan.
Maaaring maranasan mo ang lungkot dahil nabura na siya sa kwento, pero naramdaman mo ang tuwa dahil naging masaya naman ang character na sinusubabayan mo.
Puwede naman maramdaman mo ang inis dahil sa mga ume-epal na characters. 'Yong mga feeling bida ba, gano'n. Bahala ka na kung antagonist ba ang iniisip mo o feeling antagonist. Oo, may gano'n.
Puwede mo rin maramdaman ang pagkabitin ng kwento na nabasa mo. Wala lang, gusto lang nila na magka-part 2 ang love story nila. Trip lang, epal ka?
Bakit ba sinasabi ko ang mga ito? Dahil lahat ng mga 'yan, naramdaman ko. Siyempre, adik ako sa libro. Love story ang genre, ganern.
At dahil naramdaman ko iyon, nainggit ako.
Para sa kaalaman ninyong lahat, isa akong writer sa isang e-book site. Fantasy at sci-fic ang pinaka-genre ko. Although, may isa akong horror story, medyo nahirapan ako pero keribells lang. Marami na rin ang nagbabasa, may mga nainis at natuwa sa mga libro ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga nagbabasa. Mahal na mahal ko sila. Hikhik.
May pangarap ako. Bukod sa maka-graduate ng college (dahil feeling ko malapit na ako mabulok sa lintek na paaralan na 'yan), gusto ko rin ma-published from e-book to physical book. At kung papalarin, sana, SANA, mai-produce ito as movie.
Writer or author po ako. Pero, nangangapa pa rin ako kung ano'ng genre ang pagtutuunan ko ng pansin. Kasama na roon ang. . .
R-O-M-A-N-C-E
May ginagawa na akong sci-fic story ngayon. Pero ang R-O-M-A-N-C-E ang hindi ko magawa ng story. Ni story description, hirap na hirap ako.
Dahil ba napaka-common?
Dahil ba madami na gumagawa ng R-O-M-A-N-C-E na story?
O dahil. . .
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakiramdam ang magmahal?
Napaka-lawak niya kasi, pero. . . .
Paano ba?
= = = = = = = = = = = = =
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
SUPPORT NAMAN DIYAN PARA KAY MARSO ^^
VOTE - LEAVE YOUR THOUGHTS IN THE COMMENT SECTION - FOLLOW NIYO DIN AKOOOOOO~
TENKSYUUUU!
HOW TO WRITE A LOVE STORY?
by
kleriita
<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top