HOW? 9


"Uhh..."


"That's it po, ma'am."


Nakakahiya talaga 'tong si Castro.


"Okay, you may sit down na." Agad naman nagtungo rito sina Nana at Casrtro. Mabuti na lang hindi siya late. Pero, wala rin naman nasabi no'ng nag-report na sila.


"Ano'ng ginawa mo?" tanong lang ni Nana kay Casrtro nang maka-upo siya sa tabi ko.

"Sinagot ko lang naman 'yon tanong ni ma'am, e."

"Ang pangit ng sinagot mo."

"Maganda 'yon sinagot ko 'no."

"Maganda para sa grade 1." Sumingit na ako sa usapan nila. Hindi naman mababa magbigay ng grade ang prof namin. Kaya lang, nakakahiya lang. Pero, mukhang wala lang naman sa mga kaklase namin. Lalo na 'yon mga kaibigan niya dahil tawa lang sila nang tawa.

"Broken 'yan kaya lutang kanina," sabi ng isa naming kaklase na... kaibigan ata ni Castro. Hindi ko alam kung ano'ng surname niya.

"Gago, hindi ako broken."

Ngumisi na lang si kuya. "Hindi raw pero umiiyak ka kanina bago pumasok."


Napatingin bigla sa akin si Nana, mukhang gulat na gulat.


"Umiiyak pala si Castro?"

"Aba malay ko. Hindi naman kami close niyan," mahinang tugon ko. May nagsasalita na kasi at saka, baka marinig pa niya.

Tumingin ulit ako kay Castro, nakikinig na pala siya sa harapan. Mukhang hindi naman siya umiyak kanina, e.


Or, baka umiyak talaga siya?


Nang matapos na ang presentation, 'yon last group ang may pinaka-mataas na grade. Maganda naman kasi ang pagkaka-drawing at intepretation nila, lalo na kung mga Accountancy students ang gumawa, e-effortan talaga nila 'yan.


Nang matapos na ang klase, hindi ko maiwasan tignan si Castro na nagliligpit ng mga notebook niya. Hindi naman kami close na close pero, mukha nga siyang malungkot.


"Hoy."

Tumingin siya agad sa akin. "Bakit?"

Hinanap ko muna ang mga tropa niya, baka asarin kami. Buti wala na sila.

"Ayos ka lang?"

"Oo naman." Slight lang siya ngumiti tapos umalis na siya agad.


Hindi nga siya okay.


Or mali ako?


"Ate March."


Grabehan na talaga, ilang 'ate March' na ba ang narinig ko mula lunes? Wednesday pa naman ngayon.


"Ano 'yon?" Teka, sino ba ang tumatawag sa'kin?

"Nandito kami, ate."

Nalingon naman ako sa pinto, nandoon sina Ferlina at Nana, nakasilip.

"Kain tayo, ate."

Kinuha ko muna ang bag ko saka ko sila pinuntahan. "May klase pa ko ngayon."

"Kay ma'am Miri?"

Kumunot agad ang noo ko. Baka kasi ibang ma'am Miri ang tinatanong niya. "Mirikit Passca?"

"Ah!" sigaw ni Nana, "one month absent 'no? Dahil nasa ospital?"

"Oo. Pa'no niyo nalaman? Naging prof niyo ba?"

Bigla na lang ako hinila ni Ferlina sa kaliwang braso. "Hindi naman nasa ospital 'yon. Nagbabakasyon siya sa Dubai kasama family niya."


Ha?!


"Ano'ng nagbabakasyon? May mga klase 'yon, ah."

Ngumisi na lang Ferlina habang pababa kami. "Inamin naman sa amin ni ma'am 'yan no'ng naging prof namin siya. Sabi niya, huwag daw namin sabihin kay ma'am Blessi at sa Dean."

"Kaya, hayan din ang sasabihin niya sa inyo kapag nagpakita na sa inyo si ma'am Miri," sabi pa ni Nana.

"So, saan niyo ko dadalhin ngayon?" tanong ko.

"Sa labas, kakain ng late breakfast," sagot ni Ferlina nang makababa na kami at lumabas ng building na 'to.


Wala naman gaanong tao sa plaza dahil maaga pa naman. Napunta kami sa isang kainan na sisig lang ang binebenta.


"Mula no'ng nag-aral ako rito, dito na ako palagi kumakain," sabi ni Nana nang maka-upo na kami.

"Ako rin. Lalo na 'pag after ng Arts natin, hindi na ako umuuwi para kumain," sabi pa ni Ferlina na umupo sa tapat ko. 

"Sabi ni Lychee, malapit lang dito 'yon bahay mo."

"Oo. Malapit nga lang. As in, dalawang street lang ang pagitan," sabi niya tapos tinuro pa niya ang labas. As if naman na makikita ko.

"Ah. E, ikaw ate March?"

Tumingin ako kay Nana na nasa tabi ko. "Bakit?"

"Crush mo si Castro?"

"Ha?!"

"Ayyiee!"


Gagi talaga ang mga 'to.


"Wala ako gusto sa kanya," sabi ko. Yuck, ako magkakagusto?

"Pero, kita namin na concern ka."

Tumingin ako kay Ferlina.

"Oo nga ate. Concern ka kay Castro about sa love life niya."

"Hindi ako concern, chismosa lang ako."

Hindi na sila nagsalita dahil ngumisi sila sa akin.

"Naku, ate. Kaka-chismis mo sa kanya, baka ma-inlove ka sa kanya, ah."

"Yuck."

"Ano'ng 'yuck'?"

Tumingin ako kay Nana. "Hindi ko naman papatulan 'yon."


Dahil may kuya L na akong hinahabol, hihi.


Mukhang naniniwala na sa akin ang mga 'to. Sakto naman na nailapag na sa harapan namin ang sisig. Chicken sisig sa akin tapos pork sisig sa kanila.


Masaya akong nakikinig sa kanila kahit na wala ako maintindihan. Lalo na kay Nana na kinikilig dahil nagkukwento about sa love life niya. Minsan lang ako ningiti, minsan hindi. Minsan ngumunguya na lang ako or tumatango sa kanila.


"Ay talaga?" tanong pa ni Ferlina habang pinapalo na ang lamesa rito.

"Oo, babes! Grabe! Lalo na no'ng first time namin na mag-holding hands na parang ganito..."

Bigla na lang niya kinuha ang kanan kamay ko at tinaas niya, sinigurado na makikita 'yan ni Ferlina.

Dahan-dahan niyang nilapit sa mukha niya ang kamay ko at... 


Fucha, bigla na lang niya hinalikan. 'Yon smack lang. Akala ko magmamano siya.


"Gano'n babes ang ginawa niya, aaayyyy!" sigaw na lang ni Nana habang tumitili na 'tong si Ferlina.

Bigla siya tumigil nang tumingin sa akin. "Hindi ka ba kinikilig, ate March?"

"Ah, kinikilig naman ako." Napilitan pa kong ngumiti, pero sana hindi nila isipin na nakikipag-plastikan ako sa mga 'to.


Pero, sa totoo lang, hindi naman talaga ako kinikilig.


"May boyfriend ka ba, ate?" tanong bigla ni Ferlina kaya tumingin ako sa kanya.

"Wala, ah."

"Si Castro raw magiging boyfriend niya."

"Yuck!" napatingin ako kay Nana, hawak pa rin niya ang kamay ko, "kadiri ka talaga, Nana."

"Ano'ng kadiri?" ngumisi pa siya sa akin, "bagay kaya kayo."

"Grabe naman maka-kadiri si ate March," sabi pa ni Ferlina.

"Sa'n banda?"

"Sssh, h'wag kayo maingay. Nandiyan siya."



Bigla na lang siya nagturo kaya napatingin kami ni Nana sa labas. Una kong nakita ay isang babae na suot ang school uniform ng pang-senior high school. Sumunod naman si Castro na pumasok.

Uupo na sana ang babae pero pinigilan naman ni Castro ang paghila niya sa upuan.

"What?!"

"Mag-usap nga tayo."

"Wala na tayo dapat pag-usapan, Juanito. I already told you, hindi ako nag-cheat sa atin."

"Ano'ng hindi ikaw nag-cheat? Sino 'yon lalaki na kasama mo kahapon sa bar na 'yon?"

"A friend of mine."

"Friend nakikipag-torrid kiss sa likod ng pinto ng bar na 'yon?"

"Hah! Hindi ako nakipag-torrid kiss sa lalaki na 'yon! At ano ba ang pake mo kung may kahalikan ako, e wala naman tayo."

"Sino naman nagsabi sa'yo?"


Hindi na nagsalita ang babae matapos tanungin 'yon ni Castro kaya, lumabas na lang siya.


Napatingin na lang ako sa dalawang 'to. "Kaya ayoko pa magka-boyfriend, e."

"Dahil ba sa kanila?" tanong ni Nana.

"Hindi. Ayoko mapahiya sa lahat ng tao kapag mag-aaway kami," nagsalin na lang ako ng tubig sa mga baso namin.

Tuloy na sila sa kwentuhan about sa nakita namin kanina. Habang inuubos ko ang laman ng baso ko, napatingin ako kay Castro na nasa likod lang ng kinauupuan namin ni Nana. Nakayuko.


"May klase ka pa, ate?"

Tumingin ako kay Ferlina. "Ah, vacant ko na talaga after ng class ko kay ma'am Miri."

"Ah, may klase na kasi kami."

"Wala kaming vacant, ate," sabi pa ni Nana.

"Aah. Okay lang 'yan, pumasok na kayo."

Napatayo na lang kaming tatlo. "Sa'n ka na niyan ate?" tanong ni Ferlina.

"Sa library. Matutulog lang."

"Ah okay. Sige, ate. Tatakbo na kami," sabi ni Nana.

"See you tomorrow, ate!" sigaw pa ni Ferlina saka na sila tumakbo papalabas ng karinderya.


Tumayo na rin ako at sinuot ang backpack. Kaso, napatingin ulit ako kay Castro na naka-yuko pa rin.


Hay.


"Hoy." Tinapik ko ang balikat at ulo niya. Buti napa-angat siya nang tingin sa akin.

"Hala, umiiyak ka pala," sabi ko. Magang-maga na 'yon mata.

"Problema mo?" tanong niya.

Nakatingin lang siya sa akin. Maya-maya, yumuko siya. "Wala."

"Ano'ng wala? Kumain ka na ba?"

"Wala akong gana."


Ay, wait. May ensaymanda pala ako.


Hinalungkat ko na agad ang bag ko, buti pagbukas ko ng bag, kita ko na ang ensaymanda. Kinuha ko naman 'yon at nilapag sa kanya.


"Kumain ka nga."

"Ng ano?"

"Hayan, o! Nasa gilid mo na." Tumingin naman siya sa kaliwa niya, bigla siya napa-ayos nang upo at kinuha ang ensaymanda.

"Buti hindi na napapalayas dito. Hindi ka naman kakain, e."

Binuksan muna niya ang balot ng ensaymanda bago siya magsalita. "Wala pa 'yon may-ari kaya pwede ako matulog dito."

"Kuya, paparating na raw si ate!"

Nang isigaw 'yon ng batang lalaki mula sa kusina, bigla niya kinuha ang backpack niyang itim at hinila ako papalabas ng karinderya.

"O, ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa kasi ako nagbabayad ng utang diyan," aniya.

"Ha?! Baliw ka!"

Lumingon lang siya sa akin saka siya tumango at ngumisi. Dahan-dahan na siya tumigil sa pagtakbo at naglakad na kami. Pero, hindi pa rin niya binibitawan ang kanan kamay ko. Dahil ang isang kamay niya, hawak ang ensaymanda na kinakain niya ngayon.

"Saan tayo tatambay?" tanong niya.


Tayo? Meaning, kami?


Luh.


"Ako, sa library ako tatambay." Please lang, ayoko ng may kasama ngayon.

"Ah, sige. Ubos ko naman 'to kapag pumasok na tayo, e."


Ha? Sasama pa 'to?! Ayokoooooo!


Tinapon na niya ang plastic sa trash bin nang makapasok na kami sa loob. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.


Sabi nila, chismosa raw ang mga writer. Ma-testing nga.


"Hoy, ano'ng eksena niyo ng babae kanina?"

"Tsk. Hayaan mo na 'yon.

"Dali na! Ku-kwento ka lang naman, e."

"Hayaan mo na kasi," parang malapit na mairita 'to.

"Curious lang kasi—"

"Tangina kasi ng babae na 'yon," hayan na!

"Naka-ilan tawag at chat na ako sa kanya, walang sagot. Monday pa siya ganyan, e. Hindi ko naman alam kung ano'ng problema niya. Nakita ko lang sa IG story ng kaibigan niya kagabi, kasama siya sa bar. Pinuntahan ko."

"O, tapos?"

"Hayun. Nakikipaghalikan na pala sa lalaki na mas matanda pa ata sa'tin."


Ah.


"Teka, teka. Naka-uniform kasi siya na pang-senior high. Ilan taon na ba 'yon?"

Lumingon siya sa akin pero tuloy lang kami sa paglalakad. "Kaka-eighteen lang."

"Tapos, ilan taon ka na?"

Dumiretso na siya nang tingin. "H'wag mo na alamin."

"Age mo nga! Napaka-arte!"

"22 sa October."


Wait, so kung 22 siya sa October. Ibig sabihin, 21 na siya ngayon, 'di ba?


"Ay, adik ka talaga! 18 siya tas 21 ka pa lang?"

Mahina siyang tumawa saka siya tumango.

"E, ilang months na kayo?"

"Ano'ng months?" tumingin siya sa akin. "One year na kami. One year and 3 months na sana sa katapusan."


One year and three months? So, kung pag-uusapan ang age. . .


17 si ate girl tapos siya, 20 pa lang.


Ha?


"Hoy! Putragis ka! Pumapatol ka sa bata!"

"Sssh! Nasa library building na tayo," sabi niya nang magsimula na kami umakyat. Lord, hawak niya pa rin ang kamay ko! Ewww!

"Taena, ba't ka pumapatol sa bata?" mahinang tanong ko. Oo, wala pa kami sa loob ng library pero, kailangan ko na hinaan dahil baka ma-judge siya ng mga estudyante rito.

"Hindi na bata 'yon. Mas matured pa mag-isip 'yon kumpara sa akin." Kinuha niya ang backpack ko at ibinigay iyon sa baggage counter at sa kanya inabot ang number.

"Hoy, dapat magkahiwalay tayo ng numbering," sabi ko sa kanya.

"Ilang oras lang ba vacant mo?"

"One hour lang."

"E, 'di sige. Isang oras ako matutulog," aniya.


Naghanap na kami ng bakanteng cubicle. Hindi ko na nailabas ang charger ko dahil nga, kinuha niya bigla ang bag ko. Magkatabi pa kami sa cubicle. At ngayon ko lang napansin, hawak pa rin niya ang kamay ko. Sa kamay ko na talaga, ah. Hindi sa wrist.


"Hoy, bitawan mo na 'ko," sabi ko sa kanya.


Pero, imbis na bitawan niya ko, may naramdaman ako na malambot. Hindi na kamay niya, e. Mukhang sa pisngi na niya.


"Pahiram muna. Ang lambot ng kamay mo, e."


Hoy.


'Yon puso ko, sandali. 


Bakit nag-iiba na ng heartbeat?


Hoy, teka lang naman! Teka lang, sabi!!!!



~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top