HOW? 7
"Anyway..."
Napakurap na lang ako nang magsalita si kuya Tonni. Nag-ehem pa siya bago niya inumin ang... ewan ko kung ano'ng laman niyan.
"Next week, birthday ng kapatid ni Narshaine."
"Sino si Narshaine?"
"Kapatid ni Mika. Remember, siya si Cleonara."
Ay, oo nga pala!
"Nakalimutan mo?"
Umiling pa ko. "Actually, nalilito lang ako sa pangalan."
Tumango naman siya. "Hindi natuloy ang birthday niya last April dahil inasikaso nila ang papers for the girls. Hindi na kami nangialam since, sila naman ang may access sa mga 'yon especially kay Jeremia."
Nag-lean pa siya, "Kilala mo si Jeremia?"
"Oo. Oo! Si Clara 'yon!"
Tumango naman siya. "Very good. Formal dress ang suotin mo. Kahit hindi ka na magbigay ng gift, ayos lang kay Clinette."
Tumango naman ako. Bakit ba nakakalimot na ako sa totoong pamilya ni ate Mika?
"Don't worry about the place," sabi ni kuya, "susunduin na lang kita."
"Ha? Alam mo kung saan ako nakatira?"
Bigla na lang nakunot ang noo niya. "Dalawang beses kitang hinatid sa bahay niyo, March."
Ay, oo nga pala.
"Hehe, sorry." Napa-yuko ako dahil nakakahiya. Ano'ng nangyayari sa akin?!
"Mabibigat ba ang mga task na binibigay sa inyo?"
Inangat ko agad ang ulo ko at tumingin sa kanya. "Ha?"
"Ayos ka lang, March?"
Ayos lang ba talaga ako? Simula nang nag-shift ako, wala na akong matinong kaibigan. Pasalamat pa nga ako dahil kinakausap pa ko ni Dari.
"Oo naman, ayos lang ako. Iniisip ko lang kung may formal dress pa ba ako or wala na."
Taena, Marso. Wala ka naman formal dress.
Nakita ko siya na inubos niya ang kanyang pagkain at inumin, saka siya tumayo. "Tara. Bili tayo ng susuotin mo for the party."
"Hala?"
Tumayo siya saka niya ako tinignan. "Ano'ng oras tayo pupunta ng mall?"
Ano ba naman 'tong si kuya...
"Teka, hindi pa ko tapos kumain. At saka, wala akong pera pambili."
"Ako naman ang gagastos, hindi ikaw."
"Weh?"
Tumango siya saka ngumiti.
"E... eh 'di wait lang, ubusin ko lang 'to!"
Umupo ulit si kuya saka ko tinuloy ang pagkain ko. Medyo nakaka-ilang kasi nakatingin lang siya sa akin. Kaya, binilisan ko na lang na ubusin 'yon cheese cake ko.
Ang swerte naman ng magiging jowa niya. Lalung-lalo na si Jasmeng kasi, super bait ng mga kuya niya.
~~~
Saturday, 2:07 p.m.
Nakapag-paalam naman ako kay nanay. Mabuti na lang, pumayag siya. Nagawa ko naman maglaba ng mga labada namin kaya deserve kong lumabas, hehe.
Susuotin ko na sana 'yon formal dress na pinili sa akin ni kuya Tonni. Kaso, sabi niya, sa venue na raw ako magpalit. Doon din daw magpapalit sina Clara at Jasmeng.
Shit, excited na ako na ewan.
"Okay ka lang, March?"
Lumingon ako kay kuya Tonni, tapos sa paligid. Traffic pala.
"Oo naman, kuya. Ayos lang ako."
Tumango lang siya tapos tumingin siya sa sosyal niyang phone. "To be honest, hindi ako magaling pumili ng damit."
"Weh?"
Tumango siya pero, nakatingin pa rin siya sa phone. "Pinipicturan ko 'yon mga dress na nakikita ko then I send it to Narshaine. Mas magaling kasi 'yon pumili kaysa kay Livardo."
"Ay weh?"
"And also, mall ng family nila ang pinuntahan natin, March. Kaya, nagtataka siya kung bakit hindi ko raw siya sinama no'ng nandoon ka."
"E, bakit kasi hindi mo pinapunta?"
Bigla na lang niya tinago 'yon phone saka niya inandar 'yon kotse. Hindi na pala traffic.
"Wala lang."
Luh.
Taena talaga ang sagot. Hehe.
"Kuya, may tanong ako."
"Hmm?"
"Mayayaman kayo, hindi ba?"
"Kung hayun ang tingin mo, sige. Bakit mo natanong?"
"Bakit hindi ka nag-e-English?"
Saglit lang siya lumingon sa akin. "Ha?"
"Kasi kuya, 'yon mga nababasa kong story na may lalaki na galing sa pamilya ng Mafia, English nang English. Tapos ngayon na, katulad mo, ikaw. Hindi ka nag-e-English."
Bigla na lang siya tumawa. Shit naman, nakakahiya naman 'yon tinanong ko.
"March, desisyon ko na 'yon kung magsasalita ba ako ng English o hindi."
"Pero, may iba ka pang language na kayang mong banggitin?" Taena, nagmukha na kong reporter nito.
"French. Spanish. Konting Japanese since, saglit lang naman ako nakatira roon."
Oooh. Nice. Nice.
Kung gagawa man ako ng love story, isa na siya sa pagbabasehan ko, hehe.
"Nakikita mo na ba sila?" tanong niya saka siya may tinuro.
"Ah... eh... ano. Wala."
"Wala?"
"Wala akong salamin kaya hindi ko makita."
Tumingin ako sa kanya para malaman niya na wala akong suot na salamin! Mabuti naman lumingon agad sa akin.
"Ay, sorry." Hininto na niya ang sasakyan.
"Nandoon na kasi ang mga kaibigan mo," sabi niya saka siya ulit nagturo.
Kaibigan.
Almost a month na rin mula na nag-shift ako, mga kaibigan ko pa rin ba sila?
Bumaba na ako nang binuksan ni kuya Tonni ang pinto ng kotse. Nang lumingon ako sa kanan...
"Tangina, Marchie! Buhay ka pa?!"
"Hoy, payat mo pa rin!"
"Oh my God! I miss you so much!"
"Marsoooo!"
"Wala naman pinagbago, hoy!"
"March!"
"MAAARRCCCHHHH!!!!"
Haluuuh, buhay pa nga mga kaibigan ko! Huhu.
"Taena niyo! Buhay pa ko!"
Tumakbo na ako para lang yakapin sila. At parang kaming mga tanga dahil paikot-ikot kami habang magkayakap.
Taena, namiss ko ang mga hayup na 'to. Huhuhu.
"Kumusta ka na? Jusko!" Pinipisil ni Sha-Sha ang magkabilaang pisngi ko.
"Ang sakit! Sha-Sha!"
"Teka, teka! Pa-pisil din ako!" Bumitaw naman si Sha-Sha pero si Jasmeng naman ang pumalit.
"Tangina, payatot ka pa rin?!"
"Wala na nanlilibre sa akin!"
"Kawawa ka naman pala!" sigaw niya habang pinipisil niya ang pisngi ko. Pero, bumitaw naman niya.
"How are you?" tanong naman ni Axiela sabay niyakap ako nang mahigpit. "My god, wala nang payatot sa engineering!"
"Bagsak iihh!"
"Okay lang 'yan, March." Tumingin naman ako kay ate Mika. Pagkatapos, siya naman ang sinunod kong niyakap.
"Namiss ko na ang katalinuhan mo, ate!"
"Ano ka ba, malapit na ako maging bobo. Salamat kay Karlos."
At dahil diyan, tumingin agad ako kay Karlos. Naka-peace sign siya sa akin.
"Top 1 pa rin ako, March," sabi niya.
"Lol, pangit mo pa rin."
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay ate Mika nang makita ko si Clara. Nasa likod pa rin niya si kuya Zeb kaya, ngumisi agad ako sa kanya.
"Ikaw, ah."
"Ano na naman 'yan, Marso?"
Hindi ako nagsalita pero, tumingin ako kay kuya Zeb na, ang layo na naman ng tingin niya.
"Ha?" tumingin naman siya kay kuya Zeb tapos binalik rin sa akin, "ano'ng meron?"
"Wala."
"Kumain ka na ba, March?"
Tumingin naman ako kay ate Mika nang itanong niya iyon. "Ah, oo. Lunch."
"Good. Mag-meryenda na muna tayo sa loob saka na tayo magpalit ng susuotin natin para mamaya."
Pinapasok na kami ni ate Mika sa bahay na 'to. E, hindi naman daw nila bahay, ni-rent lang nila.
As usual, maiingay na ang mga tagapagligtas ng mga prinsesa. Sayang nga lang, wala ang kambal ni Sha-Sha. Ni hindi ko na nga napapansin na nagpo-post pa 'yon sa FB. Stinalk ko kagabi kasi namimiss ko na siya.
Lahat sila, namiss ko.
----
ANG GANDA GANDA GANDA GANDA NI CLINETTE!
Ang chika sa akin ni ate Mika, enchanted forest ang theme ng gusto ni Clinette. Dapat daw sa bahay nila kaso, hindi naman daw kasya lahat ng guest nila. Kasi madaming guest si ate Narshaine. Kami-kami lang naman sa side ni ate Mika, at siyempre, mas madami sa debutant.
Pero, hindi ko maiwasan tumingin sa mga naka-black suit na 'to. Chin up kung chin up kasi sila, naka-upo lang naman ang mga 'to.
"Ate."
Lumingon naman sa akin si ate Mika.
"Mga bisita ba talaga 'yan ng Mama mo?" tanong ko sabay tinuro ko ang mga naka-black suit.
Binaba naman agad ni ate Mika ang kamay ko. "Ano ka ba, bisita talaga 'yan ni Mama at ni Mom." Tinuro naman niya ang kabilang table na puro naka-black suit din ang mga lalaki.
Ba't puro lalaki lang? Wala siyang bisita na babae? Or baka hindi ko lang nakita.
"Mabuti nakapunta sila," bulong ko. Baka marinig ako, although, ang lakas ng music.
"Pinilit ko lang. Gusto ko kasi ipakilala sa kanila ang mga kapatid ko. Nasa business trip si Dad ngayon kaya, si Mom at mga kapatid ko ang pumunta."
Taray talaga, dalawang pamilya ang mayroon kay ate Mika ngayon.
Agad ko naman hinanap ang pamilya ni Jasmeng, nasa likod lang pala namin. Nakilala ko agad ang mga magulang niya kaya humarap na ulit ako, baka papuntahin kasi ako sa table nila. Nandoon pa naman ang mga kapatid ni Jasmeng.
Speaking, kailangan ko pala i-chicka ito.
"Alam mo ba, prof ko si kuya Tonni."
Agad naman lumingon si ate Mika sa akin. "Talaga?"
"Oo. E, may sitwasyon pala sa department namin na hindi sila tumatanggap na professor na walang asawa."
"Sa department niyo?" lumingon naman ako nang tanungin 'yon ni Lino.
"Oo, adik."
Siraulo lang dahil imbis na nakinig kami sa mga bumabati kay Clinette, nakipag-daldalan lang kami sa isa't-isa.
Lumipas na ang gabi, este, madaling-araw. 1:30 a.m. na natapos ang party. Mabuti na lang, hindi ako umiinom ng alak. Lasing na lasing si Jasmeng kaya siya muna ang hinatid ni kuya Tonni. Umalis na raw sa party ang pamilya niya.
"Ingat ka, March."
Kumaway lang ako kay ate Mika dahil siya na ang huling bumaba ng kotse. Sa unang bahay siya matutulog ngayon, which is ang tinutukoy niyang bahay ay sa mga Delos Cruz.
"Ang saya naman ng mini-reunion namin." Hayan na lang ang nasabi ko nang inandar na ni kuya ang kotse.
"Halata naman kanina dahil table niyo ang pinaka-maingay sa party," aniya.
"Hayun na siguro ang last na pagkikita namin."
"Bakit naman?"
Nang huminto ang kotse dahil sa traffic light, napatingin na lang ako sa labas.
"Busy na kasi sila sa mga susunod na araw. Mauuna sila makapag-OJT, tapos ako, nasa minor subjects pa ng business course."
Ewan pero, nalalanta ako na ewan mula nang makita ko ulit sila. Parang, nag-iba na ang aura no'ng sumama ako sa kanila ngayon dahil hindi na ako kasali sa mundo nila. Hindi ko nga alam kung ano'ng nangyayari sa mga naging professor ko noon na, sa pagkaka-alam ko, professor pa rin nila.
Nahihiya na tuloy ako na makipagkita sa kanila sa mga susunod pang araw. E, wala naman akong close na close na close na kilala sa business department.
Ano ba naman 'to.
"Malay mo naman, mauna ka pa rin maka-graduate kaysa sa kanila."
Napatingin ako kay kuya, inandar na pala niya ang sasakyan. Chineck ko naman ang sarili ko, naka-seatbelt pala me, hehe.
"Isipin mo, paano ka papasa sa mga paparating na subject. Lalo na sa Taxation, may isang professor daw do'n na mahirap makalusot ang mga estudyante sa kanya."
"Huh? Sino naman 'yon?"
"Hindi ko alam. Sasabihin ko agad sa'yo kapag nakilala ko na 'yon."
Taxation? Sa pagkaka-alam ko, next year ko pa pwede i-take 'yon. Kung makakapasa, hehe.
Medyo naka-idlip na pala ako. Mabuti na lang, ginising ako ni kuya Tonni. Nandito na pala kami sa street, malapit sa bahay namin.
"Maraming thank you talaga, kuya," sabi ko nang matanggal ko na ang seatbelt.
"Sa'yo muna ang jacket ko, ha?"
Bigla na lang ako napatingin sa suot ko. Hindi ko nga alam kung bakit niya binigay sa'kin kanina no'ng ihahatid kami.
"Bumaba ka na. Baka kung ano pa ang gawin ko sa'yo."
Tumingin agad ako kay kuya Tonni. Hindi ko alam ang tinutukoy niya, babarilin ba niya ako?
"Heto na, bababa na ko. Huwag mo kong patayin."
Bigla na lang siya ngumiti. "Ako na magbubukas ng pinto."
Lumabas siya ng kotse. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng kotse 'to. Sabi ni kuya Livardo, six seater daw 'to.
Siya pala ang nagbukas ng kotse sa gawi ko. "Pwede na po kayo bumaba, mahal na prinsesa."
"Luh, hindi naman ako prinsesa." Bumaba nga ako ng kotse pero, muntikan pa ko mahulog dahil hindi ako nakatapak nang maayos. Mabuti na lang, napakapit ako kay kuya.
"Tsk. Dapat pala binili kita ng slippers."
"Ay, hindi. Ayos lang, kaya pa naman 'tong sapatos. Malapit na ako sa bahay." Ewan ko ba, ngayon pa bumukaka ang sapatos ko na, ginagamit ko every Wednesday. S'yempre, wash day 'yon.
"No. Ibibili kita ng sapatos. Ipapadala ko na lang kay Crystalline 'yon and—"
"Size 38."
"38?"
"Oo. Para matahimik ka na kasing ihing-ihi na ko!"
Hindi ko na kaya, naglakad na ako papasok sa eskinita. Lumingon ako sa kanya, nakangiti siya at kumaway. Kumaway na lang din ako.
Ang bait talaga ni kuya Tonni. Swerte talaga ng magiging girlfriend niya.
"...may hinihintay ako. Bawal pa raw siya kasi siya magka-boyfriend ngayon. Sabi ng kaibigan niya sa akin."
Weird. Sino naman kaya 'yon? Dapat sinabi na lang niya ang pangalan tutal, hindi ko naman makikilala at wala akong interes sa magiging girlfriend niya. Duh.
"Hoy, ate."
Lumingon agad ako nang makita ko si nanay, may hawak na balde.
"Ano'ng nangyayari sa'yo?"
"Hala, nag-text ako sa'yo na late ako makaka-uwi." Binuksan ko na agad ang gate saka ako tumakbo papuntang c.r.
Shet. Hindi pa ako nakakapag-update! Teka!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top