HOW? 5
Isang linggo na ang nakalipas mula nang mag-shift ako.
Wala. Wala naman special bukod sa mga homework na pinapamigay nila. Kaso, may isang subject lang talaga na hindi pa nagpapakita sa amin 'yon prof. Sabi 'yon ng sceretary sa amin, ha.
Finance 1 kasi 'yon. Si ma'am Blessi ang prof na akala namin, siya na talaga. Maayos naman siya magturo lalo na't kami ata ang section na walang kaalam-alam sa mundo ng business.
Kaso, late siya ngayon.
"Ano 'yon, wala na tayong prof?" tanong na lang ni Dari na nasa likod ko.
"Gagi, baka absent si ma'am," sagot ng isa namin kaklase.
"Hindi. Nag-usap kami kanina, e." Napatingin ako sa likod para matignan lang si Dari.
"Puntahan natin sa faculty."
Sakto naman patayo sila, bumukas ang pinto. Bumungad si ma'am Blessi sa amin papasok ng room.
"Sorry class kung na-late ako. Nandito na kasi ang permanent professor niyo for this semester."
Bigla na lang may bumukas ng pinto. At... pumasok siya.
Weh?! Siya ang prof namin!?
"Okay. He will be your professor in Finance 1, okay?" ngumiti si ma'am sa amin saka niya ningitian ang lalaki na 'to.
Si kuya Tonni, prof ko?
Nang makalabas si ma'am, binaba na niya ang dala niyang folder saka siya ngumiti sa amin. "Good morning. I'm Tonni Cran Fortoulalleza. And, I will be your permanent professor for this semester in Finance 1."
Anak ng... hindi na ko makakapagtago nito. Malalaman niya na naka-enroll ako sa section na 'to.
"Sir, alin subject pa po ang tinuturo niyo?" tanong ng isang babae na nasa harap.
"Uhh, Finance 1 and 2. Econ 1, 2 and 3."
Nakita ko na lumaki ang ngiti ni ate, "shit. Sana maging prof kita next sem!"
Maya-maya, nakakarinig na ako ng mga tili. Pero, nakakapagtataka, bakit konti lang ang tumitili?
Tinignan ko ang mga kaklase ko para bilangin ang mga babae. Sus ginoo, lima lang pala kami rito.
"Okay so, arrange tayo ng seats, alphabetical."
Napatayo naman kami agad nang sabihin 'yon. Narinig ko na lang si Dari na sana raw, nasa unahan siya.
"Next line. De Leon, Johnny Sun." Kita ko na napangiti si sir pagkatapos, mukhang hinahanap niya ang tao na 'yon. "Where is he?"
Hoy, mukhang narinig ko na ang pangalan na 'yon ah.
"Hmm, mukhang absent. Bale, 'yon katabi niya, si miss Dosal, March Monarie."
Hayup, naka-tingin agad siya sa gawi ko. Nasa likod lang naman ako ni Dari, ngumiti naman siya sa akin saka niya tinuro 'yon upuan. Payuko akong naglakad papunta sa upuan.
"Sir! Present ako, sir!"
Nahinto na lang ako sa paglapag ng bag dahil sa boses niya. Narinig ko na kasi, e. 'Di ko alam kung kailan ko narinig 'yon.
"You are...?"
Umupo naman ako nang maayos saka tumingin sa tao na 'yon.
"De Leon po. Johnny Sun."
"Alright. Please take your seat beside miss Dosal," aniya tapos tinuro ang upuan ko.
Sabi na, e. Siya 'yon nasa computer shop.
Luh? Magkatabi kami?
"Oy, hi Marchie." Nilapag niya sa sahig ang backpack niyang itim habang nakangiti sa akin, "bago lang siya?"
"Bakit ka nandito?" mahinang tanong ko. Rinig ko si kuya Livardo na nag-a-assign na ng seat.
"Bakit? E, dito ako nag-aaral kaya ako nandito."
"I mean, bakit nandito ka?"
Kita ko na kumunot ang noo niya habang nakangiti sa akin. "E, dito ako nag-aaral, March. Nakita mo naman FB ko, 'di ba?"
"Oo. Pero, kasi—"
"Hoy."
Nalingon na lang ako sa likod, si Dari pala ang pumalo sa kaliwang braso ko.
"Nakatingin sa inyo si sir."
Tumingin naman ako sa harap, ang talas ng tingin sa amin ni kuya Tonni.
Kuya Tonni or sir Tonni? Ano ba ang itatawag ko?
"Mamaya na ang daldalan, ha?" tumango na lang ako, nakita ko na tumango rin si Johnny saka na niya tinuloy ang seating arrangement.
Tumingin ako Johnny, na lumingon naman siya sa akin. Nag-peace sign siya saka nilabas ang phone.
Jusko po.
# # #
"May klase pa ko, March. Bukas na tayo sumabay mag-lunch, ha?"
Nalingon ako kay Dari nang makalabas na kami ng room. "Ah, sige. Ikaw bahala."
"Sige, sige. Bye bye!" Kumaway na lang ako sa kanya pabalik habang siya, tumatakbo na papalayo.
Mula sa labas ng room, kita ko rito ang loob ng faculty room. Kita ko si kuya Tonni, kausap ang secretary namin. Mukhang kilig na kilig si ma'am, ah.
Gusto ko itanong sa kanya kung bakit siya nagtuturo rito? Kung si Jasmeng ang dahilan, bakit nandito siya sa business department? E, kaso, hindi naman kami close ni kuya.
Itanong ko na lang kay Jasmeng kapag nagkasalubong kami sa daan. Or, i-chat ko kaya?
"Crush mo si sir, 'no?"
Nalingon na lang ako nang marinig ko ang boses ni Johnny. Nakangiti siya ngayon sa akin.
"Pinagsasabi mo?"
"Crush mo si sir?" tanong pa niya.
"Hindi, ah." Kilala ko siya. Pero, siyempre, hindi ko pwede sabihin 'yon sa kanya.
"Ah."
"Bakit?"
"Kung makasilip ka kasi sa faculty, parang, gusto mong i-stalk, e."
"Ay, baliw ka. Hindi." Nauna na ako maglakad sa kanya. Ayoko dumikit sa kanya, baka kung ano'ng mangyari sa akin.
Kaso, may isang babae na humarang sa daan ko.
"Ay, ate. Ikaw ba 'yon kaklase namin sa Arts?"
Wait, sa dami ng mga babae sa room na 'yon, sino ba siya ro'n?
"Ah. Ano'ng oras ba?" Hayan na lang ang natanong ko, hindi ko naman kabisado ang mga section ko, e.
"Kanina, 9 to 10:30."
"Ah. Oo."
Umoo ka na lang, Marchie.
"Ikaw siguro 'yon kagrupo namin na hindi ko nahingian ng number."
"Number? Para saan?"
"Sa groupings, ate."
Groupings?
Naglabas siya ng maliit na notebook at ballpen saka ko sinulat ang number ko. Pati name ko sa FB, nilagay ko na rin.
"Thank you, ate. Chat-chat na lang," aniya tapos ningitian ako saka umakyat. Bumaba na lang ako. Takte, sino ba siya sa mga 'yon? Hindi ko naman namumukhaan 'yon mga tao roon, e.
"Hoy, umiiwas ka ba?"
Nahinto ako sa pagbaba tapos lumingon sa kanya, "pinagsasabi mo?"
"Sabay na tayo. Iisa lang naman ang sinasakyan natin, 'di ba?"
"Libre mo ko pamasahe?"
"O, sige. Libre na kita."
Pagkatapos no'n, sabay na kami lumabas ng campus. Takte, ano ba ang height niya? Ang tangkad niya masyado.
"Wala ka bang payong diyan?" tanong niya habang naghihintay kami ng jeep.
"Hindi naman ako nagpapayong, e."
"Ha? Kababae mong tao, hindi ka nagpapayong?"
Tumingala ako sa kanya, "nakakatamad maghawak ng payong."
"Naku naman."
Nakita ko na lang may nilalabas siya sa bag. Pulang payong iyon tapos binuksan niya. 'Di ko alam kung bakit kailangan niyang gawin 'yon e, nasa silungan naman kami.
"Buti hindi ka nangingitim," aniya.
"Huh? Umiitim naman ako pero bumabalik din naman 'yon original kong kulay."
Takte, pinagpapawisan na ko! Ang init!
"Hoy, hindi ka pwede mainlove sa prof na 'yon, ah."
Agad naman ako lumingon sa kanya. "Ano'ng pinagsasabi mo?"
"Bawal ka mainlove sa prof. Bawal 'yon."
"Baliw ka. Hindi ko naman gusto 'yon. Kasi, may iba akong gusto." Nasa engineering department!
"Ayon, very good. Kasi may nabalitaan last year na ganyan ang nangyari."
"Ano'ng chika mars?"
Lumingon muna siya sa paligid. E, kaming dalawa lang naman ang tao rito. "Kung last sem ka nag-shift, kalat na kalat sa business department na may secret relationship ang isang prof at student na Accountancy ang course."
Nanlaki agad ang mga mata ko. "Weh? Akala ko, sa libro lang nangyayari 'yon."
"True to life 'to, mars. Kaya kung mapapansin mo, lahat ng mga prof sa business department, may asawa na."
Hala...
"So, ibig sabihin..."
"Oo. Kung mag-a-apply ka bilang professor sa business department. Make sure na may asawa ka na. Kung hindi, hindi ka tatanggapin."
Weh? May issue pala na gano'n.
"Kaya nagtataka ako sa prof natin kanina. Feeling ko, walang asawa 'yon. Pa'no siya nakapasok?"
Sabihin ko kaya sa kanya na marunong makipagbarilan si kuya Tonni kaya siya nakipag-barilan noong—
Wait. Kaya ba siya nandoon sa school namin no'n mga oras na 'yon kasi mag-a-apply siya bilang prof namin? Pero, bakit sa department namin? Hindi sa department ni—
"March, may jeep na."
Bigla ba naman ako hinila ng kapre na 'to sabay pinindot ang payong niyang automatic na ewan at pinasakay na ako. Mukhang kami pa lang ang unang pasahero ni kuya.
"Ibayad mo nga."
Lumingon ako kay Johnny, nasa dulong-dulo na kasi kami. Ako nasa medyo malapit sa babaan pero si Johnny yon nasa dulo talaga.
"Ikaw na."
"Dali na, ikaw 'yon sa driver, e."
"E, ayoko."
"Nahihiya ka?"
"E, ayoko maghintay ng sukli." Takte kasi, singkwenta ang ibabayad niya. Trenta ang ibabayad niya dahil kinse ang pamasahe, discounted na 'yon, ah. Tapos bente ang isusukli.
"Pambihira naman 'to si Marchie." Siya na ang pumunta sa likod ni kuya kahit na lumiliko ang jeep.
Bakit ba Marchie ang tawag niya sa'kin?
Unting-unti na napupuno ang jeep na 'to nang humito sa simbahan dahil doon talaga ang terminal ng jeep na 'to. S'yempre, siksikan sa loob plus mainit pa kaya nakaka-irita. Naglalaro lang naman si Johnny habang ako, nakikinig lang ng music.
Medyo hindi na ako mapakali sa katabi kong lalaki ngayon. Siksik na siksik siya sa akin. Tinignan ko naman 'yon katabi niya, maayos naman ang upo. Maya-maya, nakakaramdam na ko ng haplos ng kamay sa uniform ko sa bandang bewang.
Hindi ko naman kamay 'yon dahil nakakapit ako sa bag ko. Tinignan ko si Johnny, hawak niya ang phone gamit ang dalawang kamay.
Pocha, mukhang ididiin niya ang kamay ni kuya!
Kinalabit ko na si Johnny sa hita niya saka ako tumingin sa kanya. Tinignan naman niya ako pero tuloy pa rin pagkalabit ko sa kanya.
Meaning, gusto kong tinignan niya ang kamay ko!
Na, tinignan naman din niya. Tumuro ako sa kaliwa na sana, ma-gets niya. Gusto ko magsalita pero, nauurong ang dila ko dahil sa kaba.
Shit, 'yon kamay ni kuya, nasa hita ko na!
Johnny!
"Dito ka nga, babe."
Bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya sa kaliwang part ng bewang ko. Tapos, naramdaman ko rin ang impact ng palo niya sa kamay ni kuya sa hita ko. Pero, siya naman ang pumalit. Pinatong lang naman niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ginagawa mo?" mahinang tanong ko na, feeling ko naman narinig niya kasi ang ingay ng engine ng jeep.
Nag-lean naman siya sa akin, "ayos lang 'yan. Para malaman niya na ako lang ang gagalaw sa katawan mo."
Pusang kinalbo.
Pero, kumindat naman siya. Tapos, bigla na lang sumama ang tingin siya sa likod ko. Nakatingin ba sa amin si kuya? Or naririnig niya?
Bigla na lang huminto ang jeep sa stoplight. Si kuya manyakis ang bumaba kaya nakahinga naman ako nang malalim.
Pero, may sumakay din agad. Kaso, tumabi naman sa akin. This time, mas mukha na siyang manyakis dahil naka-sando siya na short tapos mahaba na kulot ang buhok. May balbas pa siya saka ako ningitian.
Uhh, shit. Ano ba naman 'to?
Mas lalo kumapit ang kamay ni Johnny sa hita ko at naglean sa kanya. Napatingin tuloy ako, nakangiti siya sa akin. Mukhang tinigil na ang paglalaro at lalo pa niya ako hinigpitan na parang niyayakap na.
Ang sarap naman ng ganito. Kulang na lang, gawin ko siyang boyfriend.
Nang makarating na kami sa palengke, ako ang unang bumaba. Kinalabit pa ko ni kuya pero, kita ko na pinalo ni Johnny ang kamay niya bago siya bumaba.
"Kalat na kalat talaga ang mga manyakis ngayon. Kaya, sabay na tayo uuwi kapag Tuesday and Thursday, ha?"
Lumingon naman ako sa kanya. "Oo. Basta, sagot mo na pamasahe."
"Ayos lang, basta safe ka sa buong byahe."
Napangiti na lang ako sa kanya. Ang bait naman pala ng kapre na 'to.
Sinabi ko sa kanya na pupunta ako ng computer shop niya kaya i-reserve na niya ang PC na palagi ko ginagamit. Umoo naman bago ako lumiko sa street namin.
Kumain muna ako ng lunch bago ako pumunta roon. Palabas na ako ng bahay nang tumunog ang phone ko, kaya chineck ko.
Naka-on ang data kaya nag-notif ang FB ko. May nag-friend request sa'kin.
Wala siyang mutual friend. Pero, sa TCMU siya nag-aaral. Major in Financial Management ang course.
Base sa profile picture niya, babae na ewan ko kung saan lugar na 'to. Parang, nasa loob siya na ewan dahil madilim ang likod pero sa gilid, maliwanag. I assume na bintana 'yon.
Mukhang bata ang nag-add sa akin. Inaccept ko na lang. Ayos lang naman kasi same kami ng school. At ang pangalan niya ay...
"Ferlina?"
______________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top