HOW? 4
Kaharap ko ngayon ang malaking monitor na 'to. Pinagpapasalamat ko talaga ngayon dahil wala ang mga maiingay na bata rito.
Actually, ako lang mag-isa ngayon. Kakalayas lang ng katabi ko dahil may pasok pa siya. Mukhang schoolmate ko dahil sa uniform.
Sinulat ko sa maliit kong notebook ang mga username nila sa Pen Page. Na ngayon, sina-stalk ko.
Si Dari lang ang finollow ko. Nagustuhan ko naman ang mga gawa niya kahit sa story description pa lang. Sa lahat ng mga username na binigay sa'kin, siya lang ang deserving na kumita ng libro. Saka ko na babasahin kapag may libreng oras ako.
"O, bakit hindi mo binabasa 'yan?"
Hayup, may chismoso.
Nalingon naman ako sa kanya, si kuya taga-bantay ang nasa likod ko.
"Ayaw mo ba ng detective na tema?" tanong pa niya.
"Pake mo kung ayoko. At saka, pake mo ba?"
Nagkibit-balikat lang siya sa akin saka niya i-on ang PC na nasa kanan ko ngayon. Panigurado, maglalaro na naman siya.
"Business department ka na pala."
Nahinto ako sa pagso-scroll at tumingin sa kanya. Siya lang naman kasi ang magsasabi niyan dito, 'no.
"Ano bang problema mo?"
Tumingin siya sa monitor ko, "ano username mo sa Pen Page?"
"Ha?"
Binaling niya ang tingin sa akin, "username mo."
Nagbabasa ba 'to sa Pen Page?
"Ano... marchiemakcheoreom."
"Ha?"
Alam ko naman hindi niya alam kaya pinuntahan ko ang profile ko at pinakita ang username sa kanya. Agad naman niya tinype 'yon.
"Hayan, may isa ka na follower. Isang lalaki na may-ari ng comupter shop!" Ginilid niya papunta sa akin ang monitor. Unang nakita ko ang username niya.
jonnyjonnyyesPaPaugh
Gagi, ang bastos basahin 'yon dulo.
"Wala, e. Nakuha na 'yon idea kong username." Binalik na niya sa ayos ang monitor, "hayan na lang ang username. At least unique."
Unique nga, bastos naman.
Nagsuot na lang siya ng headset, bigla siya tumingin sa akin tas nag-thumbs up tapos tumingin na siya sa monitor.
Luh, ano meron?
Binalik ko na lang ang tingin sa monitor na 'to. Nagka-notif dahil sa ginawa niya. Alam ko naman na hindi niya babasahin ang mga gawa ko. Pero, thank you pa rin sa kanya dahil malaking tulong 'yon.
Pero, sana man lang magbasa siya, 'no?
Nagsimula na akong magsulat ng story ko nang pumasok sa utak ko ang sinabi niya...
"Business department ka na pala."
Kilala ba ako nito? Pa'no niya nalaman na nasa business department ako? Schoolmate ko ba 'to?
Nalingon na lang ako sa lalaki na 'to. Tahimik siya pero maingay ang pagpipindot ng keyboard at mouse. Focus na focus siya sa paglalaro.
Shit, kilala ba niya ako? Or baka nakikita lang niya ako sa loob ng school?
Binalik ko na lang ang tingin sa monitor na 'to at nagsimula na mag-type. Hmp, pake ko ba sa kanya? Hindi naman niya alam ang pangalan ko.
Hindi nga ba? Oo, hindi nga.
"So, March pala ang pangalan mo."
Taena?
Lumingon agad ako sa kanya, hindi na pala niya suot ang headset. "Ano bang problema mo?"
"Wala naman ako problema."
"E, pa'no mo nalaman ang pangalan ko?"
"Obvious kaya."
"Obvious?"
Tumango siya tapos tumingin sa monitor at ewan ko kung ano ang pinagki-click niya. Maya-maya, hinarap na sa akin ang monitor.
"Halata kasi rito..."
May hinalight siya sa username ko sa Pen Page, "hayan. 'Yan marchie, diyan ko nahalata na March ang pangalan mo."
Calm down, March Monarie.
Umiling ako sa kanya. "Imbento lang 'yan, kuya."
"Kuya Johnny."
"Ha?"
Tinuro pa ang sarili niya, "itawag mo ko sa pangalang kuya Johnny."
May kailangan pa ba ako sabihin sa kanya?
"Feeling ko may sasabihin ka pa sa'kin."
"Ay, hindi." Umiiling pa ako, "wala talaga."
"Sure ka, ha?"
Tumango na lang ako saka ko lumingon sa monitor na... nakatambay na pala ako sa profile niya.
"Crush mo ko, 'no?"
Nalingon naman ako sa lalaki na 'to. Nakatingin lang siya sa akin.
"Inaano kita?" tanong ko.
"Huwag mo na kasi i-stalk sa Pen Page. Sa FB ka na manstalk."
"Aba naman."
Bigla ba naman kinuha 'yon keyboard at hinarap sa kanya ang monitor ko saka siya nagta-type. Kapag titignan ko, nilalayo niya ang ulo ko. Parang timang.
"O, heto ang profile ko." Binalik naman niya nang maayos ang keyboard at monitor sa akin.
At, heto ang nakita ko.
Johnny Sun De Leon (yes Papa!)
Legit na lalaki
Mr. TCMU 2015
Studied Marketing Management at The Central Mind University
DSC - P.R.O. at The Central Mind University
3D-Graphic Designer Freelancer
Single
Ay, taray. Bakit hindi ko siya napansin last year?
Clinick ko ang profile picture niya. Mukhang sa event ito ng Mr. and Ms. TCMU, naka-korona na siya katabi ang partner niya na nanalo. Hindi ko naman 'to napanood last year, e.
Chineck ko ulit ang profile niya sa Pen Page, anime naman ang profile picture niya kaso, hindi ko naman kilala kung sino 'to.
"Buti hindi ka nagsusulat," sabi ko sa kanya.
"Hindi ko naman hinahasa 'yon. Iba ang hinahasa ko."
Taray, hinahasa. Bakit ganyan siya sumagot ngayon?
"Huwag ka mag-alala, ako na bahala mag-market ng gawa mo."
Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. Habang siya, tuloy pa rin sa pagpipindot ng keyboard. Buti hindi nasisira keyboard na 'yan.
"Hindi mo pa nga nababasa 'yon gawa ko, e."
"H'wag ka mag-alala, babasahin ko mamaya, ha? Promise." Nakatingin pa rin siya sa monitor habang tuloy pa rin ang pagpipindot niya. Hindi ko alam kung may kausap ba siya ngayon o wala.
Tinignan ko na lang ang naka-display sa monitor na 'to. As if naman babasahin niya ang gawa ko.
Natapos na ang oras ko sa computer shop, tuloy pa rin siya sa paglalaro bago ako umalis. Buti naasikaso pa niya ang mga gagamit ng computer lalo na kapag may magpapa-print.
In fairness, one hour and a half ako ngayon. Wala pa naman homework ngayon dahil first week pa lang ng semester.
Nagpa-load muna ako bago pumasok sa bahay. Katapat lang naman namin 'yon tindahan. Expect kong nandito na si Danish dahil hanggang tanghali lang siya. Kaso, mukhang nakipag-date na naman 'yon sa boyfriend niya.
Buti hindi siya nahuhuli.
Ano kaya mangyayari sa akin this semester?
# # #
"Uy, thank you sa pag-follow, ah."
"Dami mo na pala nagawa. Don't worry, babasahin ko lahat ng gawa mo."
Kita ko sa mata ni Dari ang sincerity niya, "salamat talaga March."
"Hoy Dari, 'di ba nagta-trabaho ka?"
Nalingon na lang kami sa kaklase namin. Hindi ko naman alam ang pangalan niya.
"Oo, bakit?"
"Nakita lang kita kanina sa tapat ng Persona Propel Building, parang kakalabas mo lang do'n."
"Ah, oo. Kakatapos lang ng shift ko."
Hala, working student pala 'to. Tapos, nagsusulat pa siya.
Tumingin naman siya sa akin, "ba't parang gulat na gulat ka?"
"E, nagtatrabaho ka sa gabi. Tapos, nagsusulat ka pa. Tapos, pumapasok ka pa ngayon. Buti may oras ka pa."
"Hmm, kaya ko naman i-handle ang oras ko, March." Napa-upo siya nang maayos, "wala na ako maasahan sa Mama ko dahil umaasa lang din siya sa luho ng Papa ko."
"E, ano ba trabaho ng Papa mo?"
"Hay naku, wala na ako balita sa kanya mula nang sumama siya sa kabit niya."
Ah.
"Ewan ko ba kay Mama, umaasa siya na uuwi siya sa bahay namin. Heh, as if naman na babalikan pa niya kami. E, mas gusto niya 'yon mas bata kaysa sa kanya. Take note, March, ah..." nag-lean pa siya sa akin, "sixteen years old ang kabit niya ngayon."
"Ay, gagi!"
"Totoo, March." Lumingon naman ako sa mga kaklase ko, hindi naman nila ako narinig. "Nakita ko kasi silang dalawa sa mall, kasama ko pa no'n si Mama."
"Hala!"
"Nangigil talaga si Mama no'n, 'be! Gustong-gusto niya sabunutan 'yon babae kaso, syempre, nasa mall kami. Ayaw naman niya ng gulo kaya ang ending, umuwi na lang kami. Pero!"
"Pero, ano?"
Ngumisi pa siya, "kinuha lahat ng damit ni Papa saka niya binato sa labas. Kasama na 'yon mga sapatos niya, ah. Umuulan pa no'n, March. Kaya galit na galit 'yon no'ng umuwi." Tumawa pa siya nang malakas pero, hindi naman siya pinapansin ng mga tao rito.
"Pero, umaasa pa siya na uuwi siya sa bahay niyo?"
Natigil na lang siya sa pagtawa tapos bumuntong-hininga pa. "Gano'n niya kamahal si Papa. First love niya kasi, e. First crush. First boyfriend. S'yempre, siya na rin ang nakakuha ng virginity niya kaya ako nabuo."
"Siraulo talaga 'to," sabi ko sa kanya saka ako natawa.
"'Di nga. 'Di ko nga alam kung bakit ganyan si Papa sa kanya. Akala mo naman, gwapo. E, ang liit liit lang naman ng..." lumingon-lingon pa siya sa paligid.
"Ng?"
Nag-lean siya sa akin. "Ng sandata niya," bulong niya.
Kailangan ba talaga 'yon? Hindi ko pa naiintindihan ang lahat.
"O, bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong niya.
"P-pa'no mo nasabi na maliit?"
"Ano ka ba, magmula nang hindi umuwi si Papa, kinuwento na ni Mama sa akin ang lahat-lahat. Kahit sa sex life niya, na-kwento na rin niya."
Tumango na lang ako sa kanya. Kakaiba talaga 'tong babae na 'to.
"Kaya nga hindi ko sinasagot 'yon mga nanliligaw sa akin."
"Bakit naman?"
Umayos siya nang upo saka siya tumingin sa akin, "wala akong panahon sa kanila. Hirap na nga ako sa ganitong sitwasyon, sisingit pa sila sa buhay ko? Duh."
"May point ka naman."
"Hayan, very good. Buti naiintindihan mo 'ko, March. Magkakasundo talaga tayo, 'no?"
Tumango-tango na lang ako sa kanya tapos tumingin na ako sa harap. Sakto naman na pumasok ang maliit naming prof. Naka-heels ba 'to?
"Tangina, ang liit pa rin niya kahit naka-heels na siya," bulong ni Dari sa akin.
"So, naka-heels nga siya?" tanong ko pa.
"Siguro." Tumayo pa siya tapos umupo rin at tumingin sa'kin, "oo naka-takong. Pula 'yon sapatos niya."
Tumango na lang ako. Pinilit kong mag-focus sa dini-discuss ni ma'am pero...
"Gano'n niya kamahal si Papa. First love niya kasi, e. First crush. First boyfriend. S'yempre, siya na rin ang nakakuha ng virginity niya kaya ako nabuo."
First love? First crush? First boyfriend? Baliw na ata mama ni Dari.
Taena, kailan ba ko magkaka-boyfriend?
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top