HOW? 35

"Bii, ayos ka lang?"

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Suot pala niya ang pulang salamin plus naka-red lipstick siya ngayon. Tinignan ko rin 'yon bag niya, blue naman ngayon ang kulay. Sana ginawa na rin niyang red para namumula siya.

"Sana ayos lang ako," bulong ko.

"Bakit nga? Ano'ng nangyayari sa'yo?" mahinang tanong niya sabay kumapit siya sa'kin.

May event ngayon dito, event iyon ng department namin kaya buong araw kaming walang klase. Kaya lang, hindi naman pumayag ang mga minor subjects na magpa-excuse sa mga katulad namin na business department. So ang ending, pumasok kami, huhu.

"E, ang daming tao ngayon, bii." Kumapit pa ako sa kanya na akala mo, may kukuha sa'kin bigla rito sa school.

"Bii, may event ngayon. Malamang maraming tao! Kahit hindi natin ka-department, gustong makisawsaw sa event natin, eh."

"Hayun na nga, eh! Alam mong may mga nakakakilala sa'kin dito na taga-engineering department. Baka bigla ako sampalin ng mga 'yon." Nilakasan ko na ang boses ko gawa nang lumakas bigla ang sounds at hiyawan ng mga estudyante.

"Sino'ng mga 'yon, bii? Hindi ka nila pwede sampalin! Magagalit sa kanila si ate Norah!" sigaw pa niya kaya tinakpan ko agad ang bibig.

"Ano ka ba, baka may makarinig sa'yo rito," mahinang sabi ko sa kanya. Hinila ko na ang kaliwa... ay hindi, kanan 'to. Kanan kamay niya para makapaghanap ng mauupuan namin.

"Sino ba kasi 'yon?" tanong pa niya nang makarating kami sa likod ng building na 'to kung saan, dito ang daan papuntang library. Kasi sa likod nitong room, may mga upuan. Dito rin 'yon room kapag may seminar kami.

"S-sila."

"Bii, sabihin mo kaya. Alam ko naman na may naghahabol sa'yo, 'di ba?"

Tinignan ko na lang siya after niya sabihin 'yon. "A-ayoko lang kasi magshare sa'yo ng iba pang info. Baka... magalit ka sa'kin."

"Magalit? Bakit naman ako magagalit, bii?"

Do'n ko lang na-realize ang mga pinagsasabi ko sa kanya. Bakit nga ba siya magagalit? Desisyon ko naman na huwag sabihin sa kanya 'yon iba ko pang nalaman kaso ayoko na siya madamay. Alam kong wala siyang koneksyon sa mga prinsesa pati na rin kay Joyce at the same time, kasama na rin siya sa bantay ni ate Norah ngayon.

Pa'no kung madamay siya ng dahil sa'kin?

"N-namatay kasi 'yon mga madre na nagbantay sa... isa sa mga prinsesa. S-sabi ni sir Sewell, i-isa sa mga tauhan ni Joyce ang nag-hijacked sa eroplano na sinakyan nila," mahinang sabi ko sa kanya.

"Oh, hayun naman pala, e. Hindi mo naman kasalanan 'yon, bii."

"Ano ka ba, alam ng mga prinsesa na pinsan ako ni Joyce na kaaway nila ngayon. Kaya nga hindi ako masyado nagdadaan-daan sa engineering building ngayon, e."

Yes po, may times na sinadya kong dumaan sa engineering building para lang masilayan si kuya L, noon. Pero ngayon, ayoko na dumaan.

"Kilala ko pa naman 'yung ibang madre na nandoon lalo na si sister Venisse," dagdag ko pa.

Tinignan ko ang mga kamay ko, hindi naman ako ang gumawa no'n pero bakit nanginginig 'to? Naririnig ko si Ferlina na tinatawag ako pero hindi ko maalis ang tingin sa mga kamay ko. Hindi naman ako ang pumatay sa kanila, pero kasi, natatakot ako na baka isa sa mga prinsesa ang pumatay sa'kin.

Papatayin ba ako nina ate Mika, Jasmeng at Clara? Ipaapatay ba nila akong tatlo kina kuya Zeb? Kina Lino? Pumapatay ng mga 'yon ng kriminal, 'di ba? Kamag-anak ko si Joyce na kriminal, so dapat din ba na kriminal na ang ta—

"Ba't nanginginig ka?"

Luh.

May bigla na lang humawak sa kanan... ay hindi, kaliwa, kaliwa 'to 'di ba? Oo, kaliwa kong kamay, kaya sinundan ko kung sino.

"Ba't namumula ka? May lagnat ka ba?"

Hinipo pa niya ang leeg at noo ko, gano'n din sa kanya. "Wala ka naman lagnat, Marso. Ba't namumula ka?"

Tumingin pa siya sa likod ko which is, nandito si Ferlina. "Napasobra ba 'to sa kape?"

"Ay, hindi ko alam, kuya L. Simula no'n magkasama kami, hindi siya uminom ng kape. Baka kanina, bago siya pumasok."

Binalik ni kuya L ang tingin sa'kin. Bigla ako tumingin kay Ferlina. "Ano'ng tawag mo ulit sa kanya?"

"Kuya L. 'Di ba, hayun naman ang tawag mo sa kanya, sabi mo?"

Ay! Putek na 'yan! Hindi dapat malaman ni Lorimer na hayun ang codename ko sa kanyaaaa! Pa'no na ako makakapagkwento ng mga kilig moments ko sa kanya kung nalaman na niya?! Arrghhhh!

"Okay ka na?"

Napatingin na lang ako kay kuya L, hawak pa pala niya ang kamay ko na hindi pa rin natigil sa panginginig.

Kriminal ako.

Hindi, hindi ka kriminal March Monarie. Hindi naman ikaw ang gumawa no'n.

Hindi, kriminal talaga ako. Galing ako sa pamilya na kriminal. Tatawagin nila ako na kriminal.

Gusto ko na magtago, ano'ng gagawin ko?

Gusto ko na magtago sa nanay ko, kasama 'yun mga kapatid ko. Pero hindi pwede. Hindi sila pwede madamay. Hindi nila kamag-anak si Joyce.

Ngayon pa lang, nakikita ko na silang tatlo na galit sa'kin habang 'yon mga tauhan ng mga magulang nila, may hawak na baril tas nakatutok sa'kin.

Gusto ko na umuwi. Ano'ng gagawin ko?

Wala po akong kasalanan sa pagkamatay nina sister Venisse!

"March!"

Kumurap na lang ako nang marinig ko ang sigaw ni kuya L. Dalawang kamay ko ang hawak niya kaya dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?"

Huh? Ako? Umiiyak?

"Bii, bakit ka umiiyak?" nakita ko na lang si Ferlina nasa tabi na ni kuya L. Maya-maya, bigla siya bumalik sa upuan dahil naghalungkat siya sa bag.

"Ano'ng problema, March?"

Lilingon na ako nang may humawak sa magkabilang pisngi ko para tignan siya. Si kuya L pala ang may gawa no'n.

"Okay ka lang?"

Kaya ko naman sumagot, e. Pero, hinayaan ko na lang bumagsak ang luha at sipon ko. Ang sikip na kasi sa dibdib, baka sa ganitong paraan mailabas ko man lang. Oo, kasama 'yon sipon ko. Naramdaman ko na lang na pinunasan ni Ferlina ang luha ko gamit ang tissue. Kumuha rin si kuya L dahil siya ang nagpunas ng sipon ko, pinupunasan niya iyon habang nakangiti sa'kin.

"Para naman akong may alaga na eight years old na bata na inagawan ng candy," sabi niya.

After nila ako punasan, hinawakan ni kuya L ang kamay ko habang si Ferlina, bitbit ang mga nagamit na tissue at naghahanap ng basurahan.

"May umaway ba sa'yo?" tanong ni kuya L, umiling naman ako.

Wala naman gustong umaway sa'kin. May gusto lang pumatay sa'kin.

"Kung may umaaway sa'yo or nambully sa'yo, hayaan mo sila. Hindi ka naman nila kilalang-kilala kaya huwag ka magpapa-apekto sa mga sasabihin nila, okay?"

Siya naman si Lorimer, na ginawa kong labasan ng mga kashitan ko noong nasa engineering department pa 'ko. Gusto ko magkwento sa kanya kaso hindi pwede. Baka madamay siya sa gulo na alam ko ngayon. Gulo na mag involve na patayan.

"Hayun si March!"

"March!"

Oh, shit. Boses ba ni Lino 'yon? Tangina, hindi nila ako pwede na makita. Saan ako pwede magtago?

Nagulat na lang ako sa pagtayo ni kuya L, pa'no ba naman kasi, nilapit niya 'yon mukha niya tapos sinusuklay niya ang buhok ko. Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko! Lalo na 'yon paghinga niya!

Shet, teka! Bakit niya ginagawa 'to?!

"Teka, hindi ata si March 'yan."

"Wala pa naman siya boyfriend, 'di ba?"

Nakita ko ang mata ni kuya L, tinignan niya ata sina Lino habang sinusuklay niya ang buhok ko. Ano'ng problema nito?

"Tara na, hindi pa naman siya nakakauwi, eh."

"Makikita pa ba natin siya? Baka tinago na nila, eh."

"Huwag ka maingay, baka marinig nila."

"Hindi naman nila kilala si March, eh."

Wait a minute, hindi nila kilala 'tong nasa harapan ko? Engineering student 'to si kuya L, ah! Hala, siya.

"Umalis na siguro ang mga 'yon," bulong ni kuya L nang tignan niya ako. Amoy ko pa 'yon mabango niyang paghinga, sandali lang pooo!

"T-talaga?"

Tumango lang siya tapos nilayo na niya ang mukha sa'kin. Namumula kaya ako? Wait, dapat kinikilig ako sa mga oras na 'to! Shit!

"Hayan, namumula ka na naman, Marso." Nakangiti siya sa'kin ngayon tapos inayos na niya ang buhok kong wala pang rebond, huhu. Okay lang ba sa kanya etong klaseng buhok? Dry na medyo pagkakulot pero hindi naman totally kulot na kulot, ah. Tapos hanggang balikat 'yon haba plus naghhair fall pa nang kaunti, okay lang sa kanya 'yon?

Inalis ko 'yon kamay niya sa buhok ko pero binalik pa rin niya. "Pahiram ng panali mo, try ko magtali ng buhok."

"Naku po, huwag na! Feeling ko magugulo lang, eh!" sigaw ko nang kinuha niya ang itim kong panali sa wrist ko.

Tumayo na siya at nagpunta sa likod ko, sinimulan na niya suklayin ang buhok ko. Nage-expect ako na mabigat ang kamay niya gawa nang lalaki siya. Pero, hindi! Ang hinhin niya sa paghawak sa buhok ko na 'kala mo, babae ang nagsusuklay. Pati sa malapit sa batok na buhok, sinama rin niya sa pagtali.

"Patingin nga ng mukha," sabi niya nang matapos niyang talian ang buhok ko pagkatapos, humarap ako sa kanya.

Ang tagal niya magsalita kaya napakapa ako sa buhok ko. "Adik, magulo ba pagkakatali mo, ha?"

"Hoy, ang ayos nga ng pagkakatali ko sa'yo."

Kinapa ko pa rin 'yon pagkakatali niya, mukhang maayos naman.

"Salamat sa pagtatali ng buhok ko," sabi ko kaya tumango siya, "pumasok ka na, may klase pa ata, eh."

"Wala na ko klase, kakagaling ko lang ng c.r. do'n tapos naririnig ko 'yon boses ni Ferlina ba 'yon?" nagturo pa siya kung saan siya lumabas, hindi ko naman ineexpect na may c.r. pala roon.

Sakto naman na pagkaka-upo niya, dumating na si Ferlina, may bitbit na pagkain para sa aming tatlo.

- - - - -

"Aalis kami bii, walang tao sa bahay."

Nahinto ako sa paglalakad nang sabihin iyon ni Ferlina, alam kong kasunod lang namin si kuya L ngayon.

"Hala, saan ako nito ngayon?" Umalis kasi si ate Norah, late siya makakarating dito. Si Johnny, kailangan sa student council ngayon gawa nang may event sa department namin. 'Yon iba namin kaklase, hindi naman pumasok ngayon.

"Ikaw, kuya L, saan ka niyan?" tinignan ko si Ferlina nang tanungin niya iyon kay kuya L.

"Pwede ba, Lorimer ang itatawag mo sa kanya? Baka magalit, eh. Hindi na ako pansinin," bulong ko sa kanya. Napatakip na lang ng bibig 'tong si Ferlina at tumango-tango. Hays.

"Hindi ko alam," sagot niya tapos tumingin siya sa'kin, "tambay na lang tayo?"

"Huh?"

"Yaaaaayyyy! Dali na bii, tambay na kayo ni kuya L! Punta kayo sa mall, daliii! Maaga pa naman, eh!" sigaw ni Ferlina habang niyuyugyog niya ang balikat ko.

"Huh?" hayan na lang ang nasabi ko. Taena naman, eh.

Tinignan ko si kuya L, nakangiti lang siya sa'kin. E, mukhang okay lang naman sa kanya kaya, sige.

Hinatid muna namin si Ferlina sa train tapos sumakay na kami ng jeep. Medyo nahihiya ako ngayon kasi kasama ko siya. Nangyari naman 'to noon pero hindi ko pa kasi crush noon! Iba na kasi ngayooon!

"Saan mo gustong gumala?" tanong niya nang makapasok na kami ng mall. Nahinto na lang ako sa paglalakad gawa nang may nakita akong event. At dahil hindi ko suot ang salamin ko, lumapit ako sa nagaganap na event.

"Wedding Fair?"

Hayan ang nabasa ko. May napansin ko na nakapila, parang registration ata nila iyon. Halos couple ang nakapila pero may iba na hindi like, friends, may magulang, gano'n.

"Gusto mo pumasok?"

Lumingon agad ako sa tanong ni kuya L. "Seryoso ka?"

"Oo, pwede naman, eh. At saka, hindi naman tayo naka-uniform ngayon kaya papasukin tayo. Ako na lang magbabayad."

Pipigilan ko na sana siya kaso pumila na ang loko. Hinintay ko na lang siya na matapos tutal, siya naman ang magbabayad, eh.

Nang makapasok na kami, may mga kanya-kanyang booth ang nandito. Pero mas natakaw ng atensyon ko 'yon mga free taste na pagkain. Kaya hayun na lang ang pinuntahan namin.

"Ano bang klaseng kasal ang gusto mo?" tanong ni kuya L habang ngumunguya.

"Kasal? Jusko, ayoko muna isipin 'yan. Aga-aga pa para sa ganyan."

"Weh? Wala ka bang dream wedding?"

Actually meron pero ayoko muna isipin. "Gusto ko kakaiba 'yon wedding invitation, ayoko ng common na invitation, eh."

Tumango na lang si kuya L. Kung makapagtanong naman 'to kala mo siya ang magiging asawa ko, eh.

Kung anu-ano na ang pinagtitingin namin sa wedding fair na 'to; gowns, cake, souvenirs, reception place chuchu, pati 'yon sa photographer, kinausap na rin ni kuya L.

"Hayan may mga listahan na tayo ng mga supplier, ha? In case lang na may magtanong sa'tin, may mairerecommend tayo," sabi ni kuya L habang inuubos namin ang milktea na libre ko.

"Okay, sabi mo eh," hayan ang nasabi ko.

"Malay mo, available pa sila sa kasal natin."

"As if naman ikakasal ako."

"Malay mo nga, March Monarie."

Tinignan ko na lang si kuya L, sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, parang ayoko na ikasal—shit! Shit!

"Taena, itago mo ko!" Alam kong hindi katangkaran si kuya L pero nagtago pa rin ako sa likod niya. Sana man lang hindi ako makita nina ate Mika at Jasmeng dito! Huhu. Sana mali lang ako ng pagkakita!

"March?"

Tumingin agad ako sa likod, salamat naman po si Johnny ang nakita ko! Tatakbo na sana ako sa kanya nang may pumigil sa'kin.

Si kuya L.

"L-lorimer. Ayos lang, kilala ko naman siya."

"Kilala ko rin 'yan, Marso," sabi niya tapos hinila niya ako papunta sa likod niya.

"Lorimer, aalis na kami ni March," sabi na lang ni Johnny.

"Manahimik ka, De Leon," hayan ang sinabi ni kuya L sa kanya.

"Ikaw ang manahimik, Lorimer." Bigla na lang lumapit si Johnny sa'kin at kinuha ang kaliwa... ay hindi, kanan, kanan kamay ko.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na hindi siya pwede sumama sa'yo," sabi ni kuya L tapos kinuha 'yon kaliwang kamay ko... kasi kanan 'yon hawak ni Johnny, eh.

"March?"

Lumingon ako sa likod, si Axi at Sha-Sha pala ang mga 'to. Nakaturo lang ang dalawa sa dalawang lalaki na nakahawak sa kamay ko ngayon.

"Sabi na eh! May something, eh!" sigaw nilang dalawa.

Taena, ang dami kong iniisip ngayon. Una ang pagiging kriminal ng kamag-anak ko. Tapos 'yon mga prinsesa, galit sa'kin! Tapos heto naman, dalawang lalaki na hawak ang mga kamay ko.

Ang simple lang naman ng gusto ko mangyari sa buhay ko. Gusto ko malaman kung pa'no magsulat ng love story. Hindi naman solusyon ang binigay sa'kin...

Binigyan ako ng iisipin kung pa'no ko lulutasin ang kashitan na pinasok sa buhay koooo!

ARGGHHHHH!!!!!

==========

E N D
o f
P A R T 1

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top