HOW? 33
"Sabi sa'yo bii, hinding-hindi tayo maghihiwalay, e!"
"Ang galing naman bes, magkaklase tayo sa Management!"
"Sayang nga, e. Dapat pala ginawa kong sabado 'yon Law ko, strict daw 'yon prof namin, hindi pa naman siya pumasok kanina."
"Ay, kayang-kaya namin ni Lychee 'yon prof na 'yan."
"Mangongopya lang kami ni Nanababes kay Rencer."
"Ano na naman ang pinagsasabi mo, Lychee?"
"Magtulungan naman tayo! Parang hindi ko kayo pina-kopya ni Orrion sa Accounting, ah."
"Ano'ng tulungan? Ulul, kami ang nagpakopya sa inyo ng katabi mo!"
"Sana all, may kakopyahan."
Isa na lang sa kanila ang hindi nagsasalita, tumingin na 'ko kay Syril, "Wala ka sasabihin?"
Ngumiti siya sa'kin, "Wala. Malayo ang course ko sa course ninyo."
May point, siya lang ang nag-iisang Marketing Management dito. Si kuya Dio, nag-iisang Accountancy na pangalawang degree na niya 'yon. Sina Ferlina at ate Hailea, Financial Management ang course then kaming lima; ako, si Nana, Lychee, Rencer at Orrion ay Accounting Technology ang course.
Two weeks na ang nakalipas, hindi ko alam kung paano nalaman ni ate Norah ang mga sched ng mga 'to. Hayun kasi ang na-discover namin ni Johnny matapos niyang sabihin na iniba niya ang schedule ko. Gusto ni ate Norah, mag-match daw sa mga prinsesa ang sched ko.
Nandito kami sa fast food restaurant, ngayon lang kami nakumpleto dahil lahat kami, hanggang 9 nang gabi ang uwian.
"Sana maulit pa 'to!" sigaw ni ate Hailea after namin mag-picture sa tuktok ng fast food restaurant na 'to. Ngayon lang namin na-discover 'to kaya, inakyatan na namin bago pa dumami ang mga tao.
"Mauulit pa 'to, tiwala lang," sabi na lang ni Nana habang nakayakap sa'kin. Nagpapalambing na naman ba ang batang ito?
"Dito na kami ni Syril sasakay. Sa'n na kayo?" tanong na lang ni kuya Dio sa amin.
"Last station na kami ng train ni Orrion, buti na lang malapit lang dito," sabi ni ate Hailea.
"Sasabay ka ba sa'min Lychee?" tanong ni Rencer saka naman tumango si Lychee, dahil may kausap siya sa luma niyang phone. Hindi ko mapigilan na tumingin kay ate Hailea na, for sure, naiirita na rin sa babae na 'to.
I mean, sige, kausapin mo jowa mo. Pero, sana naman habang kumakain kami magttropa.
"Do'n na lang ako sasakay, sa street nina Ferlina."
Lahat sila napatingin sa'kin nang sabihin ko 'yon, may mali ba?
"Sure ka ba, bes? Hindi ka sasabay sa'min?" tanong ni Nana.
"Oo nga, mader, madilim pa naman doon," nakakagulat naman 'tong si Lychee, bigla na lang ako tinatawag na 'mader'.
"Oo, makakasakay naman siya roon. May shortcut kasi na papunta sa kanila," tumingin ako kay Ferlina para ngumiti na may hidden meaning which is 'salamat-dahil-sinagip-kapamilya-mo-ko' smile.
Mabuti naman, na-convince sila sa sinabi ni Ferlina kaya nag-kanyang-kanya paalam na kami, may mga sumakay agad ng jeep, pumasok na sa train station at mga naglakad na. Which is kami 'yon ni Ferlina.
"Hoy, bii, may pang-self defense ka ba sa bag?" tanong niya agad nang makatawid na kami.
"Huwag ka maingay, bii. Baka may nakasunod sa'tin."
Todo kapit naman siya sa braso ko, "May mga pulis naman dito, bii. Safe tayo makakarating sa bahay."
Huminga muna ako nang malamin pagkatapos tumingin-tingin ako sa paligid, do'n ko lang nalaman na maraming mga pulis na nagkakalat mula sa fast food na kinainan namin, sa school namin hanggang sa street na 'to kung saan, dito nakatira si Ferlina.
Yup, walking distance lang si Ferlina mula sa kanyang bahay hanggang school. Gano'n lang kalapit.
"Nandiyan ata siya," sabi na lang ni Ferlina. At dahil wala akong suot na salamin, siya muna ang ginawa kong salamin.
Chineck ko naman ang phone ko na bagong bili ni Johnny kahapon, tinulungan pa ko ni Ferlina kung paano gamitin 'to. Ang laki kasi ng screen compare sa maliit kong phone.
"Nandito nga raw siya," sabi ko nang mabasa ko ang text niya. Kaya, pinuntahan na namin siya.
Tumingin ako kay Ferlina, "Sorry, bii. Hindi mo dapat nalaman ang mga 'yon."
"Ano ka ba, okay na 'yon isa sa amin may alam tungkol sa'yo."
Kasi naman eh. . .
-TWO WEEKS AGO-
"Hayan, pinalayas ko muna ulit si Norah para makalma ka na," sabi ni Johnny nang magpunta kami sa kwarto... ko?
"Salamat. Sensya na talaga, hindi pa rin ako komportable sa kanya."
Tumango naman si Johnny, "Ayos lang. Sasabihin ko agad kay ninong para alam niya ang gagawin. Pero, feeling ko kasi hindi niya papalitan si Norah bilang bodyguard mo."
Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi naman ako ang pumili sa kanya.
"Pahinga ka muna, March. Sisilipin ko lang ang schedule ng mga tropa mo. Since nabanggit mo kanina na nagbase ka lang naman ang schedule mo kay Ferlina, baka ma-trace ko 'yon mga sched nila."
Hindi ko napansin na nasa study table na siya at bitbit ang laptop. Naka-upo lang ako sa kama nang lumingon siya sa'kin.
"Heto pala ang magiging laptop mo, may ininstall ako na system para makapag-check ka sa information system ng school."
"Huh?"
Pinalapit niya ako sa study table at pinakita niya sa'kin 'yon naka-display sa laptop. As expected, wala ako maintindihan sa mga nakalagay. Hindi ko na rin alam ang pinagsasabi ni Johnny sa'kin about sa system niya.
"Gets mo?"
"Hindi, obvious ba?"
Ngumiti lang siya, "Sige na. Magpahinga ka na, kung gusto mo matulog, matulog ka. Gigisingin na lang kita."
Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa kanya, hindi naman niya ko gagalawin, 'no?
Tinignan ko muna ang cellphone ko, nakunot na lang ang noo ko nang makita ko ang mukha ni Ferlina, tumatawag pala.
"Hello?" Ni-loudspeaker ko na, mukhang hindi naman sasagot 'tong si Johnny.
[Hello, bii? Nasa school ka pa ba?]
"Wala na, bii. Bakit?"
[Tumawag sa'kin si ate Hailea at Lychee, nag-iba na raw 'yon sched namin sa Management 4 kaya parang mag-iiba na ang oras ng uwi natin.]
At dahil diyan, napabangon ako. Nakatingin na pala si Johnny sa'kin saka siya tumayo para paupuin ako. Magsasalita na sana siya pero nag-sshh sign ako.
"Tanungin mo sa kanya kung ano'ng schedule niya."
Lumaki agad ang mga mata ko nang magsalita siya.
[Bii, si Johnny ba 'yan?]
"Ah, oo." Tinignan ko si Johnny, kanina pa pala siya nagsasabi na huwag ko sabihin. Huli na pala ako.
[Yiee, nagda-date kayo? Bakit kayo magka-date?]
"Gaga! Hindi ako nakikipagdate sa mokong 'to." Ah, shit, ano'ng ilulusot ko? "n-nagkita kasi kami sa palengke. Kung hindi ko man nasabi sa'yo, magkalapit lang ang bahay namin sa bahay niya."
Tinignan ko pa si Johnny, nag-okay sign naman siya.
"Ah, pero paano 'yan? Hindi na tayo magkaklase. Nagtataka nga ako kung bakit nag-iba bigla ang oras, e. Dapat iniinform muna tayo in case na magcha-change sched sila."
Hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil totoo naman ang sinabi ni Ferlina. 'Di ko tuloy malaman kung may kinalaman ba 'to sa ginawa ni ate Norah sa sched ko. Bwisit.
Kaya naman ang ginawa ko, nag-change schedule na lang ako habang chinecheck sa backup system ng school ang mga available schedule, hindi sa website, salamat kay Johnny. Oras lang naman ang binago, wala naman pinabayad sa'min after namin ma-save ang permanent schedule.
[Hayan! Hindi na tayo maghihiwalay bii. Sana makasama natin sina kuya Dio at Syril. SIla naman ang nalalayo sa'tin, e.]
"Sana nga bago pa tayo mag-OJT," sabi ko after ko i-save para i-print na lang sa school ang schedule.
[Speaking, hindi pa rin talaga ako komportable do'n kay miss Norah ba 'yon? 'Yon friend ng nanay mo.]
Tinignan ko naman si Johnny, nakahawak siya sa bibig niya. Pa'no nagpipigil ng tawa niya, pinapalayo ko na siya pero mukhang gusto niya makinig sa sasabihin ni Ferlina.
"Bakit naman?" tanong ko pero nakatingin ako kay Johnny. Mahirap na, baka bigla na lang tumawa.
[Bii, may kagandahan kasi si miss Norah pero alam mo 'yon aura niya, para siyang agent na hindi ko maintindihan.]
"Kagandahan?"
[Oo, bii. Maputi siya 'di ba? Bagay sa kanya 'yon pagiging maputi kaya lang nag-red lipstick siya, e. Tapos nag-itim pa siya na damit lalo na 'yon pambaba niya, fitted bii. Pa'no kasi bii, para siyang bampira sa Twilight! Alam mo 'yon 'di ba?]
"Hahahahahahaha! Ang pangit talaga manamit ni Norah! Hahahahahaha!"
Tumingin ako kay Johnny nang magsisigaw siya sa tabi ko, "Taena nito! Bakit ka nagsisigaw diyan!?"
[Lah, bii. Bakit nandiyan si—]
Bigla na lang kinuha ni Johnny 'yon phone ko, "Hello, Ferlina? Johnny 'to."
[Oh, Johnny. Hello! Bakit mo kilala si miss Norah?]
Nawala agad ang ngiti ni Johnny nang tanungin niya iyon. Tumayo na ako para makuha ko ang phone pero inangat niya ang kamay niya. Hayup, ang tangkad naman kasi nito, eh! 'Di ko tuloy abot 'yon phone ko!
"Ako na lang ang magsasabi niya," mahinang sabi niya.
"Huwag mo naman idamay si Ferlina," sabi ko.
"Hindi ako katulad ni Norah, pr-protektahan ko ang mga kaibigan mo."
---
Si Johnny mismo ang nagkwento si Ferlina sa mga nangyayari. Sumasagot naman ako kapag may tanong siya.
"Pasensya na kung na-background check ka nina Johnny at ate Norah lalo na 'yon pamilya mo," sabi ko sa kanya nang makarating na kami sa kotse ni ate Norah, na nasa tapat lang mismo ng bahay ni Ferlina.
"Ayos lang bii, wala naman kaming criminal record, 'no." Nakangiti pa siya nang sabihin niya iyon.
Kumatok muna ako sa bintana ng kotse, bigla na lang bumaba ang bintana na sakto naman, naghikab pa si ate Norah.
"Sorry, nakatulog ako," sabi niya. Lumabas siya ng kotse para puntahan kami.
"Sasamahan ko na kayo ni miss Ferlina," tumingin siya kay Ferlina, "I know na mawe-weirduhan ka pero I need to escort you hanggang sa pinto ng bahay ninyo."
Tumingin si Ferlina sa'kin, "hala, bii. Kaya ko naman, e."
"Hayan kasi ang utos ni sir Sewell sa kanila. Mas okay na rin 'yon para sureness na safe ka," sabi ko na lang sa kanya. Mukhang wala na siyang choice.
Apartment style kasi 'tong tinutuluyan nila ngayon. Nasa third floor pa 'yon unit nila kaya bago pa kami maka-akyat, pinagtitinginan na kami ng mga tao na nasa first floor lalo na 'yon mga nag-iinuman.
"Type ka ata, ate Norah," sabi ni Ferlina habang umaakyat kami.
"Huwag lang nila susubukan na haplusin ka, magkakalat kami ng dugo rito."
Tumingin ako kay ate Norah, "Ate, chill ka lang."
"Oo nga, 'te. Mababait ang mga 'yan, hindi naman kami ginalaw ng ate ko no'n nag-iinuman ang mga 'yan."
Tumango naman si ate Norah, "Siguraduhin lang nila."
# # #
Friday pa naman ngayon, magpapahinga na sana ako kaso naalala ko, may pasok pala kami ni Ferlina bukas. Hindi pa namin name-meet ang magiging prof namin sa Law. Pero, sana naman mabait siya.
"Bakit mo drinop out ang Taxation mo?"
Sakto naman na nahinto ang kotse, traffic, e. "Ah, sabi kasi ni Johnny si Hudason ang hahawak ng mga Taxation subjects ngayon sem."
Lumingon siya sa'kin, "May balita ka ba about sir Sewell?"
Napahawak na lang ako sa strap ng bag ko nang tanungin niya iyon, "W-wala naman po sinabi si Johnny sa'kin. M-may masama po ba na nangyari sa kanya?"
Ngumiti naman si ate Norah, "Malakas pa si sir Sewell so we don't need to be worry. Kaya ko tinatanong ko 'yon kasi baka may nakarating sa mga estudyante like you kung bakit hindi makakapagturo ng Taxation si sir Sewell. Alam ko pa naman na, paborito siya ng mga taga-department ninyo." After niya sabihin 'yon, binalik na niya ang tingin sa kalye kasi nag-green na.
"Ah, alam ko lang po kasi, sina Hudason at sir Sewell lang ang nagtuturo ng Taxation. Sabi nila, swerte raw ang section na 'yon kung si sir Sewell ang prof kasi sure pass daw. Kapag naman kay Hudason, matik, see you in hell agad."
"Oh, I see. It seems na delikado ang Hudason na 'yon." Tumango na lang ako sa sinabi niya.
"Pero si sir Sewell, wala siya ngayon sa bansa."
"Bakit po?"
"May hinahanap pa siyang information about sa clan, lalung-lalo na sa'yo dahil until now, hindi niya alam ang totoo mong pangalan."
"Huh? Totoo kong pangalan? March Monarie Dosal naman ang pangalan ko, ah."
Narinig ko na lang ang pagtawa ni ate Norah, "Sorry. Yes, your name is March Monarie Dosal. That is your birth name, right?"
Tumango na lang kahit na hindi siya nakatingin sa'kin.
"Based sa sinasabi sa'min ni sir Sewell, may nakahanda na talaga na pangalan sa'yo. Kung hindi lang tumakas ang nanay mo sa hospital bago ka ipinangak, for sure, March Monarie will be not your name."
"Tumakas daw nanay ko?"
"Yes. Hindi na raw inalam ng tatay mo, mukhang may nalaman siguro."
Sakto naman na may naramdaman ako na pag-vibrate, hinannap ko pa kung nasaan, phone ko pala iyon.
"Hala! Si nanay!"
Nahinto ang kotse gawa nang traffic, lumingon si ate Norah sa'kin, may pinakita na sa'kin na earphones at sabay niyang sinaksak iyon sa tenga niya.
Uhh, hindi ko nagets pero sasagutin ko na 'to.
"Hello? Nay?"
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top