HOW? 32
At dahil tapos na ang semester, naglabasan na ang mga grades namin.
Good news, bagsak ako sa Investment. Hehe.
Paano ko sasabihin sa nanay ko? Sermon na naman ako nito, sasabihin niya sa'kin na hindi siya nagtatae ng pera kaya wala raw ako karapatan na magbagsak ng mga sub—
"Huwag na po kayo mag-alala sa tuition fee niyo, miss March."
Tumingin ako kay ate Norah, siya ang nagddrive ngayon, e. "Si sir Sewell na ang bahala sa tuition fee niyo simula ngayon hanggang sa pag-graduate mo. Pati allowance at anything na kailangan mo para sa school, siya na rin ang bahala."
"Wow."
Sakto naman nahinto ang sasakyan dahil red light, tumingin siya sa'kin. "Ayos ka lang, miss March?"
"Ah, opo, ate. Ano kasi, napa-wow lang ako kasi ang yaman ng amo mo."
Ngumiti si ate Norah. "Miss, hayun po kasi ang binilin ng tatay mo kay sir Sewell kaya kailangan niya gawin iyon. Kung may iba ka pang concern, pwede mo sabihin sa kanya. Or kahit sa amin ni Johnny na lang, okay?"
"E, nahihiya po kasi ako."
"Naku, miss, huwag na huwag ka mahihiya. At the end of the day, ikaw pa rin ang masusunod." Pagkatapos, inandar na niya ang sasakyan. Papunta kami ng school ngayon para mag-enroll. Sasamahan lang daw ako ni ate Norah para mag-proceed ng enrollment ko at para na rin safe ako.
Nang malapit na kami sa school, sinabi ko kay ate Norah na ibaba na lang ako sa entrance pero, ayaw niya. Gusto niya muna i-park ang sasakyan na 'to sa loob bago ako lumabas ng kotse. Hindi ko alam kung tinted ba 'to, baka makita ako ng mga kaklase ko rito, sasabihin sa'kin rich kid ako.
Wala naman gaanong sasakyan dito sa parking area nang bumaba kami ni ate Norah. At habang papasok kami sa building para mag-enroll, nakabuntot siya sa'kin na 'kala mo, siya ang guardian ko.
"Ate, pwede naman niyo ko hintayin na lang sa parking. Mabilisang enrollment ang gagawin ko," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Nope."
"Sige na, ate! Balik ka na sa kotse."
"Hindi pwede, miss March."
"Efas naman ako rito, e."
"Hindi pwede."
"Luh!"
"Luh."
Nakakainis naman 'to si ate. Ayaw magpatalo.
"Bii!"
Potek, narinig ko pa boses ni Ferlina kaso hindi ko naman siya nakikita!
"Bakit hindi mo isuot ang salamin mo para makita mo siya?" napatingin na lang ako sa tanong ni ate Norah. Medyo matangkad siya kesa sa'kin.
Huninto muna kami para lang ilabas ko ang salamin, "Sana all, malinaw ang mata." Hayan na lang ang nasabi ko after ko isuot ang salamin. Tumingin ulit ako kay ate.
"Bakit mo kilala 'yon tumatawag sa'kin?" tanong ko.
"Unang-una, siya lang ang tao sa benches na 'yon," tinuro niya 'yon court, "pangalawa, trabaho ko na kilalanin ang mga kasama mo araw-araw."
"Hoy, sobra na 'yan, ate." Tumingin pa ko sa paligid, baka may makarinig sa chikahan namin, "stalker ka, ah."
"Miss, it is my job to protect you. Baka kasi hindi natin alam na isa sa mga nakaka-usap mo, may connection kay Joyce."
Sa ilang buwan na sumasama ako sa mga 'yon, mukhang wala naman sa kanila, may connection sa mundo ni Joyce. Mukha silang mga normal na tao, e.
"Huy, bii!"
Hala, ang bilis naman makarating ni Ferlina rito sa tabi ko.
"Nakapag-enroll ka na?" tanong niya, may hawak pala siya na pre-registration form.
"Mag-e-enroll pa lang," kumapit agad ako sa kaliwa... errr, kanan braso niya. "Samahan mo 'ko."
"Ah, sige. Pa'no 'yon kasama mo?" tanong niya tapos tinuro niya si ate Norah.
Ngumiti si ate Norah sa kanya. "Hintayin na lang kita matapos, puntahan mo na lang ako sa court niyo kapag magbabayad ka na, okay?"
"Ah, okay po, ate."
Hinila ko na agad si Ferlina papasok ng building. Tinignan ko pa si ate Norah, nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti.
"Sino 'yon, bii?" Sabi na, e. Magtatanong 'to.
"Ano... si ate Norah. Kaibigan ng nanay ko, siya raw kasi ang magbabayad ng tuition fee ko kaya sumama sa'kin na mag-enroll."
Tumingin ako sa kanya habang naglalakad kami, mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko kasi tumango-tango siya. Hindi pwede na sabihin ko sa kanya na "bodyguard" ko si ate, iisipin agad nito, rich kid ako. Hindi ko naman kasi ugali na magyabang, 'no.
At saka, para na rin sa kaligtasan ko, baka kasi may connection 'tong si Ferlina kay Joyce. Pero, mukhang wala naman. Pero, sana nga wala. Simple naman kasi ang pamilya nito, e. Gano'n din naman ang pamilya ni Nana no'n pumunta kami sa bahay niya. E, gano'n din naman siguro si ate Hailea. Si Lychee kaya?
"Buti na lang suot mo ang salamin mo, bii."
Tinignan ko siya nang maka-akyat kami papunta sa computer room. "Bakit naman?"
"E, malay natin makita mo si kuya L ulit. 'Di ba last time na enrollment, nakita natin siya rito?" nakangiti pa siya nang tinanong niya 'yan sa'kin.
"Ba't parang ikaw pa 'yon mas excited na makita siya?"
"Eeeii! Bakit ba, kinikilig ako para sa'yo!"
"Lululuh!" natawa na lang siya sa gilid ng pinto bago kami pumasok. "Hindi naman magpapakita 'yon sa'kin. Sino ba 'ko, ha?"
"Ikaw si March Monarie Dosal, bii! Aba! Malabo na hindi ka niya kilala!" At dahil diyan, mahina kong kinurot ang kaliwang.... uhhh, kanan braso niya.
"Papagalitan ka ni tita bii 'pag sinabi mong may bagsak ka," sabi na lang ni Ferlina nang umupo siya sa tabi ko.
Huminga muna ako nang malalim pagkatapos ko mag-log in. Shet, namumulang grade agad ang unang bumungad sa'kin, oh! Kainis. "Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na may bagsak ako ngayon."
Hindi naman nakwento ni sir Sewell about sa tatay ko dahil may ime-meet pa siya na importanteng tao. Wala rin naman alam sina ate Norah pati ang kapatid niya, si Johnny hanggang doon lang naman ang alam niya tungkol sa tatay ko.
Hindi ko pa rin naco-contact nanay ko, pati na rin ang mga tita at kapatid ko hanggang ngayon. Kumusta na kaya ang mga 'yon?
"Mamaya ko pa lang sasabihin," natawa na lang ako after ko sabihin 'yon, sana masagot nila tawag ko mamaya.
'Yon schedule ko ngayon, nagkaroon na ako ng evening class, salamat kay Ferlina dahil gusto niya, sabay ang vacant at uwian namin. Jusko.
"Ano pa ba ang kulang sa'yo?" tanong ko kay Ferlina habang pababa na kami.
"Magpapaprint na lang ng reg form tapos, okay na ako."
Tumango ako saka ko tinignan ang court, nandoon pa rin si ate Norah kaya pinuntahan namin, nagce-cellphone siya.
Agad naman siya natigil at tumayo saka kinuha ang pre-registration form ko. "Dito na lang kayo, ako na ang magbabayad."
"Huh? Alam mo kung paano ang pag-proceed?" tanong ko.
"Oo naman, nakwento na sa'kin ng nanay mo." Pagkatapos, tumakbo siya papunta sa tellering. Paano niya alam ang daan?
"Bii, sure ka bang kaibigan 'yan ni tita?"
Tumingin agad ako kay Ferlina, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. "Di ba, nasa forty's na si tita? E, mukhang nasa twenty-pataas pa lang ata ang edad niya, e. Parang, hindi nalalayo ang edad ni ate Hailea sa kanya."
Sa pagkaka-alam ko, twenty-three years old na si ate Hailea. E, hetong si ate Norah... ilan taon na ba 'to?
Nang matapos na si ate Norah, sinamahan ko naman si Ferlina na magpa-print, kumain muna kami ng waffle na si ate Norah ang nanlibre. Hinatid pa namin siya sa bahay nila which is, walking distance lang naman sa school.
"Hindi naniniwala si Ferlina na kaibigan niyo ang nanay ko," sabi ko na lang sa kanya nang makasakay na kami ng kotse.
"Hayaan mo siya kung ano ang paniniwalaan niya, miss March. Isa naman siya sa babantayan ko, kung may connection ba siya sa pamilya ni Joyce."
"Ate, pwede po ba huwag mo idamay ang mga 'yon? Almost a year ko naman sila nakasama, wala naman sila kinalaman kay Joyce, eh."
Sinimulan na niya i-andar ang kotse palabas ng parking area. "I'm sorry, miss March. 'Pag nalaman ko lang na isa sa kanila ay may kinalaman kay Joyce, hindi na ako magdadalawang-isip na patayin sila."
Punyeta! Galit na galit ba 'to kay Joyce? Bakit ba kasi ako sumama sa mga 'to? Baka papatayin lang niya ang mga kasama ko sa school, e. Dapat pala hindi ko sinabi sa kanya na mag-e-enroll ako ngayon para—
"Hoy, ano'ng ginagawa mo rito?"
"Malamang nag-enroll."
Sumilip pa 'ko kung sino ang kausap ni ate Norah, si Johnny pala 'to. Na sakto naman, tumingin siya sa'kin.
"March!"
Parehas pa kami nag-sshh ni ate Norah, pagkatapos, sumakay na siya ng kotse na katabi ko na ngayon.
"Tapos ka na mag-enroll?" tumango na lang ako sa kanya, "bakit hindi kita nakita?"
"May kasama 'yan."
Parehas pa kami tumingin kay ate Norah na nagd-drive na. "Sumama ka sa pag-e-enroll niya?"
"Oo, bakit? Bawal?"
"Tangina nito, kapag ikaw talaga napaghinala ng mga kaklase namin, hindi ka na makakawala," sabi na lang ni Johnny.
Sasabihin ko na lang tutal nandito naman si Johnny. Siya na ang bahala sa'kin kung papatayin man ako ni ate Norah ngayon.
"Sinabi ko kasi kay Ferlina na kaibigan siya ng nanay ko. Kaso, mukhang ayaw niya maniwala dahil based sa hitsura ni ate Norah, hindi naman sila magka-edad ng nanay ko."
"HAHAHAHAHAHA! Tangina!"
"Hoy," napalo ko pa si Johnny, "huwag ka nga tumawa-tawa. Sinabi ko lang naman kung ano 'yon sinabi ni Ferlina sa'kin."
"Alam mo," sige Johnny, tawa ka muna bago ka magsalita, "napaka-honest ng kaibigan mo, ah."
"Mababaril talaga kita, De Leon!" sigaw ni ate Norah.
"Hoy, kasama natin si March. Mag-ingat ka sa pagd-drive mo," sabi niya sabay tumawa ulit siya nang napakalakas.
Sana pala hindi ko sinabi iyon. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba sa'kin si ate Norah o hindi.
# # #
"Gusto mo magpalit ng bodyguard mo?"
Hindi naman ako makasagot agad sa tanong ni Johnny pagkatapos ko ikwento sa kanya ang nangyari kanina.
"Tama lang ba na ipa-request ko 'yon kay sir Sewell? Feeling ko kasi, may bomba na sa katawan ko na, anytime pwede niya ipasabog."
"So, hindi ka komportable sa kanya?"
"Sshh, huwag ka maingay. Baka nakikinig 'yon," sabi ko sabay sumilip ako sa labas ng office na walang pinto. Hindi ko naman siya makita dahil hindi ko suot ang salamin ko.
"Pinalayas ko muna, sinabi ko na mag-uusap tayo about sa nanay mo."
Tumingin naman ako sa kanya, "huwag mo na pabalikin. Please? Hindi ko talaga gusto ang aura niya."
"Bakit ka sa'kin nagpapaalam?"
"Huh? Kanino ba dapat? Kay sir Sewell? Kaso, kailan pa siya babalik dito sa bahay? Hindi kasi siya nagsabi sa'kin, e."
Nakatingin lang si Johnny sa'kin. Hindi ko naman alam kung ano ang iniisip ng kapre na 'to. May mali ba sa tanong ko? Or baka hindi kay sir Sewell magpapaalam?
"March, ikaw na ang may karapatan sa pamamahay na 'to. Meaning no'n, kung ano man ang magiging desisyon mo, hayun ang masusunod," seryosong sabi sa'kin ni Johnny.
"Kaso, 'di ba kay sir Sewell kayo sumusunod?" tumango naman siya sa tanong ko, "ibig sabihin ba no'n, kapag may ayaw ako, susundin niya?"
"Kahit ano'ng desisyon mo na alam mong maliligtas ka, susundin namin iyon."
Sumandal na lang ako sa itim na sofa na 'to. Unang araw ko pa lang na magkasama kami ni ate Norah, hindi na ako komportable. Pa'no pa kaya sa darating pang araw? Magiging CCTV ko siya nang wala sa oras, e.
Pagbibigyan ko muna ba? Baka kasi OA lang ako. Pero, naniniwala pa rin ako na walang kinalaman ang mga bagong tao sa paligid ko ngayon. Hindi nga nila kilala sina Lino and others.
"Miss March!"
Tatayo pa lang sana ako para bumaba kaso nandito na siya sa office. Naghahabol pa ng paghinga niya.
"Oh, ano'ng nangyayari sa'yo?" si Johnny ang nagtanong.
"I changed your schedule for this coming semester." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, may binigay siyang papel sa'kin. Agad din naman lumapit 'tong si Johnny.
"Bakit lahat ng klase mo magsisimula sa hapon?" tumingin ako kay Johnny after niya tanungin 'yon.
"Malay ko. Alam ko isa lang klase ko sa gabi, e."
Tumingin ako kay ate Norah, ano na naman ang trip niya ngayon?
"Kailangan natin ma-match ang schedule mo sa mga prinsesa. Kailangan lahat kami nakabantay sa inyo dahil may nakarating sa'min na kumikilos ang mga tauhan ni Joyce."
Tumingin ako kay Johnny, hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa pinaggagawa ni ate Norah sa'kin. E, tinignan ko naman si ate Norah ngayon, mukhang wala siyang pake kay Johnny.
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top