HOW? 31


Nagising na lang ako sa pagkatok ng pinto tapos may sinag na ng araw na bumungad dito sa kwarto... ko?


Awkward pa rin talaga na tawagin "kwarto ko" ang area na 'to. Feeling ko kasi, nakikitulog ako.


"Miss March?"


Hala, sino na naman 'yon?


Bago ako tumayo sa malaking kama na 'to, nagsuot muna ako ng bra. Sa bahay kasi namin, manipis ang ginagamit kong kumot na madalas hindi ko rin nagagamit. Ngayon, nahihirapan ako sa kumot na 'to dahil ang kapaaal!


Nang binuksan ko na 'tong pinto, isang medyo matandang babae ang nakangiti sa'kin. Hanggang baba ko lang ang height niya at... naka-uniform siya na... hindi ko alam kung pang-kasambahay na uniform ba 'to.


"Po?"

"Gusto lang po kayo i-check ni sir Sewell kung gising na po ba kayo. Gusto niya po kasi na sumabay kayo sa almusal."


Sir Sewell daw. Teka, wala naman binanggit si Johnny kahapon at kaninang madaling-araw tungkol doon, ah.


"Sino po siya?" mahinang tanong ko pa kay ate.

"Uhh, 'yung nag-alaga po sa bahay niyo po, miss March," bulong din ni ate.

"Hala, e, hindi ko po siya kilala."

"Nasa dinning area na po siya miss March. Nakahanda na rin po ang almusal ninyo."

"Na-nahihiya ako, ate. Hindi ko naman po kasi kilala 'yon, e. Bigla na lang nila ako pinapunta at pinatulog dito."

"Ay, ano ba naman 'yan miss March, huwag na huwag po kayo mahihiya," sabi ni ate tapos ngumiti siya, "mabait naman po si sir Sewell kaya naniniwala po ako na magiging mabait din po siya sa inyo."

"Sure ka, 'te?" tumango naman si ate.


Hala, lalabas ba ko? Awkward kasi, eh!


"N-nandiyan po ba si Johnny? Kilala niyo po ba 'yon?" tanong ko kay ate.

"Ay, opo. Nasa dining area po si sir Johnny. Hindi naman po umuwi sa bahay 'yon."

Hay salamat naman po! Magpapasundo na lang ako sa kanya—

"March!"

Taena naman, lakas naman ng pagka-March niya!

"Oh!?" 'di ako galit.

"Tara na. Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong niya nang makarating na siya sa tapat ng kwarto... ko?

"S'yempre, nagugutom na." Sakto, tumunog na tyan ko. It's a sign!


Nauna na naglakad si ate di-ko-alam-ang-name-pero-mabait tapos sumunod na kami ni Johnny sa likod niya. Oo, naka-kapit ako sa braso niya, baka kasi bigla na lang gawin si ate di-ko-alam-ang-name-pero-mabait sa'kin, e.


"Buti na lang, may c.r. 'yon kwarto. Paglabas ko kasi kaninang madaling-araw, ang dilim."

Bigla na lang huminto si ate di-ko-alam-ang-name-pero-mabait at lumingon sa'min. "Ay, sorry po miss March, akala po kasi namin gusto niyo sa madilim. Nautusan lang din po kami ni sir Johnny na patayin ang mga ilaw."

"Huh?"

"Ah, sorry naman, March. Ako kasi ang nag-utos na patayin lahat ng ilaw except sa labas ng bahay," sabi na lang ni Johnny, "ayaw mo ba na nakapatay ang mga ilaw sa bahay?"

Napa-kurap na lang ako sa tanong niya. "Ayos lang naman sa'kin kung madilim ang bahay. Pero, sana kabisado ko muna 'yon mga switch dito."

"Hayaan niyo po, miss March, ituturo ko po sa inyo ang mga switch ng ilaw dito sa bahay niyo," sabi ni ate di-ko-alam-ang-name-pero-mabait tapos naglakad na siya pababa.

Napatingin ako kay Johnny, "ano raw?"

"Ah, basta, it-tour ka ni ate Yara sa bahay mo."


Ahh! Siya pala si ate Yara, jusko.


Nang makarating na kami sa dining area nila, ay teka bahay ko pala 'to base sa sinabi nila, ang daming nakahain na pagkain sa lamesa. 

Hotdog. 

Corned beef. 

Longganisa. 

Meatloaf ba 'yon or spam? 

Bacon! Arrrgh!

May ham pa.

Itlog na scramble at may orange sa gitna plus itlog na pula with kamatis. 

May nakita pa kong tuyo. 

Amoy ko 'yon pandesal, mukhang kakalabas lang sa oven. 

Prutas na nasa dalawang lagayan.

May pancake pa rito na may kasamang honey!


Shit, ang dami!


"Bakit wala akong makitang kanin?"


Ay, leche, bibig mo March! Hindi ka na nahiya!


"Nay, sa'n ko ilalagay 'tong sangag?"


Sangag?


"Ay, dito mo na lang ilagay. Sakto, hinanap ni miss March 'yan."


Tumingin ako kay ate Yara, may isang binata na naglagay ng malaking mangkok sa lamesa na ang laman ay kakaluto lang na sinangag! Shit, ang bango!


"Upo ka na, March. Kanina ka pa nagugutom, e."

Tumingin ako kay Johnny, tinuro niya sa'kin ang upuan na ang katabi ko ay isang matandang lalaki na 'kala mo, siya ang head of the family dahil naka-upo siya sa gitna ng hapag-kainan.

Ay, teka, parang nakita ko na siya.


"How's your sleep?"


Ay, shit, english. Sandali. Pwede ba ko sumagot ng tagalog?


"Ayos lang naman po." Hala! Pwede ba ko mag-tagalog dito? Ano ba naman 'yan.

Ngumiti siya. "That's good." Hayun, pwede naman pala.

"Nasa'n sina Norah? Akala ko ba mag-a-almusal sila rito?" tanong na lang ni Johnny na umupo sa tabi ko. Mabuti naman, nandito siya.

"O, nandito na kami. Bakit ka pa nagtatanong kay sir Sewell?" isang maangas na babae ang umupo bigla sa tapat ko, may kasama pa siyang lalaki na umupo sa tabi niya.

Bigla na lang siya tumingin sa'kin. "Good morning po, miss March."


Hala, bigla na lang siya bumait.


"Itigil mo 'yan pagpapanggap mo, i-o-orient ko pa siya na meron kang DID," sabi na lang ni Johnny.

"Bwisit ka, ah!"

"Nasa lamesa tayo, ano ka ba naman." At dahil diyan, napatahimik na lang si... ano, ate Norah ba or miss Norah or Norah ang itatawag ko?

"Ano 'yon DID?" tanong ko kay Johnny.

Naglagay siya ng bacon sa pinggan ko. "Ano 'yon, split personality disorder."

"Hoy," napatingin ako kay ate Norah nang sabihin niya 'yon, tapos tumingin siya sa'kin. "Minsan nga po miss March, huwag kayo maniniwala sa sinasabi ng katabi niyo."

"At minsan din, huwag ka maniniwala kay Norah," sabi na lang ng katabi niya.

"Totoo ang sinabi niya," tinuro ni Johnny ang lalaki na 'yon. Heh, 'di ko naman alam ang pangalan niya.

Napatingin na lang ako sa lalaking matanda na 'to, nakangiti siya habang naghihiwa ng ham. Siya kaya 'yon sir Sewell na sinabi ni ate Yara? Siya ata 'yon ninong ni Johnny, e.

"Makakasundo niyo rin po ang magkapatid na 'yan, miss March."


Nagsalang na lang si ate Yara ng black coffee sa mug na nasa harapan ko after niya sabihin 'yon. Tapos naglagay ng maraming kanin si Johnny at sinabi na kumain na 'ko. Feeling ko tuloy ngayon, nasa retreat house ako. Hindi ko alam ang nangyayari, ganito ba talaga kapag nasa ibang mundo ka? Ganito ba ang mundo ng Mafia chu-chu?



Tahimik kami nag-almusal. Akala ko ako na ang maghuhugas ng pinggan pero sabi ni ate Yara, sila na lang daw ng mga kasambahay. Kaya, heto, nandito kami ni Johnny sa office ng ninong niya which is si sir Sewell daw. Kasama pa namin 'yon dalawa na, magkapatid pala sila, naka-upo sa tapat namin ni Johnny.


"May idea ka na ba about sa family background mo?" tanong ni sir Sewell sa'kin.

Tumingin ako kay Johnny tapos tinuro ko siya. "Ah, nagkwento siya sa'kin kahapon kaso konti lang daw ang alam niya. Tama ba ko?" tumango si Johnny sa tanong ko.

"That's good," umupo siya nang maayos, "first of all, I am so sorry for all the trouble that we'd done for your family. Ginagawa lang namin ang lahat para sa kaligtasan ng pamilya ng nanay mo, March."

Nahihiya talaga ako ngayon. "Okay lang po ba sila? Hindi ko pa po sila nakaka-usap mula nang umalis sila, e."

"Maayos naman sila. Naihatid namin sila nang walang nakaka-alam ng mga tauhan ni Joyce lalo na ang nanay mo," sabi na lang ng lalaki. Hindi ko naman alam ang pangalan, e.

"Akala ko, pinasyal mo pa sila," sabi na lang ni Johnny.

"Mapapatay ako nina March at sir Sewell kapag ginawa ko 'yon." After sabihin ng lalaki, pinalo na lang siya ni ate Norah.

"Starting today, dito ka na uuwi. Pwede mo papuntahin ang family and friends mo rito as long as kasama mo ang tatlong agents na naririto ngayon," sabi na lang ni sir Sewell at tinuro gamit ang itim na sosyal na ballpen ang tatlong nilalang.

"Agents?"

"Yes," huminga pa siya nang malalim, "lalo na ang mga prinsesa at ang mga agents nila, pwede mo sila papuntahin since kasama ka naman sa clan niyo."

"Clan?"

"Staforbel Dershatin."

Tumingin ako kay ate. "That's our clan, miss March." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Kakaibang pangalan 'yon, ah.

"Also, if you're wondering kung kamag-anak mo ba ang anak ni Gabriella, yes, she's your first cousin," tumingin ako kay sir Sewell after niya sabihin 'yon.

Napahilot na lang ako sa noo nang mag-flashback ang nangyari no'n "debut party" ni Joyce. "Arrgh! Mabuti na lang hindi niya ako kinuha no'n party niya!"

"Party?"

Tumingin ako kay Johnny. Kailangan nila malaman 'yon nangyari.


After ko i-kwento ang nangyari...


"Pinatay na namin si Seline, kasabwat 'yon ni Joyce, e." Tumingin ako kay kuya, "sa pagkaka-alam kasi namin, isa siya sa tumulong para mahanap anim."

"Ang sama-sama talaga ng ugali ng batang 'yon," comment naman ni ate Norah.

"Sinabi mo pa," comment naman ni Johnny. Ano bang nangyayari sa mga 'to?

"Huwag niyo na pag-usapan ang patay na. Na-alarma rin si Joyce about that, maybe that's the reason kung bakit bigla na lang siya nagparamdam," sabi na lang ni sir Sewell.

"E, ayos lang naman po, sir. Ang mahalaga naman ngayon sa'min, may trabaho na kami ng kapatid ko," sabi na lang ni kuya.

"Totoo. Totoo," sabi ni ate Norah.

"Shit, magkapatid pala kayo." At dahil diyan, nagulat na lang ang dalawa. Sorry na, late ko na-realize. Hindi kasi sila magkamukha, e.

"Yon mga documents niya po," tumingin ako kay Johnny nang magsalita siya, "okay na po ba?"

"On process pa lang ang mga documents niya, Johnny. Huwag ka masyado magmadali."

"Alam ko naman po 'yon, ninong. Kaya lang kasi, baka may madiskubre 'tong si Joyce about kay March nang hindi natin alam."

"Calm down, Johnny. Everything's under control now." After no'n, bigla siya tumingin sa'kin at ngumiti.  Hala, mag-e-english din ba siya sa'kin?

"Pr-protektahan ka namin dahil hayun ang pinangako ko sa tatay mo."


Tatay ko.


Itatanong ko na ba? Tutal sabi naman ni Johnny, siya naman daw ang nakaka-alam ng lahat.


"Pwede po ba ako magtanong?"


"Yes, go ahead."


Uh, shit. Sandali. Kinakabahan ba ko? Or nahihiya?


"Uhh. Ano po ba nangyari sa tatay ko? Hindi po kasi kinukwento ng nanay ko, e."


~





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top