HOW? 30
Lambot naman ng higaan na 'to? At saka, ang lamig.
Huh? Higaan? Hala! Nakahiga ako?! Bakit ako nakahiga?!
Dinilat ko agad ang mga mata ko. Shit, pa'no ako nakatulog?
"March? Gising ka na?"
Narinig ko agad ang boses ni Johnny. Teka, babangon ba agad ako? Kinapa ko muna ang sarili ko, naka-damit pa naman me.
Pinuntahan ako ni Johnny para alalayan ako na bumangon, medyo nahilo lang ako saglit pero, umokay naman agad. Tinignan ko pa ang paligid, kaninong kwarto kaya 'to?
"Adik, nakakahiya. Nakikitulog ako kwarto na 'to. Sana sa sofa niyo na lang ako nilagay," sabi ko.
"Ano'ng pinagsasabi mo?" tanong niya nang inabot sa'kin 'tong tubig. Need ko ba ubusin 'to?
"Ha?" tanong ko na lang tapos ininom ko 'tong tubig.
"Heto ang magiging kwarto mo."
Ha?!
Sorry, Johnny! Nabuga ko sa kanya 'yung ininom ko!
"Taena mo!" sigaw ko sa kanya.
"Nagsasabi ako ng totoo, March. 'Di mo ba alam kung nasaan ka ngayon?" tanong niya habang nagpupunas siya ng mukha gamit ang suot niyang damit na...
Nakita ko tuloy... may abs pala siya.
"Malamang! Nandito ako sa bahay mo. Hoy, nakakahiya! Baka kwarto pala 'to ng Mama mo. Wala naman atang laway na tumulo, e." Kinapa-kapa ko pa 'tong unan na ginamit ko, hindi naman basa, e.
Binalik ko 'yon tingin ko kay Johnny kasi hindi na siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa'kin, baka hinihintay niya 'yon baso kaya inubos ko muna ang tubig tapos, binigay ko sa kanya 'yon baso.
Bakit hindi pa rin niya kinukuha?
"Hoy, heto na 'yon baso. Ilagay mo na sa lababo niyo. Pagalitan ka pa ng Mama mo."
Luh, 'di pa rin niya kinukuha.
"March, hindi mo naalala 'yon nangyari kanina?" tanong niya.
"Hindi. Tulog ako, e."
"Taena naman," bulong niya pero rinig ko, "daig mo pa lasing, ah."
"Lasing? Ano ba nangyari?"
"March, nandito tayo ngayon sa bahay mo."
Bahay ko? Kailan pa ko nagkaroon ng bahay? Ang yaman ko nam—shit!
Oo nga pala! Hala! Anak ng tinapa't daing naman, oh!
"Naalala mo na kung ano'ng nangyari kanina?" tanong niya.
"Oo! Adik! Bakit hindi ko agad naalala 'yon? Nakakahiya! Hala!" tumingin pa ko sa kama na 'to, "kaninong kama pala 'to?"
"Sa'yo."
"Ha?"
"Sa'yo nga 'tong kwarto na 'to, March."
"Taena mo, Johnny!"
"Hindi ako nakikipagbiruan, March. Sa'yo talaga 'to."
Based sa tono ng boses niya, hindi ko narinig na nagbibiro siya. Tonong seryoso, e. At saka, never siya ngumiti sa'kin magmula na gumising ako. So, tinignan ko na ang paligid ng kwarto.
S'yempre, una kong napansin yung T.V na nakadikit sa pader. Tapos tumingala ako dahil sa itim na ceiling fan na umiikot, kaya pala giniginaw ako, idagdag mo pa 'yon naka-on na aircon. Napansin ko agad ang beige... teka beige ba talaga 'to or mali ako ng pagkaka-describe ng kulay? Basta, beige-something na kurtina na malaki at makapal ang nasa right side ko.
Kaya, tinignan ko si Johnny, "ano'ng oras na?"
"Uhh," may dinukot siya sa bulsa which is phone niya, "one-forty."
"Nang madaling-araw?"
Tumingin siya sa'kin. "Oo."
E, sakto tumunog 'tong tyan ko. 'Di ko na alam nangyayari sa'kin, naalala ko kanina nahihilo ako. E, mabuti naman ngayon hindi na. Gutom naman ako.
"Ano gusto mong kainin?"
"Ano... Pancit canton."
"E, 'di tara, ako magluluto."
Bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko saka kami lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung sino ang nagbuhat sa'kin, pero feeling ko naman hindi siya nabigatan sa'kin. Taena, payatot na nga ako, e.
Pero, may konting boobs lang.
"Dito ang kwarto ni ninong pero, once na tumira ka na rito, aalis na rin siya," sabi na lang ni Johnny nang may tinuro siyang kwarto sa left side ng hagdanan. Tumango na lang ako tapos bumaba na kami.
Huminto kami tapos may tinuro siya. "Heto ang office area na si ninong ang nag-set up. Pero, ikaw naman ang masusunod kung gusto mong gawin office area 'to o hindi."
"Bakit ako?"
Tumingin siya sa'kin. "Uulitin ko, ikaw ang nagmamay-ari ng bahay na 'to."
"Ako talaga?" tumango siya sa tanong ko. Tapos, bumaba ulit kami paglabas ng... area na 'yon? Hindi naman siya kwarto, e.
"Ang dami naman hagdanan dito," sabi ko na lang sa sarili ko nang makita ko na may hagdanan pa akong nakita sa tabi ng... living area siguro 'to. May T.V. e.
"Wow, ang luwag naman ng kusina rito!" Yep, malakas ang boses ko nang sabihin ko 'yon. 'Yon mga cabinet, red and white ang kulay dito sa cabinet. Kumuha ng upuan si Johnny para ilagay niya sa seperate na lababo na ewan at pinaupo ako roon.
"Kahit ako na ang magluto ng pancit canton ko. Kaya ko naman gumamit ng induction stove," sabi ko after ko makita sa separate lababo na may nakakabit na induction stove. Feeling ko, nasa cooking show set up ako ngayon.
"Ako na. Kakaibang pancit canton ang gagawin ko at saka nainggit ako. Gusto ko rin kumain." Hindi na ako makapagsalita sa sinabi niya. Kung sa bagay, madaling-araw tapos pancit canton ang pagkain mo, perfect midnight snack!
Medyo na-weirduhan ako sa mga pinaglalagay niya. Butter at liver spread ang nilagay niya, hindi siya nag-drain, doon na niya niluto sa... ano'ng tawag dito? Semi-kaldero?
"Tada!" sigaw niya after niya i-serve sa dalawang pinggan. Tapos, naglabas pa siya ng dalawang root beer na nasa can. Yum!
Sinimulan ko na kumain at, "taena! Ang sarap naman nito!"
"Oh, 'di ba! Madali lang siya, try mo 'pag trip mo mag-pancit canton," tumango na lang ako sa sinabi niya.
"Nga pala," tumingin siya sa'kin nang magsalita ako, "ano na pala ang mangyayari kung... nawawala si Joyce?"
Hinintay ko muna malunok ang kinakain niya. "Kung nakilala mo ang mga prinsesa, malamang nakilala mo rin ang mga ni Zeb, tama ba?"
Zeb? Ah, 'yung boss ni Lino.
"Oo."
"Sila talaga ang naka-assign na bantayan sina Gabriella at Joyce. Sinigurado ni ninong na hinding-hindi makakalabas ng kulungan si Gabriella. Habang si Joyce, nakagawa ng paraan para makawala sa paningin nila. Matalino at baliw ang babae na 'yon kaya kailangan natin mag-ingat."
Uminom muna ako ng root beer, nakaka-tense kasi. "E 'di delikado na naman ang tatlo?"
"Kayong anim, actually."
Kumunot bigla ang noo ko sa sinabi niya. "Huh?"
"Target na kayo ni Joyce simula no'n debut ni Axiela. Hindi ko lang alam kung alam din niya na pinsan mo siya," nakangisi pa siya nang sabihin 'yon.
"Taena nito, huwag ka nga manakot!"
"Hindi kita tinatakot, March. Sinasabi ko lang na, possible na pwede ka niya gawing target or kunin ka niya para kumampi sa kanya."
"Taena, bakit ako kakampi sa kanya?"
"Para tulungan na patayin ang limang prinsesa."
"Taena mo! Ayoko nga!"
"Ganyan! Ganyan dapat ang mind set mo ngayon, ha? Hinding-hindi ka kakampi kay Joyce, kahit ano'ng mangyari. Mag-promise ka," sabi niya tapos naka-ready na ang pinky finger niya.
"Luh."
"Mag-promise ka nga! Hinding-hindi ka kakampi kay Joyce, kahit ano'ng mangyari."
Nilahad ko naman ang pinky finger ko tapos nilock sa pinky finger ni Johnny.
"Promise."
After namin kumain, ako ang naghugas pero tinuro niya kung saan nakalagay ang mga kitchen utensils sa bawat drawer dito. May mga kasambahay naman daw ako na makakasama pero, s'yempre, gusto ko rin malaman kung saan nakalagay 'yung mga gamit dito.
"May ipapakilala ako sa'yo, papunta na raw siya rito kasama 'yon kuya niya. Sabi ko bukas na siya pumunta kaso, binilin sa'kin na pagka-gising mo raw, i-chat ko siya."
"O, tapos?" tanong ko na lang nang maka-upo sa sofa rito sa living area.
"E, nag-my day ako ng pancit canton tapos hayun, sabi niya papunta na siya," sabi niya nang maka-upo siya sa tabi ko.
"Ano'ng gagawin niya pala?"
"Siya talaga ang personal assistant na inassign ni ninong. Sabi niya, nagkita na kayo pero ewan ko kung natatandaan mo siya."
"Personal assistant? Taena, 'di naman ako artista, ah. Daming arte naman."
Narinig ko na lang na tumawa ang kapre na nasa tabi ko. "Ano'ng problema mo?"
"Wala. Hahahahaha. Ngayon lang kita narinig magsalita ng ganyan."
"O, tapos?"
"Wala lang," huminga muna siya nang malalim bago ulit siya magsalita. "Hindi siya basta-basta na 'personal assistant' 'yon, March. Siya ang magbabantay sa'yo hanggang sa tumanda ka."
Ay. Bakit?
Hindi ko na naitanong 'yung mga gusto kong itanong. Nag-house tour kami. Kainis, two-thirty na ng madaling-araw, iniikot niya 'ko sa bahay! Ang taray, meron palang theater room dito, tho hindi naman ako mahilig manood ng movie, okay na rin. Pati 'yon kwarto ng mga kasambahay dito, tinuro pa niya sa'kin. Pinaka-nagustuhan ko is swimming pool, hihi.
"Bibigyan kita ng idea kung ano'ng pwede mong gawin dito," sabi niya nang makapunta kami sa recreational area... Hayun daw ang tawag do'n, e.
"Ano?"
"Kalahati ng area na 'to, pwede mong gawin gym," tinuro niya ang left side. "Tapos, dito naman ang magiging library mo."
"Ah, e, bakit naman library agad ang naisip mo?"
Saglit siya hindi nakapagsalita. "Nagsusulat ka, 'di ba? Malamang, kailangan mo ng library so, pwede mo siya ilagay dito."
"Or pwede naman sa office area ni ninong, gawin mo siyang library mo," dagdag pa niya.
Hmmm, pwede rin naman. Kaso ang layo naman sa magiging kwarto ko. Kung sa may bandang office, wala naman gaano privacy kasi wala naman pinto plus malapit siya sa living area.
"Saka ko na pag-isipan 'yan kapag tinanggap ko na sa sistema ko na, sa akin talaga ang bahay."
Bumalik na kami sa living area nang may marinig kami ng door bell. Si Johnny na ang nagbukas pagkatapos, bigla na lang siya nagsisigaw-sigaw.
"Tangina mo! Excited ka rin, e!"
"Pakyu! Kailangan ko na siya makilala agad!"
"Umayos ka, baka 'di ka lapitan dahil ang pangit mo."
"Manahimik ka, Johnny. Mas pangit kayo ni kuya."
Nang bumukas na ang pinto, may kasamang babae si Johnny. Oo, babae siya kahit na naka-suot siya na itim na cap at brown na jacket.
"March, heto nga pala si Norah."
After sabihin 'yon ni Johnny, tinanggal agad ni Norah ang itim niyang sumbrero saka siya ngumiti sa'kin.
"Good morning, miss March Monarie. Ako po si Norah Rosete, I will be your personal assistant simula ngayon."
Hala, teka. Familiar sa'kin 'yon mukha ni ate. Nagkita na ata kami nito, ah.
"Kung iniisip mo na nagkita kayo ni Rosete, yes, nagkita na nga kayo. Sa Crescent Hotel and Resort 'yon kasama mo 'yung iba mong kaklase," sabi ni Johnny.
"Ah, siya pala 'yon." Hayan na lang ang nasabi ko.
Ano 'to? Binabantayan ako ng mga 'to simula noon pa?
"Uhm, miss March, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Norah sa'kin. Na-alarma na ko no'n nilapitan ako ni Johnny.
"Ahh, oo. Okay pa ko, kalma lang," sabi ko sa kanila.
"Baka kailangan na niya magpahinga," sabi na lang ni Norah.
"Gusto mo na ba pumunta sa kwarto?" tanong ni Johnny kaya tumango na lang ako. After no'n, hinatid na nila ako sa kwarto ko.
Nalilito pa rin ako sa mga nangyayari. Sana naman ipaliwanag nila sa'kin tapos sana dumating dito sina nanay, mga tita ko pati mga kapatid ko. Sayang, may swimming pool pa naman din.
E, pa'no ko pala aayusin ang mga gamit ko? May sarili pa pala akong lagayan ng damit, hihi.
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top