HOW? 3


Nahihirapan na ako mag-type. Hindi naman masakit ang mga kamay ko pero...


"Putangina! Sa kabila!"

"Sabi nang sa kabila, e!"

"Oh, oh! Do'n nga!"

"Anak ka talaga ng puta, ang bobo!"

"Gago!"

"Ang bobo niyo!"


Maliliit ang boses nila. Sa pagkakaalam ko, katabi ko ang mga kalaban nila ngayon na, tahimik lang naglalaro.

Bakit?

Dahil mga matatanda ang naglalaro sa tabi ko ngayon. Feeling ko, nasa 20s na ang mga 'to. Kalmado nga nila, e.

Sa likod lang ng mga PC na 'to naglalaro ang mga bata na ang lalakas ng mga boses, liit naman nila.


"Hindi ka makapagsulat 'no?"

Napatingin na lang ako sa katabi ko sa kanan, ako ba kausap niya?

"Dapat doon ka sa likod pinaupo, e. Maiingayan ka talaga sa mga batang 'yan," aniya.

"Putangina niyo!"

"Hoy! Ang ingay ng bunganga mo, bata!" sigaw na ng lalaki na nasa kaliwa.

"Mag-suot ka ng headset para hindi mo sila marinig," sabi pa ng lalaki na katabi ni kuya na kumausap sa akin, "malakas ang sound ng headset diyan sa PC."

Wala kasi ako tiwala sa mga headset na 'to lalo na kung ang mga gumamit ay mga batang kasing-dugyot ng mga nasa tapat namin.

"Maniwala ka sa amin, miss. Malinis ang mga headset dito sa linya natin."

Pa'no naman niya nasabi?

"Siya kasi ang may-ari ng computer shop na 'to, miss." Napatingin agad ako kay kuya na nasa kaliwa ko.

Tinignan ko naman si kuya na nasa kanan ko, naka-focus na siya sa monitor ngayon. Napatingin ako sa mga kamay niya, ang bilis niya magpipindot.


May hitsura pa naman 'to, konti nga lang.


Sinuot ko na lang ang headset ko, nagpunta sa website ng Youtube at naghanap ng latest ng kanta ng Kpop ngayon. Playlist ang lumabas kaya pinakinggan ko na lang.


Sa apat na kanta na narinig ko, may kanta na nag-catch agad sa tenga ko. Kaya, hinanap ko ang title.


"Taena, pa'no basahin 'to?"


Pa'no ba naman kasi, naka-korean or Hangul ang sulat tapos "the Best" ang sumunod. Mamamoo ang kumanta.


Mamamoo? Putek, sino ba ang mga 'yon?


Napatingin na lang ako sa right corner ng screen, shit, 5 minutes na lang pala ako. Kaka-extend ko lang ng 15 minutes, e.

Hayup, kung kailan malapit na ang ending ng novel ko, saka naman ako naubusan ng mga salita.

Nag-log out na lang ako at pinatay ang PC. Iingay pa rin ng mga batang 'to, sila talaga ang may kasalanan kung bakit hindi ako makapagsulat.


Napatingin na lang ako sa langit, madilim na pala. Pero, mas dumami ang mga tao ngayon dito. Lalo na 'yon mga nag-iihaw.


Shit, kagutom.


Sakto na ubos na ang pera ko. Kung may matira man, 5 pesos na barya. Okay na 'yon, at least may laman ang maliit kong wallet a.k.a. coin purse, hihi.


"O, ate, nasaan ang kapatid mo?" tanong ni tita Chesa nang maka-uwi na ko.

"Sabi niya nakasakay na siya ng jeep."


Dumiretso na ako ng kwarto namin para lang buksan ang lampshade. Oo, lampshade lang ang ilaw namin dahil naputok 'yon light bulb, kasalanan 'to ni Jacobe.

E, hindi ko rin maintindihan sa nanay ko kung bakit ayaw pa niya bumili ng ilaw. Kahit pambili, ayaw niya magbigay. Psh.

Kinuha ko na lang ang registration form ko para malaman kung ano'ng oras ako papasok bukas.


Leche, 7:30 a.m.


General Science 1 pa ang subject.


Hayup, ano'ng kinalaman ng business course sa science na subject?


Tapos may next subject pa, Arts Appreciation 1.


Hayup, arts? Tae ang daming arte ng The Central Mind University!



# # #

7:15 a.m.


Nandito ako sa room kung saan, dito rin 'yon klase ko ng management at finance 1 mamaya, after ng Arts kemerut.


Takte, wala pala ako vacant pero maaga naman ako uuwi. Okay na rin.


"Okay, good morning class."


Nahinto na lang ako sa pagso-scroll ng phone dahil sa boses ni ma'am. Kilala ko kasi, e.


"I know na maaga ako ngayon, baka kasi makalimutan ko na may 7:30 a.m. class ako."


Hala, kilala ko nga siya. Takte. Nagkita na naman kami for the 3rd freaking time!


Lumabas muna siya saglit bitbit ang mug niya. Oo, ganyan talaga si engineer.


Engineer Fey Domingo! Shet! Sure pass na naman ang subject ko!


"Ang ganda niya, 'no?"

Napatingin ako sa tabi ko, hala si ate pala 'to. 'Yon nagmura kahapon dahil lang sa nine-thirty ang pasok niya.

"Kilala mo ba siya?" tanong pa niya sa akin.

"Ah, oo. Naging prof ko siya no'n engineering pa ko."

"Ay, engineering ka pala? Ano'ng nangyari?"


Takte, magkukwento na naman ba ako?


"Hindi ayos lang kung ayaw mo magkwento, okay lang."

"Wow, tampo ka?"

"Hindi, hindi." Umiiling pa siya, "hindi naman ako nagtatampo, miss."

"Hala siya."

Maya-maya, natigil na siya kakailing saka na tumawa, "joke lang, miss. Baka iniisip mo, pine-pressure kita."

"Ah, hindi naman," nakakatawa naman 'tong si ate. 'Di ko alam kung nakikipagplastikan ba siya sa akin or concern talaga siya.


"Bakit nandito ka, miss Dosal?"


Nalingon naman agad ako sa likod, si engineer pala 'to. Dumaan pala siya sa kabilang pinto.

"Nagshift po, e."

"O, sa'n ka bagsak? Pasado ka naman sa akin, ah."


Ma'am naman, e.


Ayoko na sumagot. Kaya, ningitian ko na lang siya. Sana naman naintindihan niya iyon, huhu.

"Ayos lang 'yan kung nag-shift ka. Malay mo, dito mo makikilala ang mga bagong kaibigan mo."


Miss ko na silang lahat, ma'am.


Ngumiti na lang ako sa kanya. Saka ko lang napansin ang hawak niyang mug at biscuit. Ganyan lagi ang bungad ni engineer kapag morning class, kape at biscuit.

Naglakad na siya papunta sa table niya sa harap. Kinausap na rin niya ang iba pang mga kaklase ko na nasa harap. Maaga pa naman dahil 7:18 pa lang.


May anak na kaya siya?



"Ay, ate Dosal."

Hayup, bakit ganyan ang tawag sa akin ni ate?

"Po?" lumingon naman ako sa kanya, 'yon katabi ko.

"May account ka sa Pen Page?"


Hala, don't tell me...


"Gawa ka naman ng account do'n, tapos paki-follow naman 'yon username ko. Kailangan ko kasi ng 1,000 followers para ma-verify ako. Kailangan ko magbenta ng libro."


Shit, may writer dito!


"A-ah, parang may account ako pero 'di na ko active kasi." Utot mo, Marso.

"Ah, okay lang. Heto 'yon akin." May nilabas siyang maliit na notepad at binigay 'yon sa'kin, "hayan ang username ko. Magaganda naman ang mga naisulat ko. May iba ro'n, ire-revise ko pa."

Kinuha ko naman, "ah sige. Mamaya pag-uwi ko."

Ngumiti siya, "thank you ate Dosal."

"March kasi ang pangalan ko."

"Dari name ko." Tumango na lang ako sa kanya. Napatingin ako sa notepad na binigay sa akin.


Ano ba naman 'to.



Akala ko si Dari lang ang writer sa website na 'yon. Taena, ang dami pala nila lalo na 'yon mga kaklase ko sa Arts. Kanya-kanya sila bigay ng mga notepad din. Mga babae pa naman ang nagbigay.

Mukhang ang mga lalaki lang at ako ang walang inabot sa kanila.

Maayos naman natapos ang araw na 'to. Kaklase ko rin pala si Dari sa Finance kanina. Pero, hindi ko naman siya katabi. Baka kasi kulitin ako.


Ano kaya sinusulat ng mga 'yon? Baka love story din.


12 p.m. na. Lunch. Kaya ang dami kong kasabay na lumalabas ng gate. Ganoon din ang mga nakikita ko na papasok pero may bitbit nga lang sila na pagkain.


Feeling ko, sikat ang mga writer na nakilala ko kanina. Gano'n ba sila kadesperada na sumikat? Palala nang palala.


"O, nag-shift ka na pala?"


Malapit na ako mairita, ha? So, ano'ng ang word for this week? 'Shift'?


Lumingon naman ako at. . . 


Putangina.


"Lorimer."


Tangina.


"Iba na ID lace mo, ah. Business department na pala siya."


Si kuya L!


"Ah, oo." Napatingin tuloy ako sa ID lace ko ngayon, iba na ang kulay. "Lahat pinalitan pati library card ko."

Nakita ko na nasa tabi ko siya. Shit, sabay kami naglalakad ngayon! "Weh? Pati pa 'yon may bayad?"

"Oo. Ano pa nga ba ang inaasahan mo?"

Nakita ko na umiiling siya. "Uwian mo na ba?" tanong ko.

"E, oo. Hindi raw papasok si sir sa next subject namin. Ikaw?"

"Uwian ko na."


Pucha, hindi ko ramdam ang init ng araw ngayon dahil kinikilig ako ngayon! Sana nandito si Jasmeng para lang may napapalo ako ngayon, putek!


"Alam mo ba, ang dami nagbibigay sa'kin nito."


Nang tumingin ako sa kanya, mga gusot na notepad ang pinakita niya sa akin. Hala, hayan 'yon binibigay ng mga writer dito.


"Sino ang nagbigay niyan?" tanong ko pa kahit na alam ko ang sagot.

"Mga bakla na nasa project area kanina, ka-department mo sila ata," sabi niya tapos nauna siya naglakad sa akin para lang itapon 'yon mga notepad.

"Sabi nila sa akin, mga writer sila. Hindi naman ako interesado sa gawa nila."


Aray.


"Maiintindihan ko kung babae. OA kasi kayo mag-isip. Pero kung katulad nila, ay, ayoko."

"Grabe naman 'to, sana man lang hindi mo tinapon 'yon. Malay mo, maganda naman ang gawa nila."

"Kaka-check ko lang kanina. Halos lahat sila, mature scene ang laman ng gawa nila. Pucha, ang dugyot kaya."

"E, normal lang naman siguro 'yon kasi may mga gano'n klaseng writer na mahilig sa mature scene."

"Hindi rin March," aniya, "hindi na pang-makatao ang scene sa gawa nila."


Okay, naiintindihan ko na siya.


"Kaya ikaw," tinuro pa niya ako, "huwag ka gagawa no'n, ha?"

"Ba't ako gagawa no'n?" 


Teka, ano ba ang tinutukoy niya? Mature scene or gumawa ng libro? Or mature scene sa totoong buhay?


"Very good." Hayan ang huling sinabi niya bago na siya lumiko nang makalabas na kami ng campus. Bastos, wala man lang ba-bye.


'Di nga? Nag-usap kami ni kuya L? Seryoso? Hindi naman ako nanaginip kasi may nakabangga ako.


Gagi, hindi nga ako nanaginip! Siya na mismo ang nag-approach sa akin, e!


Waaa! I'm so happy! Shit!


Nang makasakay na ako ng jeep, hinanap ko agad ang wallet ko sa bag. Pero, ang mga notepad ang bumungad sa akin.


Takte, ma-stalk ko nga ang mga gawa nila mamaya sa computer shop. Mga leche sila.


______________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top