HOW? 29
"Nagugulat ka pa rin ba sa nangyayari?"
Bwisit na tanong 'yan.
Tumingala ako kay Johnny. "Taena pa'no hindi magugulat kung lahat sila bigla na lang umalis. Kakagaling ko lang sa school, sumakit ulo ko sa exam tapos gano'n pa ang nadatnan ko. Andito ka pa."
Tumabi na lang siya sa akin bale, naka-upo na kami ngayon sa sahig. "Dapat matagal ko na sinabi sa'yo kaya lang, hindi naman kasi tayo close na close noon kaya inuunti-unti ko."
"Ibig sabihin ba no'n, matagal mo na ko nakikita?"
Tumango siya. "Kaya ako sumali sa pageant para makilala ko ang ibang estudyante rito. Tapos, 'yon computer shop, hindi talaga sa akin 'yan. Sa tita ng kaibigan ko 'yan, sumideline lang ako para ma-confirm kung dito ka talaga nakatira."
"Bakit mo ginagawa 'yon?"
"Inutusan kasi ako ni ninong na hanapin ka after niya malaman na TCMU ang school na pinasukan mo."
"Hindi ko naman kilala kung sino 'yang ninong na tinutukoy mo."
After no'n, bigla na lang siya ngumiti. "Isa siya sa prof sa department natin. Taxation ang hawak niyang subject.
Taxation? May Taxation na ba ako sa susunod na sem?
Pero, pumasok agad sa utak ko ang scenario kanina kaya tinignan ko ulit siya. "Bakit ba sila umalis nang hindi ako kasama?"
Huminga siya nang malalim. "March, delikado na ang pamilya mo after namin malaman na nawawala si Joyce."
"Joyce?" tumango siya.
Si Joyce? Teka, 'wag mong sabihing...
"Uunahan na kita. Hindi ko kakampi or kamag-anak si Joyce. Sa totoo niyan, pinsan mo siya. Okay?"
Pinsan?!
"Hoy, iisang Joyce lang ba ang iniisip natin?" tanong ko sa kanya.
"March Monarie Dosal, iisang Joyce ang iniisip namin. Siya 'yon Joyce na tumulong sa mama niya para mahanap ang tatlong prinsesa; Cleonara, Crystalline at Jeremia ang pangalan ng mga 'yon."
Bigla na lang ako napa-atras. Unang-una, paano niya nalaman ang mga pangalan na 'yon? Magmula naman last year hindi ko naman 'to nakikita, ah. Kasabwat ba niya sina Lino?
At saka, ang nagsabi na "baka" kamag-anak ko si Joyce ay sina kuya Tonni at Joseph, actually si Joseph nga dapat nagsabi no'n kasi sa kanya ko pinasuyo 'yon birth certificate ko.
"S-sino ka ba?" Taena, tama ba 'yon tinanong ko sa kanya?
"Johnny Sun De Leon po."
"Alam ko! Bwisit naman 'to, eh!"
"Oh, alam mo pala pangalan ko, bakit mo pa tinatanong?"
"Sino ka ba kasi? Ano'ng klaseng nilalang ka?"
"Ha?"
Bwisit, hindi ko matanong 'yon dapat kong itanong. Paano ba ako makakalabas nang bahay kung nakaharang siya sa pinto?
"Uulitin ko. Si ninong ang nagpa-utos sa akin na hanapin ka. May alam lang ako nang konti tungkol sa nangyayari pero mas detailed 'yon kanya dahil kilala niya ang tatay mo."
"Pwede mo naman siguro ikwento, 'no?"
"Oo naman. At huwag ka mag-alala, hindi ako katulad ni Joyce na may plano kang patayin."
Luh, nahalata ba niya 'yon iniisip ko?
"Sa pagkaka-alam ko kasi, magkakakilala ng tatay mo ang tatlong pamilya na iyon, s'yempre kasama na roon si ninong. Hindi naman niya inaasahan na makakabuntis ang tatay mo at the same time, alam niyang mapapahamak ka kapag pinakilala ka sa mundo na iyon."
"Mundo na iyon?"
"Mundo ng tatlong prinsesa. Nang dahil sa tatay mo kaya nakilala ni Gabriella ang mga iyon. Maswerte ka dahil hindi ikaw ang priority ng mag-ina sa paghahanap nila."
"P-pero, muntikan na niya ako isama no'n kinidnap sina Sha-Sha at Axi." Takte nakakatakot pa rin iyon kahit natapos na.
"Ibig sabihin lang no'n, hindi ka pinakilala ng tatay mo sa pamilya nila. Hayan din sinabi ng nanay mo sa akin the last time na pumunta ako rito."
Hayan kaya 'yon nakita ko silang dalawa sa gate?
"Maghintay lang tayo ng go-signal galing sa mga driver para maihatid na kita sa bahay mo."
"Bahay ko?"
"Oo, bahay mo."
"Sarili kong bahay?"
"Oo. Naka-pangalan na raw sa'yo, sabi ni ninong. Bale, mine-maintain na lang niya bago ka pumunta roon."
Hindi ako maka-move on, sandali. "Johnny, sarili kong bahay? Akin talaga?"
Tumango na lang siya.
"Kailan pa ko nagkaroon ng sariling bahay? 'Di ba, may mga pinipirma na documents pa 'yon?" tanong ko na lang. Gano'n kasi ang alam kong proseso gawa nang nakakuha ng dalawa kong tita na bahay.
Mukhang sasagutin pa naman sana niya ako nang marinig namin ang pag-ring ng phone niya. After no'n, tumayo na siya.
"Tara na. Naka-uwi na ang mga kapatid mo. Wala na sa Manila sina tita."
Teka. Sasama ba ako rito? Pero, ako na lang kasi ang mag-isa rito sa bahay. Nagmukha na tuloy horror house sa sobrang luma.
Dala naman nila 'yon phone 'di ba? Tatawagan ko si nanay mamaya.
Ending, sumama na lang ako kay Johnny. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya kasi marunong siya mag-drive.
"Marunong ka ba magmaneho?" tanong niya.
"Uhm, no'n na-kidnap kasi kami, may tarantandong nabaril 'yon isa namin kasama which is 'yon driver. E, 'di walang magddrive kaya nagawa ko naman mahinto 'yon sasakyan." Hindi ko nga alam kung pa'no ko nagawa 'yon. Baka isipin ng mga 'yon, kaya ko talaga mag-drive, huhu.
"Ah, at least alam mo na pala ang feeling kahit papano."
"Na alin? Ma-kidnap?! Siraulo ka ba!?"
"Hindi! Ang mag-drive kasi! Ikaw talaga, hindi na mauulit 'yan pagkidnap sa inyo, okay?"
Nakunot na lang ang noo ko sa sinasabi niya. "Ano na naman ang ibig mong sabihin, ser?" Yes, ser ang sinabi ko, not sir.
"Tuturuan kita kung pa'no protektahan ang sarili mo, March."
Sakto naman nahinto ang kotse dahil sa toll fee chuchu. Ang haba ng—teka lang.
"Bakit pala nasa express way tayo? Nasa probinsya ba 'yon bahay na sinasabi mo?" tanong ko.
"Hindi, within the city lang. Nagkataon lang na mahaba ang pila sa toll gate." Ah, toll gate pala ang tawag dito.
"Dalawa lang ang pwede nilang daanan, either probinsya ang uwi punta nila or sa exclusive subdivision na pupuntahan natin," sabi pa niya.
"Exclusive subdivision?"
"Opo. Which means doon nakatira ang mga high class na tao."
"Mayayaman?"
"Yes."
"So, ibig sabihin, mayaman tatay ko?"
Tumingin siya sa akin. "Yup. Sabi ni ninong, iniwan niya ang lahat-lahat sa'yo. Sinigurado niya na walang utang na maiiwan sa'yo."
Ang weird. Ano'ng klase siyang tao?
"Pero, patay na siya 'di ba?"
"Oo."
After niya sabihin 'yon, napasandal na lang ako sa bintana. Taena 'yan, ang traffic! Pagabi na oh!
"Pinangarap ko talaga maging mayaman, sa totoo lang. Bata pa lang ako, naiingit na ko sa mga kaklase ko, e. Lalo na ngayon kasi may mga bonggang cellphone at laptop sila."
Narinig ko na lang na tumawa si Johnny kaya tinuloy ko na. "Okay na sana, e. Kaya lang, hindi ko matanggap na pinsan ko si Joyce. Buti sana kung... hindi ko sila nakilala."
"Alam mo, hindi ko rin alam kung sinadya ba na pag-aralin ka ni tita sa school na 'yon. May dahilan ba siya kung bakit doon ka pinag-aral sa TCMU?"
Nag-flashback bigla ang scenario ng enrollment. Wala ako maalala na binanggit niya dahil nangingibabaw ang init ng panahon habang nag-i-inquire kami. Pati na rin 'yon lecheng enhancement program nila para sa engineering.
Pero, ayos na rin 'yon. Do'n ko nakilala si kuya L, hihi.
"Parang wala naman siyang sinabi sa'kin. Basta, keri niya raw ang tuition fee dahil may promissory note."
"Ah. Okay. So, tinadhana lang talaga ang lahat," sabi na lang niya. Sakto, kami na ang nasa bayaran ng toll fee.
"Aba, malay ko." Hayan na lang ang sagot ko. Malay ko ba kasi.
Hindi ko alam ang pangalan ng subdivision na 'to. Mukhang tahimik nga 'yon subdivision na 'to. Pa'no ba naman kasi, magkakalayo ang mga bahay. Ni wala akong makitang "this lot is for sale" na signage... or malabo lang mata ko. Hindi ko suot 'yon salamin ko, eh.
Bigla na lang niya pinark sa tapat ng isang malaking bahay. Nauna siyang bumaba tapos pinagbuksan niya ko ng pinto.
"Naghihintay na sila sa loob," sabi niya.
"Sino? Sina nanay?"
"Hindi. 'Yon mga makakasama mo."
May makakasama ako?
Nang nasa tapat na kami ng bahay, kusa na nagbukas ang itim na gate na ang haba. No'n pumasok na 'ko, una kong narinig na may water falls at amoy ng swimming pool.
Nakatapat kami sa isang matangkad na pinto, si Johnny ang kumatok. Pagkatapos, kusa na nagbukas at...
Bakit ang daming mga kasambahay dito?
"Good evening, ma'am March!"
Hala, ako ba ang kausap ng mga 'to? Mukha nga kasi kaming dalawa lang naman ni Johnny sa pinto. At saka, hindi naman siya si March.
"Pakuha na lang po ng gamit ni March, salamat." Nagsipuntahan ang ibang mga kasambahay sa labas. Hindi ko alam kung ilan lalaki at babaeng kasambahay ang sumalubong sa'min kanina, daig pa ng presidente.
"Nasaan pala si ninong?" tanong ni Johnny sa isang lalaki na kasambahay dito.
"Where is she?"
Isang boses na matandang lalaki ang narinig ko. S'yempre. hinanap ko. Nandoon siya sa hagdanan pababa na. Mukha siyang mayaman na may class na ewan. Feeling ko, ramdam ko ang vibes ng magulang nina ate Mika at Jo.
Naramdaman ko na lang ang mabigat na kamay, kay Johnny pala 'to.
"Heto na po siya, ninong." Tumingin ako sa kanya, nakangiti na pala 'to.
Nakita ko na tumingin sa'kin ang ninong niya. Nagmadali siyang bumaba at pumunta rito. Tangkad naman niya.
"Hello, March. I'm Sewell Montemay. Your father's business partner and kumpare when he was alive. Uh, until now naman, siya pa rin ang kumpare ko," nakangiting sabi niya sa'kin.
Ano'ng isasagot ko sa kanya?
"Ninong, kanina pa siya nagugulat sa mga nangyayari after na umalis ang pamilya niya," sabi na lang ni Johnny.
Tumingin siya kay Johnny. "Kumusta naman sila? You have to make sure that they're all safe."
"Yes, ninong."
"And, if ever na kailangan mo ng back-up, you can ask for my help."
"Nakakahiya naman sa'yo ninong. Ang dami mo na tinulong sa'kin."
"No, wala ka dapat ikahiya, hijo. Ako dapat ang mahita sa pamilya mo dahil sila ang unang nakakita sa anak ng kumpare ko."
Wala na ako naiintindihan.
Hindi ko alam kung bakit ako bigla nakaramdam ng hilo. Dahil ba 'to sa init or sa mga nangyayari?
"Okay ka lang, March?" tanong na lang ni Johnny.
"Painom ng tubig," sabi ko na lang sa kanya. Nakaka-uhaw pala 'to.
"Ninong, baka na-dehydrate na 'to," sabi na lang ni Johnny.
"Naka-on ba ang aircon?" Hindi ko alam kung sino ang kausap ng ninong ni Johnny, "dalhin muna natin siya sa kwarto niya. Dalhan na lang natin siya ng tubig."
Tapos... bigla na lang nandilim ang paningin ko.
"March!"
____________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top