HOW? 28


"Ang cute naman neto."


Lumingon naman ako sa nagsalita. At... PAKSHET!


SI KUYA L!


"Oh?!" Kailangan medyo mataray tayo for today para hindi niya mahalata na kinikilig ako!

"Sungit, ah. May regla ka 'no?"

"Gagi, pa'no mo nalaman?"

"May dugo, e."

"Ha?!"


Takte! Naka-jeans pa naman ako ngayon! Pa'no ko makikita ang layo ng c.r.!? Taena nakakahiya kay kuya L!


"Seryoso ka talaga?!" Hindi ko na kaya magtaray, natataranta na 'ko!

"Oo nga. Hindi mo ba nararamdaman?"

"Malaki?"

Nakita ko pa na chineck niya 'yon sa part ng pwet ko. "Medyo."

"Hala, may klase pa naman ako. Kailangan ko na umuwi." Wala pa naman ako kakilala sa susunod na subject ko. Accck!

"Shit! Pa'no na 'ko neto?" Wala na ko pake kung marinig niya iyon.


"Lorimer!"


OMG! Joseph!


"Bakit kayo nandito?" tanong niya sa'min.

"Ah, may nakita lang kasi ako," sagot ni kuya L.

"Nakita? Ano'ng nakita?"

Hindi siya sumagot pero tinuro niya ang likod ko kaya tinignan niya.

"Hala, may tagos ka March."

"Alam ko. 'Wag mo na kasi tignan!"

"May extra kang napkin?"

"Meron. Pero kasi, may tagos! May klase pa ko mamaya."

Bigla na lang siya naghalungkat sa bag niya. "Ano'ng subject? Major ba?"

"Minor."

"Minor lang naman pala, e. Huwag mo na lang pasukin." Pagkatapos niyang sabihin iyon, nilabas niya ang itim na... jacket?

"Gamitin mo muna 'to pang-tago sa tagos mo tapos, umuwi ka na."

"Hindi ako pwede umuwi, next week na final exam. Kailangan ko malaman kung ano'ng lalabas sa exams namin." Na-chika kasi sa'kin ni Nana at Rencer, na 'yon prof na 'yon, siya raw ang gumagawa ng final exams namin. Sakto, may review kami. Lahat ng tanong na itatanong niya mamaya, for sure, hayun ang lalabas sa exams.

"Last subject mo na ba 'yon?"

"Opo." Takte, bata?

"Okay. After no'n, umuwi ka na, ha?"

"Opo!"

Bigla na lang niya pinatong ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko! "Very good. Sige, papasok na kami ni Lorimer."

Tumango na lang ako sa kanya. Pagkatapos, tinignan ko ang mukha ni kuya L...


Hindi siya nakangiti.


Lah.


Malaking tulong ang jacket ni Joseph. Bukod sa itim, makapal din ang tela. Hindi naman kasi sumasakit ang puson ko ngayon pero ang lakas ng agos ng period ko ngayon buwan, ah!


"Ba't ka nakaganyan?"

"Obvious ba?"

"Obvious? Ang alin?"

Tinuloy ko na lang ang pag-aayos ko sa bag ko. Bakit ko ba kasi pinansin 'to habang nagkklase kami? After kasi ng klase ko, bigla na lang siya pumasok. Porket kilala siya ng prof namin dahil nga... sikat 'to.

Hanggang sa paglabas namin ng classroom, hayan pa rin ang tanong niya.

"Bwiset ka! Malamang tinagusan na 'ko!" sigaw ko nang makalabas na kami ng building na 'to. Ugh, buti na lang last subject ko na!

"Ahh. E, kanino galing 'yan jacket na 'yan?"

"Kay Joseph. 'Yon dati kong kaklase no'n engineering student pa 'ko." Sana naman makasakay ako ngayon para makapagpalit na ko!

"Joseph? 'Yon Blanco ang surname?"

Natigil ako sa paglalakad palabas ng campus dahil sa tanong niya. "Oo. Pa'no mo nalaman?"

Tumingin lang siya sa'kin pagkatapos, ngumiti. "Wala lang."

"Weh? Ano nga?!"

"Wala. Promise." After niyang sabihin 'yon sakin, nagpara na siya ng.. taxi. Sagot na raw niya ang pamasahe basta makarating kami sa bahay.


"Oh, may bisita ka pala, 'te."


Hindi ko na muna sinagot si tita kasi dire-diretso na kong umakyat papuntang kwarto para kunin ang mga kailangan kong kunin. Mamaya ko na lang siya ie-entertain, bahala muna si Johnny diyan.


"Ayoko na maging babae!" Oo, sinigaw ko 'yan habang binababad ko na 'yon sinuot kong may tagos. Bwiset, jeans pa! Bigat pa naman nito 'pag nilabhan, wala naman kaming washing machine.


"Kain na. 'te."

"Opo. Sana naka-uwi na si—"

"Kain na rito, Marso."

"Hoy! Ba't nandito ka pa?!" tanong ko na lang kay Johnny na sakto, malaking manok pa ang nakuha niya!

"Heto talaga, bawal makikain?"

"Umuwi ka na nga!"

"Kumakain ako, bakit mo 'ko pauuwiin?"

"Di ba may bahay ka? Do'n ka na lang kumain."

"Papalayasin mo 'ko, e, nakahain na 'tong early dinner ko."

"Huwag mo kasi kunin 'yan malaking manok! Akin na lang!"

"Nalawayan ko na." Siraulo, dinilaan pa niya!

"Ano ba!"

"Ate Mona, ano'ng nangyayari sa'yo? Manok lang 'yan, 'wag mo iyakan."

"E, kasi, eh!" Napahawak na lang ako sa puson ko nang may sinuntok sa loob. 

"Malakas ata period ng pamangkin niyo tita kaya ang init ng ulo sa'kin," sabi pa ni Johnny habang nagbabalat ng manok. Arrgh! Sarap naman no'n balat kaso kinain niya!

"Masakit ba puson mo?" tanong ni tita kaya tumango na 'ko. "Magpahinga ka muna. Ako muna mag-aasikaso kay Johnny."


Aasikaso kay Johnny? Tanda-tanda na niyan, aasikasuhin pa? Bata?


Ugh, 'di ko na kaya. Matutulog na lang ako. Exam na namin next week!



Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko dahil... ugh! Ano ba 'to!?


Bakit bigla na lang nagkaroon ng ilaw dito!?


I mean, dapat naman talaga na may ilaw dito. Ang hirap naman kasi kung lampshade ang ginagamit namin, ang hirap maghalungkat ng damit at saka gumawa ng homework, 'no. 


Okay naman 'tong ilaw kaso sobrang liwanag naman. Or, hindi lang ako sanay na may ilaw na riro. One year na kami hindi nagkaroon ng bumbilya 'to.


Dahan-dahan pa kong bumangon para lang makapa ang pwet ko, so far wala naman tagos. Uhh, eight o'clock na pala. Kailangan ko na kumain.


No'n nasa bintana na 'ko, napasilip ako sa bintana kasi parang may nagbubulungan sa gate. Ano'ng ginagawa ng nanay ko at ni Johnny?


Bigla na lang napatingin si Johnny sa'kin tapos umalis na siya. Saka na pumasok 'tong nanay ko.


"Kanina ka pa nandiyan?"

Magsinungaling tayo nang kaunti. "Hindi naman."

Tumango na lang siya. "Bayad na tuition fee mo, ha?"

"Ha? Pa'no ka nagbayad? Pumunta ka ng school?"

Paupo na sana siya pero bigla na lang siya tumingin sa akin. "Sa online bank ako nagbayad, 'nak. Nandiyan ang resibo, ah."

Tinuro niya 'yon nasa ibabaw ng picture ng lola at lolo ko. "Ah, okay."


Weird. Ako naman lagi nagbabayad ng tuition fee ko. I mean, siya nagbibigay ng pambayad tas ako 'yon nagbabayad sa registrar.


Heh, okay na 'yon. At least hindi na ako pipila.


~~~


"Tanginang exam 'yan! Exam na ba talaga 'yon? Napaka-sisiw!"


Oo, proud pa niyang sinigaw ni Orrion 'yan habang palabas na kami ng building. And, I'm proudly to say na tapos ang hell week namin! Napa-aga lang ng exam namin sa basic accounting kaya ang dapat ko lang ipag-alala, ay ang mga grades ko.


Lalo na 'yan lecheng Investment na 'yan. Mukhang see you next sem ako nito, ah!


"Uwi na ako, hinahanap ako nina Mama, eh."


Hindi ko mapigilang tumingin kay Nana. Ulul, hindi naman 'yan hinahanap ng Mama niyan. Makikipagkita lang 'yan sa jowa niya.


"Ako rin, uwi na rin ako. Ano'ng oras na, eh."


Napatingin ako bigla kay Lychee. Oh, tamang-tama, hawak na naman niya ang lumang Nokia phone. Meaning, pupuntahan na naman niya ang kanyang jowa na tingin naming lahat ay isang pakboy.


"E 'di magsi-uwian na tayong lahat. Tama lang pala kasi may pupuntahan ako."


At least itong si ate Hailea, totoong pupuntahan niya ang boyfriend niya sa... saan ulit 'yong office na 'yon?


"Sige, kunware hinahanap na rin ako ni Mama kahit hindi naman talaga."


Tinignan ko si Ferlina, alam ko nasa bahay na ang jowa nito, e. Porket legal na sila, pwede na tumambay 'yon jowa nito. Nakow!


Hinintay ko na lang ang magiging banat ng dalawang lalaki na 'to, na ang pangalan ay Rencer at Orrion. E, mukhang mga walang pake sa mundo dahil naglalaro lang sila sa mga phone nila.


"Ikaw, bes? Sa'n ka?"

Tinignan ko si Nana. "Malamang uuwi na. Alangan naman hintayin ko pa si kuya L."

"Ay, bii! Nakita ko si kuya L kanina!"

"Ayy! Nasaan bii? Bakit hindi ko siya nakikita ngayon araw na 'to?!" Sana man lang wala siya sa surroundings today! Ingay ingay ko pa naman, nasa court pa kami.

"Kanina! Katabi lang ng room natin."


Awwww! Bakit hindi ko siya nakitaaaaaa?!


Ang ending, kanya-kanya na kami ng uwi. Tama lang dahil pagod na utak ko sa final examination na 'to.


Nasa eskinita kasi 'yon bahay namin, sa right side. Kaso hindi naman ako agad maka-daan dahil may van na nakaharang dito.


Sakto naman na nakadaan na 'ko sa eskinita na 'to, nakita ko na lang kapatid ko na may bitbit na malaking bag.


Teka, akin ba 'yon?


Nakita ko na lang 'yon gate namin na itim, nakabukas. At ang nasa pinto ay si Johnny.


"Ano'ng nangyayari?" tanong ko sa kanya. Kausap pala niya ang nanay ko.

"Ate."

Napatingin ako sa dalawa kong tita na nasa sulok ngayon. Parang hindi sila masaya sa nangyayari na... hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Okay na kuya. Nailagay ko na lahat ng gamit ni ate."

Lumingon ako kay Danishe, nasa labas siya ng bahay.

"Hoy, ano'ng nangyayari rito?" tanong ko sa kanilang lahat. 


Takte, nag-a-abang ako ng sagot!


"March," sa wakas may nagsalita. At si Johnny iyon, "kailangan mo na umalis."

"Umalis? Saan?"

"Dito."

"Bakit?"

"Tito!"


Hindi ko na alam ang nangyayari, kung hindi si Johnny ang nandito, si tito Jasone, 'yon tatay ni Jacobe.


"Nasaan si Jacobe?" Aba! First time ko lang nakita na nag-usap silang dalawa.

"Nasa 'taas, nagliligpit pa ng gamit."

Nakita ko na tumango siya tapos tinignan si Danish. "Nasaan ang mga gamit mo?"

"Kakapasok lang sa van, tito."

"Pa'no ka nagkaroon ng bag? Bibili pa lang tayo ng bag mamaya, ah."

"Hiniram ko muna 'yon bag ni ate."

Tumingin sa'kin si tito. "Mag-iingat ka palagi, March. Kung gusto mo makita ang mga kapatid mo, sabihan mo agad ako."


Makita ang mga kapatid ko? Ano 'to, hindi ako kasama?


Tinignan ko si nanay, mukhang ayaw pa niya magsalita. Kaya, tinignan ko si Johnny.


"Ano'ng nangyayari?" Hayan na lang natanong ko.


"Tay! Ready na 'ko!" sigaw na lang bigla ng isa kong kapatid habang bitbit niya ang neon green niyang backpack.

"Okay. So, magpaalam na kayo sa ate March niyo."

"Ha?"


Ang dalawa kong kapatid, bigla na lang ako niyakap nang makarating dito sa kinatatayuan ko ngayon.


"Ate, chat na lang kita kapag kakain tayo sa labas," sabi ni Danishe.

"Mamimiss kita, ate," sabi ni Jacobe.

"Ano?"

After nila akong yakapin, magkabilaan nila ako hinalikan sa pisngi. Tapos pumunta sila kay nanay at kina tita para mayakap.

"Mag-iingat kayo, ha!" bilin na lang ni nanay sa dalawa. Saka na rin nagpaalam 'tong si tito sa'kin.


"March, ipapangako ko sa inyo ng nanay mo na aalagaan ko ang mga kapatid mo lalung-lalo na si Jacobe. Ipangako mo lang na iingatan mo ang sarili mo, okay?"


Hindi ko na naiintindihan ang lahat pero nagaagwa ko pang tumango. Hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.


Hindi ko na kaya, kailangan na niya magsalita. "Nay, ano'ng nangyayari?"


"Tita, nandiyan na po 'yon susundo sa inyo."

"Anak ka talaga ng teteng, Johnny, sandali!" sigaw ko sa kanya. "Nay, ano'ng nangyayari? Bakit lumalayas na 'yon dalawa kong kapatid? At saka..."

Tumingin ako kay Johnny. "Susundo? Sino? Hetong nanay ko at 'yon mga tita ko?"

"Kailangan na nila umalis, March."

"Bakit?" Wala na akong pake kung naririnig na ng mga kapitbahay ang boses ko.


"Monarie."


Sa wakas, narinig ko na ang nanay ko.


"Kung buhay ang tatay mo, ganito rin ang gagawin niya. Sumama ka muna kay Johnny."

"Bakit, 'nay?" Takte, natatakot na ako.

"Anak, akala ko noon, ligtas ka na dahil patay ang tatay mo. Mas delikado ka ngayon kaya kailangan muna natin maghiwa-hiwalay."


Hanggang sa niyakap na lang ako ng nanay ko at mga tita ko. Tapos, umalis na sila ng bahay. Ang natitira na lang, ako at si Johnny.


"Tatay ko? Patay na?"


Well, kasama na 'yon sa expectation ko na patay na siya. Kasi kung buhay 'yon, e 'di sana hinahanap na 'ko.


At saka... Johnny?


"Hoy, ano'ng... teka, teka. Bakit ka pala kasama sa gulo rito?"


Huminga siya nang malalim. "Kasi, ikaw ang pinapahanap sa akin ng tito ko."


"Tito mo?"


"Yup. Sabi niya, kaibigan niya ang tatay mo. Na ang pangalan ay Mister Atticus Agustin."


Oo, hayan nga ang pangalan niya na nakalagay sa birth certificate ko. Kaya alam kong Agustin dapat ang surname ko, hindi Dosal.


Si Joseph pa lang naman nakakakita ng birth certificate ko, ah. Paano niya nalaman ang pangalan ng tatay ko?


Shit. Katulad din ba 'to nina Lino?


Tangina, ano'ng meron?




~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top