HOW? 25
Hindi na ko natutuwa, ah.
Hindi talaga nakakatuwa dahil ang dami na pinapagawa sa'min lalo na sa Accounting. Kung sa bagay, major subject ko naman 'yon.
Parang, ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng ulo ko.
"Ang hirap na ng mga topic sa accounting!"
"Huh? Madali pa naman, ah."
Huminto ako sa paglalakad saka ko tinignan si Joselle, payakap niyang binitbit ang libro ng accounting.
"Ano?"
"Madali lang, nalilito ka lang."
Hindi na lang ako nagsalita dahil totoo naman. Masakit na nga ang ulo ko, nanghihina pa ko. Nakakain naman ako ng sisig kanina, libre ni Johnny.
"Malapit na 'kong tamarin sa buhay, Joselleee!"
"H'wag ka tatamarin, lumaban ka para sa ekonomiya ng bansang 'to!"
"Pake ko ba sa ekonomiya ng bansang 'to?" Oo, business student na 'ko, pero ano ba ang pake ko? Hindi ko makita, eh.
"Kahit na! Lumaban ka pa rin para sa crush mo!"
Huminto ako hindi dahil sa sinabi ni Joselle, dahil sa nakikita ko ngayon na grupo ng mga lalaki naglalakad papunta rito. Takte, nasa building kami ng business department, ah!
Kitang-kita ko si kuya L dito! Opo! Naka-salamin ako ngayon!
"Bakit tayo dadaan dito?"
Nahinto sa paglalakad si Joselle. "Kasi mas malapit dito 'yung library na pupuntahan natin."
Ergh! Nagturo pa siya sa area na 'yon. "Doon na lang tayo sa kabilang building dumaan."
"Huh? E walang photocopy-han doon."
"Please!" sumilip pa ko sa mga lalaki na 'to, shet! Nakatingin na pala si kuya L dito!
"E, 'di halika na. Baka nga may copy pa sila ng libro para sa Econ." Hinila ko na siya palabas ng building na 'to.
'Di ko rin maintindihan kung bakit kailangan kong umiwas sa kanya. Alam naman niya na may gusto ako sa kanya, for the nth time. At saka, hindi ko naman siya naging ex.
"Ah, dahil ba sa crush mo kaya sa iba tayo pupunta?"
Huminto na kami sa pagtako, sinigurado ko muna na wala siya sa likod namin. "Aba, s'yempre. Naku, hindi ako mapapakali kung nasa likod lang natin siya."
"Huh? E, alam naman niyang may—"
"Oo nga! Pero, kasi, alam mo 'yon. Parang may gusto pa kong patunayan sa kanya na wala naman dapat kasi, nagkagusto lang ako sa kanya. Hindi ko na alam, parang dinedma lang naman niya 'yon sinabi ko. E, alam kong de-dedmahin lang naman din niya iyon pero... naiirita ako na ewan."
Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan kong sabihin ang nararamdaman ko kay kuya L. Baka nasabi ko na ata 'yan kay Clara, eh.
"Hayaan mo na, March. Makaka-move on ka rin sa two years mong crush," sabi ni Joselle sabay umakbay sa'kin.
"Three years na."
"Ay, three years na? Gano'n na ba kabilis ang panahon?" tanong na lang saka niya pinisil ang kaliwa... ay hindi, kanan. Teka, kanan ko 'to 'di ba?
"Waa! Joselle!"
"Ayos lang 'yan, March! Kahit hindi mo pa siya boyfriend, makaka-move on ka rin sa kanya."
Puro ako "ayoko na sa kanya" phase ang pinagsasabi ko hanggang sa naka-upo na kami sa library. S'yempre, mahina ko lang pinagsasabi ko ang mga phase na 'yon sa kanya.
"Naku, namimiss mo lang siya kaya ka nagkakaganyan," mahinang sabi ni Joselle.
"Obvious ba?" itutungo ko na sana ang ulo ko nang mahalagilap ng mga mata ko sa kabilang table ang grupo ng mga lalaki na 'to.
At oo, pamilyar sila sa'kin. Hayan ang grupo ni Lino, e. Ang problema, wala si Joseph.
Hindi naman sila lumingon-lingon sa paligid. Kanya-kanya sila sa pagta-type ng kung anu-ano sa kanilang laptop. Ang taray talaga ng mga 'to, masyado sila masisipag. Gusto kong tumingin sa ibang direksyon pero hindi magawa ng ulo ko. At mukhang wala rin naman silang planong lumingon kasi ngaaa! Busy!
Pero, bakit kaya hindi nila kasama 'yon ibang babae? 'Di ba kailangan nilang bantayan ang mga 'yon?
# # #
Sixty-thirty na 'ko nakalabas ng campus. E, hindi naman ako makakasakay agad dahil rush hour na, meaning marami akong kaaway este, kasabay na mga umuuwi at makikipag-siksikan sa jeep. Plus, traffic pa.
Kaya, dito muna ako sa library tumambay. Inaya ako ni Joselle at ate Shelby na maki-sit, sabi ko next time na lang. Hindi ko pa nga nakita ngayon si Johnny, hindi ko naman alam kung saan siya. Nag-chat lang, sabi niya umuwi na agad ako.
E, rush hour nga! Hindi ako makaka-uwi agad!
Itutungo ko na sana ang ulo nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone. Pangalan ni kuya Tonni ang nakita ko.
kuya tonni:
meet me at MTFADVL College. ASAP
After ko basahin 'yan, tinignan ko naman 'yung oras.
6:35 p.m.
Makakasakay ba ako ng tren?
Hindi ko alam kung sa'n banda ko siya hihintayin kaya, nandito tuloy ako sa gate ng MTFADVL College. In fairness, ang laki ng school na 'to. Parang malapit na niya sakupin ang dalawang street na nasa tapat lang ng school.
At parang may event kasi may mga ilaw-ilaw, e. 'Tas ang dami pang tao. Aba!
"March!"
"Aaaahh!"
Potek, nasaan 'yon?
"March!"
"EM-TEE-FA-DA-VO-LEE!"
Grabe naman cheer ng mga 'yon? Malapit lang ba 'yon court nila?
"Hoy!"
Lumingon naman ako sa tao na 'to, kinalabit niya 'ko, e.
"Joseph!" rinig pa ba niya ako? Ang lakas na ng hiyawan ng mga tao rito.
"Hindi na ko masyado malayo, hindi mo pa rin ako nakikita?"
"Obvious ba?" balik na tanong ko sa kanya saka ko tinuro ang mata ko na walang salamin. Duh!
"Ay, sabi ko nga."
Teka, teka.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Sinusundo ka."
"Ha?" kinuha ko naman sa bulsa ko 'yon phone na medyo outdated na. Wala pang chat or text si kuya Tonni.
Kilala kaya niya si kuya Tonni? Ay, oo. Dapat kilala niya si kuya Tonni kasi kapatid siya ni Jasmeng.
"H-hinihintay ko si kuya Tonni. Sabi niya magkikita kami rito."
"Dito? Sa school na 'to?" tumango naman ako sa kanya. Tapos, lumingon-lingon siya sa paligid. "Hayan din kasi ang sinabi niya sa'kin."
"Ay, weh?"
Tumango siya. Maya-maya, kinuha niya rin ang phone niya mula sa kayang bulsa, mukhang may katawag.
"Nandito na kami ni March sa MTFADVL. Ha? Oh, ano'ng nangyari? Ah, sige. Hihintayin ka na lang namin sa cafeteria."
Ayoko naman na tanungin kung sino 'yon. S'yempre, bawal ako sumingit sa usapan ng mga matatan—
"Si Tonni 'yon tumawag, kapatid ni Jo. May emergency na nangyari kaya medyo malalate siya."
"Hala, ano'ng emergency? Sina Jasmeng ba?"
Nagkibit-balikat lang siya. "Wala rin akong alam, March. Pero, ipagdasal natin na sana hindi sila napahamak."
"E, 'di ba binabantayan niyo naman sila?"
Nakatingin lang siya sa'kin after ko itanong 'yon. Tama lang ba 'yon tinanong ko sa kanya? Kasi 'yon hitsura niya ngayon, parang may problema na ayaw niya i-share sa'kin. Dahil ba hindi naman ako kasali sa grupo nila gawa nang nag-shift ako?
Dapat pala hindi ko na lang pinasuyo sa kanya 'yon request ko.
"Tara, punta na lang tayo sa cafe—"
"Ano, sige, ikaw na lang ang makipagkita kay kuya Tonni. Uuwi na lang ako," sabi ko habang papalayo na sa kanya.
Pero, hindi rin ako nakalayo sa kanya dahil bigla niya hinila ang left... hindi, right arm ko. Kasi kung hindi niya ginawa 'yon, nakahiga na siguro ako ngayon sa tapat niya, not sure kung may lalabas na dugo-dugo sa ulo ko.
"Tarantadong motor 'yon, ah! Alam niyang sidewalk 'to, dito siya dumaan," sabi na lang ni Joseph pagkatapos, tumingin sa'kin. "Ayos ka lang?"
Ngayon ko lang siya natitigan nang maayos since, may suot siya na salamin. Ang ganda ng mata niya. Hindi siya singkit na singkit, ah. Mas makapal pa ang kilay niya kaysa sa kilay ko lalo na 'yan lashes niya. Mas mahaba ata kaysa sa'kin. Daya naman!
"Ay, oo. Buhay pa 'ko." Paking teyp! Magkayakap pala kami! At dahil magkayakap kami, ngayon ko lang na-appreciate ang katawan niya. Noon kasi na nakikita ko siya around campus, payat 'to.
Ngayon, medyo malaman na braso niya. Doon ako ngayon nakakapit sa kanya, e. Sarap pisilin.
Luh, Marso, manyakis ka?
"Hoy, March."
"H-ha?"
"Paa mo, kako. May masakit ba?"
Hala, kanina pa ba 'to nagtatanong? "Ah, oo. Wala naman masakit sa paa ko." After no'n, tinulungan niya kong tumayo nang maayos.
"Sasama ka sa'kin."
E 'di ang ending, sumama rin ako sa kanya sa fast food na 'to. Cafeteria sana kaso sarado, hindi namin alam kung bakit.
Nagtaka kami kung bakit walang katao-tao rito. Sinabi naman ni ate na nasa cashier na, dahil may event ngayon ang MTFADVL College kaya walang tao rito. Pero, may ibang customer naman daw na dumaan at bumili rito bago pa kami pumasok.
Isa rin 'to si ate, ang weird ng tingin sa'min. Gusto ko sabihin na "hindi ko siya boyfriend."
"I-inform ko na lang si sir Tonni na—"
Sinundan ko na lang 'yon tingin niya nang huminto siya sa pagsasalita. Nonsense rin kasi wala akong salamin kaya hindi ko rin makita.
"Pa'no mo nalaman na nandito kami? Tatawagan pa lang kita," sabi na lang ni Joseph kay... kuya Tonni.
"Hello," bati ko sa kanya bago siya umupo sa... kanan ko? Tama ba?
"Hi," tumingin siya kay Joseph, "kitang-kita ko na kayo. And, sorry na rin dahil na-late ako."
"Ano ba nangyayari na?" tanong ko. Naguguluhan na ko sa mga 'to.
Hindi naman nakasagot si kuya Tonni, parang tulala naman 'to. Tapos, hetong si Joseph, kumakain ng burger. Hmp, uubusin ko na lang 'tong fries para maka-order na ko ng ice crea—
"Kumusta naman ang pinapahanap sa'yo?"
Nahinto ako sa pagsubo ng fries nang magtanong si kuya Tonni.
"May idea na 'ko pero kailangan ko ng mga supported documents para makasiguro. Ayoko na sabihin sa kanya nang wala akong pinapatunayan," sabi na lang ni Joseph. Ah, silang dalawa lang pala ang nag-uusap.
Bigla na lang siya tumingin sa'kin. "Ikaw, kumusta ka naman?"
"Alin po 'yon kinukumusta niyo? Ako or 'yung grades ko?" bwisit, nahahawa na 'ko kay Orrion.
"Ikaw, hindi 'yon grades mo. Alam kong babagsak ka na sa Investment mo kaya..."
Taena talaga naman, oh!
"Oo na. 'Wag mo ko i-expose kay Joseph! Obvious na masyado ang pagiging bobo ko sa Math!" sigaw ko sa kanya habang sila, natatawa.
"Okay lang 'yan na bumagsak ka. May next sem pa naman," sabi ni Joseph.
"Okay lang sa'yo kasi mayaman ka. Ako hindi."
Ano bang problema ng mga 'to? Parehas kasi sila na naka-ngisi ngayon.
"Luh."
After ko sabihin 'yon, nawala na lang ang mga ngisi nila. Naging serious mode na, gano'n.
"Bigyan mo ko ng permiso para sabihin sa kanya ang nalaman ko," sabi ni Joseph pero hindi ko alam kung sino sa'min ang kausap.
"Bakit ba sa'kin ka nagpapaalam?" tanong naman ni kuya Tonni. Ah, sila pala ang nag-uusap.
Umiling lang si Joseph. Uminom siya ng tubig pagkatapos tumingin sa'kin.
"Ready ka na bang malaman kung ano ang na-discover namin sa birth certificate mo?"
Iniwasan ko agad si Joseph after niya itanong iyon. Nang tinignan ko si kuya Tonni, nakatingin na pala siya sa'kin nang seryoso.
Hala, wait. Bakit ba ko kinakabahan sa tingin nila sa'kin ngayon?
Sana pala naki-sit in ako kina Joselle at ate Shelby ngayon.
_______________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top