HOW? 24
"Happy birthday, bii! Uhm, hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa'yo kasi alam ko naman na kayang-kaya mo na mamuhay dito sa Earth. Eighteen ka na! Meaning, legal age ka na. Pwede ka na makulong!"
Kami lang ni Ferlina ang tumawa habang hawak ko pa ang kandila. Ewan ko kung tumawa 'yung mga kaklase ko at jowa niya. Hindi ko rin naman sila maririnig kasi ang layo ng table namin.
"Happy birthday ulit, bii!" sigaw ko pa saka na niya blinow ang candle na hawak ko.
Sinabi ko ang mga 'yon thru mic. Tapos ang daming matatanda rito, mas marami sila kaysa sa'min.
Yep, debut party ng kaibigan naming si Ferlina. Mas malayo nang kaunti sa pinag-debutan ni Nana na... jusko, ayoko na ulit maligaw! Sinundo naman kami ng kapatid niya so, hindi kami naligaw.
me:
nay, late na nag umpisa yung party kaya buks na ko uuwi
nanay:
cge
Alam ko na mangyayare 'to kaya nakapagdala na ko ng pamalit ng damit. Kasi no'ng debut ni Nana, wala akong dalang damit. Kung ano ang sinuot ko no'n party, hayun din ang suot ko pauwi. I've learned my lesson, 'no!
"Ano, pumayag na ba nanay mo?" tanong ni ate Hailea.
"Oo naman! Ako pa!" sigaw ko habang inaayos ko pa ang gamit ko. Nakakalat, e.
"Hayon! At dahil diyan, deserve mo ang cake!"
Strawberry kasi ang flavor ng cake ni Ferlina kaya excited akong lumingon. Pero, sana hindi na lang ako lumingon dahil pinahiran niya 'ko ng icing sa mukha! Kami-kami na lang ang nandito sa covered court na nasa tapat lang ng bahay nila.
"Aayy! Bwisit ka, ate!"
"Happy birthday, Marso!"
"Bwisit ka!" dumukot ako ng icing mula sa mukha ko saka ko pinahid agad sa kanya bago pa siya makatakbo. Hah! Deserve!
"Hoy, ano'ng nangyayari sa inyo?"
Nakita ko agad ang cake na naparami ang icing. Dumukot agad ako at humarap kay Nana saka ko na pinahiran ang mukha niya.
"Waa! Ate March!" sigaw niya.
"O, ano? Hayan ang nangyayari sa'min ni ate Hailea!" sigaw ko pa habang lumalayo sa kanya.
"Errr! Wait lang, wala akong pamalit ng damit!"
"Okay lang 'yan, papahiran ka pa namin ulit!"
"Ha?!"
Sakto naman paglingon ni Nana, nagpahid na 'tong si Orrion sa ulo niya kaya napasigaw ang bata.
"Hahahahaha!"
"Ang dadaya ninyo!"
"Ano'ng nangyayari rito?" tanong bigla ni Ferlina habang malalayo kami sa isa't-isa.
"Babes! Pinahiran nila ako ng icing galing sa natirang cake mo," sabi na lang ni Nana.
"Hala, may extra ka ba na damit?"
"Oo naman, babes! Handa ako, 'no. Pero, dapat handa ka rin."
"Ano'ng ihahanda—babes! Ayy!"
Dis oras ng gabi, para kaming mga bata. Naghahabulan at umiiwas sa icing kahit na puro icing na ang katawan namin. Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan dito. Wala pa rin kaming pake.
Basta kaming siyam na nilalang, masaya ngayon.
# # #
Dumaan na ang pasko at new year. Kakatapos lang din ng foundation week at midterms.
Ibig sabihin, umpisa na ng kalbaryo ko bilang isang lintek na mag-aaral ng The Central Mind Univeristy.
F-I-N-A-L-S!!!
Waaa!
Gusto ko na umiyak sa sulok! Ang dami kong kailangan gawin at habulin! Nanganganib na 'yung grades ko sa Investment! Mukhang magme-meet ulit kami ni singko ngayon semester na 'to, ah!
"Bwisit na practice set na 'to! Ayoko na!" sigaw ko pero tuloy pa rin ako sa pagbubura sa malaking yellow pad na pang-accounting na hindi ko alam ang tawag dito. Nabanggit ni nanay 'to, eh. Nakalimutan ko lang.
Ako lang mag-isa ngayon sa bahay, wala kasi kaming pasok gawa nang may seminar ang mga prof sa business department. E, absent din ang mga prof namin sa mga minor subject namin. Bale, tatapusin ko na lang 'tong practice set na ipapasa sa Friday.
"Tao po!"
Agad ako napa-ayos nang upo, halos hindi ko na maramdaman ang binti ko dahil nangawit. Bwiset, parang walang buto no'ng hinawakan ko. Ang hirap kaya umupo sa sahig.
At saka, teka, sino ba 'yon?
"Tao po!"
Gumapang na ako papunta sa bintana, dahan-dahan kong hinawa ang kurtina para hindi malaman ng tao sa labas na may tao rito sa loob. Pero, hinawi ko agad at binuksan pa ang bintana para makita niya 'ko.
"Hoy, Johnny!"
"Hello!" bati niya habang nakangiti sa'kin. Pagkatapos, may inangat siya na.... aaayy!
"Nakabili ka!" sigaw ko nang makita ako dalawang balot na inihaw na manok, "akala ko hindi mo na-receive chat ko!"
"Oo naman. Late lang ako lumabas ng computer shop, may inasikaso lang ako." Siya na ang nagbukas ng gate dahil nanghina na ang binti ko.
"Mabuti na lang nakapag-saing ka," sabi niya habang nagtatakal na ng kanin sa pinggan ko.
"E, nangako ka na bibili ka ng inihaw na manok. Dinamihan ko talaga ang saing."
"Very good," sabi niya pagkatapos, nagsalang siya ng manok at sauce sa pinggan ko.
"Hoy, ako na. Kaya ko 'yan ginagawa mo, 'no."
"Wala lang. Nakaka-miss lang na may gumagawa nang ganito."
"Palusot mo pa, makipag-balikan ka na kasi sa ex mo."
Nagsalang muna siya ng soft drinks sa baso ko bago siya magsalita. "Patay na siya, March."
Hindi ko agad naisubo ang manok, hindi dahil sa mainit. "Ha?"
"Last month lang ang dead anniversary niya. Kaya, hindi kita gaano kinakausap nitong mga nakaraang araw," mahinang sabi niya.
"Hala, sorry."
Kumunot na lang ang noo niya habang ngumunguya. "Bsakit kah nagsho-shoreh?"
"Malamang dead anniversary ng jowa mo."
Hinintay ko muna na malunok niya ang ningunguya niya. "Ex na siya bago pa mamatay 'yon. Pero, naging part naman siya ng buhay ko sa loob ng two and a half years bago kami magkahiwalay. Nagulat na lang ako sa pag-invite ng mommy niya. Akala ko, kung sino'ng may birthday, lamay pala niya."
"Ah, eh, ano'ng name ng ex mo?"
Dugyot! Muntikan na niya maibuga 'yon soft drinks. May tulo na tuloy sa kanin niya, ewww!
"Bakit? I-i-stalk mo ba siya?"
"Hindi 'no!"
"Bale wala rin naman kung i-i-stalk mo kasi matagal na dine-active ng kapatid niya ang FB ng babae na 'yon."
"So, ano nga ang name?"
"Aurora Cloudia Lee ang pangalan niya."
Tumango na lang ako. Hindi ko na lang siguro itatanong kung ano ang ikinamatay niya, baka hindi pa kasi siya totally nakaka-move on, in denial stage kuno siguro 'to.
Shit, ang sarap naman nito!
"Tapos mo na ba 'yan practice set mo?"
"Hmmp!" nilunok ko muna 'yung balat ng manok saka ko sinundan kung sa'n siya nakatingin, "hindi pa. Ang dami ko ngang mali, eh."
"Sige, after natin kumain, tutulungan kita." Oo nga pala! Dumaan din pala 'to sa practice set!
Kung anu-ano na ang pinagkwentuhan namin lalo na no'ng panahon ng contest niya. Mabuti na lang nasa engineering department pa 'ko no'n at busy lang ako sa pag-s-stalk kay kuya L.
Ayst, kasama ko nga pala ang mga prinsesa noon.
"Balance na!" sigaw pa namin no'ng nag-double rule si Johnny, 'yung dalawang linya sa pinaka-total, ganern.
"Waaa! Adik, salamat talaga nang marami! Ano pa, maraming arigathanks!" napayakap na lang ako sa kanya dahil deserve naman niya ang isang hug na mahigpit.
Mas lalo ako natuwa nang maramdaman ko ang pagyakap ni Johnny sa'kin. Pakiramdam ko tuloy, masaya rin siya dahil sa tinapos ko. Pero, siya naman kasi ang nagtapos ng practice set ko, tinuruan pa niya ako sa ibang accounting terms.
Kumawala na ko sa pagkakayakap sa kanya. "The best ka! Libre na lang kita ng sisig kapag may extra allowance ako." Huhu, sana nga may extra allowance ako.
"Baliw, kahit hindi na. I-tres mo lang 'yan accounting mo, okay na 'yon sa'kin."
"Weh?" tumango-tango pa siya habang nakangiti. "Sabi mo 'yan, ah. Tres lang sapat na?"
"Yes, Marchie."
Marchie.
May tumatawag naman sa'kin no'n pero bakit ang cute pakinggan sa kanya?
Tumingin ako sa relo, alas tres na ng hapon. Tumayo na kami at nag-uunat na ng buto. Mag-c-c.r lang daw siya so nagsimula na ko magligpit ng gamit. Napatingin ako sa extension, naka-charge pala ang phone ko. And pagka-check ko...
15 missed calls: josephhh
Joseph?
Ah! Si Joseph! 'Yun kasama nina Lino.
Bakit napatawag 'to?
To: josephhh
luh! bakt ka napatawag???? suri na, buziii lang meh.
"March."
"Oh?" tinanggal ko na 'yon saksakan ng charger at tumingin sa kanya.
"Nasira ko 'yun balde ninyo."
"Ha?!"
Bigla na lang niya inangat 'yon green namin na balde, nahati na nga siya!
"Hala, wala na kami gagamitin pang-buhos sa inidoro, jusko ka!"
Tumawa nang malakas ang kapre na 'to. Oo nga pala, nickname ko pala sa kanya is kapre. "Palitan ko na lang, tutal pupunta rin naman ako sa palengke."
"Samahan na kita," sabi ko. Buti na lang naka-bra na ko bago siya dumating, hehe.
"Habulin ka pa rin ng mga bakla," sabi ko sa kanya nang makabili na kami ng dalawang balde plus hanger dahil may nakita siya na magandang kulay. Para sa kanya raw 'yon.
"Hayaan mo lang sila," sabi niya pero diretso lang siya nang tingin. Bakit ba diretso ang tingin nito?
"Ayos ka lang?"
Huminto siya sa paglalakad pagkatapos tumingin sa'kin. "Gusto mo ng buko juice?"
E, hinanap ko naman kung may naglalakol ng buko juice rito. Parang, wala naman—
"Tara, balik tayo sa palengke."
Taena, ang weird niya.
Usapan, buko juice. Bigla na lang kami pumunta sa convenient store at kumain ng kung anu-ano. Mabuti na lang, ni-lock ko ang bahay!
"Ayoko magpunta ng mall ng ganitong outfit, ah!"
Huminto siya sa paglalakad para lang tignan ako mula ulo hanggang paa. "Normal ka pa naman, ah."
"Eh! Kahit na! Maginaw pa naman din sa mall na 'yon."
Bigla na lang siya tumawa. 'Di naman ako nagjo-joke, bakit tumatawa 'to?
"Sige, hindi na tayo pupunta ng mall, uuwi na lang tayo." Kinuha na lang niya ang kanan... hindi, kaliwa ko 'to, kaliwang kamay ko tapos naglakad na kami.
Taray, parang mag-jowa kami. Ganitong-ganito 'yung mga nababasa ko sa mga gawa ni Dari, eh. HHWW 'yung term niya. Holding Hands While Walking pero ang pagkaka-iba, may bitbit si Johnny ng dalawang balde at hanger.
But, nope. Hindi po kami mag-jowa people of the Philippines!
Hay, sana ganito kami ni kuya L. HHWW. Ahuhu!
Hinatid na niya ako sa bahay, akala ko nga nandoon na ang kapatid ko. Si Danish naman ang magsusundo roon kaya alam kong safe siya.
Chineck ko agad ang phone ko dahil kay Joseph. At hayun...
josephhh:
marso (9)
15 missed calls: josephhh
Hay
Sinagot ko na agad nang tumawag, for the sixteenth time, si Joseph the great.
"Sorry na kasi naka-silent 'yung phone ko. Bumili lang kami ng balde at hanger at saka uminom kami ng buko juice tapos dumiretso kami sa convenient store para kumain ng kung anu-ano!"
Adik, bakit ako nagpaliwanag dito?
[Nasa'n ka na niyan?] Aba, ang hinahon naman ng boses niya ngayon. Parang, ngayon ko lang narinig 'yon.
"Dito na po sa bahay," sinagot ko naman siya nang mahinahon din habang nagbubukas ako ng mga ilaw.
[Mag-isa ka lang?]
"Opo, pero paparating na 'yung mga kapatid ko."
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. [Okay, good.]
"Bakit?"
[Wala naman. Sorry kung tinadtad kita ng missed calls at text. May sasabihin kasi ako sana ako sa'yo pero kung may gagawin ka pa na—]
"Wala na 'kong ginagawa ngayon. Natapos ko na 'yung practice set namin... sa accounting subject namin 'yon," napa-upo na lang ako dahil sa sinabi niya.
[Naalala mo 'yung pinapasuyo mo sa'kin?]
Huh? May pinapasuyo ba 'ko sa kanya?
Uhm.
Meron ba?
"Birth certificate?"
[Birth certificate.]
"Ahh. E, ano pala ang nangyari?" Jusko, muntikan na mawala sa utak ko 'yung pinapasuyo ko sa kanya.
[Well, wala pang proseso.]
"Ha? E, bakit mo sinasabi 'yan kung walang pa palang proseso?"
[Gusto lang kita i-update na inaasikaso ko na ang birth certificate mo. 'Yon sinasabi ko na wala pang proseso, hindi ko pa malaman kung sino ang tatay mo.]
"Ah, jusko, muntikan ko na makalimutan 'yon," napakamot na lang ako sa batok, "salamat talaga nang marami Joseph."
[Huwag ka muna mag-thank you sa'kin. Hindi ko pa tapos 'yung pinapagawa mo sa'kin.]
"Advance na 'ko magth-thank you sa'yo. Ang bait-bait mo kaya."
Narinig ko na may nagbusina sa kanya. Nasa labas ba 'to?
"Hoy, sige na. Nasa labas ka pa, e. Baka ma-aksidente ka pa."
After ko sabihin 'yon, bigla na lang siya tumawa, pero mahinhin na tawa. [Alright. Mag-iingat ka palagi, okay?]
"Kayo ang mag-iingat lalo na 'yon tatlo." Shit, nakaka-miss naman sila.
[Oo naman, Marchie. Bye.]
"Bye."
Luh, tinawag niya rin ako Marchie. Ang kulit ng mga tao ngayon, ah!
Ano'ng meron?
Joseph's POV
[Sorry na kasi naka-silent 'yung phone ko.]
Alam kong naka-silent ang phone niya. Palihim kong tinignan ang phone niya no'ng last na pag-uusap.
[Bumili lang kami ng balde at hanger...]
Hindi ko alam kung ano'ng kailangan niya sa balde at hanger. At hindi ko rin alam kung bakit siya ang nagbitbit. Sige, sabihin na lang natin na nagpapaka-gentleman lang siya kay March.
[...at saka uminom kami ng buko juice]
Alam ko, 'yon pinagbilhan ninyo ng buko juice, sinubukan namin. Masarap naman.
[...tapos dumiretso kami sa convenient store para kumain ng kung anu-ano!]
Oo, nakita ko. Nasa loob pa nga kayo, eh. Gutom na 'ko no'n pero naghintay lang ako sa paglabas ninyo para hindi mo ko makita.
Gusto kong isagot sa kanya ang mga 'yon pero hindi pwede.
"Heto, oh."
Lumingon ako nang may inabot sa'kin si Timmy, inumin na pinabili ko.
"Malapit na ba natin mahanap 'yung pinapahanap sa'tin?"
"Hindi ko alam, Tim. Pero, sana, mauna tayo makahanap no'n."
"Hay naku po. Hanapan na naman tayo!" sigaw niya. Mabuti na lang, nasa loob kami ng kotse ngayon.
"Hindi naman tao ang hinahanap natin ngayon, Tim. Info na, information."
"Ah, oo nga pala!"
Hindi ko na alam kung ano'ng ang uunahin ko, acads ba? 'Yung mga prinsesa? O kaya hetong paki-usap ni March sa'kin?
Pero, mahahalaga kasi ang mga 'to.
Kainis, bahala na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top