HOW? 23
"Gusto ko na makipaghiwalay sa kanya pero... hindi ko alam kung paano."
"Bakit? Ano ba ang nangyari? May babae na ba siya?"
Umiling ako, "Wala naman siyang ibang babae."
Wala nga ba?
"Sapat na siguro ang tatlong taon para makilala ko siya, 'di ba?"
Ymusog na lang ang kaibigan ko. "eh, matagal ko na sinasabi sa'yo 'yan. Hiwalayan mo na kasi siya. Hindi na siya healthy not just in your mind, pati na rin sa katawan mo."
Do'n na ko napatingin sa kanya.
"Maganda ka. Mabait. Loyal na kaibigan at sa mga magulang mo, lalo na siguro sa kanya. Huwag ka mag-a-aksaya ng oras sa lalaking hindi naman nakikita ang value mo."
"E, hindi ko alam kung pa'no ko siya iiwanan—"
"Oh my God, please!"
"Ano?" iritable kong tanong sa kanya.
"Ti-gi-lan mo na siya! As in, stop na! Huwag mo na ituloy ang pagiging tang—
"Tee-Sem-Mu! Tee-Sem-Mu!"
Napatingin agad ako sa paligid, nasa school na pala ako. Kaya, tinago ko ang phone para bumaba ng jeep. Muntikan na kasi 'to malaglag kahapon, e. Maulan pa naman din ngayon.
"Tee-Sem-Mu! Tee-Sem-Mu!"
"Oo na! Tangina! Ingay, eh!"
"Baba na! Nasa Tee-Sem-Mu na!"
"Oo! Teka! Tangina!"
Sino 'yon? Parang kilala ko 'yon boses, eh.
"Hoy, March. Dito!"
Lumingon naman ako after niya hilain ang backpack ko. At uyyy!
"Dari!"
"Heey!" sigaw niya tapos yumakap sa'kin, "ikaw pala 'yon nasa tapat ko."
"Ah, oo. Ang lutong nga ng mura mo sa drayber, e."
"Ah, 'yon?" bigla siya tumingin sa jeep na sinakyan namin. Na sakto, kaka-alis lang.
"Tangina kasi no'n, hayan 'yung jeep na muntikan na ko hindi suklian sa isang daan ko kahapon. At saka, hayan din 'yun muntikan na makasagasa sa'kin, e. No'ng isang araw lang ata 'yon."
"Pa'no mo nalaman na hayan nga ang jeep na 'yon?"
"Kabisado ko mukha ng drayber! Mukhang manyakis na patpatin!" sigaw niya saka na siya naglakad, pero tumigil din siya. "Ano, wala kang klase?"
"Meron," sabi ko saka ko na siya sinabayan sa paglakad.
Nagtanungan lang naman kami ng sched. Medyo advance na siya sa'kin sa ilang subjects kaya sinabihan niya 'ko na, siya na ang bahala sa'kin sa ibang subjects na itatake ko if parehas kami, hehe.
"Nga pala, binabasa ko ngayon 'yon gawa mo," sabi ko nang makapasok na kami sa campus.
"Ay? Talaga? Alin do'n?"
"Watermelon ba 'yon?"
"Ah," nagtali muna siya ng buhok, hanggang bewang pala ang buhok niya and pure black. "Kumusta naman?"
Umiling lang ako.
"Ano'ng meaning ng pag-iling mo?"
"Wala akong naiintindihan."
"Ha? Sa'n banda ka walang naiintindihan?"
"Sa..."
"Sa?"
Shit, nakakahiya. Writer ako, dapat may naiintindihan ako sa genre na 'yon.
"Love story na sinusulat mo. Hayun kasi ang binasa ko kanina sa jeep, eh."
Nakakahiya. Feeling ko kasi, kapag writer ka, kailangan may alam ka rin sa concept ng romance na genre.
"Ah, hayun lang naman pala. Ano'ng chapter ba ang hindi mo naiintindihan?"
"Sa... lahat. Lalo na sa may," tumingin muna ako sa palagid bago ibulong ang letrang...
"S.P.G."
Ready na po ako. Ready na po ako makatanggap ng pang-aasar mula sa kanya kasi wala talaga akong kaalam-alam sa mundo ng—
"Ah, never ka pa ba nagka-boyfriend?"
Tumango na lang ako. Magsisinungaling pa ba ako?
"Kaya pala. Ayos lang naman kung wala ka maintindihan. Nag-based lang ang scene na 'yon sa kasama ko sa office. Tarantado kasi 'yon boyfriend niya."
"Ahh."
Nakunot na lang ang noo niya. "Ahh lang talaga ang sinabi mo, 'no? Mukhang hindi mo alam kung ano ang dapat mong sabihin kapag usapang lovelife, e."
"E, ano ba ang dapat kong sabihin?"
Nahinto na lang siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Hindi ko alam kung ano'ng meaning ng tingin niya sa'kin ngayon. Mukhang hindi naman siya galit, pero hindi rin naman siya mukhang nagtataka.
"Bakit?" ako na ang nagtanong.
"May iniisip lang ako."
"Na?"
Ilang segundo lang siya nanahimik. "Secret."
"Ano nga!"
"Huwag ka nga sumigaw," sabi niya tapos nauna na siya maglakad, "Tara na. Ako na maghahatid sa'yo sa classroom. Kawawa ka naman, e."
Tatlong subejct na ang natapos, kaklase ko pa rin si Johnny na, ang sama pa rin ng tingin. Mukhang wala sa mood simula nang pumasok ako. Pagka-upo ko kasi, nakita ko na nakatingin siya kay Dari nang masama. Kaya, gusto ko na itanong 'to, habang umiinom siya ng buko juice.
"Ex mo ba si Dari?"
Hindi siya sumagot. Ang tagal niyang ubusin 'yung buko juice niya, e. May ningunguya pa siya na laman ng buko.
"Hindi," sabi niya tapos tinapon na 'yon plastic cup. "Dalawa pa nga po."
"Wow, uhaw na uhaw, ah."
"Oo, e. At saka, sa'yo 'yon isa, baliw. Libre ko na."
Sakto naman, inabot na sa'kin ni kuya ang buko juice na nasa malaking cup, kinuha ko naman. Binayad na niya agad, eh.
"At para na rin masagot 'yan tanong mo, hindi. Hindi ko naman kilala ang babae na naghatid sa'yo sa room kanina."
"E, bakit ang sungit-sungit ng mukha mo kanina?" tanong ko pagkatapos, uminom na ko ng buko juice. Hindi naman ako fan ng buko juice pero, ang sarap ng version ni kuya, ah.
"May naalala lang ako."
Huminto ako sa pag-inom dahil sa sinagot niya. "Oh, 'di ba, ex mo nga."
"Hindi nga! Ang kulit naman ni Marso!" ngumiti na lang ako sa kanya habang siya, nakatingin lang sa'kin. 'Di ko alam kung naiirita na ba siya sa'kin or what.
"Eto naman, joke lang, eh."
Mabuti naman, ngumiti na siya sa'kin, ngiting hindi naman nilabas ang ngipin niya pero, weird kasi parang may gustong sabihin 'yon ngiti niya. Hindi ko alam kung may ganyan ngiti ba or may gusto tala siyang sabihin pero ayaw niya magsalita. Minsan talaga, hindi bagay sa kanya ang "mysterious" person kasi... ang tangkad niya, e. Hindi tumutugma, gano'n. 'Pag nasa labas siaya kasama ng iba namin kaklase, ang lakas ng boses niya.
So, yeah, hindi tumutugma.
Nag-cheers na lang kami ng buko juice, sa kanya punong-puno tas sa'kin, kalahati na lang. After namin ubusin nang sabay, bigla na lang niya pinisil ang kanan pisngi ko. Hindi naman madiin ang pagkakapisil niya pero puro ako "aray!"
"O.A. mo, hindi naman madiin pagkakapisil ko sa'yo!" sigaw niya habang naglalakad na kami papasok ng school. Nagkataon pa na maraming estudyante na lumalabas ngayon kaya... ang daming tao.
"Akin na kamay mo, baka bigla ka mawala sa tabi ko."
Gusto kong sabihin na "wag na kaya kitang hanapin kahit na hindi ko suot ang salamin ko" pero, wala rin. Kinuha na niya ang kaliwang kamay ko saka na kami naglakad papasok ng campus.
At dahil sinasalubong kami ng estudyante at ibang mga nilalang na hindi naman sa school namin nag-aaral, may nakabangga pa 'ko. Muntikan pa ko madapa, mabuti na lang hawak ako ni Johnny.
"Ayos ka lang?" tanong niya nang makapila na kami sa gate.
"Oo. Grabe 'yon bumangga sa'kin kanina! 'Kala mo, nakikipag-away sa'kin. 'Di ko naman kilala." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil dire-diretso na kami pumasok ng school.
"Hindi ka ba niya kinausap or kung ano man?"
Nahinto na lang ako sa paglalakad at tumingala sa kanya. Mabuti na lang, nakapasok na kami sa loob. "Bakit ganyan ang mga tanungan mo?"
"Wala lang. Baka kasi may kumuha sa'yo kaya hinawakan ko na ang kamay mo."
"At sino naman ang kukuha sa'kin?" nag-kibit balikat lang siya.
Luh, ano kaya 'yon?
"Marso!"
Lumingon ako sa kabilang side kung saan, doon ang exit. Hindi ako sigurado sa nakikita ko kaya lumapit ako, hindi ko kasi suot ang salamin ko.
"Ano ka ba, hanggang diyan hindi mo pa rin kami nakikita?"
Aah, si Ferlina pala 'to. Kasama pala niya sina ate Hailea, Nana at Lychee na may kausap sa phone pero, kumaway naman siya sa'kin. Lumapit na ako pero may dilaw na alambre rito, hinakbangan ko. 'Di naman ako sisitahin ng mga guard, hehe.
"Hayan, kitang-kita ko na kayo!" sigaw ko sa kanya.
"Uwian mo na?" tanong ni ate Hailea.
"Uhh, may klase pa sana ako kaso—"
"Huwag ka na pumasok!" lumingon ako sa likod, si Orrion pala kasama si... ano ulit pangalan niya?
"Oh, hindi mo na naman alam ang pangalan ko?" tanong niya.
"Hoy, huwag mo nga i-bully si bes!" sigaw ni Nana saka na siya kumapit sa'kin.
"Huwag mo na pansinin 'yan si Rencer, bii. Porket siya 'yon pinaka-mataas na nakakuha ng score sa accounting kanina, mayabang na ngayon."
After sabihin 'yon ni Ferlina, napatingin naman ako sa Rencer na 'to. Naka-bulsa ang mga kamay niya tas naka-chin up habang naka-ngisi sa'min. Kasing kulay lang sila ni kuya Dio at parehas silang singkit. Pinagka-iba lang nila, mas matangkad si kuya Dio kaysa sa kanya.
"Hindi ko na kasalanan 'yon kung mas mataas ako sa quiz kanina," sabi pa niya.
"Hindi mo nga ko pina-kopya, boy," sabi na lang ni Orrion.
"E, ang bagal mo magsagap ng balita. Inaangat ko na nga 'yung papel, hindi ka pa natingin."
"Ah, bale kasalanan ko?"
"Oo, boy. Kasalanan mo."
Ang gagaling ng mga 'to. Nagagawa nilang kumopya.
"So, bakit niyo ako pinatawag?" tanong ko na lang sa kanila.
"E, punta nga tayo ng arcade tas karaoke tayo," sabi na lang ni Ferlina habang nakakapit na siya sa kaliwang braso ko.
"Oo nga, wait," bigla na lang sumingit si Lychee. Tumingin siya sa'kin tapos tumingin siya sa likod ko. "Sama ka?"
Lumingon naman ako sa likod at...
"Oh, nandito ka pa pala."
Tumingin sa'kin si Johnny. 'Kala ko nauna na siyang pumasok.
"Wala naman daw gagawin, sabi ng prof sa'kin kaya sasama na lang ako," aniya.
"Oh, 'di ba! Sasama siya, sumama ka na kasi! Wala pa naman midterm exam," sabi na lang ni Ferlina sa'kin.
Oo nga naman, 'di ko alam kung kailan ang huling arcade ko. Engineering days ba?
"Tara."
# # #
"Natapos na si Chito, si Chito Miranda! Nandito na si Kiko, si Francis Magalona! Nandito rin si Gloc-9, wala s'yang apelyido! Magbabagsakan dito, babanat na si Kiko!"
"It eint noh usinon engram chinsom maxinom, ninenety five nor forty for magnum! Menenaint inen three five seben! Morchosent so math listen! Nandito na si Kiko at kasama ko si Chito at si Gloc-9! End it's taym to rak rayme! Di ko na kaya!
"Kaya mo 'yan, bii!"
"Parang Bulagaan na kailangan 'di mabokya! 'Di mo na kailangan pang malaman kung bakit pa!"
Bwiset, na-ubo pa 'ko.
"One, two, three, four, let's bolt in!" After niyan, binigay ko na ang mic kay Orrion dahil siya na ang susunod na magra-rap.
"Mahina kay, March! Mahina! Weak!" sigaw ni Orrion sa'kin.
Hindi na lang ako nagsalita dahil namamaos na 'ko. Hinintay ko na lang ang part ng rap para naman may maasar ako sa kanya.
"Hayan na, Orrion!" sigaw ni Lychee.
" Heto na! Bato-bato sa langit, ang tamaa'y 'wag magalit! Bawal ang nakasimangot, baka lalo kang pumangit! Tapos!"
"Potek! Tapusin mo!" sigaw naman ni Rencer.
"Teka, bubwelo pa! Stop, rewind and play mo! Napakasaya na para bang birthday ko! Alam mo na siguro'ng ibig kong sabihin! 'Di na kailangan pang paikut-ikutin, baka lalong matagalan lang!"
Sige, pilitin pa niya.
"...pelapela pero pero pwedeng ilatag na parang banig na higaan! Whoo! Tangina!"
Magaling.
"Di mo naisip na pwedeng mangyaring! Magkasama-sama, lahat ay kasali, game!"
"Ngayon lang narinig, 'di na 'to madadaig! Nagsama-sama sa bagsakan at naging isang bibig! Mag-ingat-ingat ka nga't baka masindak! Sapagkat nandito na si Chito at si Kiko at si Gloc!" si Ferlina na ang tumapos.
"Oh! Tignan niyo!" Naka-100 pa score natin!" sigaw ni Orrion na medyo paos na.
"Sana ganyan score ko sa exam, 'no?" napatingin na lang ako kay ate Hailea, nasa tabi ko lang kasi siya.
"Oo tapos Bagsakan pa 'yung kinanta natin. Babagsak talaga tayo," sabi ni kuya Dio.
"Hoy! Hindi tayo babagsak, 'no! Sure pass na ang mga prof natin," sabi ni Ferlina sa mic. Oo, sinabi niya iyon thru mic.
"Sige, sabihin mo pa 'yan habang naka-mic ka," sabi na lang ni Nana kaya binalik na sa tabi ng TV ang mic saka nag-peace sign.
Lahat naman kami, kumanta sa karaoke, kahit din si Johnny. Lahat kami napaos sa kakasigaw este, sa kakakanta pwera lang kay Johnny kasi isang beses lang siya kumanta. Doon lang namin inubos ang mga token na pinagbibili namin.
"In fairness, ang ganda ng spot natin, ah."
"Totoo," sabi ni Lychee kay ate Hailea, "at saka, ang laki pa. Sino ba ang pumili no'n?"
"Si Johnny," sabi ni Syril. Yes, nakahabol siya sa'min at naki-kanta.
"Pa'no mo nalaman na maganda ang pwesto na 'yon?" tanong ni Ferlina.
"E, doon kami nagkakaraoke noon. At saka, ayaw niyo 'yon, hindi tayo kita sa loob," bigla na lang kami natawa, "e 'di nakikita ng mga dumadaan do'n kung pa'no mag-twerk si Orrion."
"Tangina, i-delete niyo 'yon video," sabi na lang ni Orrion.
"Oo, dinelete ko na. Naka-send na sa GC natin," natawa na lang kami sa sinabi ni Rencer. Siya kasi ang nag-video no'n. Hehe, mapanood nga mamaya.
Tama lang pala na sumama ako sa kanila hanggang seven nang gabi. Halos walang prof ang pumasok sa mga subject na aattenan ko ngayon araw.
Hinatid ako ni Johnny hanggang sa bahay. Mabuti na lang, hindi lumabas si tita para silipin kung sino 'yun pumasok. Magkaka-issue pa kami niyan, e.
Kinda weird pero, ang saya ko ngayon. Kung ano 'yun pakiramdam ko noong kasama ko ang tropa ko noong engineering days ko, naging triple na ngayon nag-shift ako.
Tama lang pala ang ginagawa kong desisyon.
Joseph's POV
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Walang poste sa area na 'to pero alam kong siya iyon.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ka naman nakatira sa lugar na 'to."
"Hindi ka rin naman nakatira sa lugar na 'to kaya may karapatan ako magtanong."
Hindi na siya sumagot. Nilagpasan lang niya ako. Pero, kailangan kong sabihin sa kanya 'to.
"Huwag na huwag mo siyang isasama sa plano ninyo."
Dahil nangako kami na poprotektahan namin ang mga prinsesa.
Kasama siya.
_______________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top