HOW? 21
"Bii, bakit magkasama kayo ni Johnny?"
Hindi ko pa nararamdaman ang upuan sa pwet ko nang itanong niya 'yan. Kaya, tumingin ako sa kanya.
"Malamang, nasa iisang school lang kami."
"Kailangan talaga sabay kayo pumasok ng room?"
"E, ano ngayon kung sabay kami pumasok ng room?"
"E, baka kasi ma-issue ka niyan?"
"Ma-issue?"
"Oo. Pero," bigla naman siya natigil, "upo ka muna kaya."
"Pa'no ako uupo kung nakakapit 'yan kamay mo sa braso ko?"
Saka naman niya tinignan ang braso ko, natawa na lang ang baliw. "Kaya kita pinigilan kasi nandiyan 'yung coin purse ko. Ayoko amoy-pwet mo 'to."
Kinuha naman niya ang pula niyang coin purse, niyugyog pa niya para lang ipaalam sa'kin na may mga barya siya.
"O, tapos?"
"Wala lang, sarap lang pakinggan," Shinake pa niya 'yung coin purse niya.
"E, 'di ikaw na ang mayaman," sabi ko saka na ko umupo.
"Oo naman, mayaman sa barya," nakita ko na lang na pinasok niya sa maliit niyang bag na blue ang coin purse niya. Taray, nag-blue na siya.
"So, bakit nga kayo magkasama na pumasok?"
Natigil na lang ako sa pagkuha ng notebook sa bag saka ko siya tinignan. "Makulit ka?"
"E, hindi naman kasi ganyan 'yan si Johnny, 'no."
"Hindi siya ganyan?" saglit muna ako tumingin kay Johnny sa likod, may mga kausap siya na lalaki. Dami ngang mga babae na nakapaligid sa kanya, 'di naman niya pinapansin.
"Oo. Kaya nga tinatanong kita," lumingon ako sa kanya nang sagutin niya 'yon
"Huh?" napaayos tuloy ako ng upo dahil sa sinabi niya.
"Ano ka ba, ayaw na ayaw niya na may mga babae na sumasabay sa kanya sa pagpasok. 'Yung bang sinusundan mo siya, gano'n."
"Sinusundan? E, pa'no kung 'di naman niya sinasadya na sinundan siya? Nagkataon lang na nagkasabay lang sila, gano'n."
"Naku, ang dami na nagsasabi niyan sa kanya. Pero, hinding-hindi siya naniniwala. Kaya pansin mo, palagi siya may kasama na mga lalaki. Pero, hindi naman siya bakla, ah."
Bigla na lang nag-sink in sa'kin 'yung kinuwento ni Johnny noon tungkol sa bakla na prof na muntikan na siyang galawin. Siguro, lalapitin talaga siya ng bakla. Kawawi naman.
"Iniisip mo ko?"
Huh?
"Hi, Johnny!"
Johnny?
Ay, gagi, nasa likod ko pala siya.
"Magkatabi tayo?" tanong ko.
"'Di ko alam, e. Pero, sabi ni sir no seating arrangement naman so—"
"Yes, katabi ko na kayo!"
Magsasalita na sana ako kaso bigla na lang ako nakarinig ng malalim na boses, nasa pinto na pala namin ang prof na 'to na... sobrang hirap magturo pero sure pass naman daw.
Tapos na ang klase namin sa kanya, wala na akong klase kaya pwede na 'ko umuwi. Kaso, ayoko pa umuwi. Saan naman ako tatambay ngayon?
"Bii, uuwi ka na ba?"
Lah, nasa likod ko pa pala 'to. "Ano, 'di ko pa alam, e."
"Ay, teka, nasaan pala si Johnny?" pati ako, lumilingon na rin sa paligid after niyang itanong 'yon. Kanina kasi, nasa tabi lang namin siya bago kami lumabas ng building na 'to.
"Baka may klase pa 'yon," sabi ko na lang sa kanya.
"Ha? Sabi niya, wala na raw siyang klase, eh."
"Yes? Miss me?"
Nalingon ko naman siya likod ko, taena talaga ang tangkad, oh!
"Sa'n ka galing?" tanong ko.
"Ah, may hinabol lang na prof ko para bukas. 'Kaw talaga, miss mo ko?"
"Hindi."
"Ako, miss na kita." Nalingon na lang ako kay Ferlina, hayan na naman ang kanyang ngiti na kita na ang gilagid dahil sa kilig.
"Buti ka pa, namiss ako," sabi niya, "may klase pa kayo?"
"Ako na lang pero hintayin niyo 'ko," sabi ni Ferlina sabay nilabas niya ang kanyang phone na kulay pula ang phone case.
"Ilang oras lang ba ang klase mo?" tanong ko.
"Two hours."
Nak ng siopao naman oh!
"Hoy, ayoko nga na—"
"Sige, hintayin ka namin tapos kain na rin tayo sa labas."
Tumingala na lang ako sa kapre na 'to. Pagkatapos niyang sabihin 'yon, nagba-bye na agad sa'min si Ferlina dahil malalate na raw siya.
"Hintayin niyo ko! Or i-chat mo na lang ako bii!"
Ano pa ba ang magagawa ko?
"Sa'n tayo niyan?" tanong ko sa kapre na 'to.
"Library muna tayo," sabi niya kaya nagsimula na kami maglakad.
Mabuti na lang kumonti na ang estudyante ngayon dahil start na ng class hour. Nandito lang naman kami sa court. Maglalakad na kami nang may nakita ako na ilang lalaki na nagtatakbuhan, hindi ko alam kung sino ang hinahabol nila. Hindi naman sila naka-suot ng P.E. unifo—wait.
Kilala ko ang mga 'to?
"Hindi pa naman sila nakakalayo, 'di ba?"
"Tawagan mo si Lino, baka sinusundan na ang mga 'yon!"
"Tangina, hawak ko phone niya!"
Sina Renzo, Joren at Karlos ang tumatakbo. Napatingin na rin ang mga tao sa kanila, buti wala naman pake ang mga guard sa mga 'yan.
At saka, teka nga, may nangyaring masama ba sa tatlo? Agent din ang mga 'yon, ah.
"Tara na, punta na tayo sa library."
Bigla na lang niya ko hinila tapos tumakbo na kami. 'Di ko rin alam kung ano'ng trip niya ngayon. Buti na lang, hindi mabigat ang bag ko for today!
Nang makarating na kami sa library, sa 4th floor. As I expected, 'di na marami ang tao rito dahil alas-tres na, lalo na sa mga cubicle. 'Pag ganitong oras, usually, mga graduating students ang mga tambay dito, mga apat o lima sila, dala ang mga laptop, references books at sample ng thesis book na pwede nilang mahiraman.
Alam ko kasi solid tambay na 'ko rito simula no'ng naging irregular student ako, hihi.
Nahinto na lang kami sa paglalakad, nasa pinaka-dulo kami ng cubicle. Pinili ko na 'yon nasa dulo talaga para may sandalan ako. May pader naman ang harapan ng mga cubicle kaya talaga tahimik sa area na 'to. Sa likod kasi namin, nandito ang iba pang libro na hindi masyado pinupuntahan ng mga estudyante sa hindi ko alam ang dahilan.
"Hindi ka naman giniginaw diyan?" tanong niya nang maka-upo kami.
Tumingala muna ako para hanapin 'yung aircon, nasa gitna siya. "Hindi naman, tama lang 'yung lamig. At saka, may cardigan ako 'no."
"Kahit na, hindi naman 'yan kasing kapal ng jacket," sabi niya. Ano pa ba ang sasabihin ko? Haha!
"Bakit pala tumakbo tayo kanina?" tanong ko sa kanya.
Tumingin muna siya sa'kin habang hawak niya ang phone. "Nakatingin ka kasi sa mga tumatakbo kaya tumakbo rin tayo."
"E, ano ngayon kung nakatingin ako sa tumatakbo?"
"Kilala mo ba sila?"
Hala.
"Hindi."
Kahit na hindi na 'ko engineering student at hindi ko na sila nakakasama, hindi ko pa rin pwede sabihin na may iba silang sideline. Baka kasi maging "Joyce" din 'to. Mas okay na, hindi ko sila ipakilala.
Or, mas okay na magpanggap ako na hindi ko sila kilala. Pero, mas masakit naman 'yon.
"Ah, okay, okay."
Napatingin na lang ako sa kanya, "Bakit?"
"Wala naman," sabi niya saka na siya nag-cellphone.
"Kilala mo sila 'no?" sumilip muna ako sa ibang cubicle, baka may tao.
"Hmmm. Sabihin lang natin na namumukhaan ko sila."
Namumukhaan? Sina Joren?
"Pero, expect ko na 'yon kasi nasa iisang campus lang tayo. So, talagang mamumukhaan ko sila. Kaso, hindi ko sila nakaka-usap. Gano'n," dagdag pa niya.
"Ah."
Hayan lang nasabi ko. Hindi ko nga kasi pwede na may ibang gingawa sina Lino and others.
"At dahil madalas na tayo magkasama ngayon sem, sabay na tayo lagi uuwi, ha?"
"Huh?"
"Sabay na tayo uuwi simula mamaya," pagkatapos saka na siya tumungo.
Mabuti na lang malakas ang wi-fi rito kaya makakapag-facebook pa 'ko. At saka, pwede pa ko makapagsulat. Kaso, sa phone nga lang.
"Pahiram ng kamay mo."
Bigla na lang niya kinuha 'yun kaliwang kamay ko tapos may naramdaman na lang ako na malambot pero hindi malamig. Hindi pa 'ko makatingin sa kanya dahil nanonood ako ng short clip sa FB.
Maya-maya, naramdaman ko na lang na kinukuskos niya ang kamay ko sa malambot na ewan na 'yon. At, pakshit!
Bakit nararamdaman ko 'yon labi? Meaning ba no'n, pisngi niya 'yon?
"Hoy, ano'ng ginagawa mo?"
Tinigil niya ang pinaggagawa-gawa niya sa kamay ko saka siya tumingin sa'kin.
"Ang lambot pala ng kamay mo."
"E, ano ngayon kung malambot?"
Ngumiti lang siya tapos pumikit na siya, ginawa niyang unang ang kamay ko. Opo, ganyan nga po ang ginawa niya.
"Bitawan mo nga kamay ko, mangangawit ako niyan, e."
"Ayaw," sabi niya habang nakapikit na.
Loko 'to, ah.
# # #
Sa isang sikat na fast food chain kami nagpunta. Libre na ni kapre tutal siya naman ang nag-aya, sinundo namin si Ferlina sa classroom niya. Pa'no namin nalaman? Chinat niya sa'min.
"Ano'ng nangyari sa'yo bii?"
Tumigil ako sa ginagawa ko nang magtanong si Ferlina. "Bakit ba?"
"Ano'ng ginawa mo sa kamay mo? Kanina mo pa hinihilot 'yan, ah."
Tumingin naman ako sa kaliwang kamay ko. "Tanungin mo na lang kay Johnny kung bakit ko hinihilot 'to."
"Oh, bakit ako?"
May nakita na lang ako na medyo malaking numbering na nasa tabi ko, pang-40 pa 'yon order namin.
"Kung hindi mo ginawang unan hetong kamay ko, sana hindi na 'ko naghihilot-hilot ngayon."
Saglit siya hindi nakapag-salita, mga one to three seconds saka na siya ngumiti. "Ang lambot kasi ng kamay mo, eh."
"Ay, totoo. Malambot talaga kamay ni Marso," sabi ni Ferlina saka niya kinuha ang isa ko pang kamay which is hetong kanan... oo kanan kamay 'to.
"Oh, 'di ba? Kahit ikaw Ferlina, gagawin mo rin unan ang kamay na 'to," sabi ni kapre tapos kinuha niya ang kaliwan kong kamay saka niya....
Hinilot.
"Sa'n banda masakit?" tanong niya.
Tinuro ko naman kung saan 'yung masakit; malapit sa ring finger ko.
"Buti nga hindi ako naglaway kanina, e 'di amoy laway ko na 'tong kamay mo 'pag nangyari 'yon," sabi niya.
"Yuck!" sigaw ko. Tawa na lang ang nireact niya, naki-yuck din si Ferlina. Mabuti naman, may umagree rin sa'kin.
Ganyan lang ang ginawa niya habang naghihintay kami ng pagkain. Si Ferlina, kausap sa phone ang boyfriend niya na, hindi ko naman kilala kung sino. Matagal ko na naririnig na may boyfriend siya, salamat sa chismisan nila ni Lychee at ate Hailea.
After namin kumain, hinatid muna namin si Ferlina sa school dahil naghihintay doon ang jowa niya. At dahil inabutan na kami ng gabi, naglakad na lang kami ni kapre papuntang terminal. Para na rin magpababa ng kinain.
"Sabihin mo lang kung nagugutom ka pa, ah."
Tumingala ako sa sinabi niya. "Sobrang busog na 'ko. Ang dami mong inorder kanina, baliw."
"E, naglalakad tayo. Baka magutom ka, dami pa naman ihawan na dinadaanan natin." Sakto naman, dadaan kami sa area kung sa'n, puro mga ihaw ang binebenta. Ang babangooo!
"Umiilaw phone mo, March."
Napakapa ako sa bulsa sa uniform ko, umilaw nga dahil tumatawag si kuya Tonni. Tumingala muna ako kay kapre para ipaalam sa kanya na 'pa'no-mo-nalaman-na-umilaw-e-nasa-bulsa-ko-yon-phone' look.
Teka, buti kuya tonni pangalan niya sa contacts ko. Madali pa naman makita ni kapre 'to. Sinagot ko na.
"Hello?' 'Wag ka magbabanggit na "sir", shit!
[Where are you?]
"Sa..." tumingin pa 'ko sa paligid, "hindi ko alam kung ano'ng street 'to basta papuntang terminal sa mall."
[Sino ang kasama mo?]
Tumingala muna ako sa kanya kaya huminto kami sa paglalakad. "Si Johnny po."
Kilala naman niya siguro 'to, 'no? Naging estudyante naman niya last sem, e.
[Okay, okay. Mag-iingat kayo,] sabi niya tapos siya na ang nag-end ng call.
Hala, ano'ng nangyayari? Sa tatlo, ano'ng nangyayari? Naku naman, dapat kasi hindi na sila nag-reveal ng identity chuchu, eh.
Bigla na lang ako nakaramdam na mabigat na kamay sa ulo ko. S'yempre, tumingala ako sa kanya. Nakangiti na ang kapre.
"Magiging maayos din ang lahat."
Luh.
Ano ba ang alam nito?
_____________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top