HOW? 2


'Yon tindig lang pala ang kamukha sa kanya, hindi 'yon mukha. 'Yon kutis niya, hindi maputi. Morenong-moreno siya. Kaya siya nagmukhang unggoy ay dahil sa pango niyang ilong.


Kung anu-ano pa ang diniscuss ni ma'am sa amin. By the way, naka-seating arrangement na kami. Ako lang ang nag-iisang letter D ang surname kaya ang surname na katabi ko ngayon ay... Cruz.


Lalaki naman 'to, hindi naman gwapo kaya safe.


Nilibot ko agad ang mga tao rito sa classroom. Si ate na naka-usap ko kanina, nasa dulo siya. Yu ang surname niya, e. Ewan ko kung chinese ba siya o hindi. Hindi naman siya mukhang chinese.


And speaking, 'yon unggoy, kahanay ko lang pala siya, pa-horizontal. Pero, mabuti na lang hindi ko siya makikita dahil nakaharang ang babae na 'to.


Agad naman tumunog ang bell, kanyang-kanya kuha na sila ng mga bag. Samantalang ako, kanina ko pa hawak ang registration form ko. Nasa second floor lang ang next class ko which is, management. Base sa subject code nila, pang-first year 'to.


Nasa tapat na ako ng room, may mga pumapasok na kasi, time naman rin na. Sa likod ako pumapasok para hindi nila ako mapansin lalo na't ang dami nila agad dito.


Sakto naman na pumasok ang babaeng professor. Hinila ko na lang ang isang armchair dito, katabi ko si ate na makapal ang buhok. Napatingin ako sa harap, ang liit pala netong prof namin.


"Attendance lang muna tayo today. Next meeting na lang natin i-discuss ang class rules pati na rin sa magiging groupmates niyo for reporting." May nilabas siya na long bond paper at ibinigay iyon kay kuya na nasa harap.


Shit, reporting? Potek, ayoko ng reporting!


"Ma'am, hayan lang po ba ang gagawin natin today?" tanong ni ate na katabi ko.

"Yes, miss. May problema po ba?"

"Ay, wala naman po ma'am."

Napatingin na lang ako kay ate nang marinig ko siyang may binulong, "putangina, ang aga-aga ko rito tapos wala palang klase."


Maaga pala sa kanya ang nine-thirty?


Nang makarating na sa akin ang papel, sinulat ko na agad ang pangalan ko, time ng subject na 'to pati signature ko. Nang inabot ko na kay ate...


"Okay, after you sign the attendance, you may go na."


Siyempre, kanyang-kanya tayo na ang mga tao rito. Mabuti na lang hindi ko nilapag ang bag ko, nasa bulsa ko lang ang ballpen at hawak ko lang ang registration form ko.


As usual, mag-isa na naman ako. After kasi ng management, vacant ko na. E, wala naman ako naging frenny do'n. Tatambay na lang siguro ako sa library. Ayoko kumain mag-isa sa labas, madami na tao ngayon do'n kapag ganitong oras.


Nakarating ako ng library, pumunta ako sa mga cubicle para umidlip. Wala naman sisita sa akin dito.


Nakakalungkot lang, wala akong mapaghiraman ng laptop ngayon. Nakakahiya na kay ate Mika lalo na't nasa ibang department ako. Pumapasok pa rin kaya ang mga prinsesa?


Chineck ko na lang ang phone ko para basahin ulit ang gawa ko. Sci-fic ang binubuo ko ngayon na, hindi ko na magalaw magmula nang inasikaso ko ang pag-shift. Dami kong mga tao na kailangan ipapirma, e. Tapos, ID picture at library card na kailangan kong bayaran.


Habang binabasa ko 'to, nawawalan na ako ng idea kung paano ko siya tatapusin. Ang dami ko na kasing mga nakapila na kwento pero, wala pa rin romance.


Tinignan ko naman ang home page, puro romance naman ang nauuso ngayon. Pang-F4 style ang halos nakikita kong story description.


Paano nila nagagawa ng flow 'yon kung may gano'n story na napalabas na sa TV? At nakakatuwa, may nagbabasa pa sa mga ganyan.


"I love you, baby."

"I love you too, baby."


Pusang kinalbo talaga, nasa cubicle area na ako pero may naririnig pa rin ako. Leche kasi, nagcha-charge pa ako kaya hindi ko pa makapag-saksak ng earphones sa tenga ko. 

Tanga Marchie, sa tenga talaga nilalagay ang earphones.


Umupo ako nang maayos para lang ma-confirm ko ang mga nilalang na nagsabi no'n. Nag-lean lang ako nang konti, baka mahalata akong chismosa.

And, yes. May mag-couple nga rito, marino na naman ang lalaki ang isang chubby na babae. Tig-isa sila ng cubicle pero, hetong si ate girl, sumiksik sa tabi ni kuya.


Teka, naghahalikan ba ang mga 'to? Buti hindi sila nakikita sa mga CCTV na nandito ngayon.


Taena, Marchie. Itigil mo na 'yan pamboboso mo. Inggit ka lang, e.


Kainis, sana pala nagdala ako ng notebook at ballpen para mag-outline ng mga susunod kong isusulat. Bakit ba kasi tuluy-tuloy lang ako sa pagpasok?


Chineck ko ulit ang phone ko para mag-scan ng mga usong story ngayon. Takte, wala talaga akong laban sa mga 'to. Ang tataas ng reads nila lalo na sa vote. Ang dami rin nila followers.

Potek, 238 lang followers ko. Kasama pa roon sina Jasmeng, ate Mika at Clara.


Sige, pupunta na lang ako sa computer shop mamayang hapon. Tamang-tama dahil wala naman tao kapag ala-una ng hapon.


Nahinto ako sa pagso-scroll nang makita ko ang pangalan ni Maria Clara sa notif box ko!



Maria Clara <3:

Vacant mo na?



Miss na miss ko na siya, huhu.


Me:

YES YES YES YES YES YES YES YES YES YES YES YES YES

Maria Clara <3:

Tara, nasa project area ako.


Sana po ilibre ako ni Clara. Amen.



# # #


"Ano, kumusta naman ang pagiging Accountancy student mo?"

Nahinto ako sa paghahalo ng sisig at tumingin sa kanya. "Hindi naman ako Accountancy student, e."

"Huh? E, ano ang course mo ngayon?"

Sinubo ko muna 'tong itlog bago ko siya sagutin, "ano... Accounting Technology course ko."

"Ano 'yan? Parang Accountancy din?"

"Uh, oo."

Tumingin ako sa paligid ng karinderya na 'to, puro mga nagso-solo ang kumakain dito ngayon. Kami lang ni Clara ang magkapares ngayon.

"Pa'no mo na-discover 'to?" mahinang tanong ko sa kanya. Baka marinig ako ng may-ari, e.

"Ah, dito kami kumain ni kuya Zeb no'ng sinamahan niya ako mag-enroll."

"Kuya Zeb? Sino 'yon?"

Nahinto siya sa pag-inom ng tubig at kumunot agad ang noo niya. "Hindi mo siya kilala?"

Umiling ako, siyempre.

"Hayun siya, March."

Sinundan ko ang kaliwang darili niya na nakaturo ngayon. Isang lalaki na tahimik kumakain ngayon sa sulok. Naka-puting t-shirt lang siya.Hindi ko naman namumukhaan 'to dahil likod lang niya ang nakikita ko.

"Sino 'yan?" tumingin ako kay Clara nang tanungin ko 'yon.

"Siya si kuya Zeb."

"E, hindi ko nga kilala si kuya Zeb."

Nag-lean siya sa akin, "siya ang boss ni Lino. Hindi mo ba natatandaan?"


Lumingon ulit ako sa likod pero nakita ko siya na tumayo at bigla pa naman umupo sa tabi ko bitbit ang pinggan at soft drinks niya. Tapos, tumingin siya sa akin.


"Ako na ang nag-adjust para mamukhaan mo 'ko," sabi niya tapos tinuloy na niya ang pagsubo ng sisig.


Ay, gagi, oo! Siya pala 'to! Bakit hindi ko namukhaan?


Dahan-dahan ako tumingin kay Clara, "siya pala 'yon."

"Oo, siya nga 'yon."

Tumingin ulit ako kay kuya Zeb tapos kay Clara ulit, "ano'ng ginagawa niya rito?"

"Bilin kasi ni tita sa kanya, bantayan ako hanggang sa maka-uwi ako."

"E?" tumingin ulit ako kay kuya Zeb, "aba may PSG ka na pala."


Hindi niya ako pinansin. Nakita ko si Clara na ngumiti na lang sa akin. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko. Mabuti na lang libre ni Clara ang sisig ko ngayon na may tatlong extra rice at strawberry shake.


Pagkatapos namin kumain, naglakad kami papunta sa department store para mag-window shopping. Yes, kasama si kuya Zeb na naglalakad lang sa likod namin. Hindi naman siya mukhang bodyguard ni Clara. Para lang siya stalker pero, hindi obvious na stalker kasi may mga binili rin siya.


"Ano, uuwi ka na?" tanong ko sa kanya nang makarating na kami sa parking lot ng campus.

"Oo. Isa lang ang klase ko ngayon, e."

"Ay, wow." Hayan na lang ang nasabi ko.

"Mag-iingat ka, ha?"

"Ikaw ang mag-ingat. Kayo ni ate Mika at Jasmeng!"


Pagkatapos, niyakap ko nang mahigpit si Clara. Ang weird lang sa pakiramdam dahil hindi ko na siya makakasama mula ngayon hanggang sa maka-graduate ako. Hindi ko nga alam kung magkikita pa ba kami after ko makapagtapos ng college.


Huwag ka umiyak, Marchie.


Kumawala ako sa pagkakayakap namin at tumingin kay Clara. Pero, napansin ko si kuya Zeb na nasa likod lang niya.


"Bagay kayo ni kuya Zeb."


Lumaki ang mga mata nila nang sabihin ko 'yon. Kita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Clara kahit na 'yon sinag ng araw tumatama sa amin. Hindi lang ako sure kung namumula rin ba ang pisngi ni kuya Zeb.


"Ano ka ba naman, Marso."

"Bakit?" Hindi ko mapigilan na ngumiti. Bagay naman kasi sila, hihi.

"Ano ba 'yan pinagsasabi mo?"

"Na alin? Bagay kayong dalawa?"

"Tumigil ka nga." Pagkatapos, hinampas-hampas na niya ako gamit ang pamaypay niyang kulay black.

"Oo na! Titigil na ko kasi papasok na ko!"

Mabuti naman, huminto siya sa paghahampas sa akin. "Tama, pumasok ka na. Uuwi na ako."

Naglakad na agad ako papasok pero tumingin ulit ako sa kanila. Sakto naman na pumasok si Clara sa kotse. Tapos, hetong si kuya Zeb nakahawak lang sa pinto ng kotse.


"Kuya, support kita kapag niligawan mo si Clara!"


Nakita ko na nahinto sa pagsasara ng kotse si kuya tapos hetong si Clara, biglang lumingon sa akin.


"Ano ba!"


Hindi ko na sinagot ang pagsigaw niya kaya kumaway na lang ako sa kanila tapos tumakbo na ako papasok sa court. Pa'no ba naman kasi, 5 minutes na lang ang natitira bago mag-11:30.


Pusang kinalbo! Ang layo-layo ng building ko ngayon! Mas lalo dumami ang mga tao ngayon lalung-lalo na ang mga maiingay na first year na kanyang-kanya kumpulan sila ngayon. Kung sa bagay, lunch na rin kasi.


Saktong 11:30 na akong nakarating sa tapat ng room na 'to. Pero, lumalabas sila. Ano'ng meron?


"Kaklase ka ba namin?"

Napatingin na lang ako kuya, "ah. Opo."

"Wala si sir, next meeting na lang daw siya magpapakita sa amin," sabi niya saka siya umalis.


Pusa, nagmadali pa ko.


Nagpahinga na lang ako sa bakanteng room kung saan, dito rin ang next class ko. Mabuti naman, nagpakita si sir sa amin.


At dito na nagtatapos ang unang araw ko bilang accounting technology student. Konti lang kami naglalakad ngayon palabas ng campus. Sandali lang ako naghintay ng jeep at nagsakay na rin. Mabuti na lang, maluwag 'tong sinakyan ko.


"I love you."

"I love you too, honey."


Lumingon agad ako sa kanan nang marinig ko na naman, ang punyetang phrase na 'yon! Nakita kong bumaba si kuya, marino na naman. Tapos, hetong si ate sumilip sa bintana, kumakaway sa jowa niya.


Lord, ano pong meron sa phrase na 'yon? Nakatatlo na kasi, Lord. 


Huhu.


__________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top