HOW? 19
"Ang dami kong stolen, ampotek!"
Hindi ko naman sinabi 'yon nang malakas. Malayo ako sa mga tao, nandito ako naka-upo sa bench malapit sa building ng library. At dahil wala pa naman ang mga taong nagpapahintay sa'kin, chineck ko muna ang mga picture na tinagged sa'kin. Hayan, ang daming stolen pics.
After ko isa-isahin ang pag-like sa mga picture, tumingin ako sa paligid. Ang daming nag-e-enroll ngayon. Kung sa bagay, kakatapos lang ng final examination no'ng Friday. Ayoko pa naman pumunta ngayon lunes kaso...
"Pasado ka na sa lahat?"
Tumingin ako sa katabi ko, gusto kong i-deny na hindi ko siya kilala kasooo, nakatingin na kasi sa'kin.
"Problema mo?"
"Tinatanong lang kita kung pasado ka na ba sa lahat o hindi," sabi niya sabay may kung ano ang sinulat niya sa pre-registration form.
"May bagsak ka 'no?"
Umiling naman ang loko. "Pasado ako sa lahat!"
"Weh? Baka ayaw mo lang aminin. Ayos lang 'yan, Castro. Bumabagsak din naman ako noong engineering pa 'ko." At dahil diyan sa sinabi ko, bigla ko na naman naalala ang mga pinaggagawa ko noon para lang pumasa ako.
"Nahiya ka pa, aminin mo na may bagsak ka."
"Hoy! Wala akong bagsak!" saka ko tinapat sa pangit niyang mukha ang pre-registration form ko na, naka-indicate na pasado ako sa lahat ng subject.
"Ay, taray. May tres."
Saka ko na nilayo ang papel nang sabihin niya 'yon. "Oh, bakit? Pasado naman ang tres, ah."
"Kaya nga. Wala naman ako sinasabi na bagsak ka. Akala ko kasi, may minemaintain kang grade."
Umiling ako habang nilalagay ko sa bag ang papel. "Ayoko madagdagan ang pressure sa pag-aaral. Hindi ako mag-e-enjoy."
"Ano ka ba, makakapag-enjoy ka rin naman kahit na pine-pressure ka na sa pag-aaral, ah."
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya nang sabihin niya 'yon. "Pa'no mo naman nasabi?"
Huminga muna siya nang malalim at natahimik. Hindi ko binilang kung ilang second ang nakalipas bago siya magsalita.
"Minsan lang tayo mabuhay dito sa mundo. Huwag ka mag-focus sa isang bagay lang, nakakapagod talaga 'yon. At saka, marami kang mami-miss kapag sinubsob mo ang pag-aaral."
Wow. Marunong pala magsalita about motivation ang pangit na 'to.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
"Oo naman. Gutom lang ako," sabi niya pero hindi siya nakatingin sa'kin.
"Hoy, tamang-tama! Teka."
Sinilip ko agad ang bag ko, dalawang ensaymada ang kumakaway sa'kin kaya nilabas ko na sila. Tinapat ko sa mukha niya ang ensaymada, tulala na siya, e.
"Ano 'to?"
"Tanga, pagkain. Sabi mo nagugutom ka na, 'di ba?" Mabuti naman kinuha niya ang ensaymada. Mamaya na lang ako bibili ng tubig.
"Sino ba ang hinihintay mo? Or hinihintay mong kumonti ang pila sa tellering?" tinuro pa niya ang tellering na nasa tapat lang namin. Sakop na ng pila ang magkabilang row ng upuan.
"Si Ferlina, nagpapahintay. Kukulitin lang daw nila 'yung prof sa accounting kasi may correction daw sa exams nila."
"Ahh."
"E, ikaw?"
"Hinihintay ko na kumonti ang mga 'yan. Gano'n din, maghihintay din naman ako."
"E, pwede mo naman gawin 'yan bukas, ah." Sakto, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone. Chineck ko naman kung sino ang nag-text or nag-chat. Si Ferlina.
Ferlina Jane Jimera
hi
hello?
Bhe? Bes? Bhebs? Bii? Mare? Babes?
ah alam ko na.
hi bii!
papunta na ko diyan san ka?
chat ka lang bii
Ang taray ng 'bii' niya.
At saka, heto pala ang unang chat namin? Pero, nagkaka-usap naman kami lalo na no'ng debut ni Nana.
"Tinatamad na 'ko kung bukas ko pa gagawin," sabi niya.
"Ahh," nireplyan ko muna si Ferlina bago ako humarap sa kanya, "papunta na si Ferlina here."
"Okay, sige. Pipila na rin ako. Kaunti na lang sila," tinuro naman niya 'yung mga nakapila. Kaunti na lang sila.
Tumayo na ako at nag-ba-bye sa kanya. Nag-bye naman siya sabay inangat ang ensaymada na kinakain niya ngayon. Hindi ko alam kung malapit na ba ang pasko or summer, sobrang tirik ng araw ngayon. Buti na lang, may mga puno rito at mahangin.
Problema ko ngayon, nasaan si Ferlina? Hindi ko siya makikita dahil hindi ko suot 'yung salamin ko. Tatawagan ko sana siya kaso, pa-lowbat na phone ko. Tinitipid ko pa ang data dahil magsstalk ako sa profile ni kuya L, hehe.
"Marso!"
The fak, sino 'yon?
"Hoy! Ano ka ba, 'di mo na 'ko nakikita?"
Lumingon naman ako sa likod. Shit si Ferlina pala 'to.
"Taray ng salamin natin, ah."
"Ay, s'yempre naman. Pulang-pula tayo ngayon," after niyang sabihin 'yon, tinignan ko tuloy ang buong hitsura at outfit niya.
Pantalon? Pula.
Polo shirt? Pula.
Lipstick? Pula.
Doll shoes? Pula.
Bracelet? Pula.
Relo? Pula.
Phone case? Pula.
"Wow. E 'yung grades mo? Walang pula?" tanong ko.
"Hayun ang may green! Hindi pwede mamula ang grades ko, bii!" sigaw niya sabay kumapit na sa kaliwang braso ko at naglakad.
"Sa'n pala tayo pupunta?" tanong ko.
"Samahan mo ko sa IT Department, check ko lang grade namin," sabi niya kaya tumango na lang ako sa kanya.
Pag dating namin sa floor ng IT Department, kaunti na lang ang nakapila kaya wala naman choice para hindi pumila. Habang papalapit kami nang papalapit sa pinto, may naririnig na lang kami na grupo ng mga lalaki. Lalakas ng tawa, e.
Pero, familiar sa'kin 'yun may malalim na boses. Lumingon agad ako dahil nasa likod lang namin sila at...
Putangina!
"Oh, may bakante na sa first row."
Kinuha ko na ang kamay ni Ferlina at dali-dali kaming pumasok sa loob ng computer room. Mabuti na lang, dalawang upuan kada PC ang meron dito since, malaki naman ang bawat computer room dito.
"Ano'ng problema mo, bii?" tanong ni Ferlina nang makaupo na kami. Narinig ko na lang na may mga lalaki na nagdadaldalan, sana naman po hindi ko siya marinig!
"E, i-print mo na 'yung mga kailangan mong i-print, dali!"
Mabuti naman hindi na siya nagtanong. Nasa right side ako ni Ferlina kaya hindi ko makikita ang uupo sa katabi ko.
Kaso, may narinig na lang ako na upuan na inusog sa tabi ko. Tapos, mga nagdadaldalan pa na mga lalaki.
"Tsk, mukhang bagsak na naman ako, ah."
Puchang gala! Si kuya L!
Shit, bakit ang bilis na naman ng heartbeat ko? Inaano ko ba siya? Waa! Nakakatakot! Utang na loob, Marso! Huwag ka lilingon!
"Jimera? Ferlina Lyne?"
Ay.
"Dito po," sabi niya saka siya tumayo, "tara na bii."
Hala, tara na raw? Taena, pa'no ako hindi haharap kay kuya L?
Pa-simple lang ako tumayo nang hindi tumitingin sa katabi ko. Pinasok ko 'yung upuan sa bakanteng cubicle at agad kong kinuha ang sling bag ko.. Nauna nang naglakad si Ferlina habang ako, patalikod na umalis sa row na 'yon.
Shit, 'wag ka titingin, Marso!
"Beltran? Lorimer?"
Hoy! Pucha!
"Hoy, bii! Wait lang!"
Rapido na kong lumabas ng computer room hanggang sa makababa na ko ng second floor. Babalikan ko sana si Ferlina nang nakita ko siyang nagmamadaling bumaba.
"Ayos ka lang?" tanong niya nang makalapit na siya sa'kin.
"Ayoko siyang makita bii!"
"Sino?"
"Si... kuya L!"
"Sino'ng kuya L, bii?"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maalala ko. Hindi ko pala sinasabi kung sino si kuya L.
# # #
"Halika na!"
"Ano ka ba! Ayoko nga, bii! Bakit ba!"
"Ano'ng ayaw mo? Halika na! Baka nandoon pa siya!"
"Naka-uwi na 'yon kaya 'wag mo na 'ko hilain papunta sa computer room!"
At dahil mas malakas siya kaysa sa'kin, nagawa niya kong bumitaw sa hagdanan para maka-akyat. Langya, pinagtitiningan na kami ng mga tao rito.
Tuluyan na nga kami tumakbo papunta sa computer room na pinuntahan namin kanina. After ko kasi i-kwento sa kanya about kuya L, ngiting-ngiti ang bata saka ako hinila papunta rito.
"Gusto ko siya makita, dali na!"
After sabihin 'yan ni Ferlina, huminto kami sa tapat ng computer room na 'to. Kakaunti na lang ang tao.
"Nasaan na siya bii?" tanong niya.
"S'yempre, hindi ko alam. Hindi ko suot ang salamin ko."
"Ay, hindi pwede," bigla na lang ako pinalo, "suotin mo na ang salamin mo."
Bakit ba ako nanghihina? "Ayoko nga!"
"Dali na!"
Pinatitiningan na kami ng mga tao rito dahil sa mga sigaw namin. At mukhang wala naman pake si Ferlina sa paligid. Nilabas ko naman ang salamin ko, bigla siya pumasok pero hindi naman niya ako pinilit.
At dahil nakikita nga rito ang loob ng computer room, nakatingin lang sa'kin si Ferlina, mukhang hinihintay ang ituturo ko para lang makita siya.
Pero, mukhang wala na ata siya.
Likod ng mga estudyante ang nakikita ko rito. Kaya, wala akong choice.
"O, 'di ba, pumasok ka rin."
Tumingin ako sa kanya, takte ang tangkad naman niya. "Kulit mo, eh."
"E, dali na. Hanapin mo na siya. Lapitan mo kaya kada row."
"Ayoko nga, bii."
"Ano'ng gusto mo, samahan kita?"
Sasagutin ko na sana na 'ayoko' pero bigla na lang ako hinila at pinapunta sa harap. Mukhang wala naman pake ang mga estudyante sa'min dahil busy sila sa pag-aayos ng sched at saka, nakikipagdaldalan ang iba sa kanila.
"Ano? Nasaan siya?"
Welp.
"Wala siya rito," sabi ko pero nakatingin ako sa mga estudyante rito. Nauna na akong lumabas, baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa loob. Nakita ko na lang na sumunod sa'kin si Ferlina na, naka-ngisi.
"Siya ba 'yon katabi natin kanina?" tumango na lang ako sa tanong niya. May kung ano pa siya na tinanong pero...
"Marchie!"
Huh?
Ay, shit! Si Johnny pala 'to! Nasa tapat ko na pala, sa'n to nakalusot?
"Enrolled ka na?"
"Ah," hawak ko pala ang registration form ko, pinakita ko naman sa kanya. "Oo."
"Talaga? Kaklase ba kita sa ibang management na subject?" kinuha naman niya 'yung papel saka niya tinignan.
"Management 2 ata? At saka, kinuha ko na rin 'yung management 3. Pinayagan ako para maging kaklase ko si Ferlina."
Tumingin naman siya sa'kin. "Sino'ng Ferlina?"
"Ah, siya."
Tinuro ko si Ferlina sa kaliwa, bigla na lang siya napakapit sa braso at ang... lawak-lawak ng ngiti niya. Luh.
"Hoy," mahinang sabi ko sa kanya. Nakatingin pala siya nang diretso kay Johnny.
"H-hi."
"Hello. Ayos ka lang?" tanong naman ni Johnny.
"Ah, oo. Ayos lang ako. Oo," sabi niya sabay tumingin sa'kin habang nakangiti siya.
"Hindi ka maayos, bii. Ano'ng nangyayari sa'yo?"
"Ayos lang ako, bii!" sigaw pa niya sabay namalo sa wrist ko.
"Aray! Ang sakit!"
"Hoy! Mahina lang 'yon!" after niya akong sigawan, tumingin ulit siya kay Johnny. "Classmate kayo ni Marso?"
"Ah, oo. Sa Finance 1. Si sir Tonni."
"Shit, si sir Tonni," sabi niya sabay pinalo ulit ako, "pogi 'yon, si sir Tonni."
Tumango na lang si Johnny saka tumingin sa'kin at binigay 'yon papel. "Magiging kaklase ko pala kayong dalawa."
"Ay, talaga?"
"Yup," pagkatapos niyang sabihin 'yon, ginulo na niya ang buhok na 'kala niya, isa akong aso. "May pupuntahan lang ako na prof, mauuna na 'ko sa inyo! Bye!"
"Bye, Johnny!" sigaw ni Ferlina kaya kumaway siya Johnny sa'min hanggang sa lumiko na pababa ng hagdanan.
"Alam mo—"
"BII! ANG GWAPO NIYA!"
Ay, putek na 'yan!
"Ano?"
"Ang gwapo-gwapo niya bii! Siya 'yon Mr. TMCU, bii! Siya nga 'yon!" sigaw niya habang hinihila ang kaliwang braso ko.
"Ano ba! Ang sakit!"
"Ang swerte natin dahil magiging kaklase natin siya sa second sem, bii!"
"E, ano ngayon?" napakapit na lang ako sa isang tubo na, hindi ko alam kung ano'ng meron sa pulang tubo na 'to. Daluyan ba 'to ng tubig?
"Crush ko kasi siya!"
"O, tapos?"
"Ano'ng 'o, tapos' ang pinagsasabi mo? Hala siya, hindi mo crush si Johnny?"
Crush?
"Yuck, hindi."
Myghad, pa'no ako magkaka-crush sa kanya? Mabait lang naman 'yon sa'kin.
"Sure ka?"
Tumayo na ko nang maayos habang hawak ko ang registration form at nagsimula na maglakad.
"Kasi, lahat ng babae sa department natin, crush siya," dagdag pa niya.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"Si Lorimer Beltran po ang gusto ko, hindi si Johnny," pilit pa kong ngumuti sa kanya saka ko na siya tinalikuran kaso...
Shit. Waaaaa!
"Ah, so ako pa rin ang crush mo?"
________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top