HOW? 17


"Nasaan na sila?"


S'yempre, ako lang naman ang nagsabi no'n. Nasali nila ako sa group chat nila, ang usapan, sa project area raw magkikita-kita. Sabado ngayon at ala-una na ng hapon.


Kaso...


Wala akong makita na pamilyar na mukha rito. Suot ko na po ang salamin ko kaya, malinaw ang aking mga mataaa!


Tumingin ako sa phone ko, 1:29 na ng hapon. Kaka-check ko lang sa group chat namin, wala man lang nag-chat sa—


"Hayun! Nandito ka na pala."


Lumingon agad ako sa kaliwa, kumaway sa'kin si Ferlina. May kasama siyang lalaki na kaklase rin ata namin. Kumaway din siya sa'kin.


Kumaway na rin ako sa kanya. Baka isipin niya, snobbera ako.


Medyo lang, 'pag walang salamin, hehe.


"Kanina ka pa nandito?" tanong niya nang maka-upo na siya sa tapat ko.

"Medyo."

"Nahihiya ako mag-chat sa group chat natin. Baka kasi walang sumagot sa'kin."

Tinuro ko ang kasama niya. "Kasama ba natin siya?"


Bigla na siya kumurap. May mali ba sa tanong ko?


"Hala siya, hindi mo ba 'to nakikita sa classroom?" tanong niya pagakatapos tinuro niya si kuya.

Umiling ako. Oo, patapos na ang semester pero hindi ko pa kilala ang iba kong kaklase. Hindi naman madatory 'yon, e.

"Orrion, hindi ka kilala. Hala!" sabi na lang niya sa katabi niya.

"E, paano ako makikilala? Nasa unahan siya tapos nasa pinaka-likod ako naka-upo," sabi naman ni kuya.

"Kahit sa 8:30 class natin, hindi mo siya nakikita?" tanong pa ni Ferlina sa'kin.

"E, paano nga niya ako makikilala? Nasa unahan siya tapos nasa pinaka-likod ako naka-upo," sumingit na sa usapan namin si... Orrion.


Awkward naman kung tatawagin ko siyang kuya Orrion. Feeling ko, kasing edad ko lang 'to.


"So, hayun na nga," napatingin ako kay Ferlina, "wala pa sina Lychee at ate Hailea."

Lumingon naman ako sa paligid. "Baka nauna na sila sa event."

"Huh? Hindi naman nila alam kung saan nakatira si Nana." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Nilabas na lang ni Ferlina ang phone, gano'n din ang ginawa ni Orrion. Ang yayaman naman nila sa data, huhu.

Maya-maya, may napansin akong matangkad na lalaki na papalapit dito, puffy pa ang pisngi niya. Nakatingin kasi siya sa'kin, kilala ba niya ako?


Bigla na lang siya huminto sa likod ni Orrion. Saka naman lumingon sa likod si Orrion at tumayo.


"Hoy, kanina ka pa nandiyan?" tanong niya.

Tumingin siya kay Orrion. "Kakarating ko lang."

Kinuha niya ang isang upuan at tumabi sa'kin, sa kanan. "Hi, March."

"Aba naman, kilala mo 'ko."

"Oo naman. Kaklase kita sa dalawang subject, e."

"Huh?" humarap ako sa kanya nang maayos, "ano'ng subject."

"Sa Arts at Finance. Si sir Tonni nga ang prof natin, e."


Ay, weh?


"Buti nakikita mo ko. Hindi kita nakikita, e," sabi ko.

"E, talagang hindi mo 'ko makikita dahil kasama mo lagi si Johnny," sabi naman niya.

"Huh? Boyfriend mo si Johnny?"

Agad naman ako tumingin kay Orrion nang tanungin niya 'yon.

"Kilala mo 'yon, si Johnny?"


Maya-maya, ngumiti siya sa'kin saka umiling. Ang galing, 'di ba?


"Ah! Si Johnny? Oo, kilala ko si Johnny!"


Bigla ako tumingin kay Ferlina. Dilat na dilat ang mga mata, e.


"Siya 'yon nanalo sa Mr. TMCU last year. Sayang nga, hindi mo napanood lalo na no'n nag-alis siya ng t-shirt niya! Aaahh! Abs!" sigaw na lang ni Ferlina habang ngumingiti siya na akala mo, kinikiliti ko.

"Taena talaga, ang iingay ni Lychee at nito. Nanabunot na silang dalawa sa'kin habang nag-aalis ng damit si Johnny," sabi na lang ni Orrion habang pinapalo siya ni Ferlina. "Aray! Ano ba!"

"Bakit ba? Ang gwapo niya kaysa sa'yo!"

"Tangina mo, huwag ka hihingi ng tulong sa'kin sa Investment, ah!"

"Hoy! Joke lang, ano ba!" bigla na lang niya pinagpapalo-palo si Orrion. Pero, mukhang hindi naman siya nasasaktan.

Nahinto na lang si Ferlina at tumingin sa'kin. "Ano'ng mayroon sa inyo ni Johnny?"


Hala.


"Wala naman. Bukod sa malapit lang 'yung bahay niya sa amin," hayan na lang ang nasabi ko kaya tumango naman si Ferlina. Ano na naman ang iniisip nito?


Hindi ko po boyfriend 'yon.


Bigla ako tumingin sa katabi ko na, hindi ko naman alam ang pangalan. Nakasandal lang siya sa poste kung saan, nandoon ang outlet sa tabi niya. Sinadya ko talaga na umupo rito para makapag-charge ako.


"Hindi kita nakikilala," sabi ko sa kanya.

Bigla siya napa-ayos ng upo saka nilahad ang kanan kamay niya na parang gusto niya, mag-shake hands kami.

"Syril Minha."

Nakipag-shake hands na rin ako sa kanya. "Tama, hindi nga kita kilala."

"At least, kilala mo na ko."

"Oo nga lang," sabi saka ko na binitawan ang kamay niyang malambot. Oo nga, malambot ang kamay niya.


Tumingin ako sa phone, 1:31 na pala. Tutuloy ba kami?


"Ano'ng oras ba 'yun party?"

"Sabi sa invitation, 3 raw," sabi ni Ferlina.

"Dala mo ba 'yun invitation card?" tanong ko sa kanya.

Nag-lean siya papunta sa'kin, katapat ko kasi si Orrion na gumagamit ng phone. "Hahanapin ba sa'tin 'yon?"

"Eh? Ewan ko. Dala mo ba?" tanong ko pa.

"Hindi."


"Hala! Lagot ka!" 


Ah, pucha naman oh!


"Taena, nakakagulat ka!" sigaw ko kay Orrion habang napakapit ako sa bag.

Bigla na lang siya tumawa sa'kin at nag-sorry. Saka siya ulit tumingin kay Ferlina. "Hahanapin sa atin 'yon invitation."

"Weh?!" Hayan, pati ako naki-weh na rin.

Tumingin naman sa'kin si Orrion. "Dala mo ba?"

"Hindi, e."

"Ah," napa-ayos siya ng upo, "same."

"Ano'ng same?" tanong ni Ferlina.

"Hindi ko rin dala 'yon akin."


"Kaguraka!" bigla na lang niya pinalo si Orrion. Tawa lang ng tawa si Orrion, mukhang nag-e-enjoy siya sa pamamalo.


At saka, ano 'yon sinabi niya? Or baka nabibingi lang ako.


"Ferlina! Orrion!"


Lumingon naman 'yun dalawa sa likod nila kaya tinignan ko kung sino. Si Lychee pala, papunta na siya rito.


"Kanina pa namin kayo hinihintay ni ate Hailea sa labas," sabi niya.

"Huh? Bakit hindi ka nagcha-chat sa group chat natin?"

Hindi na nagsalita si Lychee sa tanong ni Orrion pero, agad naman niya pinakita ang de-keypad niyang phone. Ninakawan ba 'to?

"Sana nag-text ka," sabi ni Ferlina nang makatayo na siya kaya naman, tumayo rin kami ni Syril.

"Magpapa-load sana ako pero nakita ko si ate Hailea sa tindahan. Kaya hayun, pinuntahan ko na kayo."

"Bakit hindi siya pumasok?" ako na ang nagtanong habang naglalakad kami palabas ng project area.

"Naka-sandals na kasi siya. E, bawal ang sandals dito, 'di ba?" tumango naman ako sa kanya.


Tuloy pa rin sa pagdadaldal sina Ferlin at Orrion, si Lychee naman may ka-text. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit ganyan ang phone niya.


"Ba't ang tagal niyo?" tanong ni ate Hailea nang mapuntahan na namin siya sa labas ng campus. Nakita na lang namin si Lychee na nagpunta ng tindahan para magpa-load daw.

"Ano'ng matagal? Siya nga ang nauna sa'tin, e." Bigla na lang ako tinuro ni Orrion kaya tumingin sa'kin si ate.

"Ay, gano'n? 'Di bale, hintayin na lang natin 'yon dalawa para maka-alis na tayo."

"Sino'ng dalawa?" tanong ni Ferlina na nasa likod ko. Ang tangkad naman niya.

"Sina Rencer at Dio. May binili lang sila na pang-regalo."

"Hala, wala akong regalo para kay Nana!" bigla na lang sumigaw si Orrion sa gilid ko kaya, napatingin ako. Isa pa 'to, ang tangkad niya.

"Hala! Lagot ka!" sigaw naman ni Syril na nasa tapat ko.


Ano ba, bakit ang tatangkad ng mga 'to?!


"Jusko kayo, sana all pinagpala ng height."


Saka ko na lang naalala ang height ng nagsalita which is si ate Hailea. Kasi, kung magkakatapat kami ni Ferlina, hanggang mata lang niya ako. Kay Orrion, hanggang mata lang niya. Kung kay Syril naman, hanggang baba lang niya.


E, kung kami naman ni ate Hailea ang magkatapatan, hanggang baba ko lang si ate Hailea.


"Oh, nasaan na 'yung dalawa?" tanong bigla ni Lychee. Uhuh, 'yung height ni Lychee, hanggang ilong ko lang.


"Hoy! Huwag na kayo magtaguan diyan! Ano'ng oras na, oh!"


Nang isigaw 'yon ni Orrion, may tinuro siya sa poste malapit sa tindahan ng school supplies. Alam kong may mga dumadaan sa poste na 'yan pero nakikita ko na kung sino ang tinuro niya.


"Ang hirap kaya maghanap ng gift wrapper," sabi ni kuya na hindi ko alam kung ano ang pangalan.

"Huh? Kanina pa kayo naghahanapan, wala kayo makita?" tanong ni ate Hailea.

"Heto naman! S'yempre, meron naman." Nang sabihin 'yon ni kuya Dio, sabay nilang inangat ang kanilang bitbit which is, I assume, na gift iyon para kay Nana.


Ang bongga naman. Medyo malaki, ah. Nakakahiya sa gift ko.


"Tara na. May jeep na bakante! Kasyang-kasya tayo!"


Agad naman pinara ni kuya na hindi ko alam ang pangalan ang jeep. Kami pa lang ang bagong sakay sa jeep na 'to, parang na naming inarkila. Nagbilang agad ako kung ilan kami.


"Siyam po! Sa Good Shepherd! Estudyante!"


Bigla ako napatingin kay ate Hailea, katabi ko kasi. "Magkano, ate?"

"Ay, hindi," tumingin naman siya sa'kin, "sagot ko na."

"Sure ka?" tanong naman ni Lychee na nasa right side ko.

"Oo, basta alam niyo kung saan tayo bababa, ha?"


At dahil diyan, tumingin agad ako kay Lychee. Bigla siya umiling, ganoon din ang ginawa ni kuya-na-hindi-ko-alam-ang-pangalan. Napatangin ako kay Ferlina at Syril na nakatingin pala sa'min, umiling din sila. Sinipa ko ang paa ni Orrion dahil nakikipag-daldalan siya kay kuya Dio.


"Ano 'yun?"


"Alam niyo ba kung saan 'yun Good Shepherd?!" hindi ako galit, nilakasan ko lang ang boses ko kasi nagsimula na magpatugtog ng malakas na music si kuya driver.


"Hindi." Gano'n din ang sinagot ni kuya Dio.


Patay kami nito.


Mabuti na lang, naka-pwesto kami sa likod ng driver. Nagsabi naman na si ate Hailea na ibaba kami sa Good Shepherd. Bigla na lang naglabas ng phone si ate para mag-Google Map.


"Mahirap na. Baka sa iba tayo dalhin," sabi niya.


Mas maalam naman siya sa daan kaysa sa'kin kaya ayos lang. At saka, hindi lang ako ang maliligaw, siyam kaming maliligaw.


Agad naman napuno ang jeep na 'to sa isang train station. Kay ate Hailea ko nalaman na nasa bundok pala ang pupuntahan namin. Not technically na bundok talaga, pero papuntang bundok. Gano'n.


Maingay na nga 'yun jeep, maiingay din ang mga tao rito sa loob. Kung sa bagay, kakailangan mo talagang sumigaw para lang makarinigan kayo ng kausap mo. Lakas ng sound, e. Pati 'yon bass, ang lakas din.


"Dito na 'yon Good Shepherd!"


Agad naman kami bumaba nang isigaw 'yon ni kuya driver. Binaba niya kami sa highway kung saan, may magkabilang daan.


"Ano'ng sabi sa Google Map mo, 'te?" tanong ni Orrion.

"Heto 'yon Good Shepherd."


Sinundan namin ang tinuro niya. Isang malaking arko na naka-ukit ang Good Shepherd keme. Hindi na kasi mabasa 'yon kasunod niyan. Nakabukas naman ang gate so, pwede kami pumasok. Kaya naman, tumawid na kami. Muntikan pa maunang tumawid si Lychee gawa nang may kausap siya sa phone.


"So, saan dito ang tamang daan?"


Oo nga naman. Dalawang pathway ang nakikita namin dito. At dahil nga nasa bundok kami, parehas na pataas din ang tatahakin namin. Ni hindi namin alam kung ano ang dulo ng bawat daan na 'yan.


Ang nagpadagdag ng kaba namin, ay ang paligid. Pa'no ba naman, puro matataas na puno ang nakapalibot sa'min. Hindi ko alam kung gubat na ba 'to or ganito lang talaga kapag nasa bundok ang destination.


"Hoy, saan na tayo dadaan?" tanong ni Ferlina, bigla ba naman kumapit na sa'kin.

"Kita na lang tayo sa dulo, ah." 

"Ano ka ba, Orrion! Sama-sama tayo!" sigaw na lang ni ate Hailea.

"E, kaysa naman sa aalamin pa natin kung saan ang venue ng debut ni Nana."

"Hindi naman kasi sumasagot si Nana, e."

Bigla ako napatingin kay Lychee. "Baka nag-aayos na 'yon."

"Pero, feeling ko heto 'yun tamang daan," tinuro na lang ni kuya-na-hindi-ko-alam-ang-pangalan ang left pathway, "kasi heto 'yun medyo maingay."

"So, dito na tayo dadaan?" tanong naman ni Syril na siya ang nasa unahan namin.

"Sure kayo, ha? Nakakatakot kasi rito," sabi na lang ni Ferlina.

"Baka naman hindi ito 'yun venue."

Bigla ako tumingin kay Orrion. "Heto lang naman ang Good Shepherd, 'di ba?"

"Aba, malay ko. Ngayon lang ako nakapunta rito." 


Anak ng siopao!


"Hindi pa rin talaga sumasagot si Nana babes," sabi pa ni Lychee.


"So, dito na talaga tayo?" tanong pa ni Syril.


"Baka may aso, Syril!" sigaw ni Ferlina na mas lalong kumapit sa braso ko.


Na sakto naman, may narinig kami na kumakahol na aso. Parang, aspin ata ang nag-aabang sa amin sa left pathway na 'to.


"Hayan na nga ba 'yun sinasabi ko, e!" sigaw pa ni Ferlina.

"Huwag ka kasi ikaw sumigaw para hindi tumakbo rito," sabi ni kuya Dio.

"E, may kaso kasi!"

"Ferlina, kumalma ka. Mas lalo ako natatakot kapag sumisigaw ka," sinubukan kong huminahon pero nahahawa ako sa pagiging tensyonado dahil sa katabi ko.


Nang makita namin na naglakad ang aspin, sama-sama kaming naglakad papunta sa right pathway. Lakad lang, hindi kami pwede tumakbo.


Waaa! Sana naman hindi kami habulin ng aspin na 'yon!


"Oh, shit! May tatlo aspin pa pala rito."


Nahinto kami nang sabihin 'yon ni Syril since, siya naman ang nasa unahan namin. Katabi ko si Lychee, nasa harap ko naman si ate Hailea at nasa kanan si Ferlina na hanggang ngayon, nakakapit sa'kin. Samantalang sina kuya Dio at si kuya-na-hindi-ko-alam-ang-pangalan, nasa likod lang namin. Si Orrion, nasa tabi ni ate Hailea.


"Hoy, umuwi na lang kaya tayo."


Bigla na lang tumahol ang tatlo.


Waaaa! Ano ba!


Gusto lang namin umattend ng debut! Bakit may pagsubok pa kaming haharapin?!


Whyyyyyy?!



~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top