HOW? 16
nanay:
wag kang uuwi ng hndi m ksma mga kaptid mo ah
"Ay, bakit naman ganoon ang nanay mo?"
Inabot naman sa'kin ni Joselle nang makalabas na kami ng room. Naki-text kasi siya sa'kin tapos nabasa niya 'yung chat ni nanay. Hindi ko lang naman maintindihan sa dalawang 'to, kung bakit nakipagkita ulit sila sa mga tatay nila.
Napakwento tuloy ako kay Joselle about sa pamilya namin.
"Ewan ko nga rin, e. Minsan nga, gusto kong sumama sa mga kapatid ko para magtanong sa mga tatay nila."
Binigay naman niya ang phone ko. "Huh? Until now, hindi mo pa nahahanap tatay mo?"
"Wala sa lahat ng social media platform. Hindi ko na alam kung saan ako lalapit."
"E, itanong mo na sa mother mo."
"E, ayaw nga niya pag-usapan 'yung mga tatay namin, 'di ba?"
"Ay, oo nga pala."
Saka ko na lang napansin, bakit hindi na kami naglalakad palabas ng building na 'to?
"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko.
"Huh? May next class na 'ko. Ikaw?"
Bigla ko naalala, wala na pala ako klase. Bakit ko ba sinusundan si Joselle?
"Ah. Sige mauuna na ko—"
Umm, mukhang hindi agad ako makaka-uwi nito, salamat sa biglaang pagkidlat na nakita namin ni Joselle mula sa langit. Saka na bumuhos ang malakas na ulan.
"Mamaya ka na umuwi. Maki-sit in ka muna sa'min!" sigaw niya, ang lakas masyado ng ulan ngayon.
Tinuloy na namin ang paglalakad. "Ano naman ang next class mo?"
"BIT."
B.I.T.?
Hala, hayan ba 'yung... sa... prof na bading?
"Sino prof mo?"
Nahinto si Joselle saka siya humarap sa'kin. "Si sir Nolan. Bading 'yun, March."
Ahhh. Shit.
Naglakad na rin kami papunta com lab na... ang daming estudyante bawat room na madadanan namin. Sa pagkaka-alam ko, halo-halo na mga course ang gumagamit sa area na 'to.
Nandito kaya si kuya L?
"Gusto mo maki-sit in?"
Umiling ako kay Joselle. "Ayoko. Dito na lang ako sa labas, hintayin na lang kita."
"Two hours 'to, ah."
"Ha?"
Tumango na lang siya sa'kin. "Sure ka talaga? Aircon pa naman dito. Kahit sa likod ka lang, hindi ka naman mapapansin ni sir, e."
"Eh, ayoko. Kasi—"
"Pasok ka na kaya."
Isang babae na nakasilip sa kabilang pinto, medyo familiar 'yung mukha niya sa'kin.
"Wait lang ate, Shel." Tumingin pa si Joselle sa'kin, "sure ka na?"
Tumango na lang ako. Tinuro ko na lang ang outlet na nasa tapat lang ng room nila. Pa-lowbat na rin kasi ako.
Nang makapasok na si Joselle sa room, pinuntahan ko na 'yun outlet. Baka kasi may maki-agaw sa saksakan, padami pa naman ng padami ang mga nakatambay dito sa labas.
Chineck ko agad 'yung chat ni nanay, wala naman siyang ibang chat na. Kaya naman, pinuntahan ko ang pangalan ni Danishe sa chat box, pero nang magta-type na 'ko, bigla siya nag-send ng picture na nasa kwarto na siya.
Pinagalitan na naman ba sila?
"Hi."
Tumingala ako, si ate pala 'to.
"Akala ko, kaklase mo si Joselle sa B.I.T.," sabi niya saka siya umupo sa tabi ko at naglabas ng charger mula sa bag niya.
"Akala ko, kaklase mo siya ngayon."
Sinaksak muna niya 'yung charger saka siya tumingin sa'kin. "Ah, hindi. Nauna lang kami. Maaga lang halos natapos 'yun pinagawa sa'min kaya 'yun mga classmate niya, pumasok na."
Tumango na lang ako sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at nag-open na ng phone.
Bwiset, nakilala ko na talaga siya noon. Ganyan na ganyan 'yung hitsura niya, e.
"Uhh.."
Bigla siya napatingin sa'kin. "May nakikilala ka 'no?"
"Oo."
"Baka kakambal ko 'yun nakikilala mo."
"Huh?"
"Shinna Ignasya, kilala mo ba siya?"
Sino 'yun?
"May nabanggit siya sa'kin, may kaklase siya na galing engineering. Ka-row niya lang daw tapos dikit nang dikit si Nana sa babae na 'yun."
"Si Nana Jane Borja?" Pa'no ko nalaman ang pangalan ng batang 'yon? Dahil sa invitation na binigay niya sa'kin kahapon, sa klase namin sa Arts Appreciation.
"Yes. Siya nga," napaharap siya sa'kin, "so, you're name is March. Right?"
Uhhh.
"Wait, ikaw—hindi!"
Loading...
"Ah! Kambal kayo?"
Tumango naman si ate.
"Eh. Wait lang, ngayon lang ako naka-encounter ng kambal na babae. Creepy ba 'yun tingin ko sa'yo kanina?"
"Hindi naman. Normal na sa'kin 'yun."
"Ah, nakakahiya." Napaayos pa 'ko ng upo, "ano'ng pangalan mo?"
"Shelby Ignasya."
"Layo, ah."
"Yeah, I know. Ask my parents kung bakit ganoon ang pinangalan sa'min ni Shinna."
Tumango na lang ako samantalang siya, binalik 'yun atensyon sa paggamit ng phone. Hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang convo na 'to. Hindi ko naman kaklase 'to sa kahit ano'ng subject, eh.
"Wala ka na next class?" Hayan, may naitanong ka na rin, hihi.
"Wala na. Ayoko lang bumaba ngayon dahil makikita ko siya."
"Sino siya?"
Natigil siya sa paggamit ng phone at tumingin sa'kin. "That guy."
"That guy?"
"Yes. That guy. Na nireject ko."
Weh?
"Ate, seryoso ka?"
Dahan-dahan siyang ngumiti sa'kin. "Kaka-reject ko lang sa kanya kanina. Bago ako pumasok sa room. May napansin ka ba na boquet sa basurahan dito?"
At dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa bawat basurahan na nandito. S'yempre, hindi ko nakikita. Suot ko po ang salamin ko.
"Parang... wala na."
Napatingin din siya sa bawat basurahan na nandito. "Ah, baka naitapon na ng mga janitor kanina bago kayo pumunta rito."
"Bakit?"
Bigla siya tumingin sa'kin. "Ano'ng bakit?"
"Bakit mo siya ni-reject?"
Huminga siya nang malalim. "I don't know kung tama ba na gawin ko 'yun. Siguro, ayoko maranasan na masaktan katulad na ginawa ng mga ex-boyfriend and ex-girlfriend sa mga kaibigan ko."
Loka, about lovelife ang tinutukoy.
"It's weird kasi halos lahat ng lalaki na nakikilala ko, common na. Parang, ang bo-boring na nila lalo na sa guy na ni-reject ko kanina."
"Bakit? Matagal na ba kayo magkakilala ng lalaki na 'yun?"
"Classmate kami sa lahat ng minor subjects. And then, nagsimula 'yun first convo namin about sa homework. Hanggang napunta na sa getting to know each other stage pero, I don't know kung bakit hindi siya ang the right guy for me."
Tumango na lang ako. Baka, gusto lang ni ate pang-habam buhay na lalaki ang gusto niya maging boyfriend.
"Siguro, na-trauma ka na sa ex mo, 'no?"
"Ex?" tanong niya saka siya umiling, "I've never had one."
Shit English 'yun last phase. "B-bakit?"
"Kasi... nagiging maingat lang ako? Or dahil, nakikita ko na sa kakambal ko ang sitwasyon once na nagkaroon ako ng boyfriend? Or baka..."
"Baka?" Ughh, beef calderetaaaa!
Huminga lang ito nang malalim saka ako ningitian. "Ayoko lang sa lalaki."
Tumango-tango na lang ako. Wait, ayaw niya sa lalaki? So, gusto niya sa tatabi? Tibo ba 'to?
"Sa'n ka pala umuuwi?"
"Around sa Rizal area lang ate," sagot ko. Tumayo ako para sumilip sa labas, may araw na pala pero umaambon pa rin.
"Wala na ulan, ate," sabi ko nang makabalik ako sa pwesto.
"Don't call me ate. Shelby na lang," sabi niya.
"Eh... okay po. Shelby." Ang pangit talaga na hindi ko siyang tawaging ate. 'Di bale, baka hindi naman kami magkasalubong nito sa susunod na mga araw.
Char, 'di ako sure hahaha!
"Uuwi ka na ba?"
Nang maitanong 'yan ni ate Shelby, bigla na lang bumalik sa utak ko about sa bahay. Nandoon naman na ang mga kapatid ko so, hindi na dapat ako mag-alala sa kanila.
Paulit-ulit lang naman ang scenario; sisigaw si nanay na h'wag na sila makipagkita saka naman sasawayin ni tita Chesa. Pasalamat talaga 'to si nanay dahil wala pa ang iba niyang kapatid or tita namin, kundi, bingo siya.
"Maya-maya ate Shelby, kapag wala na talaga 'yon ambon," sagot ko.
"Hey, ano'ng sabi ko sa'yo?" tanong niya. "Shelby ang itatawag mo sa'kin, 'di ba?"
"Ehh, hindi ako sanay. Mas mature ang mukha mo kaysa sa'kin."
"Ilan taon ka na ba?"
"18 po."
"Ah, so twenty years old na kami ni Shinna. Okay, okay." Ngumiti na lang siya sa'kin saka siya tumayo.
"Magpapaalam lang ako kay Joselle, sabihin ko na uuwi ka na. Baka hanapin ka after ng class nila, eh." Tumango ako kay ate saka na siya pumasok ng room.
# # #
Bago ako umuwi, kumain muna kami ni ate Shelby ng takuyaki. Sixteen pieces 'yon so tig-walo kami, s'yempre libre niya. Ang dami niyang chika tungkol sa mga naging boyfriend at girlfriend ng mga tropa niya. Nabibilib lang siya sa kakambal niya na si ate Shinna dahil dalawang taon na sila mag-jowa.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin, pinakiramdaman ko muna. Mukhang wala naman nag-aaway or nagsisigawan kaya, binuksan ko na 'yun gate.
Pagpasok ko ng bahay, nakita ko na nanonood ng TV si Ja. Nakita ko pa si tita Chesa, may hawak na kaldero.
"Kalma lang, ate. Wala pa ang nanay mo," sabi niya.
Hay, thank you.
"Ate, may pasalubong kaming donut at iced coffee para sa'yo," sabi na lang ni Ja pero nakatingin lang siya sa TV.
"Ang bait niyo naman," sabi ko nang mailapag ko sa sahig ang backpack ko. 'Buti na lang, hindi umulan habang nakasakay ako ng jeep.
"Galing kay tatay 'yan." This time, hindi na mahina ang boses niya nang sabihin niya 'yon. Mukhang walang kaso naman kay tita kapag babanggitin ni Ja 'yon word na 'tatay'.
Hinanap ko agad sa ref, nakita ko 'yun matangkad na cup at tatlong malaking chocolate donut na nasa plato. Nilabas ko agad, merienda time!
"Ubusin mo na 'yan bago pa makita 'yan ng nanay niyo," sabi ni tita kaya tumango ako sa kanya.
Nagbihis muna ako, tulog-mantika si Danishe nang makapasok ako sa kwarto. As usual, makalat na naman ang kwarto lalo na ang damitan nilang dalawa! Argghh!
Napaka-swerte talaga ng mga kapatid ko dahil mababait ang mga tatay nila sa kanila. Sana man lang ma-meet ko ang mga 'yon. Hindi naman kami tumutugman 'yun mga bakanteng oras ko sa bakanteng oras nila.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit ganoon na lang kagalit ang nanay ko sa mga tatay namin. Hindi ko tuloy malaman kung ano ba ang kasalanan nila sa kanya. Or baka, siya ang may kasalanan sa mga tatay namin? Sa'n banda naman?
Pero, bakit kaya hindi nag-e-exist 'yun pangalan ng tatay ko?
Habang iniinom ko ang iced coffee, napatingin ako sa phone ko.
Pwede kaya ako humingi ng tulong sa kanila?
"Ja, samahan mo muna ako," sabi na lang ni tita.
"Saan?"
"Sa grocery. Uuwi kasi ang isa mong tita, si tita Yna mo."
Waa! Si tita Yna!
"Gisingin mo na si ate Danishe mo," sabi niya tapos agad naman tumakbo paakyat ang kapatid ko. Saka siya lumingon sa'kin.
"Ayaw mo sumama?"
"Eh, nakabihis na 'ko ng pambahay. Pagod na rin ako," tumango na lang si tita sa sinagot ko.
Kinuha ko agad ang phone habang nag-iingay silang tatlo. Pinipilit pa 'ko isama ni Danishe pero, sinabi ko na lang na may gagawin akong homework kahit na wala naman, hehe.
Ang nakita ko lang online, si Joseph.
Mabuti na lang, umalis na 'yun tatlo. Solo ko na ang bahaaaay!
Me:
Pst. Helloowwss
Joseph Blanco
March! May problema?
Me:
may gusto lang ako itanong, hihi
Joseph Blanco
Tawag ako.
Hala! Ayoko ng call—
INCOMING CALL...
Joseph Blanco
Ano baaa!
"Hello?"
[March, rinig mo ko?]
Nasa school pa kaya 'to? "Oo. Rinig naman kita, may signal ako!"
[Okay, wait lang.] Base sa background ng call, hmmmm, wala naman siyang kausap bukod sa nagsisigawan. Baka nasa school pa nga siya.
[Nandito ako ngayon sa garden ng school. Baka mawalan ako ng signal kapag nag-stay pa 'ko sa building namin.]
"Ah, okay okay."
[So, ano 'yun itatanong mo?]
Waaa! Heto na.
"Pa'no niyo pala nalaman 'yun tungkol sa mga prinsesa?"
[Prinsesa?]
"Sina ate Mika. Jasmeng. At Clara. 'Di ba, hinahanap niyo sila noon?"
[Hmm, oo. Pero, hindi kami mismo ang nakahanap sa kanila.]
"Huh? E, sino nakahanap sa kanila? At saka, bakit niyo sila hinahanap?"
[Utos kasi iyon sa'min before pa mag-start ng second semester. Wala naman kaming ka-idea noon kung buhay pa ba ang mga pangalan na binigay sa amin noon. Hanggang sa, nasabi na lang ng amo namin na sina Mika, Jo at Claire ang mga tao na 'yun.]
Sa pagkakatanda ko, si ate Mika ay si Cleonara. Si Jasmeng, siya si Crystalline. At si Clara naman, siya si Jeremia.
[Bakit mo pala natanong 'yan?]
"Ehh, gusto ko sana humingi ng tulong. Pero, nahihiya ako sa amo niyo. At saka, baka may bayad pa, ehh."
[Tulong? Ano'ng problema, March?]
"G-gusto ko lang ipahanap 'yun tatay ko." Waaa! Nakakahiya!
[Nawawala ba siya? Alam ba ng mother mo tungkol sa—]
"Eighteen years ko na siya hindi nakikita. At eighteen years na rin akong walang kaalam-alam sa kanya dahil ayaw sabihin ng nanay ko tungkol sa kanya." Sorry na, desperada na 'ko.
[Okay, sige. Ano ba ang pangalan niya?]
"Hahanapin ko muna 'yon birth certificate ko. Nandoon 'yon pangalan niya, e. I-chat ko na lang sa'yo, nagtitipid pa ko sa data."
Narinig ko na lang ang pagtawa niya pero konti lang. [Okay, sige. Mag-iingat ka, ha? Kung may problema ka, pwede mo sabihin sa'kin.]
Ba't gano'n? Ang lambing na ewan ng pagkakasabi niya. Feeling ko tuloy, safe na safe na safe ako kapag siya ang kausap ko.
"Opo. Mag-iingat po ako. Kayo rin, mag-iingat kayong lahat."
[Yup.] Ako na ang nag-end ng call namin. Chineck ko agad ang notif box. Jusko, buti wala pang text galing sa network provider about sa natitirang data ko!
Parang, may dapat akong malaman tungkol sa tatay ko.
Tama kaya 'tong ginagawa ko ngayon?
__________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top