HOW? 15

"Ano'ng height mo?"

Hayan agad ang naitanong ko kay Nana nang makapasok siya sa room namin. Huminto siya saka siya tumingin agad sa'kin. Pagkatapos, tinuro pa niya ang sarili.

"Ako ba, ate March?"

"Oo, ikaw. Ikaw lang naman kilala ko rito." 

Kaso, mukhang mali 'yon sinabi ko, salamat sa pag-ngisi niya. 

"I mean, hetong row na 'to ang tinutukoy ko kasi," tinuro ko pa ang row namin na ako at si Nana pa lang ang naka-upo. Mas lalo siya ngumisi habang papunta siya sa upuan niya. Hindi naman kami naka-arm chair dito. Isang malaking table na kakasya ang dalawang upuan ang set-up para sa room na 'to kaya, medyo malaki.

"Hmmm. Ikaw, ah. Bakit mo tinatanong height ko?" tanong niya nang mailapag niya sa table ang malaki niyang bag na mukhang marami ang laman.

"Sa tangkad mong niyan, seventeen ka pa lang?"

"Ay!" bigla na lang lumapit ang bata, "attend ka sa debut ko, ah. A-attend din sina Ferlina, Lychee at ate Hailea kaya hindi ka ma-o-op doon."

"Saan ba 'yan?"

"Sa village namin, sa Good Shepherd." Tumango na lang ako, hindi ko naman kasi alam.

"And 'yung height ko po, sa pagkaka-alala ko, 5"8."

Shet, ang tangkad! 5"2 lang ako!

"Wala akong pakealam kung magka-height kami ni Castro. Bagay naman kayong dalawa, e."

"Wala rin akong pake kung sinasabi mo na bagay kaming dalawa."

"Aah! So, gusto mo nga na sinasabi ko sa'yo na bagay kayong dalawa?"

"Ang kulit mo."

"Sakto lang," ngumisi pa ang bata pagkatapos hinila ang upuan para lang tumabi sa'kin.

"Di nga, may gusto ka ba sa kanya?"

"Ano ka ba, malabong magka-gusto ako sa kanya, 'no! Ang pangit-pangit niya tapos—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko siyang pumasok sa room. Bigla na lang nagbago ang ambiance dahil talim ng tingin siya sa pwesto niya. Ine-expect kong magdadagbog siya pero, dahan-dahan naman niyang hinila ang upuan para makaupo.

Bigla na lang tumingin sa'kin si Nana. "Kausapin mo."

"Baliw, bad mood 'yan kaya ganyan siya ngayon." S'yempre hindi ako sigurado kung bad mood ba talaga ang pangit.

"E, kausapin mo."

"Bakit ba, Nana?"

"Para mawala 'yung ka-badtripan niya."

"E, 'di mas na-badtrip sa'kin 'yan dahil pinilit mo 'ko." 

After no'n, napatingin ulit ako kay Castro, hawak lang ang phone habang suot ang earphone niya. Napatingin na lang sa'kin si Nana saka niya pinagtuturo si Castro.

"Bumalik ka na nga sa upuan mo," sabi ko sa kanya.

"Hatid mo muna ako."

Aba naman.

Bigla na lang ako hinila dahilan kaya napatayo ako. Ang lapit-lapit lang ng upuan niya, ano ba!

"Thank you, ate March!"

"Tse." Hayan ang nasabi ko sa kanya nang maka-upo na siya sa upuan. Hindi ako pinansin ni Catro. Badtrip nga siya.

After ng limang minuto, pumasok na si ma'am. Tinignan ko ang katabi ko, absent na naman siya. Hindi ko maiwasan na tumingin kay Castro, diretso lang siya nakatingin sa harap. Ganoon din naman si Nana.

Saka ko na-realize, tatlo lang kami ang pumasok sa row na 'to.

May event ba?

"Okay, since konti lang kayo. Maaga ko na lang kayo idi-dismiss."

Lahat kami, napa-yehey sa announcement ni ma'am. Waaa! Free time! Sana wala si ma'am mamaya sa management.

"Samahan mo na kasi kami, bes."

"Ano'ng bes ang pinagsasabi mo?"

"Bes mo kami ni March." Pagkatapos, tumingin siya sa akin, "di ba mag-bes na tayo?"

Ako ba?

"Oo."

Shunga, ano'ng pinagsasabi ko?

"See?! Mag-bes na kami ni Marso kaya sasama ka," sabi na lang ni Nana. Lahat ng estudyante rito, unting-unti na lumalabas. Wala na pala si ma'am.

"Ayoko nga, ang kulit-kulit mo."

Pagkasabi ni Castro, bigla na lang tumayo si Nana saka pa niya pinalo sa balikat. Bitbit ang malaki niyang bag at lumapit sa'kin.

"Pa'no 'yan, ayaw niya pumunta sa debut ko."

"Ha? Sino'ng pupunta sa debut mo?" bigla na tanong ni Ferlina, bitbit din ang malaking bag.

"Si Castro, gusto ko sana pumunta siya sa debut, e."

"Ah, e, baka naman hindi siya pwede kaya ayaw niya sumama." 

Nag-"iihh" pa 'tong Nana saka siya tumingin sa'kin. "Pupunta ka, ha?"

"Oo na. Pupunta naman talaga ako."

"Tara na, magbibis na tayo," sabi na lang ni Ferlina sa kanya. Pagkatapos, bigla siya tumingin sa'kin.

"Samahan mo muna kami."

"Saan?"

"Magbibihis. P.E. namin ang kasunod na subject ngayon, e."

Ahh, kaya pala malalaki ang mga bag ng mga bata.

Hayun, nasa likod lang nila ako habang nagkukwentuhan sila ng kung anu-ano. Ganito pala ang feeling kapag natapos mo na ang apat na P.E., feeling ko tuloy, ang tanda-tanda ko na sa kanila. Hihi.

"Kain muna tayo bago pumasok sa P.E."

"Sige, after na lang natin magbihis," sabi ni Ferlina nang makapasok kami sa ladies' room.

Nakakatuwa, naalala ko na naman 'yung P.E. namin no'ng kaklase ko pa sina Jasmeng at Clara. Lalo na no'ng nalaman kong dito lang sa court 2 ang section ni kuya L. S'yempre, todo stalk ako sa kanya noon. Salamat sa tulong ni Jasmeng, kumapal lalo ang mukha ko no'ng mga oras na 'yon.

Pero, hindi naman niya ako pinansin.

"Pa-sintas, ate Marso."

Nahinto na lang ang pagbalik ko sa nakaraan thru memory nang kinalabit ako ni Nana. Nang tumingin ako sa kanya, tinuro niya ang rubber shoes niya kaya tinignan ko. Pagkatapos, binalik ko ang tingin sa kanya. Nasa cubicle pa si Ferlina, naghu-humming.

"Ano'ng suot mo kanina?" Wash day po ngayon kaya hindi kami naka-uniform so, dapat ang suot niya ay—

"Wala si Mama kaya hindi ako nakapag-sintas sa kanya kanina, e."

"Bakit hindi ka marunong?" tanong ko. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya kaya, lumuhod na ako para ma-sintas lang ang rubber shoes niya.

"Hayan, mahigpit na." Tumayo na ako at tumingin sa kanya, nakangiti na pala siya sa'kin.

"Thank you, ate Marso."

Sakto naman, lumabas na si Ferlina. Saka siya tumingin kay Nana.

"Ano, nakapag-sintas ka na?"

"Hindi. Si ate Marso ang nagsintas."

"Ha? Tinuruan na kita magsintas, ah," sabi niya habang nilalagay niya sa bag 'yung mga damit niya.

"Wala lang," sabi na lang niya tapos tumingin sa'kin para ngumiti. Ano ba ang problema niya?

"Hoy, nandito na pala kayo."

Lumingon ako sa boses ng babae, si Lychee ba 'to?

"Ang aga niyo naman Lychee babes," sabi na lang ni Nana.

Tumabi siya sa'kin para ilapag ang malaki niyang bag. "Ewan ko, dinismiss na kami agad, e." Pagkatapos, tumingin siya sa'kin. "May P.E. ka?"

"Tapos na ko sa lahat ng P.E."

Lumaki ang mga mata niya. "Weh? Sana all tapos na ang P.E.—huh? Pa'no mo natapos?"

"Uhh, malamang, tinake ko siya at nakapasa ako."

"Hindi, I mean, ang bilis mo naman ipasa?"

Ay, hindi pa ba niya alam?

"Shifter ako."

"Ah, Accountancy?"

"Engineering."

"Ha?!"

'Di ko na napigilan na tumawa dahil sa hitsura niya. Pa'no ba naman kasi, naka-nganga na siya ngayon habang hawak niya ang rubber shoes niya. Nakatapat pa naman sa'kin kaya 'kala ko, sasampalin na niya ko.

"Talaga?" tanong pa niya.

"Oo nga! Bakit ayaw mo maniwala?"

Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. "Akala ko ka-batch ka namin."

"Nauna siya sa'tin," sumingit na si Nana sa usapan.

"Ahh, kaya pala. Papanoorin mo kami mamaya mag-table tennis?"

"Table tennis? Ah, so P.E. 3 na pala niyo."

"Yes." Si Ferlina na ang sumagot.

"Ahh. Okay lang naman kaso, may klase ako sa oras ng P.E. niyo, e."

"Aww, sayang."

"Ayos lang, 'no. Bago mag-end ng semester, makaka-tambay din ako sa P.E.class niyo," sabi ko. Kaya, nag-yehey ang tatlo saka na pumasok si Lychee sa cubicle para magbihis.

Tinatamad na ko pumasok ngayon sa Management. Sa Finals pa naman kami magrereport kaya medyo chill lang ako. Chineck ko muna ang phone at in-on ang data, nag-chat si Dari sa group chat namin ng Management.


Dari:

absent si ma'am. legit. kakadaan ko lang ng faculty ngayon kaya wala tayong klase


"Waaa! Shet! Yes! Pinakinggan kami ni ma'am!"

"Ano 'yon?" tanong ni Ferlina kaya humarap ako sa kanya.

"Dalawang oras akong tatambay sa klase niyo."

"Yeheyyy!" sigaw nilang tatlo, oo pati Lychee na nasa loob ng cubicle, nag-yehey din.

Tapos na ang dalawa na mag-ayos ng buhok nila habang si Lychee, nasa loob pa rin. Nauna na lumabas 'yung dalawa, sinabihan ako ni Lychee na hintayin ko siya, kaya kinatok ko na.

"Te, dalian mo naman, 'te!"

"Heto na, oo, heto na!" sakto naman na lumabas na siya, "maka-katok ka naman, 'kala mo magpapalit ka ng P.E. uniform, ah."

"Wala lang, pinapabilis lang kita." 

Saka ko na siya tinignan na mag-ayos ng gamit. Maingat niyang tiniklop ang damit niya na panigurado, hindi pwede magusot dahil may klase pa siya mamaya, ata. Nang mailabas na niya ang suklay, dahan-dahan niyang brinush ang buhok saka niya tinali. At ang huli, naglabas siya ng liptint na ewan ko kung ano'ng shade basta pula.

"Hoy, magpapawis ka roon. Hindi rarampa," sabi ko sa kanya nang matapos na siya maglagay.

"E, bakit ba? Hindi bagay sa'kin na walang kulay ang labi ko."

"Weh?"

Tumango-tango siya nang maisuot na niya ang malaki niyang bag. "E, ang putla kong tignan kaya kapag walang lip tint labi ko."

Tumango-tango na lang ako ulit nang makalabas na kami. Tatlo na sila nagdadaldalan ngayon. Nandito lang ako sa likod nila. Base sa naririnig ko, tungkol sa debut ni Nana ang topic.

"Kailangan niyong pumunta kasi kasama kayo sa 18 gifts ko," sabi ni Nana nang makaupo na kami sa bleachers. Aalis din naman ako sa tabi nila kapag dumating na 'yung prof nila.

"Ano ba ang ginagawa kapag 18 gifts?" tanong ko.

"Uhm, magbibigay ng message sa debutant, gano'n." Si Nana ang sumagot.

"Hindi lang kami ang tao roon, 'di ba?"

"Yup."

Hala, wait. Naalala ko 'yung mga inattenan ko ng debut. Kung hindi debut, birthday party na puro mayayaman ang bisita. Lahat ng 'yon, may nangyaring hindi maganda. Thankful na ako dahil wala naman nangyaring masama sa party ni Clinette.

E, malamang, nandoon 'yung mga nagbabantay sa mga prinsesa.

Tapos, hetong mga kaklase ko, hindi ko pa naman sila kilala.

Hala, kailangan ko maging maingat sa mga 'to. Baka, kasabwat nila si Joyce pero hindi nila alam na kasama ako sa pinapahanap nila! Waaaa—

"Ate, ayos ka lang?"

Huh?

Lumingon ako kay Nana. Nakatingin na pala silang tatlo sa'kin. Hindi naman ako nagsalita, 'di ba?

"Huh? Ano 'yun?"

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Lychee habang hawak niya ang de-pindot niyang phone. Oo, 'yung may keypad.

"Oo. Ayos naman ako. Bakit?"

"Lalim kasi ng iniisip mo kaya ayaw ka namin isama sa picturan."

Napatingin tuloy ako sa hawak ni Ferlina. Hawak na pala niya ang phone na naka-on 'yung front camera.

"Hala, sorry naman." Inayos ko na ang sarili ko at dumikit kay Nana. "Dali! Picture na!"

"Tara na, babes!" dagdag pa ni Nana kaya kanya-kanya na kami ng pose nang sinimulan na ni Ferlina ang pagpindot sa phone. Taena, ang dami niyang shots. Feeling ko, pare-parehas 'yung mga pa-cute kong pose, e!


Yes, pa-cute po dahil cute po talaga ako.


Tinuro pa sa'kin ni Nana 'yung ibang mga invited sa debut party niya, na nandito rin sa court. Medyo familiar sa'kin 'yung mukha ng mga tinuro niya. Karamihan sa mga pupunta, kaklase ko sa Arts Appreciation, kasama na si ate Hailea.

Bigla na lang kami nakarinig ng pito kaya natigil silang lahat sa ginagawa nila. Prof na pala nila iyon kaya agad sila nagpunta sa bleachers. S'yempre, medyo lumayo ako sa kanila. Baka, mapagkamalan pa ng prof na kaklase ko ang mga 'to.

Nilabas ko na lang ang phone para mag-FB. Inadd pala ako ni Lychee at Nana kaya, inaccept ko. Sakto naman na nag-chat si Danishe. Nang inopen ko ang chat head...

Picture na kasama ang tatay ni Jacobe.

Hala, 'di ba may pasok 'tong si Jacobe? Pa'no siya nakalabas ng school?


Danishe Ree:

hoy ate, wag ka maingay kay nanay ah. tinakas ko lang si Jacobe. sinabi ko aalis kami MWEHEHEHE


Ano pa ba ang magagawa ko?


Lagot na naman silang dalawa sa bahay. Tsk.


Nag-ok emoji na lang ang sinend ko, inoff ko na ang data at tumingin sa kanila. Napatingin si Nana sa'kin kaya kumaway siya. Tumango na lang ako.


'Yung totoo, bakit ba ako nahihila ng mga 'to? Kilala ba nila ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top