HOW? 14


Teka, hoy! Hindi ako maka-move on kay kuya L last week, tekaaa!


Taena, kinikilig pa rin ako. Hinatid pa nila akong dalawa sa sakayan, six-thirty nila ako pinauwi. Hindi naman nila ako kinausap dahil ginawa nila ang homeworks. Lumalamon lang ako sa tabi ni kuya L.


Yes, magkatabi kami ni kuya L! Shet!


"Nakikinig ka ba, March?"


Napatingin na lang ako kay Dari. Tumingin din ako sa harap, mukhang wala naman pakialam ang prof namin sa management sa mga naka-upo dahil naka-focus siya sa mga nagrereport.


"Ano ulit sinasabi mo?" tanong ko.

"May nasagap na balita galing sa faculty. May dine-diskarte ngayon 'yon bakla na prof sa mga first year," bulong niya.

"Pa'no mo nalaman 'yan?"

Tumingin muna siya sa harap saka niya niyuko nang kaunti ang kanyang ulo. "Heto kasi si ma'am, nagpatulong na buhatin ko papuntang faculty 'yon mga dala-dala niya. E, siyempre, siya ang porf natin dito kaya hinintay ko na lang siya na gawin 'yon mga dapat niyang gawin sa cubicle niya."

Umayos pa siya ng pagkakayuko. "Habang nagce-cellphone ako, naririnig ko na may co-faculty sila na makikipagkita sa hotel, malapit sa pinagtatrabahunan ko."

"Nandito ba si miss Otiza?"

"Ah, yes po!" umayos agad siya nang upo saka tinaas ang kamay. "Present po!"

"Miss Dosal?"

"Present po!" tumingin agad ako kay Dari. "Tapos?"

Yumuko ulit siya. "Narinig ko na nag-aalala 'yon isang prof kasi makikipag-chukchakan siya sa isang first year, 'te."

"Hala, first year?"

"Oo. Sa first year daw. Sana nga raw takasan ng first year ang bading na 'yon. May naring ako na binabanggit nila si Johnny."

"Johnny? 'Yon kaklase natin sa Finance?"

Kumunot naman ang noo niya. "Oo. De Leon ang surname niya, 'di ba? Johnny Sun De Leon 'yung naririnig ko sa kanila. Nabalitaan kasi nila na tinakasan 'yon ni Johnny."


Hala, totoo ba 'to?


Naalarma na lang kami dahil nag-goodbye class na pala 'tong si ma'am. Hinila na lang ako ni Dari sa plaza para kumain. Nag-iingay pa rin pero this time, tungkol naman sa work ang kinukwento niya.


Teka, parang may narinig na 'ko about sa prof, e. Sinabi ata ni Johnny 'yon.


"Sa department natin, may dalawang panot na prof doon.'Yon isa, bading tas 'yon isa, manyakis."


Dalawang bading na panot. Sino sa kanila 'yon? At saka, nabiktima ba talaga si Johnny? Hala.


Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam na si Dari sa'kin para sa next class niya which is P.E. 1. Hinatid ko muna sa P.E. court at sinamahan ko na rin na magpalit ng uniform.


Habang naglalakad ako, palingon-lingon ako sa paligid para lang hanapin si Johnny. Confident ako ngayon dahil naka-salamin me! Hihi.


Kaso, nakarating na ako sa room namin para sa Humanities, hindi ko siya nakita. Panigurado, pumasok naman 'yon. I-te-text ko na lang.


"Hoy, iniisip mo na naman boyfriend mo 'no?"

Tumingala ako nang marinig ko ang boses ni ate Hailea. 

"Ha?"

"Naku, ikaw talaga. Mahal na mahal mo talaga 'yan boyfriend mo, ah."

"Ano na naman pinagsasabi mo, ate? Hindi ko boyfriend ang tinetext ko ngayon." Totoo naman kasi, anubaaa!

"Weh?" inayos muna niya ang kanyang upuan at humarap sa'kin. "Hindi mo talaga boyfriend 'yon?"

"Hindi nga. Mukha lang siya boyfriend ko kasi palagi kami sabay umuuwi tuwing TTh. Iisang street lang ata kami ng bahay tapos, palagi pa ako pumupunta sa computer shop niya para magpa-print or mag-type roon."

"Ay, taray. May sariling business ang lolo mo." Tumango naman ako sa sinabi niya. "Okay na rin 'yon, 'no! Extra income na rin at saka, malaki naman ang kitaan ng computer shop, e."

"Yes, lalo na kapag malapit sa school ang computer shop which is, malapit nga sa school ang computer shop ni Johnny."

"Johnny?"

"Yep. Johnny po ang pangalan niya."

"Johnny? Teka, search natin sa Facebook," sabi niya sabay nilabas niya ang phone. Tumingin muna ako sa paligid, unting-unti pa lang napupuno ang room. Sana naman hindi na dumating si sir, inaantok na 'ko.

"Hoy, ang gwapo naman ng boyfriend mo!"

Napatingin naman ako kay ate. "Hindi naman siya gwapo 'te."

"Gwapo nga siya. Malamang, pine-perahan na 'to ng mga bading."


I-kwento ko ba?


"May chika ako, 'te..."


After ko mag-kwento...


"Ay, weh? May gano'n?" mahinang tanong niya. Nagsasalita na kasi 'yon prof.

"Nakwento lang sa'kin kanina," mahinang sabi ko sabay tingin sa harap. Mukhang hindi naman kami napapansin ni sir.

"May nabalitaan din ako ganyan last sem, e. Pero, grabe naman kung pati first year, ibibiktima niya?"

"Kilala mo ba kung sino 'yon?"

"May dalawang prof na panot; bading at manyakis. Baka 'yon tinutukoy ng kaklase mo, si sir Nolan. Nagtuturo siya sa mga accounting software subjects. Alam ko, mula BIT 1 hanggang BIT 5, kukunin mo."

"Sir Nolan? Naging prof mo na ba siya?"

"Oo, 'te. BIT 2 namin, bagsak ako sa kanya."


Hala.


Napatingin na lang ako sa harap, nakatingin pala sa'min si sir kaya kinalabit ko si ate para umayos siya ng upo. Hindi lang naman kami ang maiingay, ah.


Natapos na ang klase ko sa Humanities at Literature. Pauwi na ako, hindi ko makita si Johnny. Kahit nag-text na ako sa kanya, hindi pa rin siya nagpapakita.


"At bakit naman ako hinahanap ng isang March Monarie Dosal?"


Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. Katabi ko na pala!


"Johnny!"


Ngumiti pa siya sa akin. "Yes, the one and only!"


Teka, ano ulit sasabihin ko sa kanya?


"Pauwi ka na?" tanong niya.

"Ah, e, oo. Pauwi na 'ko. Ikaw, di ba may klase ka pa?"

"Oo. Kaso, absent naman 'yon prof namin kaya, sasabay na ako sa'yo umuwi."

"Basta! Libre mo 'ko ng pamasahe, ha?"

"Oo naman! Basta, ikaw." 


Bigla ba naman ako akbayan ng kapre na 'to habang naglalakad kami palabas ng campus. Mabuti na lang, nakasakay kami agad ng jeep na bakante. Nagbayad na rin si Johnny ng pamasahe at, as usual na ginagawa, sa dulo kami.


Pa'no ako makakapagtanong sa kanya tungkol sa kinuwento sa'kin ni Dari?


"Ayos ka lang?"

Lumingon ako agad kay Johnny. "May gusto sana akong itanong about sa dalawang panot na prof na sinabi mo sa'kin noon."

"O, ano'ng meron?"

Tinignan ko muna ang paligid, medyo puno na rito. "May ginawa ba si sir Nolan sa'yo?"

Kumunot agad ang kanyang noo. "Naging prof mo na ba siya ngayon?"


Shet, Marso, tama ba 'tong ginagawa mo?


"M-may ginawa ba siya sa'yo?"


Hindi ko makita sa mukha niya na nagagalit siya. Pero, kakaiba 'tong tingin niya sa'kin. Kalmado na hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya ngayon.


"Sino na naman ang bibiktimahin niya?" tanong niya.

"E, hindi ako sigurado kung sino. Basta raw, first year."

Napa-ayos kami nang upo dahil sa mga sumasakay na pasahero. Ganoon pa rin ang ginagawa niya kapag may katabi akong lalaki, kakapit ang kamay niya sa binti ko.

"Punta ka sa unit ko. Iku-kwento ko sa'yo 'yung nangyari."


Waaa! Malalaman ko na kung saan siya nakatira!



# # #


"Amoy mo na ba 'yung air freshener?"

Siyempre, todo amoy ako sa paligid. "Yep, amoy cherry blossom na." Hayun kasi ang pinili niyang scent kasi ako raw ang unang babae na nakapasok sa unit niya.

Studio type raw 'to, siya lang naman kasi mag-isa. Malinis naman tignan ang lugar na 'to. 

"Hintayin na lang natin 'yung pina-deliver ko para busog ka bago ka umuwi," sabi niya habang nagliligpit ng kumot.

"Salamat sa libre. Ayoko ng ulam namin ngayon sa bahay, e."

"Huh?" tumingin siya sa akin, "ano bang ulam niyo?"

"Miswa na may patola."

"Ah. Kadiri nga."

Natawa na lang ako sa kinoment niya. Feeling ko, hindi niya paborito 'yon.

"Anyway," naupo na lang siya sa single couch at tumingin sa akin. "Regarding sa tinanong mo kanina, muntikan lang naman may mangyari sa amin."

"Muntikan?"

Tumango siya. "Kung wala pang nagku-kwento sa'yo about sa contest, ako na lang ang magkukwento."

Napa-ayos ako ng upo ngayon. Mukhang interesting, eh. "Tungkol sa'n ba 'yan mars?"

"May dayaan na nangyari sa contest. Kasalanan 'yon ni sir Nolan. Siya talaga ang dahilan kaya nanalo ako. Kapalit lang no'n ay... 'yon."


Eh?


"T-teka..."

"Teka, teka. May twist na nangyari." Nahinto na lang siya dahil naka-rinig kami ng doorbell. Dumating na pala ang inorder namin na pizza! Bebe!

"Tuloy mo na," sabi ko sa kanya saka ako kumagat sa pepperoni pizza.

"Nakarating ako sa hotel na pinag-usapan namin. Nandoon siya sa lobby, hinihintay ako. Habang nagche-check in na 'yon bakla, nakita ko na lang sa entrance si sir Montemay."


Sino 'yon?


"Pinapunta niya ako kaya lumabas agad ako ng hotel nang hindi nakapagpaalam kay sir Nolan. Nakarating daw sa faculty 'yon nangyari kaya niya ako sinundo."

"Ah."

"Kaya, walang sex na nangyari that time, March. Safe na safe na safe po ako," proud pa siya.

Kumagat ulit ako ng pizza bago ko itanong sa kanya. "Sino si sir Montemay?"

Bigla na lang siya tumingin sa'kin. "Sinabi ko na 'yon sa'yo, 'di ba? Siya ang sure pass na prof sa Taxation."

"Aah!" Taena, bakit nakalimutan ko?

"Kung may nakarating sa kaklase mo ang chismis, malamang, nalaman na 'yan ni sir Montemay," seryosong sabi niya.

"Ano'ng gagawin ni sir Montemay?"

"Malamang ililigtas niya ang batang 'yon."

"Alam na ba ng chair department 'yan or kahit sa Dean?"

"Hayun na nga ang problema ni sir Montemay," mahinang sabi niya, "ayaw maniwala ng Dean at Chair Depratment natin tungkol sa ginagawa ni sir Nolan. Feeling ko, malakas si sir Nolan sa mga 'yon kaya hindi nila matanggal-tanggal. Hindi naman magaling magturo."

Tumango ako. "So, kailangan ko lang siya iwasan?"

Tumingin siya saglit sa akin. "Halos lahat pala ng BIT subjects, kukunin mo pala. Oo, kailangan mo siyang iwasan."


Hala, hindi ko naman alam kung paano malalaman kung sino ang magiging prof next sem.


"Huwag ka na mag-alala, March. Kilala naman ako ng mga prof natin kaya malalaman ko agad kung sino ang magiging prof mo kapag kinuha mo na ang BIT."

Ilalabas ko sana ang registration form ko kaso, nasa bahay na pala ang bag ko. "I'm not sure kung next sem ko ba kukunin or next year."


Tumango-tango siya habang ngumunguya ng pizza. Kaya napatingin ako sa box, kalahati na pala ng pizza ang nakain namin. 


"Matanong ko lang," tumingin naman ako sa kanya after kong uminom ng softdrinks, "sino 'yung mga kasama mong lalaki last week?"

"Mga lalaki last week?"

"Oo. Dalawang lalaki 'yung kasama mo palabas ng campus. Hindi na kita natawag dahil busy ako. Sino ang mga 'yon."


Aaah!


"Sina Joseph at ku—Lorimer 'yon. Mga naging kaklase ko no'ng engineering student pa 'ko." Hayuf ka, Marchie! Muntikan mo na i-reveal ang nickname ni Lorimer sa kanya.

"Aah. Isa kasi sa kanila, namumukhaan ko. Hindi ko alam kung sino," sabi niya. Sino kaya 'yon?


Inubos na lang namin ang pizza habang nanonood ng movie. Six na ng gabi ako nakalabas ng studio niya. Malapit lang naman kaya hindi ko na kailangan mamasahe.


Malapit pa lang ako sa gate, naririnig ko na may nagsisigawan. Nang mapasok ako...


"Bakit ka nakipagkita sa tatay mo?!"

"E, gusto niya makita ang tatay niya! Bakita ba?"

"At sinamahan mo pa talaga 'yan kapatid mo sa lalaki na 'yon, ah!"


Hinanap ko agad si Ja, umiiyak na pala sa sulok. Sakto naman na dumating si tita Chesa, mukhang namili sa palengke dahil puro gulay ang bitbit niya.


"O, ano'ng nangyayari rito?"

Tumingin si Danishe kay tita. "Pinapagalitan niya kasi si Ja kasi nakipagkita kami sa tatay niya."

"Ah. E, bakit mo naman pinapagalitan, Hannah?" mahinahong tanong niya nang nilapag niya sa lamesa ang kanyang mga binili.

"E, ayoko nga na nakikipagkita sila sa mga tatay nila!" sigaw niya sabay pumunta sa kusina, sa likuran.

Bigla na lang humarap sa amin si tita. "Bitter pa rin 'yan nanay niyo."

"Kasalanan na niya 'yan. Gusto lang naman namin makita ang mga tatay namin, e." Pagkatapos, lumapit si Danishe kay Ja para yakapin.

"Ayos lang 'yan, Ja. Magkikita pa rin naman kayo ng papa mo," sabi ni Danishe sabay tumingin sa'kin.

"Ayos ka lang diyan, ate?" tanong niya.

"Uhh, oo. Ayos lang naman ako. Iingay niyo nga, e." After no'n, umakyat na ako sa itaas para magpalit ng damit.


Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasan na mainggit sa kanila dahil nakikita nila ang mga tatay nila. Minsan nga, ayoko na lang umimik kapag nagkukwento sila tungkol sa mga ginawa nila ng mga tatay nila. Pero, kailangan ko pa rin ipakita na natutuwa ako para sa kanila.


Nang chineck ko ang phone ko, nakita ko na lang na may nag-message request, Nana Jane Borja ang pangalan. Shet, hindi pa pala kami friend. Inaccept ko agad ang friend request niya at heto ang chinat.


Nana Jane Borja:

hi, ate march <3

punta ka sa 18th birthday ko next next week

isama mo si castro, hihi.


Ha?


Teka, 17 years old pa lang siya?


Weh!? Sa tangkad niyang 'yon? 17 pa lang siya??!



_______________________________________


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top