HOW? 13
So far, naipasa ko naman ang prelim exams ko, hihi.
At dahil midterm na, nagsisilabasan na ang mga events dito sa school. Including lahat ng mga organizations. At dahil diyan, may mga food stalls na nakatambay dito malapit sa project area. Sana one week sila nandito para naman matikman ko ang iba pang pagkain nila, lalo na 'yon shawarma rice nila, huhu.
Ayoko talaga dumaan dito sa area na 'to dahil amoy-amoy ko ang shawarma rice. Buset kasi. Wala na nga akong pera, mag-isa pa ako ngayon. Hindi naman pumasok si Dari pero nakita ko siya kanina after ng klase, nalate raw ng gising.
Wala 'yon prof namin sa last subject ko. Hindi ko naman kaklase si ate Hailea after ng isa pang Humanities subject namin.
"Hoy, Marso."
Lumingon naman ako at... heeeyy!
"Joseph!"
Nakipag-apir pa siya sa akin. "Wala kang klase?"
"Meron sana kaso, absent naman ang prof kaya pauwi na rin."
Tumango naman siya. "Kain tayo."
Mayaman din 'to, e. "Wala akong pera."
"Libre ko na. Nagca-crave ako sa shawarma rice." Sakto naman na tinuro niya ang stall ng shawarma rice.
'Pag sinabing libre niya, libre niya talaga! Hihi.
Nang makabili na siya, hindi kami dumiretso sa project area dahil ginamit din iyon para sa event. Bale, nandito kami sa building kung saan dito ang daan papuntang library. Kaso, nasa likod kami ng isang room dito kung saan, dito nagaganap ang mga seminar.
"Okay lang ba kung dito na lang tayo? Mas malakas wi-fi rito kaysa sa court."
"Oo naman. At saka, mas kaunti tao rito," sabi ko nang maka-upo kami sa mga arm-chair na nandito. May nakita naman ako na naka-upo sila sa sahig, malinis naman ang sahig dito kaya ayos lang din na umupo. Kahit nga na humiga, ayos lang din.
"Bumili na rin ako ng blue lemonade. Alam kong paborito mo 'to, e."
Nahinto ako sa pagbukas ng styro nang inabot sa'kin ang plastic cup. "Hala, pa'no nalaman?"
"Sinabi lang nila sa'kin," sabi niya kaya naman, kinuha ko na lang. Sino naman ang nagsabi?
"Kumusta ka naman?
Hinintay niya na maubos ko ang nasa bibig ko, wait. "Heto, daming arte ng mga subjects na tina-take ko ngayon."
"Hmm. Wala ka bang major subject na tine-take ngayon?"
"Wala. Next sem pa, kung mapapasa ko ang Finance 1." Pero, mukhang mapapasa ko naman dahil pasado ko na ang prelim. Plus, si kuya Tonni pa ang prof namin, hihi.
Uminom muna ako ng blue lemonade saka ko 'to tinanong. "Kumusta naman kayo?"
"Alin ang kinukumusta mo? Pag-aaral o ang pagbabantay namin sa mga prinsesa?"
Sabi na nga ba, e. Mga bodyguard na sila ng tatlo na 'yon.
"Syempre, alam kong mapapasa niyo ang mga subject niyo kaya, 'yon pagbabantay sa mga prinsesa ang ikakamusta ko, hihi."
Ngumisi pa siya saka inayos ang makapal niyang salamin. "Hayun, double na ang pag-iingat namin dahil kumikilos ang mga back-up ni Joyce."
"Joyce?"
Tumango naman siya. "Buhay pa siya, Marso. Mommy lang niya ang nakakulong. Sa ngayon, hinahanap pa ni sir Zeb ang babae na 'yon. Pero, base sa mga information ng nakuha mula sa office, kumikilos ang mga back-up niya. Isa ata 'yon sa plano nila once na makulong ang Mommy niya."
"Teka, safe naman sila 'di ba?" hininaan ko na ang boses ko.
"Oo naman. Kaya nga, napunta sa department mo si kuya Tonni, e."
Shet, kaya pala nag-apply sa department namin.
"Taena, kinilabutan naman ako sa'yo," sabi ko habang hinihimas ko ang mga braso ko.
"Huwag ka mag-alala, nasa paligid mo naman kami kahit nasa ibang department ka na."
"B-bakit kasama ako sa target niya?"
Inubos muna niya ang shawarma rice. "To be honest, we don't know. Hanggang ngayon, inaalam pa lang namin ang mga files na nakita namin sa kwarto ni Joyce."
Hala.
"Ikaw, si Sha-Sha at Axiela ang kasama sa listahan na ginawa ng Daddy niya bago siya mamatay. Nakita lang namin sa kwarto ni Joyce kaya naman, nakagawa siya ng invitation para sa inyo."
"Na dapat, hindi kami kasama? Tama ba?"
"Yup. Sina Jo, Clara at Mika lang naman talaga ang target ng mag-ina na 'yon."
Shet, akala ko okay na kaming lahat.
Ano ba naman 'to, pa'no ko iingatan ang sarili ko? Ayoko naman ipagkalat sa iba ang nangyari, wala naman maniniwala sa'kin. Kahit kay Johnny ko pa sabihin, balewala rin.
"Marso."
Tumingin ako kay Joseph.
"Ayos ka lang?"
Tumango na lang ako, kahit hindi naman ako okay after ko marinig 'yon.
"Hindi ka naman namin pababayaan, Marso. Kaibigan ka pa rin namin, kahit ano pang mangyari."
Mas lalo ako kinilabutan sa sinabi niya. Pero, hindi dahil natatakot ako.
Eto 'yon pakiramdam na naramdaman ko no'ng hinila ako bigla noon ni kuya Tonni nang makalabas ako ng event room na 'yon kung saan, doon naganap ang birthday party ni Joyce.
Maniniwala na lang ako sa kanya, tutal, ilang beses naman nila napatunayan na safe kami sa kanila.
"Nanginginig ka na."
"Ha?"
Bigla ako napatingin sa mga kamay ko, shet, nanginginig na nga ako!
"Hala, bakit ako nanginginig?" nagtanong pa ko.
"Hoy, ayos ka lang?"
Hindi na ako makasagot kay Joseph, nakatingin lang ako sa kamay ko na nanginginig. Hindi naman ako nagkape ngayon, may mali ba sa ininom ko?
Bigla na lang ako nakaramdam ng something warm sa kamay ko. Kaso, pinipisil kaya tinignan ko kung sino. Si Joseph pala, hinihilot ang kamay ko.
At, huy, ngayon ko lang napansin...
"Bakit hindi pa rin bumabalik sa itim 'tong buhok mo?" Gamit ang kanan kamay ko, hinaplos ko agad ang buhok niya kung saan may part pa na brown ang kulay.
"Mamaya pa 'ko bibili ng pampakulay ng buhok. Nakalimutan ko rin ayusin 'to. 'Kala ko nga, masisita ako ng guard."
"Ay, mabait-bait pa sila sa'yo kung gano'n."
Saka ko na lang napansin na hininto ni Joseph ang pag-massageniya sa kaliwang kamay ko. Kaya, nahinto ako sa paghaplos sa buhok niya.
Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakatingin na pala siya sa'kin.
"Ituloy mo lang."
Bigla ba naman siya umusog sa'kin at sumandal sa kanan part ng balikat ko, tinanggal muna niya ang eyeglasses niya saka pumikit. Pero, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko, tinuloy pa niya ang paghihilot.
"Ituloy mo lang, Marso. Please?"
Baka, heto ang kapalit sa gagawin niya sa'kin in future kaya... itutuloy ko na lang ang paghaplos sa buhok niyang napaka-smooth. Medyo naamoy ko ang buhok niya, bakit hindi amoy-araw?
"Masakit ba ang ulo mo?" tanong ko.
"Hindi. Gusto ko lang may humahaplos sa ulo ko. Matagal na rin kasi mula nang may gumawa sa'kin niyan."
Hindi ko na aalamin kung sino 'yon last human being ang gumawa sa kanya nito. Hindi naman kami close na close na close, 'no.
"Wala kang klase?" tanong ko.
"Mamaya pang 7:30. Uwian mo na ba?"
"E, oo. Pero, wala naman akong kailangan gawin para bukas kaya mamaya na ako uuwi."
"Mamaya ka na umuwi, okay lang?"
"Oo naman," ngumiti na lang ako nang sabihin ko 'yon.
So, ano? Ganito lang kami hanggang seven-thirty?
Bigla na lang siya napa-ayos ng upo kaya natigil ko ang paghaplos sa kanya. Tinigil niya rin ang paghilot pero hawak pa rin niya ang kamay ko. Nilabas pala niya ang kanyang phone at sinagot ang call... ata.
"Hello? Hoy, Lorimer."
Ha? Lorimer?
"Library building, sa tapat ng confe. Oo, unang—hindi sa 'taas. Sa ibaba. Oo, pwede naman tayo tumambay dito. Sige, vacant mo na? Ah, sige, dito lang ako."
Bigla siya tumingin sa'kin.
"Oo. Hindi ko girlfriend 'to. Sige, hintayin na lang kita." Pagkatapos no'n, binalik na niya sa bulsa ang phone niya.
"Sino kausap mo?"
"Si Lorimer nga."
Kalma, Marso.
"Lorimer...?"
"Lorimer Belt...ran ata ang surname niya. Katabi ko siya siya." Napakamot pa siya sa ulo niya saka siya tumatango-tango. "Tama, Beltran nga surname niya."
Shit, kaklase niya si kuya L—wait.
"Teka, Sanitary Engineering ka, ah. Mechanical Engineering 'yon," sabi ko. Pero, may mali sa sinabi ko. Baka may subject sila na magkaparehas tapos nagkataon pa na magkatabi sila kasi nasa letter B ang first letter ng surname nila.
"Hindi mo pala alam, last sem lang ako nag-shift."
Napatingin ako sa kanya. "Nag-shift ka?"
"E, oo. Mechanical Engineering ang tina-take ko ngayon." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, pinakita niya sa'kin ang ID niya. Hindi ko napansin na nag-shift siya dahil light green pa ang ID lace niya.
14*****
SETH JOSEPH BLANCO
MECHANICAL ENGINEERING
Ay shet, totoo nga.
"Wait, wala kang middle initial?" tumingin ako sa kanya, tumango naman ang kausap ko. "Bakit?"
"Single parent lang si Dad, namatay kasi si Mom sa diabetes then, hindi pa nila nahabol ang araw ng kasal nila. Hayun ang dahilan kaya, wala akong middle initial."
Ah, single parent? Kung sa bagay, wala nga rin pala akong middle initial dahil bitbit ko ang apelyido ni nanay.
Kainis, wala kasi nakalagay na pangalan ng tatay ko sa birth certificate kaya hindi nahanap ni Danishe ang FB profile niya.
"Bakit? Kilala mo ba si Lorimer?"
Tumingin agad ako kay Joseph, inaayos na niya pala ang kanyang ID. "Ha?"
Tumingin naman siya sa akin, "kilala mo siya?"
"E, o-oo. Kilala ko siya. Alam mong engineering student ako dati, e." Shet, hindi pala niya alam na crushie-crush ko si kuya L.
"Hmmm. Ba't parang natatakot ka na malaman mo na kaklase ko si Lorimer?"
Sige na nga, sasabihin ko na sa kanya. Tutal, nilibre naman niya ko ng shawarma rice at blue lemonade.
After ko i-kwento...
"Hmmm. Kaya pala hetong si Sha-Sha, banggit nang banggit kay Jasmine ng 'kuya L' sa usapan nila. Si Lorimer pala 'yon," sabi niya tapos uminom na ng blue lemonade.
"Basta," kumapit ako sa braso niya, "huwag mo sasabihin sa kanya na crush ko pa rin siya, ah."
"Huwag ko sasabihin? E, 'di ba umamin ka naman sa kanya?"
"O-oo! Umamin nga ako sa kanya." Ay, shet. Hindi ako pwede mag-ingay dito! Baka bigla na lang sumulpot sa likod ko!
"Hayun naman pala, e. At saka, huwag ka mag-alala, hindi ko naman sasabihin na gusto mo pa rin siya hanggang ngayon."
At dahil diyan, nakahinga na ako nang maayos. At saka... pwede ko rin naman siya gawin espiya kay kuya L. Tutal, legit na spy naman si Joseph, hihi.
"Alam ko na 'yan iniisip mo, Marso."
"Ha?"
Ngumisi na lang siya saka niya kinuha ang kamay ko na naka-kapit sa braso niya. "Magre-report ako sa'yo regarding Lorimer Beltran."
Abaaa! Mukhang alam na niya ang takbo ng utak ko, ah!
"Aww! Thank you!"
"Hoy."
Wait, kilala ko ang malalim na boses na 'yon.
"Lorimer!"
Waaa! Si kuya L!
Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa balikat ko. Hala, nakikilala niya ako kahit nakatalikod ako sa kanya?
"Girlfriend mo na 'to?" tanong niya habang pinipisil niya ang kanan balikat ko.
Tumingala siya. "Ah, si March? Hindi, kaklase ko lang 'yan dati." Pagkatapos, tumingin siya sa akin.
"'Di ba?" ngumiti pa siya sa akin.
"Luh, kailan pa naging boyfriend?"
"Ah. Tama, huwag ka muna mag-bo-boyfriend," sabi pa ni kuya L nang binitawan na niya ang balikat ko. Lumingon ako sa likod, katabi ko na pala siya.
Tumingin siya kay Joseph. "Gawin na ba natin 'yung assignment?"
"Sige, baka bigla na lang ipapasa ni sir sa'tin 'yon. Pero, bibili muna ako ng pagkain natin."
Nakita ko na lang na nakatayo si Joseph saka siya tumingin sa'kin. Sana ma-gets niya ang mukhang 'sasama-ako-sa'yo-kasi-hindi-ako-makahinga-dahil-sa-katabi-ko' look pero...
"Pabantay muna 'yung bag ko, March. Bibili lang ako ng pagkain natin," sabi niya saka na siya tumakbo papalabas ng building na 'to.
Napasandal na lang ako sa upuan, tumingala at napapikit at sinabi sa aking utak ang dasal na ito:
Lord! Pakalmahin niyo po itong puso ko, Lord! Please lang po, Lord! Katabi ko na po ang aking labidabs, Lord! Gustong-gusto ko siyang yakapin, Lord kaso po, Lord! Hindi po pwede kasi—
"Ayos ka lang?"
Dinilat ko agad ang mga mata ko at umayos nang upo. Hindi naman ako nagsasalita, ah.
Tumingin ako sa kanya, "Oo. Ayos lang ako, medyo inaantok lang kasi kulang ako sa tulog."
"Ah, e 'di tulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag nakabalik na si Joseph."
"Ay, hindi. Ayos lang. Kaya pa naman ng mga mata ko."
"Sure?"
Tumango ako sa kanya. Hinintay ko na tumingin siya sa hawak niyang yellow pad pero... nakatingin pa rin siya sa'kin.
Wala akong suot na salamin samatalang siya, suot-suot niya ang makapal niyang salamin. Gusto ko na alisin ang mata ko sa kanya pero... ayaw ng katawan ko kumilos! Ayaw niya rin naman kumilos!
Waaaaa! 'Yung puso ko, Lord!
"Tada!"
Nakurap na lang ang mga mata ko saka ako naka-amoy ng blueberry waffle. Saka ko na-realize, nandito na pala si Joseph.
Thank you, Joseph! Huhu!
"Sa'yo 'to." Kinuha ko na ang hawak niyang waffle. Tinignan ko ang inabot ni Joseph kay kuya L.
"Bakit shawarma?" tanong ni kuya L.
"E, ano ba ang gusto mo?" tanong pa ni Joseph saka siya kumagat ng waffle.
"Hayan. Kung ano'ng pagkain niyo ni Marso," tinuro pa niya ang waffle ko.
Ay, wait. Tinawag niya akong Marso? Weh? Talaga?
Actually, gusto ko ng shawarma.
"Palit tayo," sabi ko na lang kay kuya L saka ko tinapat sa mukha niya ang waffle. Oo, paborito niya 'to, sinabi niya sa'kin noon.
Bigla na lang nag-sparkle ang mata niya. Ako lang ang nakakakita no'n kaya 'wag kayong epal. "Talaga, Marso?"
Ang kulit, Marso talaga ang tawag niya sa'kin! Waaaa!
"Oo nga. Hindi ko pa dinilaan, 'no."
Masaya naman siya nakipagpalitan sa'kin ng pagkain. Ngayon ko lang siya nakita na ngumiti dahil lang sa pagkain.
Lah, Lord! Naiinlove na naman ako sa kanya! Huhu!
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top