HOW? 11
Lah. Gagala raw kami?
Since Arts Appreciation naman daw ang pangalan ng subject namin, why not daw na magpunta kami sa art museums. Free entrance naman daw kaya no excuse para hindi kami pumunta.
Dapat next week kaso, gusto nila ngayon.
Thursday nang hapon.
"Uwi na tayo, Marchie."
Napatingin ako kay Johnny nang makalabas kami ng room. "Una ka na. May pupuntahan kami ng mga kaklase ko sa Arts."
"Saan kayo pupunta?"
"Sa art museums, sa Manila. Around 2:30 pa naman kami magkikita sa project area kaya, doon muna ako tatambay."
"E, 'di kain muna tayo habang hinihintay mo sila."
Bigla na lang niya hinawakan ang kanan kamay ko at hinila palabas ng building na 'to. Hanggang sa makarating na kami sa plaza. Kaso, ang daming tao lalung-lalo na ang karinderya na palagi namin pinupuntahan noon ni Clara.
Ah, shet. Nakakamiss sila. Huhu.
"May pares na pala rito."
Tumingala ako kay Johnny, putek kasi ang tangkad niya. Tumingin siya sa akin at tinuro ang sinasabi niyang kainan ng pares.
Isang food stall ang nakita ko. Kaso, nasa kabilang street pa. Kaya tumawid kami ni Johnny. Weird lang kasi magka-holding hands kami. Pero, ayos na rin naman sa'kin dahil takot ako tumawid. Hindi ko lang pinapahalata, nakakahiya, e.
"Madami kumain dito kanina pagbaba ko ng jeep. Puro mga marino ang kumakain," sabi niya.
At dahil diyan, tinignan ko ang stall. Walang upuan pero may tatlong matangkad na lamesa rito. Nakatapat ang stall sa isang building na... hindi ko alam kung may gumagamit ba nito or sarado lang.
"Libre ko na."
Ugh, yes! Thank you! May pasamahe ako nito mamaya papunta at pag-uwi!
Dinala na niya rito sa pangalawang lamesa ang isang tray na may pares at apat na cup ng garlic rice. Pagkatapos, bumili pa siya ng bottled water at isang bote ng softdrinks.
Oo, may tubig at softdrinks. Napaka-healthy ng inumin namin.
"Ang dami mo namang kanin," sabi ko nang kniuha ko na ang isang cup ng kanin.
"Huh? Tag-dalawa tayo ng kanin. Ano ka ba." Sinalan na niya sa pinggan ko ang isa pang cup ng garlic rice sa pinggan. "Ang payat-payat mo na. Kailangan mong kumain nang marami lalo na't aalis ka ngayon."
Hindi ko na mapigilan na tumingin sa kanya, nagsisimula na siyang kumain at nagbukas na rin ng bote ng softdrinks.
Why so sweet naman this guy?
"Alam kong may crush ka sa'kin kaya kumain ka na riyan."
Napakurap na lang ako sa sinabi niya. Habang ngumunguya siya, tumingin sa'kin ang loko at ngumisi.
"Yuck."
Tumigil siya sa pag-nguya at kumunot ang noo niya. "Grabe, ano'ng 'yuck' sa'kin?"
"Wala ako gusto sa'yo, baliw."
"Alam ko! Baka sakali lang na may gusto ka sa'kin."
"Yuck!" Tinignan ko muna ang laman ng pinggan ko, umuusok pa ang sabaw ng pares.
"Pero, salamat sa libre, ah." Nagsimula na ko maghigop ng sabaw. Shit, ang saraaaaap!
"Wala 'yon. Sinabi mo naman sa'kin 'yon sched mo tuwing Tuesday at Thursday, wala kang vacant. Tapos, hindi ka pa nag-a-almusal, tama ba ako?"
Napatingin ako sa kanya nang sumubo ako ng kanin, tumango naman ako dahil totoo naman. Kailangan kong gumising ng alas-singko nang umaga para lang pumila sa terminal ng UV. Tapos, traffic na lagi kapag six-thirty nang umaga. Minsan lang ako mag-almusal kapag maaga ako sa school. Mabuti na lang, may bakery na malapit sa school. Madalas binibili ko ensaymanda.
Kung anu-ano pa ang kinuwento niya. Kulang na lang, pati lovelife niya ikwento pa.
Speaking...
"May mga naging girlfriend ka naman, 'di ba?" tanong ko habang naghihintay ng sukli.
"Oo naman. Two years kami. Kaso..."
Hinila niya bigla ang kanan kamay ko. Tatawid na pala kami.
"Kaso, ano?" tanong ko nang makatawid na kami.
Huminga lang ito nang malalim. "Saka ko na i-ku-kwento. Kapag... nakumpleto na ang isang taon. Ayos lang?"
Isang taon? Moving-on stage ba 'yon?
"Ayos lang naman sa'kin. Willing to wait."
Ngumiti ito sa'kin saka ginulo ang buhok ko. "Salamat, Marchie."
Tumingin ako sa kanya nang matapos niyang guluhin ang buhok ko. May something sa mata niya na hindi maganda. Ganoon ata kabigat ang nangyari sa kanya noon ng ex niya kaya ayaw niya magkwento.
"Hoy, ayos lang din sa'kin kung hindi mo iku-kwento, ah."
Umiling siya. "Iku-kwento ko rin sa'yo. Kapag nakumpleto na ang isang taon."
Tumango na lang ako at tumingin sa gate ng school. "Papasok na ako."
"Sa'n mo ulit sila hihintayin?"
"Sa... project area."
Tumango siya at inayos ang bag. "Uwi na ako. Magbabantay pa ko ng shop. Mag-iingat ka sa pagpunta at sa pag-uwi, Marchie."
"Opo." Nag-salute pa ako sa kanya. 'Kala mo naman, tatay ko.
"Okay, sige. Pasok na."
"Opo."
Naglakad na ako papunta ng gate. Nang makapasok na ako, lumingon pa ako kay Johnny. Oo, wala akong salamin pero nakikita ko siya. Salamat sa dalawang kamay niya na nagwa-wave sa'kin. Nag-wave na rin ako para hindi sayang ang effort niya.
Nagsuot muna ako ng salamin, baka hindi ko sila makita. Chineck ko na ang group chat namin, halos lahat sila 1:30 pa ang last class. Sakto naman na ala-una nang hapon. Konti na rin ang mga tao rito sa school kaya makaka-upo naman ako sa project area.
Nahinto ako sa paglalakad na may marinig ako na mga boses, familiar kasi sa'kin. Tumingin ako sa kaliwa dahil doon ko narinig.
Sina Lino, Karlos at Joren pala ang mga 'to. Kasama rin nila sina Renzo, Timmy, Joseph, Airol at Philippe. Kahit na kailan talaga, ang lakas ng boses ni Timmy.
"Hoy, kanina pa namin kayo hinihintay!"
Lumingon agad ako sa likod, boses pala ni Sha-Sha 'yon. Kasama niya pala si Axiela at ang mga prinsesa. Wala sila sa lane na pinaglalakad ko ngayon kaya hindi nila mahahalata na nakatingin ako sa kanila ngayon.
Naglakad na sila papunta sa mga lalaki na 'to kaya mas lalo lumakas ang ingay nila. Nakakatuwa naman, magkakasama pa rin sila hanggang ngayon. Panigurado, naging body guard na ang mga lalaki na 'to after ng debut na 'yon.
Nakakamiss.
Shit, Marso. Huwag ka malungkot diyan. Nasa ibang mundo ka na. Wala ka na sa mundo nila.
Kaya ko naman 'to. Makakapagtapos din ako kahit na hindi ko sila kasabay.
Mabilis kong pinuntahan ang project area bago pa nila ako mapansin na nakatingin sa kanila. Ayoko na rin maramdaman na nag-iisa ako ngayon. Kailangan kong mag-focus sa pag-aaral.
Nakarating naman ako sa project area. Sakto naman na may bakanteng pwesto na may saksakan na nasa sulok. In case lang na ma-lowbat ang phone ko.
Inopen ko na ang Pen Pages at nagbasa na ng gawa ni Dari.
"Honey, what's wrong?"
Tumingala ako sa kaibigan ko. Nag-iisa na lang siya sa mundo, ayoko na mawala siya.
"Pa'no ko malalaman na ako lang ang kausap niya?"
Umayos siya nang upo. "What do you mean?"
"Hihingi ko ba ang lahat ng social media account niya?"
"Honey. Ano ba ang iniisip mo?"
Uminom muna ako ng isang basong tubig at tumingin sa kanya. "Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko."
"I thought nasa probinsya siya?"
"E, ano 'to?"
I immediately check his IG story and pinakita ko agad kay Rose.
"Oh, shit. This is not province. He's around here in city."
"Ano'ng ibig sabihin no'n?"
She looked on me as if may alam siya sa nangyayari. "Sinubukan mo na bang siyang i-chat?"
"Oo. Sa IG ko siya chinat pero hindi siya naka-delivered."
"Okay. Ako ang mag-ch-chat, ha?"
Nilabas niya agad ang phone. Hindi ko mapigilan na tumingin sa ginagawa niya. When she tap he's name...
"Oh, nasaan ang IG story niya?" lumingon siya sa akin after niya itanong.
Agad kong chineck ang IG story niya. Bigla na lang ito nawala.
"Fuck, LDR. Napaka-putang—
"Hoy, March!"
Lumingon naman ako sa tumawag sa'kin. Salamat sa salamin ko, nakita ko si ate Hailea na may dalang inumin. Naka-high ponytail pa siya.
"Kanina ka pa nandito?" tanong niya nang maka-upo na siya.
"H-hindi naman, ate."
"Ah." Tumango na lang siya. "Maaga kami pinalabas ni ma'am. Hintayin na lang natin 'yon iba nating kaklase—pssst! Hoy! Dito!"
Agad naman ako lumingon sa tinatawag ni ate. Madami naglalakad pero, hindi ko malaman kung sino ang tinutukoy niya.
"Sino tinatawag mo, ate?"
"Ano ka ba, kaklase natin. Si Dio."
Lumingon ako sa kanya, siyempre, hindi ko naman alam ang mukha no'n kaya sinundan ko ang tinuro niya.
"Kanina pa kayo nandito?"
Isang lalaki na matangkad, singkit ang mata at kasing-moreno ni Lino at Castro ang lumapit dito.
"Hindi naman. Siya," tinuro ako ni ate, "kanina pa siya nandito. 12 ang last class niya, e."
"Ay, gano'n? Kumain ka na ba niyan?" tanong niya saka siya naghila ng isang monoblock.
"Ah. Opo, kumain na 'ko. Ikaw?"
"E, oo. Una at huling klase ko kasi 'yon Arts kanina."
Ah... kanina pa siya nandito.
"E, bakit hindi kayo nagkita kanina?" tanong ni ate Hailea.
"E, may kasabay akong kumain kanina."
"Ah. Ikaw ata 'yon nakasalubong ko."
Agad naman ako napatingin kay kuya Dio.
"May kasama kang lalaki, magka-holding hands pa nga kayo. Tatawagin sana kita kaso baka magselos ang boyfriend mo."
Ano!? Si Johnny?! Boyfriend ko!?
"Yuck, kuya! Hindi ko 'yon boyfriend!" sigaw ko. Yuck naman kasi talaga. Ewwww!
"Halululuh! Si Marso, nandidiri na, oh!" Napatingin ako kay ate Hailea, "okay lang 'yan. Gano'n talaga ang pag-ibig. Minsan, madidiri ka pero sa kaloob-looban mo, kinikilig ka na."
"Sana all, may love life."
Tumingin agad ako kay kuya Dio. "Hindi ko nga boyfriend 'yon, e." Natawa na lang ang dalawang matanda rito.
Bwiset ka talaga, Johnny! May nakakita na sa ginagawa mo!
# # #
Kumpleto na kaming lahat dito. Hindi ko naman close ang mga kaklase ko. Naglalakad na kaming lahat papunta sa train station, hawak ko pa ang payong ni Ayenva na katabi pa niya si Kaye. Simula nang magstart ang klase namin, sila lagi ang magkasama.
"Ayos lang ba sa'yo na ikaw taga-hawak ng payong?" tanong ni Kaye sa'kin.
Tumingin ako sa kanya. Pero, bago ko siya sagutin, pansin na pansin ko na ang height ng dalawang 'to. Hehe, magka-height lang sila, cutie!
"Ang cute niyo," sabi ko sa dalawa.
"Huh?" tumingala sa'kin si Ayenva, "ano'ng cute ka riyan, Marso. Maganda ako, 'no!"
"Baliw, kayong dalawa ang tinutukoy ko." Inagaw ko ang pamaypay ni Ayenva at pinatong ko sa ulo nila. "Hayan, ang cute ng height niyo."
"March naman, eh!"
Hindi ko na mapigilan na tumawa nang malakas. Wala akong pake kung tumitingin sa'min ang mga pasahero at mga motorcyle drivers sa ingay namin. Hindi lang naman ako ang maingay, e. Sila rin naman.
Taena, parang may parada na nagaganap dito. Either parada or school field trip ang ginagawa namin dahil suot pa namin ang mga uniform.
Except lang kay Kaye dahil...
"Member ka ba ng Student Council?" tanong ko nang mapasok na kami sa station.
"Huh?" lumingon ito sa'kin nang makabili na ng ticket, "student assistant ako. Nasa library at admission office ako naka-assign ngayon sem."
Tumango na lang ako sa kanya at inabot na sa'min ni Ayenva ang ticket. Sa pagkaka-alam ko, 35 kaming lahat. Nagtataka na siguro ang mga guard sa'min. Kulang na lang, magdala kami ng tarpulin at nakalagay na "pupunta po kami ng art museum dahil hayun po ang prelim examination namin". Para wala na magtatanong.
Art Synergy ang pangalan ng lugar na 'to. Sakto kasi paglabas ng station, nasa kabilang kalye na ang musuem. Pagpasok namin, isa-isa na sinulat ng class leader namin ang mga pangalan namin. May tour guide pala rito kaya hindi kami maliligaw kung saan kami mag-iikot at mag-pi-picture.
"Since mga estudyante kayo ng The Central Mind University, dito po nilalagay ng mga Architecture students ang mga project nila, lalo na 'yon mga sumasali sa contest," sabi ni kuya Mason nang buksan niya ang isang kwarto rito na may nakalagay na Arts of TCMU.
"And sa kabilang side naman, dito naka-display ang gawa ng karibal ng school niyo. Kilala niyo po ba kung ano'ng school 'yon?" tanong ni kuya Mason nang makalabas kami sa kabilang side ng pinto.
"MTFADVL College!"
Lumingon agad ako sa likod, alam kong boses 'yon ni Lychee. Nakatutok pala rito ang phone niya tapos kumaway pa sa'kin.
"Alam na alam, ah."
Lumapit naman siya sa'kin. "Siyempre, ang daming pogi sa school na 'yon lalo na sa Dance Department! Shit!"
"Ay, akala ko ako na ang pinaka-gwapo sa paningin mo, Lychee."
Tumingin ako sa likod niya. Isang lalaki na mas matangkad pa sa'kin ang lumapit kay Lychee at ginulo ang buhok.
"Tsk. Ano ba Ori, huwag mo nga guluhin buhok ko. Nag-vi-video ako, eh!" sigaw ni Lychee.
"Ba't ka ba nag-vi-video?"
"E, ako ang pinapa-video ni ate. Ikaw daw ang mag-e-edit."
"Ay, ako?" napakamot pa siya sa ulo, "sige. Kailan ba pasahan?"
"Bago sana matapos ang week na 'to. Kailangan na mapasa kay sir. Alam mo naman 'yon prof natin na bading," sabi niya tapos tumingin sa'kin, "ayoko talaga sa kanya."
"Lahat ata tayo ayaw sa kanya, eh," sabi ko nang makalabas na kami ng Arts of TCMU at pumasok dito sa Arts of MTFADVL College.
"Ang ganda!" Halos lahat kami napasabi no'n. Hindi na ako magtataka kung bakit palagi first place ang school na 'yon. Mapa-wall painting, digital arts, sculpture man, wala na kami masabi kundi "ang ganda!"
Kung saan-saan pa kami tinour ni kuya Mason. May sculpture at 3D arts din dito na gawa ng mga local artist. Kanyang-kanya selfie kaming lahat. Lalung-lalo na ang group picture dahil kailangan namin 'yon.
"Hayan, ganyan ka lang March! Pi-picturan kita."
Boses 'yon ni Ayenva. Napatingin kasi ako rito sa isang malaking canvass, naka-frame ito tapos may pulang linya sa sahig. Na parang pinapahiwatig na hindi kami pwede lumagpas sa linya na 'yon.
"Decalcomanie?"
Oo, ganyan ang pagkakabasa ko. May question mark talaga siya.
Tumingin ako kay Ayenva, nag-thumbs up sa'kin kaya naman lumapit ako.
"Oh, hayan. May pang-cover photo ka na," aniya.
"Thanks, Ayeng!" niyakap ko pa ang batang 'to. Napag-alaman ko kanina na mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Gano'n din si Kaye, kaya pala nagkakasundo ang dalawang 'to.
Habang naghihintay kami ng train dito, sakto naman nagbuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang may payong ako. Nag-check muna ako ng phone at in-on ang mobile data.
Chat ni Johnny at kuya Tonni ang bumungad sa notification box ko. Pati rin chat ni Castro.
Luh, ano'ng problema nila?
____________________________________________________--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top