HOW? 10


Prelim exam.


Next week pa naman 'yon. Pero, siyempre, kailangan kong paghandaan. 


Paghandaan ang mga magiging tanong sa exam para mabawi ko ang grades ko sa midterm.


Siyempre, bago lang ako sa mundo na 'to. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng magpa-exam ang mga teacher dito. Nakakatakot. Baka hindi ko na namamalayan na bagsak na ko. Huhu.


Pero. Ngayon...


"Ma'am, pwede po ba erasure?"

"Pwede naman po. Basta walang kopyahan, ha? Madali na lang exams niyo."


Ngayon araw na 'to, Thursday, bigla na lang nagpa-exam si engineer Fey. Nakapag-quiz naman kami no'ng Tuesday kaya naalala ko pa 'yon mga tanong. Binigyan kami ng 30 minutes para makapag-review.


At dahil naging prof ko na siya noong engineering pa 'ko, alam ko na kung paano siya magpa-exam. Simple lang.


Multiple choices lahat.


"Basic!" sigaw na lang ni Dari na nasa pinaka-likod namin. Gusto niya raw doon umupo para makapag-focus siya sa pagsagot. Lahat naman ng bag namin, nasa unahan kaya malabo na makapag-daya kami.


Nakita ko siya na nagpasa ng papel kay engineer. Last two question naman na lang kaya minadali ko na. Naagaw nang atensyon ko ang last part ng exam namin.



Prepared by:

Engr. Fey R. Domingo-Garcia



Awww. May asawa na talaga si ma'am. Akala ko, fake news ang naririnig ko dahil kina Lino noon.


Tumayo na ako nang matapos ko na sagutin ang last question. 50 items palagi ang mga binibigay ni ma'am, naka-focus ako sa mga keywords lagi dahil doon ko nalalaman ang mga sagot.


Lalo na ngayon na Science lang 'to. Walang computation compare sa Chemistry. 


Basic!


"I'm sure mapapasa mo 'tong subject ko, miss Dosal," sabi ni engineer sa'kin nang kinuha niya ang test paper ko. Napansin ko tuloy ang wedding ring niya.

"Kailan po kayo kinasal?" Pasensya na, chismosa na writer ako.

"Six months ago pa. Ngayon ko lang 'to nasuot, palagi ko kasi nakakalimutan," tinignan pa niya ang sing-sing.

"E, buti hindi po nagagalit asawa niyo."

Umiling-iling siya. "Siya nga palagi nakakakita ng sing-sing na 'to sa bahay. Alam niyang makakalimutin ako kaya siya na ang nagtatago ng sing-sing ko."

Hinarap pa niya sa akin ang kamay niya. "Maganda ba?"


May pangit ba na wedding ring?


"Maganda naman po, engineer."

Ngumiti siya sa akin saka niya ulit tinignan.

"Kahit ano'ng klaseng wedding ring ang isuot mo, fake man or original, kung galing naman sa mahal mo at malugod mong siyang tinanggap sa buhay mo, maganda talaga ito sa kamay natin."

Teka, ano ba ang dapat kong sasabihin sa kanya? Hindi naman ako ikakasal.

"Kaya ikaw," tinuro pa 'ko, "don't settle with a man na hindi ka niya kayang i-handle. Okay?"

"Okay po."

Kumurap-kurap na lang siya. "Wala kang boyfriend?"

"Wala po," diretso kong sagot.

"Good! Tama 'yan, mag-aral ka." Tumango na lang ako saka ko kinuha ang bag at lumabas ng room.


O 'di ba? Sayang lang ang advice sa akin ni engineer about sa wedding ring.


Pero, pwede ko rin gamitin 'yon sa magiging kwento ko.


Pero, pucha. Hindi nga pala ako marunong gumawa ng love story.


Ampotek na 'yan. Ano ba mga tips para gumawa ng love story? Kailangan ko pa ba magkaroon ng boyfriend? 


As far as I know kasi, sa mga love story na nababasa ko, palagi may bed scene. Ewan, parang hindi pwedeng walang bed scene sa isang kwento. Pucha, virgin pa 'ko!


Hayun kasi ang goal ko this year; ang makagawa ng isang love story sa Pen Pages.


"Hoy, March!"


Huh? Sino 'yon?


"Dito! Huuy!"


Lumingon naman ako sa likod bago ako humakbang sa hagdanan. Isang maliit na babae ang kumaway sa akin habang may hawak siya ng notebook na pink ang kulay.


"Wait lang!" sigaw pa niya saka siya ulit sumilip sa isang room. Nang maisara na niya ang pinto, agad naman siya tumakbo papunta sa akin.


Medyo familiar ang mukha niya. Naging kaklase ko ba 'to?


"Pupunta ka na sa room natin?" tanong niya.

"H-ha?"

"Ha?" napanganga na rin siya, "ano ka ba! Kaklase kita. Nasa kabilang row ako naka-upo. At saka, kaklase rin kita Humanities. 'Yon prof natin na nakaka-antok magturo."


Ahhh! Shit!


"Oo, ate! Ikaw nga 'yon katabi ko!" sigaw ko saka pa ko tumawa nang malakas. Taena, nakakahiya kay ate!

"Sabi na ba, e! Hindi mo ko namumukhaan. Palagi kita nakikita, sinusubukan kitang tawagin kaso, may nakasaksak na earphones diyan sa tenga mo."

Inakap ko agad si ate. "Sorry na, ate. At saka, wala rin akong suot na salamin tuwing papasok ako." At dahil diyan, inayos ko agad ang salamin ko.

"Ayos lang, ano ka ba." Tumingin siya sa relo niya, "maaga pa. Sa canteen muna tayo."


Nagtitipid po ako!


"Sige, tara."


Pucha, ayoko gumastoooooss!!



# # #


"Ano 'to, ate?"

Hinintay ko muna isara ni ate ang bag niya. "Waffle."

"Oo, waffle nga 'to. Pero, bakit?"

Agad naman siya humarap sa akin habang hawak niya ang waffle. Ang liit niya talaga, as in hanggang chin ko lang ang height niya.

"Almusal natin 'yan." Hinawakan niya agad ang kanan braso ko saka ako hinila. Mabuti na lang nakahanap kami ng bakanteng upuan kaya naka-upo agad kami.

"Libre ko na 'yan sa'yo. Ang payat-payat mo kaya. Hindi ka kumakain sa inyo, 'no?" After niya itanong 'yon, kumagat na siya ng waffle niya.

"Ku-kumakain naman ako. Grabe ka."

"Oh," tinuro pa niya ang waffle ko, "kumain ka na. May hot chocolate na binebenta roon. Bili tayo bago pumasok ng room." 

Ngumiti na lang ako sa kanya saka ko kinagat ang waffle. Heto na ang pangatlong taon ko rito pero ngayon lang nagkaroon ng stall for waffle.


May isang tao na mahilig magsabi sa akin na dapat raw may bentahan ng waffle rito, e. Hindi ko maalala kung sino 'yon.


"Hello? Nasaan na kayo?" Tumingin ako kay ate, may kausap pala sa phone.


Teka, teka! Sino ulit 'yon.



"Bakit ba kasi walang bentahan ng waffle rito?"

Tumingin ako sa kanya habang kumakain kami ng siomai with rice. "Alam mo naman ang school na 'yon, sobrang yaman."

"Tsk, dapat may bentahan sila ng waffle kasi paborito ko 'yon. Para kumpleto na ang almusal ng mga estudyante," sabi niya sabay sumubo ng kanin na... pangatlong cup na ata 'yan.

"Ate! Kanin pa nga ho rito!" sigaw naman niya. Ayan, bale pang-apat na.

Bigla siya tumingin sa pinggan ko. "Gusto mong kanin?"

"Eh? Libre mo ko?"

"Ulol." Pagkatapos, dumating na ang pang-apat niyang kanin.


Napaka-damot talaga ni kuya L, kahit na kailan.


"March!"

Napakurap ako nang sinigaw ni ate ang pangalan ko. Shit, may tao pala.

"Ah? Ano 'yon ate?"

"Hala siya, okay ka lang? Ang lalim ng iniisip mo, ah."

"Ay, hindi naman, ate." Ngumiti pa ako sa kanya. Tumango-tango na lang siya habang ngumunguya.

"Ano pala course mo?"

"Accounting Tech po."

"Ay, accounting? Akala ko pa naman Finance ka."

"Finance?"

"Financial Management," sabi niya. Maya-maya, tumingin siya sa pink watch niya.

"Halika na, nandoon na sina Ferlina at Nana," sabi niya saka na siya tumayo habang bitbit niya ang kanyang backpack at waffle.


Wait, kaklase rin niya ang dalawa na 'yon?


"Tara na, March. Bibili pa tayo ng hot chocolate," sabi niya.

"Ah. Sige, ate. Ikaw na lang, nagtitipid ako."

"Ha? Sagot ko naman, e. Dali na." 


Lumapit na siya sa pwesto ko saka na niya ako hinihila patayo. Kinuha ko na lang ang backpack ko at pinuntahan ang stall na 'yon.


"Heto sa'yo, March." Iniabot niya ang isang malaking cup ng hot choco sa'kin. Mauubos ko ba 'to?

"Hati kami rito nina Ferlina at Nana, baka kasi hindi ko maubos e." Tumingin ako sa kanya, sinimulan na pala niya ang pag-inom. "Hmm! Tamis!"


Aba, bakit kaya nanlibre 'to?


Bigla na lang siya tumingin sa akin. "Ayos ka lang, March?"

"Ay, oo naman, ate. Ayos lang ako," sabi ko habang naglalakad na kami papunta sa room kung saan doon ang klase namin which is, Arts Appreciatioooon!


Teka, ano ba ang pangalan niya?


Pa'no ko ba tatanungin ang pangalan niya? Para naman makapag-thank you ako nang hindi ate ang tawag ko sa kan—


"Ate Hailea!"


Ate Hail—ano?


"Hoy, ang aga niyo naman! May 15 minutes pa tayo."

"Ano ka ba, ayos lang 'yan, ate." Lumingon ako sa kaliwa, sina Ferlina at Nana pala ang mga 'to.

"Hi ate March," sabi ni Nana saka siya lumapit sa akin at yumakap.


"Hello."


Weird.


"Masarap?" tanong niya nang makawala siya at tinuro ang hot choco na bitbit ko.

"Sakto lang. Tikman mo." Inabot ko naman sa kanya ang inumin saka naman niya ininom. 

Bigla siya tumingin sa at mukhang gulat na gulat ang bata. "Ang tamis pala nito!"

"Sabi sa'yo, e! Sobrang tamis nga!" sigaw ni ate kaya napatingin ako sa kanya. Si Ferlina na pala ang umiinom.

"Ang sarap naman!" sigaw ni Ferlina tapos tumingin siya sa akin at ngumiti.


Wait lang, bakit ba ako sumasama sa mga 'to?


"May tao na ba sa loob ng room? Ang init, e."

Napatingin ako kay Nana. "Ikaw ba naman hindi mainitan dahil sa ininom mo."

Umiling pa siya. "Hindi, kanina pa talaga mainit."

"Tara, puntahan na lang natin. Baka wala naman talaga gumagamit." Pagkatapos sabihin ni Ferlina 'yon, agad naman kami naglakad papunta sa room. 


Tumingin ako sa kaliwang braso ko, kapit kung kapit talaga sa akin si Nana, akala mo naman mawawala siya rito. Partida, mas matangkad pa siya kaysa sa'kin.


"Ang payat mo pala ate March," sabi pa niya habang hinihimas ang braso ko.

"Alam ko, huwag mo na sabihin pa."

"Kaya siguro nainlove sa'yo si Castro, e!"

Agad naman ako lumingon nang marinig ko ang hinayupak na surname na 'yon. "Ha?!"

"Ha? Boyfriend mo na si Castro?" tanong bigla ni Ferlina sa akin.

"Ha? Sino si Castro?" tanong naman ni ate... ano ulit pangalan nito?

"Kaklase namin ate Hailea tapos crush ni ate March."

"Gaga! Hindi ko crush 'yon!" Hayan, namura ko tuloy si Nana, huhu.

"Hindi raw pero concern ka sa kanya last time." Naka-ngiti pa siya sa'kin nang sabihin niya iyon.


Yuck, hinding-hindi ako magkakagusto sa pinipig na 'yon. Eww.


Pagpasok namin sa room, hindi pa rin ako binibitawan ni Nana hanggang sa maka-upo na kami. Hindi naman kami magkatabi pero, tumabi muna siya sa akin. May katabi ako na babae rito, adik sa K-pop 'yon.


"Wala naman tayong assignment, 'di ba?" tanong ni ate...


Ugh, hindi ko na kaya!


"Ate, patingin nga ng ID mo. Hindi ko na alam kung ano'ng itatawag ko sa'yo, e."


Ang bait naman nito, pinakita nga niya sa akin ang ID niya.


Ah, heto ang name niya.


GREGORIO, HAILEA JANE D.


"Ah. Hailea! Ikaw si ate Hailea!" Agad ko naman binalik sa kanya ang ID.

"Oo! Ako si Hailea! Ate Hailea mo 'ko, ha?!" tunog galit pero hindi siya galit dahil nakangiti siya.

"Oo na ate. Sorry talaga, hindi ko agad natanong pangalan mo."

"Okay lang, March. At least, alam mo na pangalan ko." Pagkatapos, inakap pa ako ni ate Hailea.


"Hoy, tingin dito."


Lumingon naman kami kay Ferlina, nakatutok na pala sa amin ang camera na naka-selfie mode. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumama sa picturan nila pero, nakakapit sa'kin si Nana kaya ngumiti na rin ako.


"Ate, i-post mo sa Insta, ah."

"Oo, ita-tag ko kayo," sabi ni ate Hailea saka niya kinuha ang phone. Maya-maya, bigla niya inabot sa akin.

"May instagram ka?"

"Ah, meron. Pero, sa PC ako nag-o-open. Ang pangit ng camera ng phone ko, e."

"Okay lang 'yan. I-type mo insta mo para ma-tag kita," sabi niya. Kinuha ko naman ang phone niya saka ko tinype.


Pagkatapos, kong ibigay kay ate ang phone, napatingin ako kay Nana. Nakatingin pala siya sa hawak ko.


"Heto, ubusin mo na. Sobrang tamis talaga," inabot ko na kay Nana ang hot choco sa kanya. Pati ang natirang waffle, binigay ko na rin.

"Thank you, ate. Sakto hindi pa ako nag-almusal."

"Hala, bakit hindi ka kumain sa inyo?"

Nagkibit-balikat lang siya habang ngumunguya ng waffle. Mabuti hindi narinig nina Ferlina at ate ang sinabi ni Nana.


"Hello, good morning."


Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng good morning, babae ang boses.


"Hoy, Lychee! 'Kala ko hindi ka na naman papasok, e!"

"Good morning din, Lychee babes!"

"Hulaan ko, hinarangan ka na naman ng guard, 'no?"


Isang maputing babae na may pink na lipstick ang lumapit sa pwesto namin. Binaba niya ang bag sa likod ng row na 'to. Pagkatapos, niyakap niya si Nana.


"Hindi naman kasi blonde 'tong buhok ko. Golden copper 'to, ate."

 "Hulaan ko, babaeng guard ang humarang sa'yo?" tanong ni Ferlina.

"Oo! Jusko! Inggit ba siya sa kulay ng buhok ko?" Nag-hair flip pa ang loka. "Well, mainggit siya dahil may kulay ang buhok ko kaysa kanya. Char!" saka siya tumawa nang malakas.

"Hoy, na-cu-culture shock sa'yo si ate March!" sigaw na lang ni Nana.

Nakangiti siya nang tumingin sa akin. "Ay, sorry naman March." Lumapit siya sa akin at inakap ako. Hinihimas na rin niya ang braso ko.

"Grabe naman ang kapayatan mo, March. Kumakain ka pa ba?" tanong niya.

"Kumakain pa ko, grabe 'to," sabi ko habang nakangiti sa kanya.


Weird. Wala akong ramdam ng pagiging plastik sa mga babae na 'to.


Ano'ng ibig sabihin nito?



____________



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top