HOW? 1


Isang mahangin na umaga ang naramdaman ko habang ako'y naglalakad papunta sa punyeoh, sorry. Sa bagong building na 'to.


Actually, hindi siya bagong building. Lumang building na raw 'to sabi ng mga 4th year. Dito raw mas nagpaparamdam ang mga multo kapag seven ng gabi.


Alas otso pa lang ng umaga, eight-thirty ang klase ko. Nakaka-kaba lang dahil ako lang ang mag-isa ngayon.


Hindi na akong Electrical Engineering student. Isa na akong Accounting Technology student. Nakaka-iyak, hindi na ako magiging engineer. Isa na akong office girl!


Napatingin ako sa ID at registration form ko. Nag-iba ang course ko, ganoon pa rin naman ang student number ko. Pati mga subjects ko, iba na rin.


Nang makarating ako sa third floor, napa-upo ako sa sahig, sa tapat ng room na papasukan ko mamaya. Ako lang ang tao rito sa hallway. Buti na lang may saksakan kaya icha-charge ko muna 'tong phone.


Dati, hindi kami dumadaan dito. Isang beses lang, hayan 'yon final examination namin sa Analytical Geometry, taena talaga.


Ganito 'yon feeling no'ng first day ko rito, literal na first year, kinakabahan kasi hindi ko alam kung ano'ng mangyayari. Magkakaroon ba ako ng mga bagong kaibigan dito? Sana naman may pogi, kaso, nasa business course ako. Expect kong puro babae ang mga tao rito.


Kumusta na kaya silang lahat? Lahat sila, pasado. Ako lang 'tong bagsak sa tatlong Math subjects. No'ng sinabi ko kay nanay na bagsak ako, sinabi niya na mag-shift na 'ko para hindi ako tumagal sa college. 


Kaya ko naman kasi ituloy. Kaya lang... kainis. Mahuhuli kasi ako sa kanila. Baka may major subjects na ang iba sa kanila. Kaasar. Hanggang ngayon, ang sama pa rin ng loob ko.


Pero, sabi nga ni Clara, heto na lang ang paraan para makapagtapos ako.


Kaso, wala naman akong kakilala rito! Ahuhu.


'Di bale, magkakaroon din naman ako. Hindi ko alam kung kailan, basta.


"I love you, babe."

"I love you, too."


Eww, sa'n ba galing 'yon? Bakit umecho sa hallway?


Napansin ko ang mag-jowa na 'to sa isang classroom, isang lalaki na marine student at isang ordinaryong student na babae ang magkayakap ngayon. 'Yon lalaki ang nasa loob ng classroom. 


Late na siya ah, bakit nagagawa pa niya makipagyakap sa jowa niya ngayon? Ay teka, late ba talaga siya o wala pang tao sa classroom na 'yan.


Actually, unting-unti na nag-iingay dito sa third floor. Puro ingay ng mga lalaki, particular, mga naka-uniform na pang-marine engineering. Sabay-sabay sila nagtatawanan habang naglalakad papunta sa room na... nandoon ang mag-jowa na magkayakap kanina.


So, nasa floor pala ang ako ng Marine Engineering department. Hinayupak, totoo nga ang sinabi nila.


Maiingay ang mga marino.


"Nandiyan na si ma'am!"


Kanyang-kanya pasok naman ang mga marino na 'to. 'Yon babae, agad na nag-babye sa boyfriend niyang marino saka siya naglakad papunta rito.

At umupo sa tabi ko.


Hala, magiging classmate ko ba 'to?


"Kilala mo ba kung sino ang magiging prof natin?"

"Ah, e, malay ko. Kaka-shift ko lang kasi."

Tumango naman siya, "ano bang course mo noon?"

"Ano, Electrical Engineering."

"Ngayon?"

"Accounting Technology."

"Ay, talaga? Buti hindi ka pinag-take ng Logistics Management."


I-kwento ko kaya sa kanya 'to...


-2 WEEKS AGO-


Ang sama-sama talaga ng loob ko. Sabi ko hinding-hindi ako magshi-shift, e!

Bakit ba kasi ako hindi pinayagan maging doktor ng mga aso? Ano ba ulit tawag sa kanila?

Ah, vet. Shunga ka, Marso.

Nakarating na ako sa business department, hindi ko alam kung sino ang dapat kong lapitan para maharap ang chair department nila. E, siyempre, baguhan ako kaya hindi ko kilala ang mga staff nila sa loob. 

Bakit ba ang daming tao? Sa loob ba talaga pwede magpa-consult?

Mabuti na lang may bulletin board dito, hinanap ko agad ang organization chart nila. At nakita ko na ang chair department nila.


"Blessica Veherra?"


"Yes, miss?"


Napalingon naman ako sa likod. Ako ba ang tinatawag?

Mukhang oo kasi nakatingin siya sa akin habang may hawak siya na pink mug. Nakasalamin po ako ngayon. Lakas naman ng pandinig niya.

"May concern ka ba, miss?"

Hindi ko na nagawa magsalita pero pinakita ko naman ang shifting form.

"Ah, okay. Tara sa loob."

Agad naman ako tumakbo papunta sa pinto para mabuksan ko, may iba pa kasi siyang hawak bukod sa mug. Saka na rin ako pumasok.

"Oh, why are you still here girls?" tanong niya sa mga babae na naka-upo ngayon malapit sa table ng mga prof.

"Ma'am Blessi, papirma naman po kami."

One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten. Sampu sila nandito sa loob.

"Accountancy ba kayo?"

"Yes po."

"Nasa office na si Dean kaya sa kanya na kayo pwede magpa-pirma."

"Ay sus, manenermon na naman 'yon sa amin, ma'am Blessi." Nakita ko na napakamot si ate sa batok niya.

"Kahit ipirma ko 'yan ngayon, hahabulin niyo pa rin si Dean."

Kanya-kanyang bulungan na ang mga babae na 'to. Nagpaalam naman sila kay ma'am saka na sila lumabas.

Shet, kaming dalawa lang pala rito sa faculty.

At saka, ma'am Blessi talaga ang tawag sa kanila? Ano 'yon, namimigay ba siya ng blessing sa mga estudyante rito?

Pinapasok naman niya ako sa mismong office niya at pinaupo. Binigay ko agad ang lintek na shifting form na hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang sama ng loob ko.

"So," nag-suot muna siya ng salamin saka siya nagbasa, "ikaw si March Monarie Dosal."

Malamang.

"Opo."

"Ah, so you're an Electrical Engineering when you entered here."

Ang sakit talaga!

"Opo."

Agad naman siya tumingin sa akin. 

"Why Accountancy?"


Holy molly, job interview ba 'to!?


Kaya mo 'yan, self. Sabihin mo na lang ang totoo.


"Ah, kasi po, sinuggest po ng nanay ko na mag-Accountancy ako. Kaysa naman po magtagal po ako sa engineering, sayang po ang oras at pera."

Tumango-tango siya habang nakatingin sa akin. May follow-up question pa ba 'to?

"If you want to take this course, you have to maintain your GPA na 2.50. And then, kapag 3rd year ka na, required ka na magtake ng qualification exams namin. Doon natin makikita kung pwede mo pa ituloy ang Accountancy."


Sus ginoo ka, ang alam ko may board exam ang mga Accountancy graduate. Bakit may ganito arte pa sila?


"Five years din ang Accountancy, miss March."

Ay, akala ko four years lang.

"Kung gusto mo maging accountant, I suggest na mag-take ka ng Accounting Technology."

"Ano po 'yon?"

"Same lang din siya ng Accountancy kaya lang, four-year course 'yon. If you want to take Accountancy, kailangan mo rin magtake ng qualifying exam kapag nasa 3rd year standing ka na."


Accounting Technology? Parang ngayon ko lang narinig 'yon, ah.


"Or, pwede naman sa bagong course ngayon which is Logistics Management. Four-year course rin 'yon."

"E, anu-ano po ba ang mga subjects sa Logistics, ma'am?"

"Wait." Tumalikod muna siya sa akin at nagbukas siya ng mga drawer. Maya-maya, humarap siya sa akin.

"Wala akong copy ng prerequisite course ng Logistics, e. Hingi ka na lang sa registrar office."


Potek, papupuntahin pa ko sa registar, ang babagal kumilos ng mga tao roon.


"Accounting Technology na lang po ang kukunin ko."

"Sure ka, miss March?"


Pocha, ganda pakinggan ang Logistics, hindi ko naman alam meanong no'n. At least, 'pag Accounting Technology, alam nilang accounting 'yon mga subject.


"Opo."

"All right," sabi niya tapos kinuha niya ang correction tape. Binura niya ang Accountancy saka niya sinulat ang Accounting Technology at pumira na rin.

"Welcome to business department, miss March Marie Dosal. See you around," aniya nang iabot sa akin ang lintek na shifting form. Oo, lintek pa rin ang shifting form na 'to.

At dahil ngumiti siya, ngumiti na rin ako.

"Thank you po."

Tumayo na ako at lumabas na faculty. Ang lamig sa loob!



----


"Ah, buti ka pa nakaka-usap mo si ma'am Blessi. Sure pass 'yon kapag naging prof mo sa mga management subjects," sabi na lang ni ate.

Wait, may subject ba ako ng management?

Narinig ko na lang ang pagtunog ng bell. Agad naman bumukas ang pinto at lumabas na ang mga estudyante sa room na 'to.

"Tara, pasok na tayo."

Hinila ko muna ang charger saka ko binitbit ang bag at sumunod sa kanya. May ilan estudyante na naiwan dito. Baka classmate ko rin sila.

Umupo kami ni ate malapit sa bintana. Alam ko naman na alphabetical order ang seating arrangement kaya, dito na lang muna kami.

Nilabas ko agad galing sa bag ang registration form ko, next subject ko pala ay management din. Si ma'am Blessi kaya ang magiging prof ko?

Unting-unti na dumadami ang classroom na 'to. May iba na magkakakilala na akala mo, five years na hindi nagkikita. 

May iba naman na katulad sa amin ni ate, tahimik. May sariling mundo, ganoon.

Kung hindi ako nag-shift, malamang kadaldalan ko na si Clara ngayon. Or, kahit si Jasmeng at ate Mika.

Shet, nakakamiss silang lahat.


"Sino kaya ang prof natin?"

"Ewan ko, pare."

"Naku, late na naman ang unggoy."

"Hindi late 'yon. Hindi 'yon papasok."

"Ay, nag-chat. Paakyat na raw."


Ang iingay ng mga lalaki sa likod ko. Kainis, hindi ako pwede mag-on ng data sa phone, hindi pa 'ko full charge.


"Ay, hayan na pala ang unggoy."


Matingin nga sa likod, baka pwede ako magsaksak ng chargershit!


Shit!


Humarap ka sa white board, Marso!


Pambihira naman kasi, bakit wala akong suot na salamin ngayon?


Si kuya L ba 'yon? 'Yon buhok niya kasi at saka 'yon tindig ng katawan niya, kamukhang-kamukha.


Wala na akong narinig sa likod. Sakto naman na may pumasok, prof na namin 'to.

"Hello, good morning. My name is Jazlene Espirito, your professor for this first semester."

"Good morning po, ma'am!"

"Ay, ang lakas naman ng boses na nasa likod, ah."


Good, binigyan niyo ng dahilan para lumingon sa likod. At...


Shet.


Nakatingin pala siya sa'kin. Hindi nga siya si kuya L. Pero, tama naman ang sinabi ng mga tropa niya...


Mukha siyang unggoy.



______

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top