CHAPTER 2

Chapter Two

Chaos


"Tanghali na! Magsitayo na, bilis!"

Nagmamadali akong nagbihis habang naglalakad sa labas ng mga kwarto ng kapatid ko.

Isa-isa ko iyong kinatok kasabay ng pagtatali ko sa aking buhok at pagpupulot ng mga nakakalat sa sahig.

"Ako muna!" Nag-unahang tumakbo sina Ramiel at Rigel sa banyo.

"Damn it!" inis na hiyaw ni Ramiel nang mauna si Rigel sa loob.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa kwarto ni Cassiopeia at Zuben.

"Five thirty!" sigaw ko sa kanilang dalawa na pupungas-pungas pa at halos hindi pa maidilat ang mga mata nang maayos.

Maaga ang pasok nilang apat kaya ako ang nagsisilbing alarm clock nila araw-araw.

"Rigel! Bilisan mo!" Bumalik ako sa banyo at kinatok ulit 'yon.

Makalat. Magulo. Maingay.

'Yan ang tatlong M sa buhay ko araw-araw. Sa loob ng labing-walong taon ko sa mundo ay kasabay ko na yatang iniluwal ang lahat ng 'yon.

Idagdag pa pala ang isang M na ang ibig sabihin ay mahirap. Bumaba ako sa second floor at dumiretso sa kusina para maghanda ng pagkain ng mga kapatid ko.

Inilagay ko ang tinapay sa toaster. Nilagyan ko rin ng tubig ang takure at isinalang sa kalan. Sinulyapan ko ang malaking orasan na nakakabit sa puting dingding. Napailing ako nang makitang nakahinto 'yon at hindi na gumagana.

"Rigel! Sinabi ko naman sa 'yong palitan mo ng baterya 'yang orasan! Male-late pa kayo dahil diyan e!" reklamo ko nang makita itong bumaba sa hagdan habang nagpupunas ng basang buhok.

Tumango-tango naman siya. "Sorry. Mamaya bibili ako ng baterya bago umuwi."

Umibis siya sa tabi ko at kinuha ang tinapay sa toaster saka pinalitan ng panibago.

"Kape o gatas?" tanong ko sa kanya.

"Kape," sagot niya naman.

Maya-maya pa'y bumaba naman si Ramiel na nakabihis na rin dala ang kanyang itim na backpack. Kinuha niya ang tinapay sa counter at nilagyan 'yon ng palaman bago lantakan.

"Walang gasgas o black eye pag-uwi, Ramiel. Naintindihan mo?!" Tinulungan ko siyang gawin ang mga tinapay para kina Zuben at Cassiopeia.

Ngumisi naman ang kapatid ko at kalaunan ay tinawanan lang ako.

"Seryoso ako!"

Inirapan ko siya at pagkatapos ay pinatay na ang nagwawalang takure na nakapatong sa kalan.

Kinuha ko ang mga tasa sa gilid at isa-isa iyong nilagyan ng mainit na tubig. Tinimplahan ko ng gatas sina Cassy at Zuben habang kape naman ang kina Ramiel at Rigel.

"May project nga pala kami, ate," pagkuha ni Rigel sa atensyon ko.

Napabuntong-hininga na lang ako sa narinig. "Magkano?" Pinilit kong halungkatin ang lahat ng bulsa ko pero tanging dalawang piso lang ang nakuha ko roon.

Kahit na binigyan naman ako kagabi ni Nana ng pera ay naubos na rin kaagad dahil sa pag-grocery ko.

"Ako na ang bahala. Sinabi ko lang para alam mong male-late ako ng uwi mamaya," aniya.

Nakahinga ako nang maluwag. I nod at him.

"Basta walang gasgas at galos. Kayong dalawa, kung pupwede ay iwasan n'yo naman ang makipag-away kahit ngayong linggo lang." Matalim ko silang tinitigan at tinaasan pa ng kilay si Ramiel na tatawa-tawa lang sa akin.

This guy is killing me! Manang-mana talaga sa pinagmanahan ang isang 'to! Kung hindi ko nahuhuling amoy alak o sigarilyo ay palagi namang may pasa sa katawan! Gusto yatang maging boksingero balang araw.

"Skyrene Del Rio, I'm not gonna let a douchebag piss me off. Kung kaya ko siyang patumbahin kaagad sa harapan ko ay gagawin ko," matigas niyang rason habang isinusubo ang tinapay at sumisimsim sa kape.

Tumawa si Rigel kaya pati siya ay sinamaan ko ng tingin.

Lumapit ako sa lamesa nang bumaba na rin si Zuben at Cassy. Inilapag ko sa harapan nila ang gatas at ang mga tinapay na nilagyan ko ng peanut butter.

"Don't call me Skyrene, Ramiel. 'Ate' ang itawag mo sa akin. Have some respect!" Piningot ko ang tainga niya.

"Aray, Sky!" reklamo niyang tumayo na sa lamesa. "Hindi bagay ang 'ate'. Isa pa, we're almost twins! Tsk! Mauna na nga ako." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ni Rigel.

"Sabay na ako, kuya!" aniya't humalik na sa akin.

Nagkumahog tuloy si Zuben at Cassy na inumin ang mainit na gatas na inihanda ko para masabayan na ang dalawa pang mas nakatatanda. Baon ang tinapay ay iyon na ang kakainin nila habang papunta sa eskwelahan.

"Be good, okay?" Ginulo ko ang buhok ni Zuben.

"Ramiel, mag-iingat kayo," paalam ko habang pinagmamasdan silang bumababa ng hagdan patungo sa sira at makalawang naming gate.

Kumaway lang nang patalikod si Ramiel sa akin at kumindat naman si Rigel.

Sinundan ko ng tingin ang mga kapatid ko hanggang sa makasakay sila ng tricycle.

Agad akong napabuntong-hininga nang isarado ko ang pinto matapos silang mawala sa paningin ko. The silence sends shivers down my spine.

This is my life. The corners of this old, messy house is my everything. Bukod sa laman ng bahay na ito at mga kapatid ko ay wala na akong kayamanan.

Sabi nila, hindi ka pa raw ipinapanganak ay nakahanda na ang mga mangyayari sa buhay mo. Kung baga, ayos na at nakalatag na ang lahat. At ikaw, mabubuhay ka na lang at pilit na lalabanan ang mga pagsubok na naka-plano para sa 'yo.

How unfair is that?

Kung sa buhay na ito ay malas na kaagad ako, pupwede kayang malaman kung ano ang ginawa kong kasamaan sa huling buhay ko at bakit ako pinarusahan nang ganito?

Sa buhay na ito, maraming tao ang makikilala mo—mga taong magpapasaya at bubuo sa pagkatao mo at mga taong patuloy na sisira sa 'yo.

Napangiti ako nang mapait sa naisip. Bakit kaya ganito ang ibinigay sa akin ng Panginoon? May nagawa ba akong masama sa kanya at hindi niya ako ipinanganak na mayaman?

Ilang beses ko na nga bang naging tanong ang bagay na 'yon?

Hindi naman sa ayaw kong makasama ang mga kapatid ko sa hirap pero bakit kami ganito kahirap?

Bakit kami iniwan ng mga magulang namin? Five kids. Lima kaming iniluwal at ginawa nila pero nagawa nila kaming iwan nang basta na lang.

Siguro nga ipinanganak akong malakas at matapang. 'Yan lang siguro ang dapat kong ipagpasalamat sa lahat ng kamalasang natatamasa ko ngayon.

I'm raising my four siblings. Pati ang sarili ko ay ako lang ang sumusuporta. Nag-aaral ako kahit ilang subjects sa pangalawang taon ko sa kolehiyo. Hindi ko na kasi kaya ang full load dahil sa trabaho at pag-aalaga sa mga kapatid ko.

Si Ramiel ang sumunod sa 'kin. Isang taon lang ang agwat naming dalawa kaya minsan ay pinagkakamalan talaga kaming kambal.

Sumunod sa kanya si Rigel. Taon-taong nanganak si Arlette, ang nanay namin, kaya magkakasunod lang kaming tatlo. Naiba lang nang manganak siya kay Cassy, limang taon pagkatapos ni Rigel. Kasunod naman niya ang bunso naming si Zuben.

Simula nang iwan kami ng mga magulang namin ay ako na ang tumayong nanay at tatay ng mga kapatid ko.

Si Ramiel na sumunod sa akin. Kahit na may pagka-maangas at minsan lang kung umuwing walang pasa, ay masipag namang mag-aral. Hindi rin siya nagpapahuli dahil kahit na barumbado ay likas siyang matalino at nangunguna pagdating sa klase.

Si Rigel naman ay kabaliktaran ni Ramiel. Kung ang una ay mahilig sa academics, ito naman ay sa mga sports nangunguna. Track and field, volleyball, swimming at ang pinakamagaling siya sa lahat ay ang basketball.

Napangiwi ako nang maisip ang mga mangyayari kung sakaling mag-aaral na sila sa kolehiyo. Hindi ko gustong maputol ang pag-aaral ni Ramiel dahil nahinto na ito noon kaya gagawin ko ang lahat para lang maigapang sila at makapagtapos ng pag-aaral.

Si Cassiopeia, kahit na bata pa, ay alam niya na kung paano makakatulong sa kahirapan namin. Nagbebenta siya ng kung ano-ano sa school para tulungan akong mag-ipon. Minsan ay tinutulungan siya ni Zuben sa paggawa ng polvoron at mga yema kahit pa aso't pusa ang relasyon nilang dalawa.

Inilibot ko ang paningin sa makalat naming bahay. Yung couch na punong-puno ng damit na hindi ko mawari kung malilinis na ba o mga labahin pa.

Yung TV na naging old school na dahil sa pagkapal ng likod nito gawa ng alikabok.

Ngayong Lunes, dahil Lunes lang ang araw ng pahinga ko sa kada linggo, ay nakatoka naman ako sa paglilinis ng makalat naming bahay.

Pero kahit saan ako lumingon ay hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa. Napailing ako at bumalik na muna sa kusina para kumain ng agahan.

Pagkatapos ko naman ay kinuha ko ang lahat ng maruruming damit ng mga kapatid ko at idiniretso sa luma at maingay naming washing machine.

Nag-inat ako ng katawan at ipinusod nang maayos ang lampas balikat kong itim at tuwid na buhok. Sinimulan kong linisin ang kwarto ko.

Pagkatapos ko roon ay isinunod ko naman ang kwarto nina Ramiel at Rigel. Tumagal yata ako ng tatlong oras para lang maayos ang sobrang kalat nilang kwarto.

Inurong ko ang dalawang kama at nag-vacuum sa ilalim nito. Halos mapamura ako nang may lumabas na ipis sa ilalim ng kama ni Rigel.

"Shit!" Eksaherada kong pinagpapapalo ng vacuum ang kawawang ipis.

"Antonio naman! Huwag ngayon dahil pagod na pagod na ako!" inis kong bulyaw sa nadurog na ipis at v-ina-cuum na ito.

Hindi naman ako takot sa ipis, nakagugulat lang dahil mabilis silang maglakad at kung saan ka pupunta ay roon pa talaga sila susunod.

Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta naman ako sa kwarto nina Cassy at Zuben. Hindi ako masyadong nahirapan dahil bilang babae, malinis naman si Cassy.

Napailing ako nang makita ang isang Playboy magazine sa ilalim ng unan ni Zuben. This is probably Ramiel's! I guess boys will be boys regardless of their age, huh?

Idiniretso ko sa basurahan ang magazine at nagpatuloy sa pag-vacuum.

Isinunod ko naman ang bathroom sa itaas, at pagkatapos ay sinimulan na ang masalimuot na kalat sa living room. Tinakpan ko ang ilong ko nang pumunta sa mukha ko ang lipad ng alikabok.

"Bwisit!" Hinampas ko ang vacuum na tumigil sa pagsipsip ng dumi.

Pasalampak akong naupo sa sahig para tingnan ang humintong bagay. Pinukpok ko ang katawan nito at inalog nang kaunti.

"Huwag ngayon, please!" patuloy kong dasal habang pinipindot ang start button.

Napangiti ako nang umilaw 'yon at muling gumana. Halos halikan ko na siya dahil sa pakikisama niya sa pagiging katulong ko ngayong araw!

Palubog na ang araw nang matapos ako sa paglilinis. Humiga ako sa couch at pumikit sandali para magpahinga, pero hindi natuloy dahil sa narinig kong ingay ng mga kapatid kong parating.

Tumayo ako kaagad at pinagbuksan sila ng pintuan. Kahit na pagod na ang kaluluwa ko ay nagawa ko pa rin silang salubungin nang nakangiti. Ito siguro ang masayang parte ng obligasyon ko. 'Yong hindi ko kailanman naramdaman na mag-isa ako.

"Sapatos pakitanggal..." Tinuro ko ang gilid para lagyan ng mga sapatos nila.

"Sapatos," ulit ko nang kunutan ako ng noo ni Zuben.

Nagkibit-balikat siya at ginawa na lang ang sinabi ko.

Cassy kisses my cheek.

"Kumusta, Cass?" tanong ko.

"Okay lang, ate. Sold out!" sagot naman niya at dumiretso sa lagayan ng mga sapatos habang bitbit ang kanya.

Ikinulong ko kaagad ng palad ang mukha ni Ramiel at tinitigang maigi sa posibleng pasa o galos na natanggap niya ngayong araw.

Natatawa niyang hinawi ang kamay ko. "Wala, Sky. I'm good today," giit niya.

"Dapat lang, Ramiel!" Inirapan ko siya.

Tamad siyang dumiretso papasok pero agad kong naharang.

"Sapatos!" hiyaw ko.

Napailing siya at tamad na ginawa ang gusto ko.

Ngayong gabi, imbes na magpapahinga na lang ako ay magluluto naman ako para sa hapunan namin. Hindi na nakasalo sa amin si Rigel dahil sa sinabi nitong project kanina.

"Sana laging Monday, ate!" masayang sabi ni Zuben habang nanonood kami ng isang action movie.

Pagkatapos naming maghapunan ay diretso kaming nanonood ng isang movie bago magsipanhik sa taas. It's part of our daily family routine.

"Bakit naman?" Tumabi siya sa 'kin kaya inakbayan ko siya.

"Ang linis ng bahay, e. At ang bango pa." Ngumiti siya at niyakap ako.

"Kung hindi ka makalat, e 'di sana palaging mabango at malinis," natatawa kong sabi sa kanya.

Ngumuso lang siya at itinuro si Cassy. "Mas makalat kaya siya."

"I'm not!" maarteng sabi ng kapatid ko.

Tumayo siya at nilapitan ako. "Gagawa ako ng yema, ate. Hindi ko gusto yung palabas." Tumango ako kaya dumiretso na siya sa kusina.

Ngumisi naman si Zuben at sinundan ang kapatid. Sunod ko na lang narinig ay ang mga angal ni Cassy dahil sa pambu-bwisit nito.

Nabaling ang pansin ko kay Ramiel na nasa ibaba ng couch at nakahilig ang ulo sa inuupuan ko. May kinuha siya sa bulsa at ibinigay sa akin.

"Nag-tutor ako kanina," aniya tukoy sa iniabot na pera sa kamay ko.

"Ram, sinabi ko namang hindi na kailangan." Ibinalik ko sa kamay niya ang pera.

Tumayo siya at lumipat sa tabi ko.

"Sky, malapit na dumating ang mga bills. Alam kong hindi pa sapat 'yang kita mo sa mga raket mo. Tsaka may pera pa ako, you don't need to worry about me. I can handle myself," aniya at inilagay na ulit ang pera sa kamay ko.

Wala na akong nagawa. Tama siya, darating na ang mga bayarin namin, pero hindi ko pa rin napupunan kung magkano 'yon. Letse kasi ang mamasang sa isang bar na pinagtrabahuan ko noong nakaraang gabi! Gusto pa akong ibenta!

"Salamat. Ibabalik ko na lang kapag kailangan mo," sabi ko.

Tumango siya at bumalik na ulit ang atensyon sa panunuod. Para akong nag-intense workout habang paakyat sa hagdan. I'm exhausted. Parang buong lakas ko simula nang ipinanganak ako ni Arlette ay ngayon lang tuluyang naubos.

Bagsak ang balikat ay hinayaan kong padapa akong mahulog sa kama ko. This is too much. Naiisip ko kung nasaan ako kung mayaman kami. I would probably be partying right now with my elite friends. Iyong uuwi ako nang lasing at sumusuka pero tuwang-tuwa sa nangyaring party.

Mahihinang katok ang gumising sa kahibangan ko. Napaupo ako sa kama nang maramdaman ang pagbukas ng pinto.

"Ate..." Si Cassy.

"Pasok ka."

Nakangiti siyang pumasok sa kwarto ko dala ang bundok ng magazine at kung ano-ano pa. Tinapik ko ang kama para anyayahan siyang maupo roon.

Hindi pa pala tapos ang araw ko. I still need to help her with her homework.

"Natutulog ka na ba?" kunot-noo niyang tanong.

Umiling ako.

"Tapusin na natin, maaga pa tayo bukas," tanging nasabi ko na lang.

Tumango siya at inisa-isang ilatag ang mga hawak na magazine sa kama ko. Nang makapili siya ay agad niyang kinuha ang gunting para mag-gupit ng ilang litrato roon.

Kinuha ko na rin ang gunting para tulungan siya pero sadyang napako ang tingin ko sa dalawang outdated na magazine na may halos parehong cover. Ibinaba ko ang gunting at binuksan 'yon.

I've seen this before, ang ganitong magazine, pero hindi ko naman iniintindi noon dahil galing sa Cebu iyon base sa cover.

Kung hindi English ay may halong Bisaya ang salitang mga nakasulat sa eksklusibong papel, kaya hindi ko na rin inaabala ang sarili, but it's different this time. Hindi ko maintindihan kung bakit lumakas ang pagkakuryoso ko sa magazine na 'yon.

Sa unang buklat ko pa lang ng hawak ay kumalabog na kaagad ang puso ko. Siya! Siya iyon! Sinabi ko na nga bang nakita ko na ang damuhong 'yon noon! Hindi ko lang alam kung sa magazine lang ba o pati sa Las Deux!

But I'm pretty sure this is the same man in the red car! Kahit na mas mukha siyang Adonis na masarap yakapin sa litrato dahil sa ngiti niya ay mas gwapo pa rin ito sa personal.

Damn...

Wala sa sariling idinala ko ang mga daliri sa mukha niyang nakalagay sa pangalawang pahina ng magazine.

Inilapit ko sa mukha ko ang babasahin.

Eros Ziege Abreantes Vergara will be the new chairman of The Abreantes Vergara Land Development Corporation. With the death of his mother Lillian Abreantes Vergara and early retirement of Samuel Vergara, the company will be turned over immediately...

Halos malula ako sa napakarami pang impormasyong nababasa ko tungkol sa lalaking nakalagay sa magazine!

Kaibigan ni Jaxel ang anak ng isa sa mga real estate tycoon sa bansa?!

Ilang magazines pa ang binuklat ko at lahat 'yon ay tanging papuri sa kanilang pamilya ang nakasaad. Kung matanda na itong magazine ay ibig lang sabihi'y hawak na niya ngayon ang lahat ng kanilang negosyo.

Sa pang-apat na pahina ay nakita ko ang litrato niyang may mga kasamang lalaki.

"The country's most eligible bachelor..." Nakasaad doon na ang tatlong lalaki ay magpipinsan.

Parang gusto ko nang mahimatay sa pagkalula nang mabasa ang patungkol sa kanilang magpipinsan na ngayon ay tiyak akong namamahala na rin ng kanilang mga kompanya. Hindi ako makapaniwalang makakakita ako ng gano'n kayaman!

Pakiramdam ko kasi ay hindi sila kailanman nakakatapak sa lupa. Hindi na sila nakakaalis ng bahay ng walang bodyguard o kahit anong panangga sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Paano kung may magtangkang mang-holdup sa kanila? Hindi ba nakakatakot 'yon? Sa yaman nila ay hindi malabong mainit ang mga mata ng masasamang loob sa kanila.

Oo nga't mayaman naman si Jaxel, pero sigurado akong hindi kasingyaman noong lalaking nakapulang kotse!

Jacob Seth Vergara Delaney, Asher Miguel Vergara Tan...pangalan pa lang at mukha sa magazine ang nakikita ko pero namamangha na ako.

"Ate? Okay ka lang?"

Napabalik ako sa katinuan dahil sa maliit na boses ng kapatid ko. Mabilis kong isinara ang hawak na magazine at itinabi.

"Oo naman, ano ngang kailangang gawin?"

Kumuha ako ng panibago habang ipinapaliwanag niya ang dapat kong itulong. Kahit na nakuha ko na 'yon ay lutang pa rin ang utak ko.

Nakakamanghang isipin na makikita ko ang isa sa kanila sa normal naming mundo. Isa ba siya sa mga taong kumakain ng ice cream na may edible na ginto? Napailing ako nang kumulo ang tiyan ko; sa ganito kalalim na gabi ay parang gusto kong kumain ng dirty ice cream dahil sa pinag-iisip!

Habang tinutulungan ko si Cassy ay parang umuulit sa utak ko ang mga pangaral ni Valerie: "Sa buhay, nangyayari talagang magmahal ka ng isang tao—hindi sa totoong mahal mo siya, kung hindi dahil kailangan mo siya. Sa gaya nating mahihirap, mas mabuting utak ang pairalin. Kung mayaman ang makatutulong sa atin sa pag-angat, then go for it! Kung susundin mo ang puso at magmamahal ka ng katulad mong mahirap, pare-parehas lang kayong magugutom."

Napangiwi ako nang ilang ulit kong narinig ang pangaral ni Valerie sa aking utak habang pinagmamasdan ang magazine sa aking gilid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top