CHAPTER 1
Chapter One
Skyrene Del Rio
Maingay ang nagkakasiyahang mga tao sa Las Deux, isang exclusive bar na mga elites ang karaniwang laman ng bawat sulok.
I can hear my heart beating so fast like the beat of the trance music. Parang sasabog na nga ang dibdib ko dahil sa malakas na tugtog sa kabuuan ng club.
Iginala ko ang paningin sa paligid. May malawak na dance floor na napalilibutan ng magagarbong kulay itim na couch. Ang malilikot na ilaw ay tumatama sa mga taong parang wala nang bukas kung sumayaw.
Sa gitnang dulo ng malawak na dance floor ay naroon ang lalaking noon pa man ay nagpaparamdam na ng pagkagusto sa akin.
He's a well-known DJ. Iyong tipong kahit saang music festival ay may gig. No wonder why elites come here just to see him, lalong-lalo na ang mga hayok na fan ng EDM. Ito na nga yata ang club na the best para sa lahat ng mayayaman dahil sa mga katulad nilang high-end DJs na regular sa Las Deux.
Naglakad ang paningin ko sa kaliwang banda ng club. I see a long stretch of bar that has all the booze in the world. Matuyo na ang dapat matuyo pero hinding-hindi mauubos ang alak doon.
Kinindatan ako ni Maury nang magtama ang mga mata namin. He's a bartender. I just smirk at him as a response.
Umangat ang tingin ko sa second floor. Naroon ang mga taong hindi masyadong party animal, mga businessman and dirty old millionaires na gusto lang magliwaliw pero hindi all out. That's where the mistresses exist, or a fuck-for-a-night kind of thing.
Hindi man pino-promote ng club ang pagiging prostitute ng mga babaeng malaki ang pangangailangan sa buhay, still, they exist. Rich people call them escorts.
That thought makes me cringe every time. Anong kaibahan n'on sa pokpok? You still get the dick at the end of the day anyway. Pina-sosyal lang para hindi masyadong nahuhusgahan ng mapanghusgang mundo.
Bakit nga kaya may mga term na naglalayo sa mahirap at mayaman pero parehas lang naman?
Bakit kapag mayaman ang nagkakasakit, doctor kaagad? Kapag mahihirap, sa albolaryo kadalasan?
Bakit kapag may kumakati sa katawan, rashes? Pero kapag mahirap ka, galis?
Kapag inuubo sila, pneumonia? Kapag mahirap, TB agad?
Sa mayaman, escort ang tawag sa 'yo, pero kapag mahirap ka, isa kang purong puta.
Bumuntong-hininga ako sa rami ng sumasalakay sa aking utak.
Nilawakan ko ang ngiti nang mahagip ng mga mata ko ang pagwagayway ni Val ng iilang kulay blue na pera. A tip maybe.
Madaling araw na pero hindi pa rin humuhupa ang dagat ng taong dumadagsa sa club. Lahat na yata ay narito simula sa anak ng mga politicians, business tycoons, hanggang sa mga artista at nakakaluwag-luwag sa buhay.
Napabuntong-hininga ako. Suot ang isang itim at hapit sa katawang dress samahan pa ng killer pumps ay hindi maiwasang lapitan ako ng mga lalaking naroon. It's not that I'm not used talking to guys, maybe I'm just afraid of the perverted ones.
I'm only eighteen and I can't see myself fucking a random stranger or giving up my virginity at this age. Alam kong mahirap lang ako pero alam ko kung saan dapat ilugar ang sarili. It's bad to admit it, but I'm better than that.
Umikot ako para makita nang maayos ang pakay ko. Isang grupo ng mga lalaki.
Ang sabi ni Tyra ay ikakasal ang isa sa kanila. At 'eto ako, giving them the best night of their lives.
Huminga ako nang malalim bago naglakad nang diretso sa pwesto nila. Ngayong gabi, hindi ako isa sa kanila at hindi kailanman mabibilang sa katulad nilang mayayaman.
Inangat ko ang hawak kong tray para iwasan ang mga taong patuloy na humaharang sa daraanan ko.
I'm their waitress. Kahit na sixteen years old pa lang akong nagsimula sa club na ito ay nagagawa ko pa ring makapuslit.
Thanks to my parents' good genes! Iyon lang siguro ang dapat kong ipagpasalamat sa kanila, na maski paano ay nabiyayaan ako ng mature na katawan at umaapaw na ganda.
I'm not a regular employee of the club though. Nagkakaroon lang ako ng pagkakataon na magtrabaho sa tuwing jam-packed ang lugar at may mga ganitong klaseng events.
Maswerte na rin ako kapag nakakapag-sideline ako rito tatlong beses sa isang linggo at lahat 'yon ay ipinagpapasalamat ko sa may-ari ng club na si Nixon.
"Pour my glass, lady!" hiyaw ng lalaking maputi na tingin ko'y nasa edad trenta na.
Buong tamis akong ngumiti kahit na naiilang ako sa paninitig ng ilang lalaking nakapalibot sa couch.
Kung bakit ba kasi ganito kaiksi ang dress na kailangan naming isuot ngayon? Masyadong hulma ang katawan ko at ang hinaharap ko ay gusto nang lumuwa dahilan ng pagiging maka-mundo ng mga lalaki rito sa club.
I suck it all off. Literal kong ibinuhos ang mamahaling alak sa lalaking ikakasal dahil iyon ang gusto ng mga kaibigan niya.
"Wooh!"
"Chug! Chug! Chug!" they cheer in unison.
Hindi nawala ang malawak kong ngiti kahit pa gusto ko nang umuwi at magpahinga dahil sa pagod. These pumps are killing me! Kung wala lang talaga akong pangangailangan ay hinding-hindi ko gagawin ang lahat ng ito.
Kung sana simple lang ang buhay. Kahit na hindi kagaya ng mga mayayamang nakapaligid sa akin. Kahit simple na lang sana. 'Yong may mga magulang kang naka-suporta sa 'yo.
Pagkain, tatlong beses sa isang araw. Malaya kang nakakapag-aral dahil responsable ang mga magulang mo. Iyong wala kang iisipin kung hindi ang exams na paparating o ano ang susuotin mo sa graduation ball.
Iyong simple na kapag gusto mong kumain sa fast food ay makakakain ka ano mang oras mo gustuhin. Typical na pangangailangan ng isang kagaya ko.
Simple, pero iyon ang pangarap ko. I know that I'll be praying for more than that but right now, that would be enough for me. Dahil ang simple nga ay hirap na akong makuha, ano pa kaya ang higit doon? Sa ngayon, I'll settle for that. Iyon muna.
"May raket ba bukas?" nakangisi kong tanong sa best friend kong si Valerie.
Katatapos pa lang ng trabaho namin at ngayon ay naglalakad na pauwi. Pasikat na rin ang haring araw pero nasa daan pa rin kaming dalawa. We can't take a cab because it's too expensive. Sa ganitong oras naman ay wala nang jeep na dumaraan. Mabuti na lang at hindi naman gaanong kalayo ang bahay namin simula sa Las Deux.
"Titingnan ko muna. Wala pa kasing balita kung may event bukas e," sagot naman niya.
Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Valerie at simula pagkabata ay magkakilala na kami. Our mothers were best friends, too. Ang mga tatay naman namin ay magkasundo pagdating sa lahat ng klaseng sugal, inuman at ilegal na gawain.
"Okay. Sa computer shop na lang muna ako." Ngumiti ako habang nagpapatuloy sa paglalakad.
"Wala kang pasok?" Tumaas ang kilay niya sa tanong.
Nagkibit-balikat ako. "Pwede namang lumiban muna. Mas importante ang baon ng mga kapatid ko lalo pa't malapit na ang finals."
Huminto siya sa paglalakad para lang titigan ako. 'Eto na naman...
"Sky, para ano pa at nag-aaral ka kung hindi ka naman pala papasok? Ilang subject na nga lang, hindi mo pa papasukan?"
"Val naman..."
"Magkano ba ang kailangan mo?"
Napabuntong-hininga ako at agad na nangilid ang luha.
Ilaw, tubig, tuition fee, project, pagkain at allowances ng mga kapatid ko. Four siblings to be exact.
"Val, hindi na. Masyado ka nang maraming naitulong, kaya ko na 'to." Pinilit kong isantabi ang lahat ng iniisip ko.
Marami pa namang araw para bumawi e. I can still work my ass off until the deadline of our bills.
"Sky, kaya nga ako nandito para tulungan ka, 'di ba? Let me help you at least."
Tumango ako. "Alam ko naman 'yon. Pero kaya ko pa naman. Kakayanin pa naman."
Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y hindi lang para kay Valerie ang sinabi ko, kung hindi pati na rin sa aking sarili.
I shouldn't blame anyone for our status, kahit na kasumpa-sumpa naman talaga ang mga magulang ko. At least they gave me siblings that I can cherish the most! Sila ang nakapagbibigay sa akin ng lakas at pagmamahal na kailangan ko. And that's enough.
"Si Jaxel..."
Nagbaba ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Hmm?" tipid kong sagot.
"Sayang ang isang 'yon, Sky. Mayaman, mabait, at mahal na mahal ka."
Ngumiti ako at nagkibit lang ng balikat. "Marami pa naman diyan," sagot ko na lang.
"Are you sure you wouldn't—"
"Oo naman, Val. Hindi na. Hayaan na natin 'yon!" Tumawa ako para maitago ang lungkot sa puso ko.
Hindi man si Jaxel ang first boyfriend ko, siya naman ang first love ko. Tama si Valerie—mabait, gwapo at mayaman ang isang 'yon, kaya kahit na mahal ko siya ay nananaig pa rin ang konsensiya ko.
"Sayang ang kwarta, Sky! Mukhang limited edition pa naman ang isang 'yon at totoong mahal ka! Ikaw ba? Hindi mo ba siya mahal?"
Agad akong napailing dahil sa unang parte ng sinabi niya. Yes, I love him, but he's too good for me. Wala siyang ibang ginawa kung hindi suportahan ako sa lahat ng bagay, pero ang palagi naming hindi napagkakasunduan ay ang trabaho ko.
He can afford things that I need and want, but taking over my responsibilities? Hindi kaya ng pride ko. Kahit pa kaya niya akong buhayin ay gusto ko pa ring ako ang magpapakain sa mga kapatid ko.
I'm the one who's supposed to do that anyway. Sobrang mahalaga sa akin ang mga kapatid ko, at ang masustentuhan sila nang hindi ko pinaghirapan ay hindi ko gusto.
Oo nga at mahirap lang kami pero ipinanganak akong may pride at sariling paninindigan.
"Mahal, pero hayaan mo na. Marami pa namang iba," giit ko para hindi na siya mang-usisa pa.
Tumawa na lang siya at umiling. "That's my girl! O baka naman dini-date ka na ni Pierre?!"
Umiling ako. "Not really."
I only met him twice in the club. Sabi nila, lahat ng relasyong nagsimula sa club ay hindi nagtatagal, kaya lahat ng nakikilala ko roon ay hanggang doon na lang. Isa pa, masyadong ismarte ang isang 'yon palibhasa abogado. Hindi kami match kung sakali.
"Kung sabagay, hindi pa gaanong stable ang isang 'yon dahil kaka-graduate lang! Dapat ang jino-jowa mo, 'yong mga napamanahan na ng kompanya!" Humalakhak na siya.
"Oo na. Alam ko na 'yan!" Tumawa na rin ako.
Tama siya. Wala akong mapapala sa mga mahihirap pero ang mahalin ang katulad ni Jaxel... hindi ko yata kayang magdusa siya sa piling ko.
Minsan nga siguro magagawa nating pakawalan iyong mga taong mahal natin para sa ikabubuti nila. Minsan kailangang magsakripisyo kasi mahal mo sila. And loving someone selflessly is the best thing in the world.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Kumaway ako kay Val nang pumasok na siya sa gate nila. We're neighbors too, kaya itinuturing na rin siyang pamilya ng mga kapatid ko dahil palagi siyang nandiyan para sa amin.
"See you later!" She waves back.
Tumango ako at diniretso na ang pagbukas ng gate. Alas sais na nang matapos akong maligo at makapag-ayos man lang ng aking kwarto. Bukas, kahit na hindi ako papasok ay hindi naman nawawala ang obligasyon ko sa pamilya.
Napabuntong-hininga ako sa naisip. I need to buy groceries and pay for our bills later. Pagkatapos naman n'on ay didiretso ako sa computer shop para magbantay ng limang oras hanggang sa dumating ang may-aring si Nana Mauricia.
Pasalampak akong nahiga sa kama. Napahilot ako sa sintido nang maramdaman ang pananakit n'on. Hindi naman ako masyadong uminom pero bumibigat yata ang ulo ko sa rami ng naiisip. Ilang beses pa akong bumaling sa iba't ibang posisyon bago tuluyang makatulog.
Martes ng umaga nang makapasok ako sa pang-umagang subject. Gusto ko sana ng panggabi pero doon lang bukas ang club, kaya hindi ako pwedeng magpanggabing klase.
Kahit na para akong zombie habang naglalakad sa corridor ng university ay hindi ko na lang pinapansin ang mga iniisip ng nakakasalubong ko. I'm here to study anyway. Hindi ang makipag-sosyalan sa mga kaklase kong mamamatay kapag walang hawak na Starbucks araw-araw.
"Skyrene!"
Agad na nakuha ang atensyon ko ng lalaking tumawag sa aking pangalan at pagkatapos ay kumaway pa. Nasa dulo siya ng hallway at malawak na nakangiti sa akin.
Kumaway rin ako at binilisan ang paglalakad.
"Ross!" Ngumiti ako nang makalapit sa kanya.
"Good morning! Absent ka raw kahapon? Bakit? May nangyari ba?"
Sinabayan niya ako sa paglalakad patungo sa third floor ng university.
"Wala naman. May kailangan lang asikasuhin. Finals na e," sagot ko.
Nagbaba ako ng tingin dahil sa mga mapanuring matang nakatitig sa akin. Alam kong dapat ay sanay na ako sa mga ganito pero mahirap pa rin pala.
"Ayan na naman siya! Si Ross naman ngayon! Bitch talaga!" ismid ng babaeng nakasalubong ko.
Pumikit ako nang mariin at pinilit na ilabas sa kabilang tainga ang mga sinabi nila.
"Ilusyunada! Target talaga ang mga mayayaman!"
Napahigpit ang kapit ko sa mga librong dala ko. Calm down, Sky...magtitiis ka. Kaya mo pa, 'di ba?
Napapitlag ako nang hawakan ni Ross ang siko ko at igiyang palayo sa mga babaeng 'yon.
"Don't mind them."
Umangat ang tingin ko sa kanya. He's smiling at me, and it's rude not to smile back.
"Sanay naman na ako. Dalawang taon na silang ganyan."
Pinilit kong tumawa kahit pa sobrang pagpipigil na ang ginagawa ko sa sarili para lang hindi pagsasampalin ang mga 'yon!
Humalakhak si Ross. "Good! Alam mo naman ang totoo sa sarili mo."
"Right. Dito na ako, Ross," sabi ko nang matapat ako sa classroom ko ngayong subject.
Tumango siya. "Lunch later?" nakangiting anyaya niya sa akin.
"Let's see." Ngumiti rin ako bago tuluyang nagpaalam.
Tumahimik ang buong klase nang pumasok ako. Hindi ko alam kung mala-anghel lang ba talaga ako kaya sila nanahimik o dahil nagandahan na sila nang sobra sa akin. It's either one of the two. These bitches are just jealous!
Nagulat ako nang lapitan ako ng babaeng matangkad at may mahabang buhok. Alam ko namang kaklase ko siya ngayon pero hindi ko alam ang pangalan niya.
"Is it true that you dumped Jaxel after what he did to you and your family?!" galit niyang sigaw sa harapan ko.
Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Lahat ng tao roon ay natuon ang pansin sa amin, kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.
"Yes, we broke up months ago if that's what you want to know," tipid kong sagot.
Lalagpasan ko na sana siya pero mabilis siyang humarang sa harapan ko at agad na tinampal ang mga hawak kong libro para mahulog lahat. Nagkalat sa sahig ang mga papel na nakasingit doon.
"What the—"
"User ka, Del Rio! Alam mo ba 'yon?!"
Nag-aapoy ang mga mata niya pero kahit na yata bugahan niya ako ng apoy ngayon ay hindi ako matitinag.
"Kasasabi mo lang," I say.
Nagtawanan ang ilang mga lalaki pero ang babaeng nasa harapan ko at lahat ng babaeng naroon ay mas lalo yatang nagalit dahil sa sinabi ko.
Nabuwal ako nang itulak niya ako nang malakas. Mabuti na lang at nasa likuran ko ang dingding kaya hindi ako tuluyang napasalampak sa sahig. Napangiwi ako nang maramdaman ang lagapak ng likod ko sa malamig na dingding.
"You bitch! Sinaktan mo siya matapos mong huthutan ng pera! Tapos ngayon, ibang lalaki na naman ang punterya mo! Si Ross pa!"
Tumayo ako nang tuwid at inayos ang sarili. Ilang tao pa ba ang magsasabi sa akin na ginamit ko lang si Jaxel? Si Liam, si Wallace at marami pang iba? Ilang beses na rin akong napunitan ng damit dahil sa mga away na nakasangkutan ko dahil sa pagiging 'user' ko.
Nag-igting ang bagang niya nang matawa ako.
"Tapos ka na?" I ask sarcastically.
"Puta ka!"
Namilog ang mga mata ko nang makita ang pag-angat ng kamay niya. Hindi ako nakagalaw kaagad kaya mabilis na iyong tumama sa mukha ko. I hear a long beeping sound. Uminit ang pagkatao ko matapos maramdaman ang malakas niyang pagsampal sa akin.
"Hey!"
Agad namang dumalo ang mga lalaki at inawat ang baliw na babaeng sumampal sa akin.
Sapo ko ang pisngi ko. Hindi pa man ako nakagaganti ay hinawakan na rin ako ng mga lalaki. Fucking hell! Ganito palagi ang scenario rito! Hindi ako makaganti kaagad! Mga walang hiya!
Umaabot hanggang sa kalamnan ko ang init ng pagkatao ko.
"Kulang pa 'yan! Malandi ka! Manggagamit!"
Sinubukan kong gumalaw at magpumiglas pero apat na lalaki ang nakahawak sa akin.
"Bitiwan n'yo ako!" sigaw ko habang pilit na umaalpas sa mahigpit nilang pagkakahawak.
"Sky, calm down!" sigaw ng isa nang masapak ko siya.
"Ano ba?!"
Ilang mukha ang naramdaman ko sa bawat paggalaw ng mga kamay ko.
"Bitiwan n'yo!" hiyawan naman ng mga lalaking gusto yatang makakita ng murder scene ngayong araw.
Nagkagulo na sa classroom dahil sa walang humpay na pagpiglas ko at pagsigaw naman n'ong babae.
"Hindi ka nababagay rito sa university! Dapat nasa club ka lang dahil pokpok ka!" patuloy niyang sigaw habang nagpupumiglas din.
"Oo, at itong pokpok na 'to ang papatay sa 'yo!" Halos sumabog na ako sa galit.
Putangina kasi ayaw akong bitiwan! Nanggigigil ako sa mga lalaking 'to! I want to rip that bitch's face para malaman niya kung anong klaseng user ang sisira sa buhay niya ngayon! Fuck them! Fuck all of them!
Hinihingal kong kinalma ang sarili ko nang makitang inilabas na nila ito sa silid at hindi na nakasagot pa sa akin.
Mabilis namang isinarado ng isa pang babae ang pinto nang makalabas ang lahat maliban sa kanya at ang mga lalaking nakahawak sa akin.
"Skyrene! Tama na!"
"Bitiwan n'yo sabi ko! Ano ba?!" Patuloy pa rin akong nagpupumiglas sa kanila.
Alam kong nasasaktan na sila pero patuloy pa rin nila akong hinahawakan kaya hindi rin ako tumitigil.
Alam kong may karapatang magalit ang ilang tao sa akin, pero si Jaxel at mga kapatid niya 'yon! Hindi kung sino lang! Mga bwisit!
Kumalma lang ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Nagkatinginan ang mga lalaki.
"'Yong phone ko!" Hinawi ko ang mga kamay nila at naglakad palayo sa kabilang banda.
Ang dalawang lalaki ay dinaluhan ang babaeng nasa pinto para harangan 'yon.
Gusto ko sanang lumabas pero nang makita ko sila ay dumiretso na lang ako sa mga bintana. I need that, dahil sasabog na talaga ako ngayong araw hangga't hindi ko namamarkahan ang mukha ng babaeng 'yon!
Hinawi ko ang mga takas ng buhok na nagkalat sa mukha ko. Patuloy ang pagpintig ng kaliwang pisngi ko dahil sa sampal. I look at it through my phone screen. Namumula iyon.
Tumunog ulit ang cellphone kaya sinagot ko na.
"Ate!"
"Cass, bakit?" nag-aalala kong bungad.
"Yung gate natin, may sumira, ate!"
Napabuntong-hininga ako sa narinig. Really? Noong isang araw, 'yong mga halaman ko ah! Ngayon, pati gate?
"Hayaan mo na. Ako na ang bahala pag-uwi ko, okay? Si Zuben?"
"Naglalaro kasama si Luke."
"Okay. May klase pa ako. Talk to you later, Cass." Huminga ako nang malalim pagkatapos mamatay ng tawag.
Hindi nawala ang paghaplos ko sa pisngi kong tumitibok. I hate this! Ano kaya ang susunod na gagawin ng mga letseng haters sa buhay ko? They can smash everything they want, pero hindi ako magpapaligoy-ligoy na patayin silang lahat kapag nadamay ni isa sa mga kapatid ko.
Nilingon ko ang mga lalaking nanatili sa classroom. Ang dalawa ay nakatayo sa pinto habang ang dalawa naman ay nakaupo na. Lumapit ang babaeng nakasalamin sa akin. Napaatras naman ako ng amba niyang hahawakan ang pisngi ko.
"I'm okay," matigas kong sabi.
Napayuko siya.
"You're tough, lady!" hiyaw ng lalaking nakatayo.
Lumakad ang panunuri ko sa kanila. I know these guys. Mga player sila ng basketball! What the hell?! Nalaglag ang panga ko nang makita ang paghawak sa labi ng isang lalaking nakaupo.
Kade Bustamante!
Narinig ko ang pagsigaw ng puso ko nang mapagtantong siya nga iyon! Siguro naman hindi na panggagamit ang pagkakaroon ng crush sa lalaking ito?! Who doesn't?!
Nag-iwas ako ng tingin at naglakad palapit sa pintuan, pero bago pa ako makalabas ay nabuksan na iyon ng professor namin.
Napayuko ako agad nang suriin niya ako.
"Ms. Del Rio, what happened this time?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Ma'am, it's not her fault," agap ng babaeng nasa likuran ko.
Inayos niya ang makapal niyang salamin nang parehas namin siyang nilingon ni Ms. Grantes.
"Oh, come on! Palagi namang kasalanan ni Del Rio. Kailan ka ba nawala sa guidance office?" Naningkit ang mga mata niyang bumalik sa akin ang titig.
"Go there bago pa masira ang araw ko!" hiyaw ni Ms. Grantes.
Tumango ako at yumuko, pero bago pa ako makahakbang ay narinig ko na ang isang boses na nagsalita. "It's not her fault, seriously."
Nilingon ko sila. Nagulantang ako nang makita ang pagtayo ni Kade sa upuan.
Napunta sa kanya ang mapanuring mata ni Ms. Grantes. "Mr. Bustamante, if that's true, then prove it. Kayong lima, sumama kayo sa disciplinary office," utos niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa nang makita ang pagsunod nila sa sinabi nito. Ako pa yata ang natakot para sa kanila. Seeing them with me walking towards that office is making me question myself. Ngayon lang may nag-witness sa akin sa mga gulong napasukan ko!
And having Kade with me today...damn it! Nakakahiya! Ilang sapak ba ang naibigay ko sa kanya kanina?
As usual, boring talks with the guidance counselor. Napatunayan naman na wala akong kasalanan dahil sa mga backup ko, pero may warning pa rin silang ibinigay sa akin.
"Mabuti na lang talaga!" nakangiting sabi ng babaeng nakasalamin nang makalabas na kami roon.
Binalingan ko silang lahat. "Um...thank you."
Napayuko ako nang makita ang paninitig ni Kade sa akin.
"Wala 'yon. Ako nga pala si Bryan," anang lalaking tingin ko'y pinakapilyo sa kanilang lahat.
Bumaling siya sa mga kaibigan. "Si Malfred, Yael at Kade." Inisa-isa niyang ilahad ang kamay sa harap ng mga ito.
Tumango naman ako.
"Ako naman si Ylona!" masayang pagpapakilala ng babaeng may makapal na salamin at mahabang buhok.
"Nice to meet you all...t-tsaka, salamat," nahihiya kong sabi sa kanila.
Tinanggap ko ang kamay ni Ylona na nakalahad sa harapan ko.
"Late na tayo sa practice, tara na," maawtoridad na sabi ni Kade sa lahat.
"Ako nga pala si—"
"We know you, Skyrene Del Rio!" nakangising singit naman ng tinawag ni Bryan na Yael.
Binitiwan ni Ylona ang kamay ko. "See you and please don't get in trouble!" Kumaway siya at sumama na sa mga lalaking naunang maglakad.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan sila ng tingin papalayo. Ngayon lang yata ako nagkaroon ng masasabi kong mga taong hulog ng langit.
Sa tatlong klaseng sumunod ay naging payapa naman ang buhay ko maliban lang talaga sa mga babaeng pasmado ang bunganga at hindi matigil sa kakaparinig sa akin.
Kasalanan 'to ni Arlette. Masyado niya akong ginawang maganda! Inirapan ko ang babaeng kanina pa irap nang irap sa gawi ko. Matuluyan sana 'yang mata mo!
Itinuon ko na lang ang pansin sa whiteboard at sinubukang huwag intindihin ang mga literal na demonyo sa paligid.
Bagsak ang balikat ko nang makauwi lalo pa nang makita ang wasak naming gate. Hindi ako naiinis dahil sa sira n'on kung hindi dahil sa gagastusin para makapagpagawa ulit ng panibago. This is just a stupid move! Sinong mapangahas ang nabayaran ng kung sino para sirain ang gate namin?
Parang may kumurot sa puso ko sa naisip. Ilang araw na lang...
"Ate!" Natigil ang pag-iisip ko nang makita si Zuben at Cassiopeia.
Agad na napawi ang lungkot at gulo sa araw ko. Niyakap ko sila at parehong hinalikan sa mga noo. "I missed you guys!" bulong ko habang iginigiya sila papasok sa loob.
Pagkatapos kumain ng hapunan at kaunting pag-aayos ay natapos na ang masalimuot kong araw. Kahit na araw-araw namang masalimuot ay hindi pa rin talaga ako nasasanay. Parang sa tuwing didilat ako ay umaasa pa rin akong may himalang mangyayari. Sa huli, palagi na lang akong nasasaktan sa kakaasa.
Maaga akong naghanda para sa panibagong araw.
Hindi ko man gustong magmukhang nakikiramay ay itim na dress ang isinuot ko. Pumara ako ng jeep at nagmamadaling makarating sa simbahan.
Nangilid ang mga luha ko sa napagtanto. Hindi kagaya sa mga nobela o palabas ang buhay at kapalaran ko.
Apat na buwan matapos naming maghiwalay, dito na magtatapos ang lahat.
Naglakad ako nang kaunti para makita ang parking lot ng simbahan na punong-puno ng magagarang sasakyan. Mga taong masaya ang nag-aabang sa dalawang taong palabas doon.
Today, my first love got married.
Sinalakay ako ng matinding kaba at napangiti na lang nang makita si Jaxel na nakangiti habang hawak ang kanyang asawa palabas ng simbahan.
Ang mga tao ay naghihiyawan para i-congratulate ang bagong kasal.
I may not want him to settle this early, but he deserves it. Deserve niyang mapunta sa iba. Sa kagaya niya, 'yong hindi siya gagamitin gaya ng sabi ng iba.
Kusang tumulo ang mga luha ko nang makitang halikan niya ang asawa.
Napasiksik ako sa isang sasakyan nang maglakad ang tingin ni Jaxel sa gawi ko.
Ito naman ang inaasahan ko sa pagpunta ko rito, pero masakit pala. Masakit na makita siyang nakatali na sa babaeng para sa kanya habang-buhay.
Masaya ako...behind my tears are my wishes for them, na sana, maging masaya siya sa piling ng asawa niya. Na sana hindi siya magmakaawa at umiyak sa harapan nito gaya ng ginawa niya sa akin.
We may not end up together, but I'm still hoping that someday, in this church, I'll marry the love of my life. Hindi man si Jaxel, pero ipagdarasal kong sana may dumating para sa akin.
Napatalon ako nang marinig ang malakas na pagbusina ng kotse sa aking likuran. Dahil sa sobrang gulat ay napatakip pa ako sa tainga ko. Mabilis ko ring hinawi ang mga luhang tumakas sa mga mata.
Umalis ako sa kinatatayuan ko para makadaan ang isang pulang sasakyan.
Kung tutuusin ay napakalawak ng daanan papasok! Mabagal na tumakbo ang kotse pero nang matapat sa akin ang driver's side ay bumaba ang tinted na salamin n'on.
Napasinghap ako nang tumambad sa harapan ko ang isang lalaking naka-suit habang nakasuot ng aviator glasses. Magkasalubong ang kilay niyang tumitig sa akin.
Hindi ko man nakikita ang mga mata niya ay alam kong nakatitig sa akin ang mga 'yon.
Hindi ko napigilan ang pagsuri sa lalaking nasa loob ng pulang sasakyan.
Amoy na amoy ko ang mamahaling perfume na galing sa katawan niya. His loose pompadour hair is fixed perfectly. Mukhang mamahaling wax ang umayos n'on. May makapal siyang kilay at tamang tangos ng ilong para sa kanyang mukha.
Napalunok ako nang bumaba pa ang mga mata ko sa mapupula niyang labi.
Kahit na malambot naman ang features niya ay hindi ko pa rin naiwasang kabahan.
Nagmamadali kong inayos ang sarili. Kung hindi lang ako makagagawa ng eskandalo ay talagang pauulanan ko ng mura ang isang 'to!
Dumiretso ang tingin niya sa bagong-kasal bago ibalik ulit sa akin ang titig.
Damn! Alam niya bang ako ang ex ni Jaxel? Napaatras ako sa naisip.
"Are you here for the wedding or just early for a burial?" kunot-noo niyang tanong bago pasadahan ang kabuuan ko.
Tumikhim ako nang makita ang marahang pagbaba ng mga mata niya sa katawan ko. Bumalik naman kaagad ang mga mata niya sa akin nang marinig ako.
"S-sa patay..." nauutal kong sagot.
He nods. Umangat na ang salamin ng sasakyan pero bago pa 'yon tuluyang umalis sa harapan ko ay muli siyang bumusina kaya napatalon na naman ako.
Damn it!
Naikuyom ko ang kamay nang umabante na ang sasakyan papunta sa mga bagong kasal. Lumingon ako roon. Nang makita kong luminga na naman si Jaxel ay nagmamadali na akong umalis.
Sa susunod, hindi na talaga ako aasa na isang araw gaganda ang daloy ng swerte sa akin! Ngayon pa lang, alas diyes ng umaga, ang malas-malas ko na!
Ang plano kong sulyapan si Jaxel hanggang sa makaalis ng simbahan kasama ang asawa niya ay hindi ko nagawa dahil sa walang modong nakasalamin na 'yon!
Wait...kumunot ang noo ko nang may maisip. Muli kong nilingon ang pulang sasakyan pero mabilis na iyong nakapasok sa loob at nakalayo sa paningin ko.
Siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top