HTLAB2 - Last Chapter


-

Crying in joy, groaning in pain

-

"I'll go first." Inayos ko ang patch na nakatago sa aking kwelyo. Tinignan ko si Xandrei na nakahalukipkip at tinititigan ako ng may pag-aalala sa mukha.

"A decoy, huh?" Napailing si Xandrei. "Sigurado ka ba? This is going to be tricky, not to mention your life is on stake. It will only take a blink for anyone to shoot you. Hindi magagaling madali 'to." Nilingon niya ang mga pulis. "Can we think of a better plan? At first, it sounds very convincing but seeing my brother as a bait seems stupid."

"We don't have much time, Sir." Sagot ng isang pulis. "And the kid might be in danger if ever he's inside the house. Kung susugod tayo kaagad, baka hindi pa tayo nakakapasok ay napahamak na ang bata. Kung magdi-declare tayo ngayon ng warrant of arrest at nasa loob ang suspect at ang biktima, malaki ang posibilidad na mauwi 'to sa hostage taking."

"I know what to do, brother." Sabi ko para mapanatag ng kahit saglit ang loob ng kapatid ko. I'm worried, too. Aaminin kong may bahagyang takot na nararamdaman ngunit pinanghuli ko na ang sarili ko. Gustong-gusto ko na masiguro ang kaligtasan ni Kris, kung sakali mang nasa loob nga siya ng townhouse.

Tinignan ko ang apat na magkakadikit na bahay gamit ang binoculars. Magkahiwa-hiwalay ang mga pulis at iba-iba ng suot. Hindi nahahalatang pulis sila at parang kaswal na tao lang na nakatira rito sa subdivision. Iba rin ang lokasyon namin at may kalayuan sa mismong bahay. Nasa loob kami ng kotse ko. May kasama kami ni Xandrei na dalawang pulis. Ang isa ay katabi ko rito sa passenger seat. Ang isa naman ay katabi ng kapatid ko sa backseat.

Mag-iisang oras na nang makaalis kami sa bahay. Hinihintay lang namin pumwesto ang lahat saka ako lalabas.

I'm aware how risky it is. Ngunit walang ibang pwedeng pumalit sa pwesto ko. Hindi ko rin ata maipapabuya sa iba ang paggawa nito. Masmabuting ako na lang. Mas gusto kong ako mismo ang kakausap kay Morris. Mas gusto kong ako ang makakatiyak ng kalagayan ni Kris.

Napalingon ako sa katabi kong pulis nang tumunog ang linya sa patch. Nagsalita ito at tumingin sa akin.

"Get ready. They are in position."

Napatingin ako sa kapatid ko nang sumenyas ang pulis na pwede na akong bumaba. Tumango ako at nagsalita si Xandrei.

"Be careful."

Huminga ako ng malalim at bumaba ng kotse. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa townhouse ay tahimik akong nagdasal na sana'y magawa ko ito ng tama at umayon sana ang pagkakataon sa amin.

Sana rin ay ligtas ang bata. Kung hawak man siya ni Morris, hinihiling ko na sana'y hindi pa gano'n kadesperado ang kapatid ko para gawan ng masama ang sarili niyang anak.

Nang nasa tapat na ako ay may nakita akong nakasilip sa bintana ng kabilang bahay. Namataan ko rin ang kabilaang CCTV. Napatiim ang aking bagang. Tama nga ang kutob kong pinag-isipang mabuti 'to at baka mahirapan kaming isakatuparan ang plano kung magkakamali ako.

Alam kong may nagmamasid sa akin pero binalewala ko 'yon. Nagdoorbell ako at ilang sandali ay bumukas 'yon. Tumambad sa akin ang isang lalaking medyo malaki ang pangangatawan.

"Ano ang kailangan mo?" Sabi nito sa tonong walang emosyon at tila hindi na nangangailangan ng sakit. Alam na ng taong ito kung sino ang sadya ko.

"I know my brother is here." Malumanay kong sagot. "Let me in."

Binuksan niya ng maluwag ang pinto ngunit wala pa ring kaemo-emosyon ang kanyang mukha. Hindi ko maiwasang tapunan siya ng matalim na tingin. Pumasok ako sa gate. Nang malapat pasara ang pinto ay naramdaman ko ang malamig na bagay na dumiin sa leeg ko. Sigurado akong dulo 'yon ng baril.

"Move inside." Mukhang sanay mag-utos ang isang 'to. Must be Morris' bodyguard.

"Where's my brother?" Kaswal kong tanong at hindi natakot sa pag-umang niya ng baril.

"Huwag kang magsalita kung ayaw mong sumabog ang bungo mo nang wala sa oras."

Ngumisi ako. "Morris won't get satisfied then. I bet he wants to kill me with his own hands. You wouldn't please him by shooting me with your gun. You would only make him piss and he'll kill you, too. Wanna bet?"

Matalim lang ang tinging pinukol sa akin ng lalaki at tinulak ako papasok sa bahay.

Pagpasok ko ay may nakita agad akong mga armadong lalaki. Kaswal ang suot ngunit may hawak na mga de kalibreng armas. Kumunot ang noo ko. Saan nakuha ni Morris ang mga tao niya at ang mga armas na 'to?

Ang iba ay nagsusugal sa isang tabi at napatingin lang sa akin nang dumaan ako sa gilid nila. Sa table ay may suitcase na nakabukas at may puno ng dolar. Sa tabi no'n ay panibagong mga set ng armas. Muntik na akong mapamura. May nabubuong hinala sa isipan ko.

"Lakad pa." Muli akong tinulak ng lalaki. Mahigpit nitong hinawakan ang braso ko at iwinasiwas ko 'yon.

Binuksan niya ang isang silid habang nakatutok pa rin sa akin ang kanyang baril. Dumiretso ang tingin ko sa loob ng silid.

Tumambad sa akin ang isang malaking flatscreen kung saan nando'n ang mga actual footage ng mga CCTV sa labas. Hindi ko mabilang ang mga 'yon sa dami. Lumipat ang tingin ko sa sahig na nagkalat kung saan nagkalat ang mga perang papel. Pagtapos ay sa sofa na may nakaupong tao sa harap. Kahit likod pa lamang ng ulo ang nakikita ko ay nakasisiguro na akong si Morris 'yon.

Sinarado ng armadong lalaki ang pinto. Natulos naman ako sa kinatatayuan ko.

"Oh, I know you would come." Malalim na boses ngunit tila siya lasing. "You always love to play hero. Wala pa ring pinagbago."

"Morris. . ." Madiin ang pagkakasabi ko sa kanyang pangalan. Ayokong lumapit sa kanya dahil nanginginig na sa pagkakakuyom ang kamao ko. Gusto ko siyang maharap para mapag-usapan natin 'to. Though, I doubt kung madadala nga 'to sa usapan. He always plays dirty.

"Hinahanap mo ang bata?"

"Nasaan si Kris?" Kalmado ngunit madiin kong tanong. "Huwag mong idamay ang bata sa gulo nating dalawa, Morris. He's your son-"

"Son?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Nakapamulsa siyang humarap sa akin. Nakangisi siya ngunit punung-puno ang galit ang namumungay at namumulang mga mata. "Son? I'm the father? Really?"

Nagtagis ang bagang ko. Sa itsura palang niya ngayon ay parang nawawala na siya sa katinuan. Nakakapanlinlang sa unang tingin pero hindi ko maipagkakailang ang pamumula at pamumungay ng kanyang mga mata, ang tila lasing na boses ay dala ng kanyang mga bisyo. Alak at drugs.

Huminga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang aking sarili.

"Talaga? Talaga bang ama pa rin ang tawag sa akin? Sa pagkakaalam ko ay inangkin mo ang bata. Ikaw ang legal na ama."

"Then, give me my son." Tila siya nagulat sa sinabi pagtapos ay matalim niya akong tinignan.

"Dyan. Dyan ka magaling. Sa pag angkin ng mga bagay na hindi 'yo. Sa pagkuha ng mga pagmamay-ari ko. Sa pagpulot ng mga basurang tinatapon ko at mga laruang pinagsawaan ko. Isa kang basurero na naghahanap ng ginto sa mga bagay na galing sa akin."

Ngumisi ako. "Dyan ka lang rin naman magaling, di ba? Wala kang pakialam basta pinagsawaan mo na. Basta ka lang tapon ng tapon at hindi mo alam kung ano ang halaga ng mga tinatawag mong basura. Eh, ano kung kinuha ko? Ano naman sayo kung inari kong akin ang pinagsawaan mo? Di ba dapat wala ka ng pakialam do'n? Sa pagkakaalam ko, ang dapat na binabasura ay yung mga wala ng halaga. At bagay lang ang binabasura, hindi tao. Tapos ano? Magagalit ka sa akin at aakusahan mo akong mang-aagaw gayong ikaw yung sumayang sa pagkakataong pahalagahan sila."

"Shut up. Masyado kang madaldal. Mukhang nakakalimutan mo na nasa teritoryo kita at kayang-kaya kitang patayin ng isang iglap lang."

"Hindi ako takot mamatay sa kamay mo pero huwag kang umasang magiging madali lang 'yon sayo."

Tumawa siya. "Matapang ka para sa sarili mo pero hindi ka ba natatakot na patayin ko rin ang mga taong kinaiingatan mo? Tandaan mo na hawak ko ang tinuturing mong anak. Kung hindi ka takot na mapatay kita, baka pwede kang masindak pag pinatay ko na ang bata?"

"Napakahayop mo. Hindi ko maatim na tawagin kang kapatid." Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Dala ng tensyon at kaba. Kailangan kong mailigtas ang bata. Kailangan ko munang isalba si Kris bago ang sarili ko. "Ako ang tinuring niyang ama. Ako ang tumayong ama ni Kris pero sana huwag mong kalimutan na ikaw ang tunay na ama ng bata. Sariling dugo mo ang nanalaytay sa dugo niya. Paano mo nagagawang ibuwis ang buhay ng anak mo!"

"Simple lang. Wala akong pakialam." Lumaki ang ngisi sa kanyang mukha. "Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Wala akong pakialam sa ibang tao. Sayang lang 'yon sa oras ko."

Gusto ko na siyang lapitan at paulanan ng suntok pero pigil na pigil ako. Tinignan ako ang CCTV. Muntik na manlaki ang mata ko sa aking nakita. Napatingin ako kay Morris at nagkunwaring walang epekto sa akin 'yon.

"Nasaan ang bata, Morris? Pakawalan mo ang bata."

"I'm not stupid, Lucifer."

"Ako ang kaaway mo!"

"Buti naman at inamin mo na?" Inabot niya ang kutsilyo na nasa mesa. "Hindi alam kung mala-pusang buhay ang meron ka at lagi kang nakakasulot sa galamay ni kamatayan. Gustong gusto ko na mawala ka na sa landas ko pero tignan mo nga naman. Nakaligtas pa kayo ng kabit mo at nagawa niyo pa talagang magpakasal. Poor, Ramina. Niloko na nga. Iniwan pa."

Nag-aapoy na ang tingin ko sa kanya. Nagdidilim na ang paningin ko at konting tulak na lang sa pasensya ko, susunggaban ko na siya. Diretso ang aking tingin sa kanya at iniiwasang manuod sa CCTV. Isinuksok ko ang dalawa kong kamay sa aking bulsa para magmukhang kampante. I have to push a button to gave them the final signal.

"Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba ang may kagagawan ng aksidente namin ni Anne."

Tumawa siya ng malakas. Suyang-suya ako sa pagmumukha niya.

"Ang linis, di ba? Sayang nga lang at hindi kayo namatay. Pero pinapatay ko lahat ng may kaugnayan sa aksidenteng 'yon kaya wala kang maiibibintang sa akin. Ang tanga mo lang ngayon at talagang pinain ang sarili mo."

Shit! Pinatay niya ang dating board member? Hindi ito nagpakamatay!

Ngumisi ako at nagpakawala ng marahang tawa. No, Morris. Sa ating dalawa ay ikaw ang mastanga. Walang sekretong hindi nabubunyag at pag nakalabas ako rito ng buhay, mabubulok ka sa kulungan at hindi ko hahayaang makalaya ka pa pagtapos ng mga ginawa mo sa akin at sa mga taong pinapahalagahan ko.

"You'll rot in hell."

"See you there, brother. But you have to go first. Do'n lang ang teritoryo mo. Wala kang laban sa akin dito. I'm more powerful than you. I'm wealthier. Hindi kita patatahimikin unless kaluluwa ka na lang."

"Hindi mo ba inaalala si Mommy? All your life, mas lamang ka sa pagmamahal kaysa sa akin. Hindi ko makita ang punto kung ba't kailangan mong mainggit sa isang tulad ko."

Hinimas niya ang matalim na kutrilyo. "Sino naman kasing nagsabi sayo na naiinggit ako? Sa dami ng pwede kong kainggitan, ba't ikaw pa? Eh, wala ka namang binatbat sa akin. Walang-wala ka sa kung ano ang narating ko. That old woman turned to you after what? Pagtapos siyang makonsensya? Hah! Magsama-sama kayo! Kahit isang batalyon ang kakampi mo ay hindi niyo ako kaya. Hindi niyo alam kung ano ang kaya kong gawin kaya huwag mo na akong konsensyahin pa, dahil wala ako no'n." Tumawa ulit siya.

Huminga ako ng malalim. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hinayaan ko siyang magpatuloy sa pagsasalita.

"Galit lang ang meron ako. Galit at poot ang pinaghuhugutan ko. Ikaw ang dahilan kung ba't naghiwalay ang mga magulang ko. Kung hindi ka dumating, kung hindi binuntas ng hayop mong ama si Gia, wala akong bastardong kapatid at perpekto sana ang pamilya ko. Lumaki ako na kulang ang lahat at kasalanan mo 'yon. Pinagbabayad lang kita sa kung anong dapat mong pagbayaran."

Lumaki siyang kulang? Yun lang? Lumaki ako na wala lahat. Walang magulang. Hindi nakaramdam ng pag-aaruga at pagmamahal at isusumbat niya sa aking ako ang sumira ng perpektong pamilya na meron siya noon?

Napagtanto kong kailanman ay hindi niya ako tinanggap bilang isang kapatid. Kung do'n siya masaya ay hahayaan ko. Wala akong mapapala kung gaganti pa ako. Sa pagkakataong 'to matatapos ang lahat. Dito malalaman kung sino ang mananalo sa aming dalawa.

"Ang akala ko matalino ka pero puro kababawan ang alam mo. Mas matanda ka sa akin ng ilang taon pero kasing utak ng sanggol ang takbo ng pag-iisip mo. Sinisisi mo ako? Gusto mong magsumbatan pa tayo at magparamihan ng maling nagawa sa isa't-isa? Shit. Napakababaw. Galit rin ako sayo pero kahit kailan, hindi ko naisipang gawan ka ng kawalang hiyaan."

"Dahil ang gusto mo ikaw ang bida. Masyado kang mapapel. Gusto mong isalba ang lahat para mapuri ka nila't mapasalamatan. Wow. Ang swerte mo naman talaga. Parang gusto kong putulin ang swerteng 'yon ngayon."

Mabilis niyang inangat ang kutsilyo at isinaksak sa sofa. Gumawa iyon ng ingay.

"Hindi ako papayag na bumagsak ako at hindi kita mapapatay. Kailangan mo mawala. Mawalang parang bula. Kung kailangang sunugin ko ang katawan mo ay gagawin ko. Mas maganda kung brutal. Mas masakit. Mas ramdam mo ang empyerno.

Magandang ideya, di ba? Huwag kang mag-alala, hindi matatapos ang araw na 'to hangga't nakikita ko pa ang pagmumukha mo."

Lumapit siya sa akin. Napatingin ako sa CCTV kasabay ng sunud-sunod na pagputok ng baril sa labas. Napatingin si Morris sa CCTV. Sinunggaban ko kaagad siya at malakas na tinadyakan sa likod. Lumagapak siya sa sahig at nabitiwan niya ang kutsilyo.

Kinuha ko ang maliit na baril na nakasuksok sa paanan ko at tinutok sa kanya. Tinabig niya 'yon at tinadyakan rin ako sa bandang tiyan. Tumalsik ako sa kabilang panig.

"Shit." Mabilis akong lumingon at malakas niyang hinampas sa akin ang bote ng alak. Iniwas ko ang aking ulo. Natamaan ako sa balikat. Napadaing ako sa sakit pero kinuha ko ang lahat ng lakas ko para masikmuraan siya. Nagawa ko pero nakasuntok siya pabalik at tumama iyon sa aking panga.

Nagdilim ang paningin ko ng ilang sandali. Kinuha niya ang baril ko pero pilit kong inagaw 'yon sa kanya. Pumutok 'yon ng dalawang beses at tumama sa iba't-ibang direksyon. May komosyon sa labas at patuloy ang patuluyan ang pagputok ng baril.

"Fuck you, Cyfer." He hissed.

Tinulak ko siya ng malakas at tinuhod sa sikmura. Nakuha ko ang baril. Nakapa niya ang dagger at hinagis sa akin kasabay ng pagbaril ko sa kanya.

Napadaing ako ng bumaon ang kutsilyo sa braso ko at napaatras ako hanggang sa napaupo sa sahig.

"Shit, shit, shit!" Dumadaing si Morris at natamaan ko siya sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Muli kong inumang ang baril sa kanya at pinatamaan siya sa balikat. Napalugmok siya sa sahig.

I could easily shoot him straight in the heart pero hindi ko ginawa. Hindi ko kaya. Hindi ako kasing sama niya. May bumubulong pa rin sa konsensya ko na nagsasabing kapatid ko pa rin siya. Hindi ko siya papatayin pero kailangan niyang masaktan. Kailangan niyang pagdusahan ang mga kasalanang ginawa niya.

Dalawang bala pa ang pinakawalan ko at pinatamaan ko ang kanyang tuhod. Dumadaing at umiiyak na siya sa sakit. Naaawa ako, oo, pero nangingibabaw ang poot kung ba't kailangan pa naming umabot sa ganito.

Pumikit ako at tinanggal ang kutsilyo sa braso ko. Napadaing ako ng malakas at ramdam ko ang pagtagas ng dugo ro'n. Si Morris ay namimilipit pa rin sa sakit. Pinilit kong tumayo. Sumulyap ako sa CCTV. Nando'n ang mga pulis at nakikipagputukan pa rin sa mga tauhan ni Morris. May isang papunta rito.

"Kill the child."

Napalingon ako kay Morris at nanlaki ang mata ko nang makitang may kausap ito sa telepono. Dumadaing ito ngunit nagawa pang tumawa ng malakas ng maibaba ang cellphone.

No. . .

"I still won, Cyfer. I still won! Hindi mo na makikita ang pinakamamahal mong anak-"

Tinaas kong muli ang baril at pinatamaan ulit siya. Sa kamay, sa braso, sa tuhod hanggang sa mawalan ako ng bala. Buhay pa siya dahil hindi fatal ang mga tama pero halos tumirik na ang mata niya sa sakit. Nanginginig ang kamay ko at nanlalabo ang paningin ako sa luha.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ni Morris at tinawagan ulit ang kung sinumang kausap niya kanina. Lumabas ako ng silid habang ginagawa ko 'yon.

May nakasalubong pa akong tauhan ni Morris na nagulat rin nang makita ako. Inumang ko sa kanya ang baril at hindi man lang niya nagawang iangat ang kanya. Bumulagta itong walang buhay sa sahig. The first person I ever killed.

Hindi ko na ininda ang konsensya. May sumagot sa kabilang linya at napahinto ako.

"Sir, malapit na po ako sa kabilang bahay-"

"Don't."

"Sir?" Hindi ko alam kung nabosesan ba niyang hindi ako ang amo niya.

"Huwag mong gawin."

Pinatay ko ang linya. Katabing bahay? Shit. Kailangan ko makalabas. Tapos na ba ang engkwentro. Wala na akong maririnig na putukan.

Maingat akong lumabas sa sala. May nakasalubong akong mga pulis at nakahinga ako ng maluwag ng ilang sandali. Ang iba ay pinapupunta ko sa kwarto kung nasan si Morris. Hindi na 'yon makakatakas pa.

"Nadakip na ba lahat?"

"Yes, sir. Isang bahay na lang po ang hindi napapasok."

Si Kris. . ."Saan 'yon?"

"Yung nasa dulo. Wala yung bata sa pangalawa at pangatlong bahay-"

"Nando'n sa dulo."

Tumakbo agad ako ro'n. Sa labas ay nakita ko si Xandrei na may kausap sa telepono. Naibaba niya 'yon at nanlaki ang mata niya nang makita ako.

"You're bleeding."

"I can manage." Sabi ko kahit kinakapos na ako ng paghinga. "Si Kris nando'n siguro sa dulong bahay. Kailangan ko siyang puntahan."

"Hayaan mo na ang mga pulis na kumuha sa bata. Nasaan si Morris."

Umiling-iling ako. "Hindi na siya makakatakas. Pero inutusan niya ang tauhan niya patayin ang bata. Kailangan kong mapigilan."

Sunod-sunod na napamura si Xandrei. "Tumawag sa akin si Heira. Sinugod raw nila sa ospital si Anne."

"What!" Nanlaki ang mata ko at parang biglang sumabog ang puso. "What happened?"

"She collapsed. Pero okay na raw. Concious na ulit ang asawa mo. Hinihintay na lang ang resulta ng check up sa kanya."

Nakahinga ako ng maluwag. Tinawag ako ng mga pulis at kinumpirmang nasa loob nga ang bata.

Hindi ko na malaman kung paano ko hahatiin ang sarili ko sa pag-aalala kay Anne at kay Kris.

"Sasama ako sa loob. Back me up." Tumango ang mga pulis. May nadakip ng apat pero may isang kwarto pang hindi nabubuksan at may tauhan pa raw sa loob no'n. Tumining na ang hinala ko na nando'n ang bata.

Winasak ng mga pulis ang pintuan at halos manlaki ang ulo ko nang makitang karga ng isang lalaki ang anak kong mahimbing na natutulog. Buhay si Kris! Ngunit ngayo'y may nakatutok ang baril sa bata.

"Bitawan mo ang bata. Napapalibutan ka na namin!"

Takot ang nakita ko sa mata ng lalaki. Hindi ako makahinga sa kaba.

"Please, ibibigay ko lahat. Ibibigay ko lahat. Huwag mo lang saktan ang anak ko."

Umiling-iling ang lalaki. "Huwag kayong magtatangang magpaputok kung ayaw niyong mamatay ang batang 'to!"

"Please! We'll spare your life! Bitawan mo lang ang anak ko. Please!"

Napatingin ako sa bandang bintana at nakaramdam ako ng pag-asa. Binasag 'yon ng pulis at nawala sa amin ang atensyon ng lalaki. Agad tumakbo ang isang pulis para pilipitin ang kamay ng lalaki at ang isa ay sinalo si Kris.

Mahigpit kong niyakap ang bata nang makuha ko siya. Hindi ko ininda ang sakit ng katawan ko at ang sugat sa braso ko. Ang mahalaga ay buhay si Kris. Maluha-luha ako habang hinahalikan ko ang ulo ng bata. I miss this boy.

Nahuli ang lalaki na ngayo'y nagmamakaawa na. Ipapaubaya ko na siya sa batas at ang iba pang alagad ni Morris. Maski si Morris mismo.

Nagpasalamat ako sa police head officer nang makalabas kami. Nasa kotse na si Kris at hawak ni Xandrei.

"You need a medic." Sabi nito.

Tumango ako at ngumiti. "Salamat po ulit."

Kinalabit ako ni Xandrei at binigay sa akin ang phone niya. Nakangiti niyang inabot. "Anne is on the line. Mag-usap kayo. Sobrang nag-aalala sayo ang asawa mo."

Tumango akong muli at kinuha 'yon. "Hello."

"Cy? A-are you okay? Ang sabi ni Xan, natamaan ka raw?"

Napangiti ako. "I'm okay, Angel. We'll go straight in the hospital. Nandyan pa ba kayo?"

"Yes. Are you sure you're okay?"

"Yes, wife. Nahuli na si Morris. Nakuha na namin si Kris."

"Oh, thank God!" Usal nito.

"Hey, ba't ka nagcollapse?" Sumandal ako sa likuran ng kotse. Pakiramdam ko kasi ay nawalan na ako ng lakas. Maraming dugo rin ang nawala sa akin. Pumikit ako sandali

"Cy, you have to hear this."

Pagdilat ko ay may natanaw ako sa gilid na lalaking nakatago sa damuhan at may nakaumang na baril sa akin. Nanlaki ang mata ko.

"I'm pregnant, Cy." Anne is crying in joy while I groan in pain. Tumama sa dibdib ko ang bala at napahiga ako sa likod ng kotse. Nabitawan ko ang phone at nanlabo ang paningin ko.

Anne is pregnant and I'm here, facing the end of my life.

>>next update


___________________________


FB ACCOUNT : KHIRA WP

FB Group : KHIRA1112 Stories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112