HTLAB2 - EPILOGUE
A/N : Thank you for reading HTLAB! I would miss Cyfer.
See you on 'Revenge Of A Bitter Man.'
-
Epilogue
ANNE POV
I watched him silently. He was so engross mixing the paint. Nakakunot ang kanyang noo habang ginagawa niya 'yon. Most of the time, he's serious. Madalang ngumiti. But when he does, he could light our home. Habang tinitignan ko siya ng matagal, nakikita ko sa kanya ang nag-iisang lalaking minahal ko buong buhay ko.
"Cyrus." Mula sa pagpapaint ay nag-angat ng tingin ang anak ko. Lumapit ako sa kanya at marahan pinunasan ang pinturang kumapit sa kanyang pisngi. His eyes darted into mine. So very like his father's. Even his little proud nose, pinkish thin-lips and the curves of his face. Cyfer's little version.
"Why, Mommy?" Sagot niya gamit ang maliit na boses. He rarely talks, too. Sasagot lang siya kapag kinakausap. Sometimes, he looked cold but the truth is he can be the sweetest child a mother could have.
"Hindi ka pa tapos, baby?" Tinignan ko ang painting niya. He had this gifted talent on abstract expressionism. He express himself through his works. At the age of 7, six of his paintings were bid in various young painter's exhibit.
Ngumuso ito at tumingin sa painting. "Not yet."
"Mommy is done cooking. Eat na tayo?"
Agad na sumunod ang anak ko. "I'm gonna wash my hands first." Tumakbo siya sa kusina para maghugas ng kamay. Napangiti ako.
Inayos ko ang mesa. Napaigtad ako nang may yumakap sa aking likuran. Nang maamoy ko ang pamilyar na pabango ay napangiti ako. Mas hinapit ako nito sa kanyang dibdib at marahan akong natawa.
"Cy. . ."
Hinalikan niya ang aking leeg bago ako pinakawalan. Nakangiti siya nang humarap ako sa kanya. I couldn't help but smile back.
"Where's Cyrus?" Tanong niya.
Mula sa kusina ay lumitaw sa dining area ang anak namin. Walang kaemo-emosyon at tahimik na umupo sa kanyang pwesto habang hinihintay kaming dalawa.
"He's so stiff." Pabulong na sabi ni Cy. Natawa ako.
"I wonder where he got his traits." Pasaring ko sa kanya habang tumatawa.
"I wasn't like that when I was on his age." Napapailing niyang sabi.
"It's not about the age. It's about the genes." Bulong ko.
"Mom, Dad, I'm hungry. Let's eat." Sabi ng anak ko sa tonong parang naiinip na at naiinis. Napairap naman ang kanyang ama.
"And he's cold. Damn. I don't get this boy." Frustrated na sabi ni Cy bago umupo sa kanyang upuan.
When I met you, you were the coldest among the cold people I know. Gusto ko sanang isatinig pero hindi ko na nagawang sabihin. Pinagmasdan ko si Cyfer na marahang hinahaplos ang buhok ni Cyrus. Patuloy namang kumakain ang bata. Napailing na lang ako. Ganyan siya sa Daddy niya sa maraming pagkakataon. I guess, that's a boy to boy matter. He's sweet to me, though.
Sky Cyrus de-Vera. That's his full name. Grade 2 na siya sa susunod na pasukan. Pag summer, naka-enroll siya sa painting class dahil na rin sa kagustuhan niya. Walang kaso sa aming mag-asawa kaya lang ay nag-aalala kami dahil hindi masyadong nakikihalubilo ang bata sa mga kaedaran niya.
Nang minsang kinausap ko ang anak ko tungkol ro'n ay mas lalo akong nag-alala.
"I don't need friends, Mommy. I'd rather paint than socialize with strangers."
"What about your cousins."
"They're older than me."
"Lexa is younger than you." Tinukoy ko ang panganay na anak ni Xandie who turned 5 last month.
"But she's a girl." Balewala nitong sagot.
Napabuntong hininga ako. "What about Rio and Louis? Schoolmates kayo, di ba?" Pertaining to my bestfriend's children.
"I don't get along with them. Rio is a nerd. Louis is bad. No one is into paint."
Mukhang lalaking anti-social ang anak namin. Kinausap naman ako ni Cy na huwag piliting makihalubilo sa iba ang bata at hayaan muna itong magfocus sa hobby nito.
Natapos kaming kumain at agad na bumalik si Cyrus sa art room niya. Pinagawan namin siya ng sariling kwarto para hindi siya maistorbo sa pagpipaint.
"That kid has his own world." Komento ni Cy.
"I remember you when we're still on high school. Lahat na lang ata ay namana sayo ng anak natin. Kamukhang-kamukha mo na, kaugaling-kaugali mo pa." Natawa ako ng bahagya.
"And I can't decide whether to be thankful or not. Madalang makinig sa akin si Cyrus." Humalik sa aking pisngi si Cy. "I have to get ready. May appointment ako ngayong araw."
Tumango ako at niligpit na ang pinagkainan namin. I'm a hands on wife and Mom. I love what I'm doing. Gusto ko ako ang nag-aalaga sa mag-ama ko. May katulong naman pero hangga't kaya ko kumilos, hindi ko pinapaako sa iba ang trabaho.
Nang matapos ako ay umakyat ako sa kwarto naming mag-asawa. Hinanda ko ang susuutin ni Cy para sa work ngayong araw. Hindi nagtagal ay lumabas na siya sa banyo ng nakatapis lang.
I've got a glimpse of bullet's scar on his chest. I shivered as I remember that day. Yung araw na akala ko mawawala na siya sa akin. The most terrifying moment of my life. Ang makita siyang duguan at halos wala ng buhay. Nangyari 'yon sa mismong araw na nalaman kong ipinagdadalang tao ko si Cyrus. Sobrang natakot ako nung araw na 'yon. The doctor's decide to sedate me because I was starting to get hysterical. Nag-alala ang mga magulang ko sa kalagayan ng batang nasa sinapupunan ko.
Humarap sa akin si Cy at nakita akong nakatingin sa pilat niya. Huminga siya ng malalim at marahang lumapit sa akin.
"Angel, don't think about it."
Marahan akong umiling. Tinaas ko ang aking kamay at dinama iyon. "I can't help it, Cy. That was the scariest moment of my life. I really thought we would lose you."
Hinapit niya ako at hinalikan. His kisses calms me down. It gives me peace. Nawala ang lahat ng masasamang alala at napunta ro'n sa panibagong pag-asa.
Pagtapos ng siyam na araw na paghihintay at pagdadasal na magising siya ay naidilat niya ulit ang kanyang mata. Napatulala ako no'n at hindi ko namalayang tumulo na ang aking luha. Lahat ng paghihirap ay parang nilipad ng hangin. Iyon lang ang inaasam ko nang mga panahon na 'yon. Ang magising siya at maka-recover.
"I'll never go anywhere. Even if I die, I'll never go anywhere far from you and Cyrus."
Ngumiti ako at niyakap ko siya. Napatingin ako sa frames na nakalagay sa isang estante. Our wedding picture. A family photo with Mom and Dad and the rest of the de Veras. Cyrus' baby pic. Cyrus and Kris. . .
Nakaramdam ako ng sakit nang makita ang huli. Muling napapikit.
I was given a chance to be a mother of Kris for four years. Pagtapos no'n ay kinuha na siya sa amin. Hindi na nagawan ng lunas ang kanyang sakit. Ginawa namin ang lahat pero hindi na talaga kinaya ng bata.
Kagaya ng pagmamahal ko Cyrus, gano'n rin ang binigay ko kay Kris. I still remember our last talk bago siya makatulog.
"My. . ."
"Hmm. . ." Hinawakan ko ang malamig at namumuti niyang kamay. Hinalikan ko 'yon ng marahan.
"I want to be a pilot someday."
Ngumiti ako ng malungkot. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. "Yes, Kris. You'll be a pilot someday. Dad and Mom will board the same plane pag naging pilot ka na. Kaya dapat magpagaling ka na, ah?"
Ako ang doctor niya. Alam ko kung hanggang kailan na lang ang extent ng kanyang buhay at maikli na lang 'yon. Sobrang ikli na ikinatatakot kong baka sa isang iglap lang ay bumitaw na siya. Palihim kong pinunasan ang aking luha at pilit na ngumiti kay Kris.
"But it would take years, right?" Nanghihina niyang tanong.
"Yes, but-" Pumikit ako ng mariin. Napakasama ko para magpaasa ng ganito but I couldn't let him go. A mother in me couldn't just let him go. Kahit pa hindi ako ang tunay niyang ina.
Pumikit si Kris. "I can't wait, Mom. I'm gonna fly now." At nakatulog na siya ngunit hindi na siya nagising kinabukasan.
Na-realize ko na masyado pala talagang maikli ang buhay ng tao. You can't just waste a day or a single tick of a clock. Baka wala ka ng second chance. Wala ng susunod. Magsisisi ka lang pag hindi mo naiparamdam sa mga taong mahalaga sayo ang pagmamahal na kaya mong ibigay.
Marahan kong hinaplos ang pisngi ni Cy. Pinagpasalamat ko na sobra ang bawat pag-asang binibigay sa amin ng Diyos. Naparami na no'n at sa bawat pagsikat ng araw, nagdadasal ako ng extension. I want to make this moment last. Yung pagmamahal ko sa kanya at sa anak namin. Iyon yung mananatiling constant habang nabubuhay ako.
"I love you."
Marami na kaming pinagdaanan. Alam ko na deserve namin ang saya na tinatamasa namin ngayon. May mga pagsubok pero hindi ko hahayaang mabuwag kami. A strong relationship has the greatest love and the founder is God.
"I love you, too angel."
CYFER POV
"Is he awake?" Tumango si Mommy. "No progress?"
Malungkot siyang umiling. "Wala pa. Gano'n pa rin."
Napahinga ako ng malalim. Hinaplos ko ang likod ni Mommy habang papunta kami sa kwarto kung saan naro'n si Morris.
Naro'n siya at nakatulala sa isang tabi. May dalawang nurse sa gilid na siyang nag-aalaga sa kanya.
Matapos ang aksidenteng kinasangkutan naming dalawa, tuluyan siyang nawala sa katinuan. Sunud-sunod ang kasong naisampa sa kanya. Pati ang pamilya ng dating board member sa DVI na ginawa niyang tulay para makakuha ng impormasyon. Nakumpirma naming siya ang may pakana ng aksidenta namin ni Anne. Umamin ang isa sa mga tauhan ni Morris. Napasama rin si Morris sa listahan ng mga malalaking sindikato sa likod ng laganap na droga sa bansa. My mother went hysterical nang tuluyang bumigay si Morris.
It's been years pero hindi siya nagrerespond sa mga therapies. Pinagdusahan na niya lahat ng kasalanan niya kaya unti-unti ring nadurog ang galit ko. Ang makita siyang nasa ganitong estado ay nakakatabang ng pakiramdam.
Umiwas na lang ako ng tingin.
"Gelo. . ." Napatingin ako kay Mommy. "Sa tingin mo ba may pag-asa pa ang kapatid mo?" Naiiyak niyang tanong. Hindi ko 'yon nasagot. Ngumiti lang ako ng mapait.
Do'n ko napagtanto na temporary lang ang lahat ng emosyon maliban sa pagmamahal. Yung galit, yung sakit, nawawala. Pero yung katotohanan na may pagpapahalaga ka sa isang tao dahil may koneksyon na nagbibigkis sa inyo, hindi 'yon napuputol. Hindi nawawala.
At kahit nagalit ako ng sobra kay Morris, hindi ko masabing pinutol ko na ang lahat. Pati ang pagiging magkapatid.
I pity my mom for having this kind of difficulty. Na kailangan niyang pagdaanan 'to dahil may dalawa siyang anak na lalaking matigas ang ulo. Kapag ganito na ang pagkakataon, ang kaya ko lang gawin ay yakapin siya at iparamdam na may pag-asa pang natitira.
Today is Ram's death Anniversary. Sa Cebu namin inilibing si Kris. Katabi ng puntod ng kanyang Mommy. I know they're in peace.
Lilipad kami papunta ro'n para mabisita ang puntod nilang mag-ina.
Hindi ko na mabilang ang pagsubok na pinagdaanan ko at tinamad na akong magbilang. Pero sa puntong 'to, gusto ko na ingatan ang sarili ko para maingatan ko rin ang mga taong mahalaga sa akin. Lalo na't may pamilya na kami ni Anne.
Pinisil ko ang kamay ni Anne. Nasa eroplano na kami patungong Cebu. Nasa gitna namin si Cyrus na nakatulog agad. Ipinatong ko ang aking baba sa ulo ng anak ko.
"Angel. . ."
"Hmm?" Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Let's have another baby."
-THE END-
___________________________
FB ACCOUNT : KHIRA WP
FB Group : KHIRA1112 Stories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top