HTLAB2 - Chapter 7


-

Stop

-


"W-what did you say?" Literal akong napanganga sa sinabi niya. Hindi makapaniwala sa gusto niyang mangyari. I hope I misheard it. I hope he didn't mean it. No. Hindi pwede. Is he going crazy? He wants me to face his wife and talk to her.


Huminga siya ng malalim. "We'll talk to Ram. I'll tell her-"


"No." mariin kong sabi sabay iling. "Look, Cy-"


"She needs to know-"


"She doesn't need to know." pinipigilan kong sumigaw kahit nagsisimula ng mag-alab ang galit ko sa gustong mangyari ni Cyfer. "Nababaliw ka na ba? She's your wife! Gano'n kadali sayo na saktan ang asawa mo?" gulong-gulo ako.


Napatingala siya sa kisame at napahawak sa batok. Napabuntong hininga siya at pumikit. Ako naman nanggigilalas. Is he serious? Gano'n lang kadali sa kanya na bitawan ang asawa niya? Paano na si Kris pag nagkataon? Naguguluhan ako.


"She'll understand." nahihirapan niyang tugon.


Umiling ako at pagak na tumawa. "Cyfer, I love you and I almost believe when you said you changed for the better-"


"I did , Anne."


"Base on what you're telling me now, it seems like you didn't try harder. You got worse. Mahal kita pero ayokong makatapak ng ibang tao. Kung nagbago nga, iisipin mo yung magiging epekto nito sa mag-ina mo." naiiyak kong sagot. "Alam mong mahal kita pero hindi ko gustong maging dahilan iyon para makasakit ka ng iba. Hindi mo man lang ba naisip na makakasakit ka? Hindi mo ba naiisip kung ano ang mangyayari pag hinarap mo ako sa kanya. Heira told me that your wife is ill! Tapos ano? Nagkita tayo, sinabi ko sayo na mahal kita at sinabi mo sa akin kagabi na mahal mo pa rin ako pero paano na sila?" tinuro ko ang anak niyang mahimbing na natutulog. "Yang anak at ang asawa mo? Anong gagawin mo? You will leave them because of me? As if I will let you do that!"


Natahimik siya. Nakatitig lang siya sa akin pero parang matutunaw na ako . Damn! Dapat nagagalit ako, di ba? Dapat nga sinasampal ko na siya ngayon . Pero bakit ganito? Bakit hindi ko magawa na pagbuhatan siya ng kamay kahit isang beses lang?


"I'm sorry if I'm too fast." mahina niyang sabi. "I don't how I would explain the whole thing. May mg bagay hindi maiintindihan kung hindi mo ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag ng maayos. I just want you to trust me. Trust me, Anne. Bet on this and I promise you, gagawin ko na lahat ng tama."


Umiling ako. Napakagat sa aking labi. Gusto kong magtiwala na kaya niyang itama ang lahat pero paano ko naman gagawin iyon kung nagsimula 'to sa mali?


"I have to think, Cy. Don't put a pressure on me. And yes, you're right. You're too fast." iyon langat tinalikuran ko na siya at lumabas ng kwarto ni Kris. Nagpasalamat na lang ako na hindi niya naisapang habulin ako.


Naging abala ako sa natitirang oras ko sa hospital. Maganda na rin na maraming distractions para hindi ko siya maisip. Pero nang makauwi na ako, okupado niya ang buong pag-iisip ko. Lalo na nang makarating ako sa unit.


"Oh, no." napapikit ako at nahahapong napaupo sa sofa. Naalala ko yung nangyari kagabi. Yung ginawa namin dito.


I can't take it.


Napagpasyahan kong lumabas na lang. Cellphone, wallet at car keys lang ang dinala ko. Saan naman ako pupunta?


Basta na lang akong sumakay sa kotse at nag-drive kahit hindi ko alam kung saan ba ako tutungo. Sinandal ko ang aking ulo sa headrest habang hininhintay na mag-green ang traffic lights. Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Shinn.


"What?" bungad ko.


"Ang sweet naman ng pambungad mo, Annie." humahagikgik na sagot naman nito sa kabilang linya. Dinig ko ang ingay sa background at malakas na tugtog. Nasa bar na naman siguro ito. "Nakauwi ka na?"


"Uh, yeah. Umalis lang ulit ako ng unit. Bakit ka napatawag?"


"Wala lang. Naisip ko na baka nag-suicide ka na sa sobrang depression."


"If you call just to piss me off, you're succeeding." I said with sarcasm.


"Kidding, Annie. Tita phoned me. She asked kung sabay tayong nag-out. Napaghahalataan ko na talaga ang Mommy mo, Annie . Nagpaparinig na siya sa akin kanina . Am I going to give in?" he said in a teasing tone . Napailing na lamang ako sa sinabi niya .



"Stop teasing. Huwag mo na pansinim si Mommy."


"Wait, nasaan ka? Nasa highway ka?"


"Yeah. How did you know?"


"Naririnig ko kaya yung mga busina. Hey, hindi ka pa nakakauwi?"


"Nakauwi na nga. Lumabas lang ako ng unit."


"Ohh. Saan ka pupunta? Party?"


"Hindi ako tulad mo."


Pero mukhang kinain ko ang sinabi ko dahil nakaupo na ako ngayon sa tabi ni Shinn habang nakatingin sa cocktail drink na nasa harap ko. Sa likod ko ay ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga nagsasayawan sa dancefloor. Napabuntong hininga ako. I hate parties, bar-hopping and loud music. Mas ayoko sa mauusok na lugar kung saan may mga umiinom. But what can I do? Kailangan ko ng lugar kung saan hindi ko maiisip si Cyfer. Kailangan ko ng lugar na maraming distractions. Yung maingay at medyo magulo. Napatingin ako sa mga nagsasayawan sa dancefloor.


"Wanna dance?" tanong ni Shinn na nasa gilid ko at umiinom ng brandy. Marahan akong umiling at napabuntong hininga.


"I know you're not used to this kind of place but I want you to loosen up." sabi niya habang sumisimsim ng brandy. "Hindi ka naman pupunta rito kung hindi mabigat ang problema mo. May nangyari ba kanina?"


Umiling na lang ako. Kahit gusto kong ilabas ang saloobin ko, hindi ko magawa dahil lalaki itong kasama ko. Well, Shinn is my friend but I would be more comfortable if I was with Rhea. Kung nandito siya, siguro ay nasabi ko na sa kanya ang lahat. Kung nandito siya, malamang nasampal na ako no'n para matauhan.


"Huwag mo na isipin iyon. Hindi ka mahal no'n." biro ni Shinn. Natigilan ako at napatingin sa kanya. Tinaas niya ang kanyang kamay at ngumisi. "I mean it as a joke."


Tinaliman ko siya ng tingin pero hindi na lang nagkomento pa. Yes, that was suppose to be a not-so-offensive joke. Eh, ba't sobra akong na-offend? Huminga ako ng malalim. Paano nga kaya kung nagkita kami ni Cyfer at hindi niya ako mahal at hindi niya na ako hinabol? I felt something squeezing my chdst. Masakit pa rin siguro kahit gano'n. That'll be double black-eye but will cause no complications compare to our situation now. From the very start, I didn't deny my feeling towards him but I kept it just for myself. Pero nang makita ko siya, para akong sumabog at hindi ko na napigilan pa.


May mga pagkakataon pala talaga sa buhay ng tao na kahit sobrang talino mo, walang magagawa ang lahat ng achievements, medal, trophies at certificates mo sa mga alanganing desisyon. You'll end up being impulsive. You'll end up bleeding and wounded. Hindi ka maliligtas ng IQ mo. Isa lang ang ibig sabihin no'n, natalo ng utak mo ang puso mo.


"Mahal mo talaga , no?"


Napatingin akong muli kay Shinn.


"Are you willing to take the risk? Is he worth fighting for? Parang hindi, eh."


"Paano mo naman nasabi?" kunot noo kong sabi.


"Firstly, I'm a man. Ikaw na nagsabi na I don't do relationship but I always go for shitty things. But if I got married, I would stay with my wife no matter what the circumstances are. Secondly, if I have a son, I won't ever abandon him. Thirdly , if I really do love a girl, hindi ako magmamadaling magpakasal at magkaanak."


Umiwas ako ng tingin. "But you aren't him."


"Exactly." matiim siyang tumingin sa akin. "I'm not a sucker for romance. Alam mo 'yan. Pero hindi naman ako gano'n ka-cynical. Gusto ko rin naman magkaanak in the future at kung mangyayari man 'yon, ayoko ng komplikadong relasyon tulad niyang napasukan mo." umiling siya. "Ewan ko ba sayo kung bakit iniisip mo pa rin ang lalaking iyon. I already told you, hindi mo ikakabuti 'yan. Gusto man kitang maging masaya because you're my friend, hindi ko ata kayang maging kabit ka lang."


Shit. Napapikit ako. Kabit. Ang sakit sa tainga. Never, as never kong maging gano'n, not even in my wildest dreams.


"You know what? Drink this para naman hindi ka na masyadong mag-isip. Don't worry, I'll keep an eye on you. Harmless ako ngayong gabi." ngumisi siya.


Sandali ko siyang tinitigan bago tinungga ang inabot niyang inumin. Nalasahan ko ang pait at nag-init ang bawat himaymay ng katawan ko.


"Hey, easy. Shit. I thought you know how to drink. Inubos mo agad yung isang shot ng brandy. You okay?"


Tumango ako kahit ramdam ko na ang pag-ikot ng paningin ko. Nakailang shots pa ako at pagtapos no'n ay hindi ko na alam ang nangyari.


Nagising ako na sobrang sakit sa ulo. Halos hindi ako makatayo sa kama. Pagmulat ko ng mata, nalaman kong wala ako sa unit ko. Nandito ako sa dati kong kwarto. Sa mansion? Dito ako inuwi ni Shinn.


Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin ako tumatayo. Gising na ako pero mas pinili ko na mahiga nalang hanggang sa maibsan ang sakit ng ulo. Napadilat ako nang may pumasok sa kwarto ko.


"My. . ."


May dala itong tray ng pagkain, juice at tubig. "Finally. Akala ko itutulog mo ang buong maghapon. Kumain ka na."


Pinilit kong bumangon. "What time is it?"


"Almost 1. Inumin mo 'tong gamot. Ano ba namang pumasok sa isip mo at nagpakalasing ka?" nagsimula na siya sa kanyang sermon. Hinayaan ko na lang si Mommy na masalita ng magsalita habang kumakain ako. Gosh. Parang hindi ako twenty-eight years old kung itrato. Napailing na lamang ako.


"Buti na lang at hinatid ka ni Shinn dito."


Tumigil ako sa pagkain at tinitigan ko siya. "Mommy, stop pushing me to him. We'rd just friends. No more , no less. Hindi ko na nagugustuhan 'yang pagmamatchmake niyo. I'm already twenty-eight pero kung itulak niyo ako kay Shinn para lang akong teenager. Stop it."


Napamaang si Mommy sa sinabi ko at ilang segundong natigagal. "Is that a bad thing? Hindi ko naman kayo tinutulak sa isa't-isa, ah? I'm just trying to-"


"Mom, enough of your reasons. Tama na please. Hindi niyo na ako kailangang ireto sa iba. Kulang na lang sabihin niyo kay Shinn na kuhanin niya na ako. My, he's happy with his status. Sarap na sarap sa pagiging single iyon at hindi ko siya type, okay? Tama na." I said with finality.


Napailing si Mommy. "Ano namang ayaw mo sa kanya? He has been your friend since collegd days. Siya lang ang lalaking napalapit sa amin. Your Dad likes him-"


Tumalim ang tingin ko sa pagkain. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili dahil ayokong may masamang masabi kay Mommy. "My, kung sakali man na may magugustuhan ako, gusto ko ako yung pipili. I want to please myself first."


Mas lalong hindi nakaimik si Mommy. Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit nawalan ako ng gana. Hindi na siya nagsalita pa.


Pinilit kong pumasok kahit sinasabgan ako ni Mommy na mag-absent na lang.


Agad kong hinanap si Shinn dahil hindi ako nakapagpasalamat sa kanya. Out of coverage ang kanyang phone.


Dati komportable ako sa tuwing papasok ako sa aking trabaho, ngayon kulang na lang ay manmanan ko ang paligid. Naging paranoid ako bigla na baka makasalubong ko si Cyfer.


I spent an hour of reading my patient's medical records. Natigilan ako nang makitang muli ang records ni Kris.


Muling napako ang tingin ko ro'n. Hindi ko napigilang basahin ulit. Napatda ang tingin ko sa pangalan ng mommy niya .


Ramina Gutierrez . Gutierrez? Hindi de Vera o Madrigal? Di ba at kasal siya kay Cyfer?


Natigilan ako at mas lalong naguluhan . Namali lang ba ang mga nakasulat dito o may mali talaga sa sitwasyon . Bigla akong kinabahan . Hindi ko alam kung bakit pero biglang sumingit sa balintataw ko ang mga salita ni Cyfer.


Buong maghapon kong nasa isip iyon. Nang puntahan ko ang kwarto ni Kris at makitang wala ro'n ang ama ng bata ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.


Tulog ang bata at ako ang nag-check sa kanya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. Kamukhang kamukha ng bata si Cyfer. May parte pa rin ng isipan ko na umaasang sana hindi totoo ito pero sapat na atang ebidensya ang pagiging magkahawig nila para paniwalaan ko ng tuluyan na si Cyfer ang ama ng bata.


Mas lalo akong na-curious kung sino ang babaeng pinakasalan ni Cy. Maliban sa pangalan nito ay wala na akong ibang alam na detalye.


Hanggang sa hindi ko na napigilan at pinahanap ko room ni Ramina Gutierrez sa aming ospital.


"Room 602 po, Doc."


Huminga ako ng malalim at hindi malaman kung dapat ko bang ituloy ang pinaplano kong pagpunta. Paano kung nando'n si Cyfer?


Nasa tapat na ako ng pintuan nito at hindi makapagdesisyon kung dapat ba akong pumasok o hindi.


Nangingig ang kamay ko nang buksan ko iyon.


Tumambad sa akin ang nakatalikod na pigura ni Cyfer at isang babaeng nakahiga sa kama.


>>next update



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112