HTLAB2 - Chapter 6
A/N : Regular update na ulit ako rito sa HTLAB2. Thanks sa comments niyo last chapter. Nakakatuwa. Mas nainspire ako lalo. Ngayon ko lang nabasa ang mga reactions niyo dahil hindi ako nakapagbukas ng wattpad simula nung last update ko. Sana gano'n lagi. I love you all!
Add me on FB : KHIRA WP (Dyan ko pinost yung special chapter ng WYBHBM at dyan ko rin ipopost yung sa mga susunod ko pang stories. Nsa notes po.)
Join our FB Group : KHIRA'S STORIES
Twitter : @dhanaloveskhira
IG : dhalliejheane
I'm dedicating this chapter for the ONLY reader who keeps on saying it's useless to read HTLAB2. Kilala mo ang sarili mo. Nag-iisa ka lang at para sayo talaga 'to. Abangan mo pa yung mga susunod. Marami-rami ka pang dedication. Salamat sa pagiging negative mo. Enjoy. :)
Read before you vote. Don't mind my errors. Enjoy reading!
-
Fears
-
Humupa na yung sayang naramdaman ko kanina. Bumalik na rin sa normal ang aking paghinga. Pero yung puso ko, hindi ko mapakalma.
Pumikit ako at unti-unting bumalik sa aking isipan lahat ng matitinong katwiran at kadahilanan na nagpapabangon sa takot at pag-aalinlangan na saglit kong nakalimutan. After what we've done, how can we face the consequence of it? Are we going to fight together or am I going to face it alone? All my fears instantly came back. Bakit nga ba hindi ako nagkaroon ng kahit katiting na pag-aalinlangan sa nangyari sa amin?
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya, ang hininga niya na nanunukso sa gilid ng leeg ko, ang mga braso niyang nakalingkis sa paikot sa bewang ko na parang takot na takot siyang makawala ako. Nanatili akong nakapikit dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mata.
Why? Why did I allow myself to be like this? Is it because I love him this much? Is it because I never had the chance to get over with my obsession to him? Or is because I missed him so much and that was the only thing I knew to compensate the loneliness I felt for so many years I sufferred without him? Hindi ko alam kung alin do'n ang tamang sagot. Maaaring tama iyon lahat pero hindi ko na gustong timbangin pa kung alin sa mga dahilan ko ang pinakatama.
Pero paano ko masasabing tama ang mga iyon kung imoral ang ginawa naming ito? Mali 'to. Maling mali.
Naramdaman kong gumalaw si Cyfer at hinalikan niya ang pisngi ko pataas sa aking mata. Napadilat ako at nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Then, I realized that I'm already crying and he's kissing my tears.
No one dared to talk first . We just keep on staring each other's face, memorizing every details, every line and curves. Nag-mature na talaga ang itsura niya. Pero para sa akin, siya pa rin si Cyfer. Yung Cyfer na minahal ko ng sobra.
"I'm sorry, Anne. . ." he whispered. A sad smile slowly formed in his sensual lips. Ngiting walang buhay, pilit at walang bahid ng saya.
Lumunok ako at pumikit ulit. Sorry? Para saan? For what we did minutes ago? For the physical pain he caused me as we did 'it'? Or for the heartaches he caused me by marrying another woman?
Gusto ko siyang sumbatan. Kung totoo ang sinabi ni Heira na hinintay niya ako, bakit kami ganito ngayon? Bakit kasal na siya? If he truly loved me like then, bakit hindi agad siya gumawa ng paraan?
Pero anong karapatan kong manumbat? Anong karapatan kong itanong sa kanya iyon? Hiwalay na kami noon pa. Walang nakapantay sa pagmamahal ko sa kanya kaya nanatili siyang nakatatak sa akin. Simula't sapul, ako lang ang umasa. Ngayong nalaman kong may pag-asa pa sana kami kung wala siyang pamilya, wala pa rin akong karapatan sa kanya. Kahit pa gaano siya kamahal. Kahit gaano pa 'yon katagal, wala pa rin akong karapatan.
"Stop crying. Hush, please." bulong niya. "Look at me. Let's talk. I have so many things to tell you."
Kinakain ako ng takot. Kinakabahan ako sa maaari kong malaman sa kanya. Mas nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na nagmahal siya ng iba maliban sa akin. Paano ko matatanggap iyon?
Pinunasan ko ang luha ko at dumilat. Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako muli maiyak. I tried to smile at him. "I'm not okay, Cy. If I say I am, I know you won't believe me. I'll be honest, sobrang nasaktan ako." nabasag ang tinig ko at muli akong napapikit. Itinakip ko ang aking kamay sa mukha ko at marahang humikbi. I heared him groan in pain. Niyakap niya ako ng mas mahigpit, pilit niyang inaalis ang kamay kong nakatakip sa aking mukha.
"Please believe me when I say I love you. I really do, Anne. No matter how complicated my life is, I still kept you in my heart, embed you on my mind, marked you in soul. And I have no regrets on what we did. I brand you mine. I'm yours , Anne. Body, mind, heart and soul." bulong niya.
Mas lalo akong napaiyak. Paano niya nasasabi iyan? Paano ako maniniwala sa kanya? Paano ko panghahawakan ang mga salita niya kung nagawa niyang itali ang sarili niya sa iba?
At bakit imbis na matuwa ako, mas lalo akong nasasaktan sa mga narinig ko sa kanya, mas tumitindi lang yung sakit? Nagkakaroon ako ng hinanakit. And damn, unti-unting bumabangon yung guilt. Walang alam ang asawa't anak niya. Parehong pang may sakit. Oh, my God. What have I done?
Para akong nabuhusan ng isang drum na tubig at may kasamang yelo. Nanlamig ako bigla. Nanginig ang mga kamay ko sa pinagsama-samang emosyon na nadarama. Hindi ko na ata kakayanin kung ano pa ang susunod kong maririnig sa kanya. Though, I have so many questions inside my mind that I want to voice out, my fear is eating me alive.
"If you aren't ready to hear my side, I'll understand. But if I have to beg just for you to listen, I will. May gusto lang akong malaman." dumilat ako at nakita ko ang mga mata niyang namumula at nagmamakaawa. "Nagsisi ka ba sa nangyari sa atin, Anne?"
I got stunned. Kinapa ko ang aking damdamin. Nagsisisi nga ba ako? Pinagsisisihan ko na ba ngayon na nagpadala ako sa damdamin ko at hindi ko sinunod ang bulong ng konsensya? Na mas inuna ko pa ang pagiging makasarili kaysa sa pag-iisip sa mga taong masasagasaan ng desisyon kong 'to? I don't want anyone hurt because of me. This love is precious yet it brings a lot of complications. I kept it for years and I thought this kind of love is a sign of purity and loyalty. But now, it turns out to immoral and infidelity. Parang bumaliktad ang mundo ko at lahat ng alam kong tama, sa isang iglap ay naging mali.
Yes, I'm guilty. Pero hindi ko masabing pinagsisihan ko ang lahat. At the back of my mind, I know I cannot fool myself and that question is not something I can deny. Inamin ko na nakaramdam ako ng saya, hindi dahil sa naagaw ko siya pansamantala kundi dahil naibigay ko yung sarili ko sa kaisa-isang taong minahal ko ng sobra.
Dahan dahan akong umiling bilang sagot. "No, Cy . I feel guilty but I don't regret it." mahina kong sagot .
Mas marami akong dapat pagsisihan kaysa doon . Dapat na ba akong mandiri sa sarili ko? Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko . Ipagsisiksikan ko ba ang sarili ko sa kanya? Like I'm some kind of. . .mistress?
Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang daliri. "There's always a reason on every decision we make. Gusto kong malaman mo kung ano yung akin." huminga siya ng malalim. "Alam kong ako lang, Anne. I'm your only man. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Pero nasasaktan rin ako. Totoo, kasal ako sa iba. . ." pag-amin niya. Napapikit ako ulit. Parang yoko na marinig pa. Habang tumatagal, mas tumitindi yung sakit na dala ng mga salita niya. Gusto kong umasa pero paano ko gagawin iyon kung sa dulo ng lahat ng ito ay may salitang 'mali.'
"I married Ram when I was twenty-two."
"I thought you waited for me?" hindi ko gustong samahan ng panumumbat pero hindi ko napigilan. Nasasaktan ako at hindi ko na kayang kimkimin pa ng buo ang sakit.
He sighed. "I do."
"Did. For five years-"
"Hinanap kita kahit kasal na ako . Inayos ko ang buhay ko para sayo-"
Umiling ako at ngumiti ako ng mapait . "I waited for eleven years only to find out that you're now a married man and with a child ."
"No, Anne-"
"At ngayon, anong gusto mong maramdaman ko? Cy, I waited for so long! Oo, walang nagsabi sa akin na maghintay ako ng gano'n katagal pero wala talaga. Ikaw lang. I tried to move on. I dated a number of men-"
"What men?" bahagyang tumaas ang tinig niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Oh, God! Don't used that tone to me. I dated because I want to forget you-"
"Yes, I married another girl but I never tried to forget you!" he burst out. Natahimik ako at napatitig sa kanya. Bakas ang pagod at paghihirap sa mukha niya. "Una palang, alam ko na talo ako pag pinilit ko ang sarili ko na kalimutan kita-"
Natawa ako ng marahan. Muling sumungaw ang luha sa mga mata ko. "Hindi ako naniniwala."
Umiling siya at napapikit. Sinandal niya ang kanyang ulo sa headboard. "Hindi ko alam kung paano kita mapapaniwala . Alam kong baka magalit ka lang-"
"Sinong hindi magagalit?" bumuhos na ang emosyon na pinipigil ko . "Sinasabi mo na you never tried to forget me pero nagpakasal ka naman sa iba! Naglolokohan lang ba tayo?"
"Will you please listen first?" sabi niya sa pagod na tono. "I married Ram because she had no one to turn to. I'm her only lifeline, Anne. That time, she was a wreck and she got pregnant with Kris. Her family abandoned her. Kung bato pa rin ako sa paningin mo, gusto kong malaman mo na binago ko lahat ng maari kong baguhin sa sarili ko para sayo. All for good. Para matanggap ako ng lahat para sayo. Para pag nagkita na ulit tayo, matatanggap mo ako ng buo-"
"How? Tell me, paano kita tatanggapin kung nakatali ka sa iba? Cy, mahal kita. Nakikita mo naman, di ba? Nararamdaman mo naman. I even gave you myself kahit kasal ka dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo pero alam nating pareho na hindi tama 'to." nangarag ang tinig ko at umiwas ako ng tingin. "Is this a kind of love you have for me? Making me your mistress?"
Nakita kong natigilan siya at tumitig siya ng matagal sa akin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Humihikbi akong tumalikod. Pinulupot ko ang kumot sa katawan ko at umakmang tatayo sa kama. Hinila niya ang braso ko at niyakap ako mula sa likod.
"Sorry. I. . .I didn't mean it that way." sinubsob niya ang kanyang ulo sa leeg ko. "Hindi gano'n, Anne."
"Let me go, Cy." nanghihina kong sabi. "You already know na hindi kita kayang tanggihan. I will fall for you again and again at hindi na ako makakaahon ulit. Kaya dapat. . .d-dapat ikaw ang lumayo kasi ikaw yung nakatali sa iba. Masasaktan mo sila. Mas masasaktan mo ako. So please, isipin mo ng mabuti 'to."
Naramdaman ko ang marahan niyang pagtango. "I'm. . .sorry."
Finally, he's letting me go. Natauhan na siya. Siguro nagsisi na siya sa ginawa naming dalawa. Siguro na-realize niya na mas kailangan siya ng kanyang mag-ina.
Tatanggalin ko sana ang mga braso niyang nakapulupot sa aking katawan pero nagtaka ako nang humigpit iyon.
"I'll let go of them , Anne, but I won't let go of you. Never ." he whispered and I gasped . Napatingin ako sa kanya .
"W-what?"
"You heard me, Anne . Be ready. I'll get you no matter what." determinado niyang sabi . Nagpanik ang sistema ko pagtapos niyang sabihin iyon. Nagmadali akong tumayo para makalayo sa kanya. Good thing, agad naman siyang kumalas.
"Go away, Cy." sabi ko bago ko tinungo ang banyo.
Iniiyak ko ang lahat ng natitira kong luha. Hindi ako lumabas nang hindi pa kalamado ang sistema ko. Pagod ako at ramdam ko pa rin yung pisikal na sakit dahil sa nangyari kanina pero hindi ata matapos-tapos ang pag-iyak ko. Kung paano nauwi sa ganito ang lahat, hindi ko alam. Masyadong mabilis. Hindi ko maintindihan si Cyfer kung bakit kailangan niyang gawin iyon. Paano kung totohanin niya? Hindi matanggap ng isipan ko na makakaya niyang iwan ang mag-ina niya. Heira told me yesterday that Cyfer loves his son. Iiwan niya ang anak niyang may karamdaman para sa akin? Halos hindi ako makahinga sa kaba.
Halos magdadalawang oras rin akong nasa loob ng banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Magang-maga na namana ng mga mata ko, namumula ang pisngi at dulo ng ilong ko . Napalunok ako nang may mapansin ako sa katawan ko . May red marks at love bites sa leeg at dibdib ko.
"Oh my gosh." napahilamos ako ng wala sa oras. Iniisip ko kung lalabas pa ba ako ng banyo o hindi na. Pero kailangan kong magbihis. . .
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng banyo. Natigilan ako nang makitang wala na si Cy. Wala na rin ang mga damit niya. Namula ako nang makita ang dugo sa bedsheet. Iniwas ko ang aking tingin do'n. Natigilan ako nang makita ang papel sa side table. He left a note. Kinuha ko iyon at binasa.
Anne,
I'll wait you tomorrow at the hospital. Sorry sa lahat. We'll talk again tomorrow. I'm serious, I will choose you over anyone. I love you.
-Your Cy.
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil do'n. Nakaidlip lang ako ng isang oras kaya naman maaga akong nagising kinabukasan. Ang bigat ng pakiramdam ko idagdag pa ang sakit ng katawan. Gusto kong may makausap. Naisip kong tawagan si Rhea pero sigurado akong mag-f-freak out iyon pag kinwento ko sa kanya ang buong detalye.
Tinawagan ko si Shinn para makipagkita sa malapit na coffee shop.
Sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko at ang mga napag-usapan namin ni Cy pero hindi ko na kinwento sa kanya na may nangyari kagabi. Knowing Shinn, sigurado akong makikipagbugbugan 'to.
Taliwas sa inaasahan ko ang naging reaksyon niya. He became serious pero hindi siya nagalit. Pinaalalahanan niya lang ako.
"You're playing with fire, Annie. Aren't you afraid? He's already married." marahan niyang sabi pagtapos sumimsim ng kape.
Nanatili akong nakatingin sa inumin ko.
He cleared his throat before he speaks. "I admire you because you keep your feelings steady like a concrete wall. Not to mention, you only love one man in your entire existence. He's your first pero naisip mo na ba na he may not be your last? Girls are melodramatic and hopeless when it comes to love. Matagal ko ng alam na isa ka sa kanila pero hindi ko matanggap na ang pinakamatalinong babae na nakilala ko ay nagpapakatanga sa isang lalaki." umiling iling siya. "No offense, Annie. I'm just being honest with my opinion. Gusto kong marinig mo ang opinyon ko hindi dahil nagpapasikat ako na marami akong alam sa ganyan kundi dahil kaibigan kita. I'm thinking generally. Ayokong mahusgahan ka ng iba at darating sa punto na lalaitin ka nila because you stoop down to a level of becoming your first love's mistress. Alam kong mahal mo siya and no one can judge how you love a person pero hindi lahat ng tao may malawak ng pag-iisip. Yung mga makikitid ang utak, iyon ang maraming nasasabi. Ayokong dumating sa gano'n. Yung marami na silang masasabing masama against you. Baka maging criminal ako. Gusto mo ba iyon?"
Kahi seryoso ang usapan, bumibira pa rin siya ng mga walang kakwenta-kwenta. Sa ibang pagkakataon, matatawa ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko magawang tumawa. Hindi ko magawang ngumiti man lang. Pakiramdam ko ay pasan ko lahat ng problema sa mundo.
"Paano pag ako ang pinili niya?" tanong ko sa mahinang boses. Marahas na napatingin sa akin si Shinn at nanlaki bigla ang kanyang mata.
"Wala ka naman sigurong balak na agawin siya sa pamilya niya, di ba?"
Pumikit ako at umiling . "Pero paano pag ako ang pinili niya?"
"Bakit ikaw ang pipiliin niya? He has a wife! His son is ill." umiling si Shinn at nagbuntong hinina. "I hope hindi umabot sa ganyang punto, Annie. Hindi magandang sign iyon. Mas gugulo. Mas magiging komplikado. Makokonsensya ka lang. Damn it! Hindi mo deserve maging second best. Kahit pa million years mo siyang hinintay para maging kayo, pag may masasagasaan kang mga inosenteng tao, ikaw na ang umiwas." napamura siya ng isang beses. Napangiwi naman ako. "You know what, Annie? Napakaraming lalaki sa mundo. Kung gusto mo ng near to perfection, isa na ako ro'n. Bakit kailangan mo pang maghintay sa kanya?"
"Kasi siya yung mahal ko-"
"Lame na ang ganyang pagpapalusot. Love, love pa , wala ka namang mapapala dyan unless mahanap mo yung taong nakalaan para sayo." bumuntong hininga siya. "Nakakaumay mag-advise ng mag-advise. Hindi naman ako si Cupid. Tss." bigla ulit siyang nagseryoso. "May utak ka , gamitin mo. Yung puso mo, saka na."
Shinn got all the right points and I was left confused. I never thought that I will get involve into this kind of situation. Dati, sobrang baba ng tingin ko sa mga babaeng pumapatol sa may asawa. You can never be so sure of what they could feel unless you stand on their ground. Hindi sa binibigyan ko ng justice ang pagkakamali nila pero paano kung kagaya ko lang sila na nagmahal ng sobra? Nakakabaliw mag-isip ng paraan para malusutan ang sitwasyon na ito.
"Annie, stop stressing yourself. Kanina pa kita napapansin. Hanggang dito ba naman iniisip mo pa rin ang mga love problems mo?" birong-totoo ni Shinn. Ngumiti lang ako ng mapait. Napatikhim naman siya. "Sorry if I offend you. Please, cheer up. Marami kang pasyente na mas depress pa sayo. Don't gave them a long face. Baka matakot sila."
Hinampas ko siya ng clipboard at tumawa lang ito. Kahit papaano ay pinagpapasalamat ko ang presensya ni Shinn. Maloko siya at kung anu-ano ang mga birong sinasabi pero isa siya sa mga nakapagpapagaan ng loob ko ngayon . Nandito na kami sa ospital at kanina pa ako tila wala sa sarili. Buti nalang at may schedule si Shinn sa operating room at hindi niya mapapansin ang pagkabalisa ko.
"Anne, umayos ka. Pinasok mo 'to. It's your own choice. You refuse to think straight when you spent a night with him. Take all the consequence of your actions. Kasalanan mo 'to at wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo." para akong baliw na kinakausap ang sarili sa powder room. Buti na lang at walang tao rito. I felt so drained. Iniisip kong dala lang ito ng antok dahil kulang ako sa tulog.
Sige, Anne. Makipaglokohan ka sa sarili mo. . .
Nag-umpisa akong magtrabaho at pinilit kong alisin sa isip ko si Cyfer. Nang ibigay sa akin ng nurse ang laboratory test ni Kris at napagtanto kong oras na para pumunta ako doon ay agad binayo ng kaba ang dibdib ko.
Sigurado akong nando'n siya. Sinabi niyang hihintayin niya ako.
"Go ahead. I'll go after you. May dadaanan lang ako." sabi ko sa nurse.
"Yes, doc." nauna na ito papunta sa taas.
Bumagal ang paglalakad ko. Hinintay kong bumukas ang isa pang elevator. I need a minute to think. Natetensyon ako at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
Damn it, Anne. Think of Kris. Not his father. Hindi naman si Cy ang gagamutin mo. Bulong ng isipan ko.
Napabuntong hininga na lamang ako. Pagdating ko sa kwarto ni Kris, nando'n na ang isang nurse at ang head doctor. Nando'n din si Cyfer at ang yaya ni Kris. Napalunok ako.
"Good afternoon." pagbati ko.
Inumpisahan ang pag-review sa mga test na naisagawa kay Kris at ang lagay niya sa mga nakalipas na araw.
"Kris, anong nararamdaman mo?" malumanay kong tanong. "Hindi ka ba nahihilo? Hindi ba sumasakit ang ulo mo?"
"Minsan po." sagot niya gamit ang maliit niyang boses. Napangiti ako dahil magalang ang bata sa pagsagot.
"Okay. Kailan huling sumakit ang ulo mo? Madalas ba?"
"Kagabi po." tumingin siya sa Daddy niya. "Daddy was not here. Hinanap ko po kasi siya, eh."
Natigilan ako at sandaling napatingin kay Cy. Nagtama ang tingin naming dalawa . Napatikhim ako at mabilis na umiwas ng tingin. Tumango ako ng isang beses at ngumiti kay Kris.
Act, Anne! May mga kasama ka. . .
Lumunok ako bago muling nagtanong. "Hmm, o-okay. Wala ka na bang ibang nararamdaman? Wala bang masakit sayo?"
Umiling na ang b ata. Tinignan ko ang mga records at pinagkaabalahan iyon kahit hindi pumapasok sa utak ko ang mga nakalagay do'n.
"He needs to stay for another three days. Kanina, nag-nosebleed ang bata at tumaas na naman ang temperature niya. . ." sabi ng head doctor. Tumango ako at hinayaan siyang makipag-usap kay Cy.
Napatingin ako kay Kris at nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Then, he smiled.
Parang may sumuntok sa dibdib ko at sumakit ito bigla. Ngumiti rin ako pabalik sa bata. He looks so innocent. Iniisip ko palang na iiwan siya ni Cy para sa akin, nasasaktan na ako. I could see his admiration to his father. At hinanap pala ni Kris si Cy kagabi. Hindi nito alam na kasama ko ang Daddy niya. Sobra akong na-g-guilty ngayon.
Nagpaalam ang head doctor at ang nurse. Sasabay na sana ako sa paglabas nila nang mapako ang tingin ko kay Cyfer. Tuluyan nang nakalabas ang mga ito pero nanatili ako sa aking kinatatayuan.
Lumapit siya sandali kay Kris at may binulong ito. Tumango si Kris at humiga sa kanyang kama. Umayos ng tayo si Cy at naglakad papunta sa akin. Hinawakaan niya ako sa siko at parehong na kaming nakatalikod kay Kris.
"Anne-"
"Cyfer, you can't leave them. Don't you dare. Hindi mo ba nakikita? Kailangan ka ng anak mo. He needs you more than I am. He's ill at wala siyang kaalam-alam na-"
"Hush. I know that. Ang gusto ko lang makinig ka." may pagsusumamo ang tinig niya. Napatingin ako kay Kris na mukhang nakatulog na. Pabulong ang pag-uusap namin pero natatakot ako na marinig kami ng bata.
"Cy, nakikinig ako. I understand. I'm mature enough. Kalimutan nalang natin yung nangyari. Mas kailangan ka ng anak mo. And your wife-"
"You should meet Ram, Anne. We'll talk to her."
Natigilan ako at matagal na napatitig kay Cy. What did he just say?
>>next update
A/N : Yung BS po ng HTLAB ay naka-private. Yung link ay naka-post sa fb ko. Ilalagay ko rin siya sa FB group. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top