HTLAB2 - Chapter 5
-
Equal
-
Nataranta ako lalo nang mapalingon ang lahat sa akin. Mabilis akong yumuko para pulutin ang cellphone ko.
"Anne Martin? Is that you?" natigilan ko saglit. Tumingala ako at nakita kong papalapit si Heira sa akin. Si Cyfer ay nanatili sa kinatatayuan niya. Tumayo ako. Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. Gano'n din ang aking kamay kaya napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.
"Anne!" nakuha muli ni Heira ang atensyon ko. Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Walang masyadong nagbago sa kanya maliban sa pag-amo ng kanyang mukha. Maganda na siya noon pero mas lalo siyang gumanda ngayon.
"Heira." gumanti ako ng ngiti. Sinalubong niya ako ng yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. It has been a long time. Eleven years na rin nang huli ko siyang makita .
"Oh , my God! Hindi ko akalain na makikita kita rito." napatingin siya sa suot ko . "Gosh! Doctor ka na?"
Ngiti lang ang naisagot ko . Hindi ko rin akalain na dito ko siya makikita . Bumaling ulit ako kay Cyfer at nagulat ako nang makitang nanatili siyang nakatitig sa akin. Kumalabog ang puso ko at bigla akong kinabahan. I set my eyes back on Heira's face. Napalunok ako. Bakit sila magkasama? Sila ang nagkatuluyan?
"Ikaw? Kamusta ka na? Wala akong naging balita sayo. Hinanap ka namin ni Rhei." sabi ko naman kay Heira. Oh, please. Sana naman hindi ako mautal. Kating-kati ang mata ko na tignan ulit si Cyfer pero todo ang pagpipigil ko. Ayokong makahalata siya.
"Oh, sorry. Minsan lang kami rito sa Manila. We live in Antipolo. Huli kong nakita si Rhea five years ago pero ikaw, ngayon lang ulit kita after ten years!"
"Eleven years." pagtatama ko. I chuckled. "Three years ago na nang makauwi ako galing U.S."
"Ohh." tumango-tango si Heira. Lumingon siya kay Cyfer at tumingin muli sa akin. Tumikhim siya ngunit hindi agad nakapagsalita.
"Papunta ba kayo kay Kris?" tanong ko kay Heira.
Nanlaki ang mga mata niya . Hindi ko alam kung bakit ikinagulat niya ang pagbaanggit ko sa pangalang iyon .
"K-kilala mo si Kris?"
Pinilit kong tumawa kahit umatake na naman ang sakit na naramdaman ko lang kahapon. "Oo naman. That child is my patient, Heira. . ."
Napasinghap si Heira at napatingin kay Cyfer. Hindi ko alam kung naririnig ba nito ang usapan naming dalawa ni Heira pero umiwas siya ng tingin nang bumaling ako sa direksyon niya.
"So, nagkita na ulit kayo ni Gelo bago pa ngayon?"
Sandali akong nanibago sa pangalang binanggit niya. Gelo. Hindi talaga ako sanay. Sa isip ko, siya si Cyfer. Pag nakikita ko ang mukha niya, siya si Cyfer. Ang dati niyang pangalan ang mas tumatak sa akin at hindi iyon madaling burahin at baguhin. Hindi gano'n kadali. Hindi nadadaan sa isang sabihan lang.
"Oh, I mean. . .Cyfer." marahang pambawi ni Heira nang makita niyang sandali akong natigilan.
Tumango ako at ngumiti ulit. "Kahapon lang."
Muli akong napabaling kay Cyfer. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko siyang papalapit sa amin ni Heira. Oh, my God. Ito na naman . Napalunok ako . Umiwas ako ng tingin sa kanya .
Pero parang lumakas ang senses ko at pati yabag niya ay dinig na dinig ko. Nang makalapit na siya ay agad kong naamoy ang pabangong gamit niya. Such a manly scent.
"Mauuna na ako, Heaven."
What? Heaven?
Ngumiti si Heira at hinaplos ang braso ni Cyfer. Napatda ang tingin ko ro'n. Parang may tumutusok na maliliit na karayom sa dibdib ko. Nang mapatingala ako kay Cyfer ay mataman siyang nakatingin sa akin. Sabay kaming nag-iwas ng tingin.
Damn. Nagseselos ba ako? Anong karapatan kong makaramdam ng ganito?
Anne, hindi siya sayo! Sigaw ng matinong parte ng aking isipan .
Oo , alam ko . Alam na alam ko 'yon . Nakatatak na iyon sa puso't isipan ko . Pero anong magagawa ko kung hindi ko iyon matanggap ng buong-buo? Na may sampung porsyento ng pagkatao ko ang sumasalungat sa katotohanang hindi ko siya pag-aari .
Heaven . Is that his endearment to Heira? He once told me I was his angel . Oh, shit! Nag-iinit na naman ang mga mata ko . Anne , hindi ka pwedeng umiyak! For pete's sake , kaharap mo ang kaibigan mo!
Pero paano na 'to? Sila ba? Sila ba ang nagkatuluyan? Paano ko matatanggap 'to? Yung dati kong kaibigan tapos si Cyfer? Hinihingal ako sa pag-atake ng sunod-sunod na sakit. Hindi pa nga nag-s-sink in sa utak ko na kasal at may anak na si Cyfer, nandito na ngayon si Heira sa harap ko. Mukhang siya pa ang naging asawa ng taong hinintay ko sa mahabang panahon.
"Can you spare a thirty minute break for a cup of coffee with me?" marahang sabi ni Heira. "I have so many things to tell you. Gustong gusto kita makausap. . ." may kakaiba sa kanyang tono. Parang may bahid ng lungkot, pagsisi at pakiusap.
"S-sure." hindi ko siya magawang tanggihan. Isa pa, gusto ko rin siyang makausap. Though, kinakabahan ako sa maaari kong malaman tungkol sa kanya. Natatakot ako na baka hindi ko makontrol ang emosyon ko at umiyak ako sa harapan niya.
Pumunta kami sa coffee shop na nasa ground floor ng aming hospital . Good thing , it's afternoon at hindi karamihan ang costumer . Nag-order ako para sa aming dalawa . Nilingon ko siya . May katawagan siya sa kanyang cellphone. Sakto namang nakuha ko na ang mga in-order ko. Pagkaupo ko ay sabay nang paglapag niya ng kanyang phone sa mesa.
"I called Gelo. Sinabi kong inaya muna kitang magkape." pagtapos niyang sabihin iyon ay natutop niya ang kanyang labi. "Oh, sorry. What I mean is I called Cyfer-"
"It's okay, Heira. I already knew that he changed his name. He's no longer Cyfer Madrigal." bahagya ko pang binuntutan ng tawa ang aking sinabi. Si Heira naman ay tumikhim at natahimik. Sumeryoso ang kanyang mukha at tumingin sa akin na parang hindi malaman kung ano ang dapat niyang sabihin.
Sumimsim ako ng kape. Maski ako ay napipi. Words deserted me. I can't even utter a word to continue our conversation. Parang isang maling salita lang at mamamatay kaming pareho.
"So. . ." pasimula niya. "Nakapag-usap na kayo ni Gelo? I mean, ni Cyfer?" huminga siya ng malalim. "Sorry. Nasanay na ako sa bago niyang pangalan. Limang na taon na simula nung naging de Vera siya . Buong pangalan niya ang nabago."
Limang taon? De Vera? Saan nanggaling ang surname niya? Sa tunay ba niyang ama?
Huminga ako ng malalim. Nahihiya akong isatinig iyon kay Heira. Baka isipin niya na masyado akong interesado sa personal buhay ni Cyfer, eh wala naman akong karapatang makialam.
"Nakapag-usap na kami kahapon. Ako ang doktor ng anak niya." tumikhim ako. "Anak mo rin ba si Kris?" I tried to ask in a casual way.
Nanlaki ang mata ni Heira at muntik pa siyang masamid habang iniinom ang kanyang kape.
"What? N-no. Hindi ko anak si Kris." sabi niya sabay ng pag-ilang. "A-anak siya ni Cyfer."
I tried to smile. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Parang may kasamang antisipasyon ang pakikipag-usap ko kay Heira.
"Alam mo na ba na kasal na siya?" marahang at maingat na tanong ni Heira.
Tumango ako .
"Sinabi niya sayo?"
"N-not directly." lumunok ako. "But I saw his wedding band so I've concluded that he's a married man." sabi ko na parang balewala lang sa akin ang lahat . Na parang walang hatid na sakit ang katotohanan na iyon .
Tumango si Heira at ngumiti pero kapansin-pansin na walang buhay iyon. "Yes, he is."
And there, another confirmation. Another slap of reality. Kasal na talaga siya at anak niya si Kris. Naninikip na naman ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim.
"Have you met his wife? Nandito rin siya sa ospital niyo."
"W-what?" gulat kong tanong.
Heira sighed. "May sakit siya. CML. Nasa late stage na. Sa kanya namana ni Kris ang sakit nitong Leukemia."
I gasped. Nawindang ako sa mga sinabi ni Heira. Napatuloy siya sa pagkwento.
"Mag-s-seven years na silang kasal ni Ram. Nalaman naming lahat na may sakit si Ram nung sinilang niya si Kris. She's fighting CML for years now. Nataningan na ang buhay niya noon pero nalagpasan niya ang dalawang taon na palugit ng mga doktor. She's already a survivor. Pero this year lang, bumalik yung sakit niya at mas lumala. Ayaw niya na magpagamot sa ibang bansa kaya nilipat namin siya rito two weeks ago. Si Cyfer ang may matinding pagtutol . Gusto niyang magtungo silang mag-asawa sa U.S." she paused for a moment. "Gusto niyang gumaling si Ram at si Kris . Nagmatigas si Ram. Gusto niya dito lang. Si Kris na lang daw ang dalihin ni Cy sa ibang bansa at iwan na lang siya dito."
Napailing si Heira. Tumitig siya sa akin at malungkot na ngumiti.
"Hindi namin alam na nakauwi ka na pala at three years ka na palang nandito. Sa sobrang busy ni Cy sa business ng mga de Vera at sa pagpapagaling sa mag-ina niya, hindi niya na siguro namalayan ang pag-uwi mo." pumikit siya at hinawakan ang kamay ko. "May mga bagay na hindi ako ang dapat na magsabi sayo. Wala ako sa lugar pero. . .gusto kong malaman mo na naghintay siya ng matagal para sayo. Ang tagal niyang naghintay sayo . . ."
Nagbara ang lalamunan ko . Tumatanggi ang isip ko sa kung ano ang gustong iparating ni Heira . Parang hindi totoo .
Dahil kung hinintay niya nga ako ng matagal , sana hindi siya nagpakasal sa iba . Sana wala siyang asawa at anak. Sana hindi siya pamilyadong tao.
At sana ako yung masaya ngayon. Dapat kaming dalawa yung kasal. Dapat kaming dalawa yung may anak. Dapat kami yung nakabuo ng pamilya. Dapat ako yung asawa niya. Dapat ako 'yon, eh. Dapat ako. . .
Umiling ako kay Heira at ngumiti. "He looks happy with them , Heira. And I'm happy for him."
"Looks can be very deceiving." mahinang usal ni Heira. "He loves them. Lalo na si Kris pero. . .may parte ng buhay niya na inilaan niya para sayo. Marami siyang inayos sa buhay niya na para sana sa inyong dalawa." may panghihinayang niyang sabi. At nakaramdam rin ako ng sobrang panghihinayang kahit hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi ni Heira sa akin.
"Bad timing. Sayang. Sobrang nakakapanghinayang." sabi pa niya. Tumitig siya sa akin. "Are you married?"
Dahan-dahan akong umiling. Napapikit siya at napasandal sa kanyang upuan.
"H-hinintay ko rin siya. . ." pag-amin ko. "Eleven years."
Nanlaki muli ang mga mata ni Heira at napatuwid ng upo.
Napalunok ako. "But I think it's too late. Too late. . ." agad kong pinunasan ang luhang tumakas sa mata ko. Kinagat ko ang aking labi . Pinilit kong ngumiti. "Huwag mo na lang sabihin sa kanya."
"Oh, Anne. . ." nangingilid din ang luha ni Heira. Pumikit siya sandali. "Sana kaya mo pang maghintay. . .sa taong para talaga sayo. Marami pa sana akong gustong sabihin pero sa tingin ko hindi ako ang dapat magsabi no'n."
Pakiramdam ko ay may malaking bato na nakabara sa lalamunan ko kaya hindi na ako nakasagot. Tumango na lang ako kahit sobrang curious na ako sa gusto niyang idagdag.
Humina ako ng malalim at bahayang tumawa. "Ako rin may iku-kwento sayo. Rhea is married!"
Nagbangon ako ng panibagong topic. Tingin ko kasi ay hindi na dapat palalimin pa ang usapan tungkol sa aming dalawa ni Cyfer. Parang ang hirap paniwalaan na hinintay rin ako ni Cyfer. Bakit hindi na lang siya nagkusa na puntahan ako sa US? Bakit hindi na lang niya ako kinuha? Kasi kung totoong naghintay siya at mahal niya pa rin ako, di sana ang hantungan namin ay ang isa't-isa. Hindi sana siya nagpakasal sa iba. Dapat sa akin lang.
I cannot undo the history. It's impossible. The only choice right know is acceptance. Wala ng iba pa.
Hindi lumagpas ng thirty minutes ang pag-uusap namin ni Heira. Paakyat na kami sa floor kung saan naro'n ang room ni Kris nang may sabihin siya sa akin.
"Oh, by the way, hindi na Heira ang pangalan ko." nakangiti niyang sabi.
"Ha? Bakit?"
"I was adopted. Yung totoo kong magulang, nasa L.A. 11 years ago rin 'to nangyari. Napalitan ang pangalan ko tapos maaga akong nag-asawa at nagkaanak." humagikgik siya na parang wala siyang pinagsisihan sa nangyari sa buhay niya. Kumikislap ang mga mata niya sa saya.
"Ano na ang pangalan mo? Yung true name mo?" curious kong tanong.
"Heaven Erah Lincoln-de Vera. Lincoln, my parents surname. De Vera, my husband's surname." paliwanag niya.
Natigilan ako. Heaven? Heaven talaga ang pangalan niya? Ibig sabihin, hindi endearment sa kanya ni Cy ang 'Heaven' kundi pangalan niya talaga? Para akong nakahinga ng maluwag sa aking nalaman. Pero may isang bagay na nakapagpagaulo ng takbo ng aking isipan. De Vera? Si Cyfer, di ba at de Vera rin ang totoo niyang apelyido? Kaano-ano ni Heira si Cyfer ngayon? Gulong-gulo ako.
"Mukhang naguluhan ka ata kaya ipapaliwanag ko sayo." nakangiting sabi ni Heira habang naglalakad kami sa pasilyo. "Yung biological father ni Gelo ang de Vera. Half-brother niya ang napangasawa ko. Si Xandrei? Yung boyfriend ko nung seniors pa tayo?"
"Kayo pa rin ang nagkatuluyan?"
Tumango si heira ng mabilis. "Kami pa rin." tapos ay tumawa siya.
Nakakainggit si Heira. Ang tagal na pala nila. Naalala kong high school pa kami no'n. Buti pa siya
"So, brother-in-law mo si Cyfer?"
"Yup. Si Gelo. Oh, come on. Ikaw na lang ata ang tumatawag sa kanya sa pangalan niyang iyan. Masasanay ka rin na tawagin siyang Gelo."
Sumilay sa labi ko ang ngiti. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kahit papaano. . .
Dapat ko pa bang sanayin ang sarili ko na tawagin siyang Gelo?
Pagdating namin ng kwarto ni Kris ay naabutan namin itong tulog at pinagmamasadan ni Cyfer ang anak niya. Napatayo siya nang makita niya kami . Bumubuti na ang lagay ni Kris. Pag nagpatuloy ang pag ganda ng pakiramdam ng bata after a series of blood test, pwede na siya ilabas . Pero kailangan pa rin nitong bumalik for timely checking. Hindi basta-basta ang ganyang sakit. Kung dadalhin nga ni Cyfer ang bata sa ibang bansa, mas malaki ang possibility nitong gumaling. Curable ang Leukemia lalo na pag nasa early stage pa lang. Kailangan nga lang ng malaking halaga para mapagaling ang pasyente. Gamot, check-up, theraphy. . .
Mahirap pag nasa last stage na. Naalala ko yung sinabi ni Heira kanina. Yung asawa ni Cy, may CML at nasa critical stage na. Napatingin ako sa mga mata ni Cy. Nagulat ako dahil nakatitig rin siya sa akin. Sa dami ng nagbago sa kanya, yung mga mata niya ang parang walang pinagbago. Gano'n pa rin. Nakakalunod pag tinititigan ko siya.
Too bad, kailangan ko na lagyan ng barrier ang gitna naming dalawa. He's off limits. Nakakapanghinayang pa rin talaga. Sino bang hindi manghihinayang sa amin? Nginitian ko siya at saka lumapit kay Kris. Ni-review ko ang records ng nurse. Tama nga ako. Gumaganda na ang kondisyon niya. Sana malagpasan ito ni Kris.
Sandali kong kinausap si Cyfer at Heira tungkol sa kalagayan ni Kris. Dumating ang head doctor na siyang mas nagpaliwanag sa kondisyon ng bata. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha ni Kris. Ang pagkakahawig nila ni Cy ay kitang-kita. Ama talaga siya ng bata.
Nagpaalam ako kay Heira. Civil ang pakikitungo ko kay Cyfer. Mali pala ang assumptions ko nung una. Nandito si Heira dahil gusto niya lang bisitahin ang pamangkin niya. Nadatnan ko pa nga ang asawa niya at ang ten years old nilang anak na humabol sa pagdalaw kay Kris.
Grabe. Nakakainggit siya. Kahit maaga siyang nagpakasal at nagkaroon ng pamilya , halatang sobrang saya niya . Ngayon ko ay mas naliwanagan ako . Hindi laging nadadaan sa paghihintay ang kasiyahan . Kung gusto mo talagang sumaya , gagawa ka ng paraan para makuha iyon . Nagsisisi ako na ipinaubaya ko sa tadhana ang lahat . Naunahan tuloy ako . Nakalimutan kong nasa akin ang desisyon . Nakalimutan ko nasa akin yung susi ng kasiyahan ko. Ang tanga ko. Dapat hinanap ko na lang siya pagtapos kong mag-pre med sa Stanford. Dapat umuwi agad ako ng maaga sa Pilipinas.
Ngayon, puro pagsisi na lang. Puro panghihinayang. Hindi ko basta-basta matanggap ang lahat. Ang hirap.
Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay Heira. Mukha kasing nawala na rin sa isip niya ang presensya ko. Tahimik akong lumabas ng kwarto.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Shinn sa harap ko. May lahing kabute talaga ang isang 'to. Pasulpot-sulpot na lang kung saan. Nakapamulsa siya sa suot niyang coat. May pag-aalala sa kanyang mata.
"You okay?" mahina niyang sabi.
Tumango ako at bahagyang ngumiti.
"Sure?"
"Not that fine but it's better than yesterday." sagot ko.
"Mahaba ang duty natin ." he pat my shoulder. "Cheer up . May ibang batang pasyente ka pang gagamutin . Madedepress lalo ang mga iyon pag nakita nilang depress din ang kanilang doctor."
Bahagya akong natawa sa sinabi ni Shinn . But again , he's right. I have to cheer up . Hindi kay Cyfer umiikot ang mundo ko. I have another world where I am the hero. I save lives. Hindi nakakatulong ang depression ko sa paglilingkod sa iba. I have to be professional when it comes to work.
Inabala ko ang sarili ko sa natitirang oras. Napansin ko na lang na over time na pala ako. Kung hindi pa tumawag si Shinn ay hindi ko mamamalayang oras na pala para umuwi ako.
Sinagot ko ang tawag niya.
"What?" bungad ko.
"Gusto mo bang ihatid kita?"
"Nah. I can manage. Ayokong mang-istorbo."
Tumawa ito sa kabilang linya. "You sure, huh? Didiretso na ako sa bar kung gano'n."
I rolled my eyes upward. "Whatever, Doc. Aslejo. Have a good night!"
"Nah. You said it wrong . Dapat 'have a wild night'-"
Pinutol ko na ang tawag bago pa niya madugtungan ng kung anong kabulastugan ang kanyang sasabihin .
Inayos ko ang gamit ko at dumiretso na palabas ng ospital . Nag-d-drive na ako pauwi . Ngayong mag-isa na naman ako . Naiisip ko na naman siya .
Damn it . Hindi ba makakapagpahinga ang isip ko kahit saglit?
Pagdating ko sa parking ng condo, nakaramdam agad ako ng pagod. I felt so drain. Sa sobrang dami ng emosyon na nagamit ko sa araw na 'to, sinong hindi makakaramdam ng pagod.
Bubuksan ko na dapat ang unit ko gamit ang card key nang biglang may humaklit sa braso ko. Napasinghap ako at kinabahan ng sobra.
Pero mas kinabahan ako nang makita kung sino ang may hawak sa braso ko.
"C-Cy?" nanlaki ang mata ko.
Humihingal siya at parang pagod na pagod ang itsura niya. May hinabol ba siya? O may humahabol sa kanya? Napatingin ako sa likod niya pero wala namang ibang tao roon. Walang tao sa floor na 'to kundi kaming dalawa lang.
"W-why are you here?" tanong ko. Humigpit ang hawak niya sa braso ko at medyo napangiwi ako.
"We need to talk, Anne. Please. Let me explain." desperado niyang sabi. Lalong nanlaki ang mga mata ko . Tungkol saan? Wala kaming dapat pag-usapan .
Napatingin ako sa mga mata niya at punung-puno iyon ng takot at pag-aalinlangan ang nandoon . "Please, Anne. Heaven told you the truth, didn't she?"
Halos manginig ang tuhod ko nang ilapit niya ang sarili niya sa akin. Napasandal ako sa pintuan at kinulong niya ang magkabilang pisngi ko sa palad niya.
"Oh, God. I've waited so long. I didn't know you came back. . ." he said in agony. He pressed his forehead to mine.
Nahihilo ako sa bilis ng pangyayari. Hindi na nag-s-sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at halos mabingi na ako. Napalunok ako dahil sobrang lapit ng mukha. Oh, my God. This no good. . .
"I missed you, Anne. So much. And I'm sorry." mahina niyang sabi. Halos pabulong na. "I'm sorry. Please let me explain why I married Ram. Please. . ."
Napalunok ako at napapikit. Kinagat ko ang labi ko dahil naiiyak na naman ako. Para na naman akong nasampal ng malakas. Pinanlamigan ang buong katawan ko.
He's married! He married another woman! He's fucking married! Bakit kailangan pa niyang mag-explain? Bakit kailangan pa niyang pumunta rito at ipamukha sa akin iyon?
Wala na akong laban. . .
"Go home, Cy. . ."
Sinubukan kong maging malamig sa kanya at nagawa ko. Pero yung totoo, unti-unting gumuguho yung barrier na sinisimulan ko palang itayo.
"Anne, no. Please! Please! Don't push me away. Please. Hear me first. Listen." may naramdaman akong tumulo sa pisngi ko at halos manlaki ang ulo ko nang makita kong umiiyak siya.
WHAT?
Automatic ring bumagsak ang luha ko. Bakit ganito, Cy? Bakit ka ganyan? Ang unfair mo. . .
Hinapit niya ang buong katawan ko at nagulat ako nang sakupin niya ang labi ko. Para akong naparalisa. Hindi makagalaw. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Konti na lang at tila sasabog na ang dibdib ko sa antisipasyon.
Nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha. Nanlalabo na rin ang isipan ko para intindihin ang napakaraming rason. Marahan ang halik niya. Gentle kisses but passionate. It's something I couldn't resist. Damn. It was so hard to resist. Mula noon hanggang ngayon.
Nabubura na lahat ng matitinong paniniwala ko. Hanggang sa tuluyan na akong nadala.
I kissed him back with equal passion.
>> next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top