HTLAB2 - Chapter 35
-
Come back
-
I've been warned a lot of times. It was so stupid of me to ignore the signs. Masyado akong nagfocus sa mga bagay na ikasasaya ko. Not putting the consequences inside my mind. Na lahat ng saya ay may kapalit at may katumbas na takot at sakit. Now, I'm terribly scared. Pakiramdam ko ay nagkulang ako sa pagpapahalaga sa seguridad ng mga taong nararapat kong protektahan. I'm very disappointed on myself.
No one was informed about Kris' disappearance. My mother couldn't contact Morris. I was very worried for the child's safety. Wala na akong katiting na tiwala sa kapatid ko. I can't think on the positive side. The negativity seems to be embed on my mind. Naghire na ako ng mga private investigator at isang mahusay na agency na nagta-track ng mga tao. Morris had no criminal records but he isn't innocent. He had his own share of crimes but he was very good on cleaning his name. Money can turn justice upside-down. Doon niya kadalasang ginagamit ang authority at power. Sa maling paraan na akala niya'y tama. Kaya hindi ko maatim na tawagin siyang kapatid.
If he'd done something to Kris, I can't promise civility. Wala akong mapapala sa tamang batas kung kaya niya namang paikutin 'yon. If I have no other choice, I would be the law.
We're not yet sure na may kinalaman nga si Morris dito pero wala akong kilalang ibang tao na nakakaatim na gumawa ng ganitong kahayupan sa sarili niyang kadugo kundi siya. Mapatunayan ko lang na pinlano niya ang lahat ng 'to, I would never give him mercy.
"Calm down, angel." Alo ko kay Anne. Her whole body is shaking. I held her hands firmly but it didn't stop from shaking terribly. That fucking photo album scared the shit out of us. Punung-puno iyon ng natuyong dugo at nakatabon sa mga litrato ko.
Galing ang album sa isang nakabox at wrapped na regalo sa aming kasal. Nagkataong isa iyon sa mga unang nabuksan ni Anne. Walang nakalagay na pangalan kung kanino nanggaling pero mas lalo lang tumitining ang hinala ko na si Morris talaga ang gumawa nito. Who would've stole that photo album from our ancestral house in Italy? The only people who have access on that house are him, me and Mom. The guards and the maids couldn't even enter the basement unless they were assigned to clean the area,
Patuloy kong kinakalma si Anne dahil hindi tumitigil ang panginginig. Nilayo ko ang album at pinasya kong itatapon ko 'yon mamaya. I don't want my wife to see it again. Anne got really scared. Gusto kong paulanan ng suntok ang may kagagawan nito. Mabuti sana kung ako lang ang nakakita. But damn, my wife couldn't take it. Bakit kailangang gawin ang katarantaduhang 'to? Maliban sa pananakot, is this another warning?
Hindi ko 'to dapat balewalain. Anne is already involved. This is a serious matter. I'm sure she's dead worried. Hindi ko mapapalampas 'to. Pumikit ako sandali at napailing. I reached my phone and dialed a number. Hindi ko pa nga agad pinindot ang call dahil nag-alangan ako kung sasabihin ko kaagad kay Xandrei. At the end, tinawagan ko pa rin siya dahil naisip kong siya ang pinakamakatutulong sa akin. Parang kanina lang ay magkausap kami, ngayon ay kailangan na naman naming mag-usap ng nakatatandang kapatid ko tungkol naman sa ibang bagay.
"Hello?" Bungad niya.
Napabuntong hininga ako. "I have something to inform you. May nangyari ngayon-ngayon lang. . ." Kinwento ko sa kanya ang tungkol sa regalo. Habang ginagawa ko 'yon ay nasa bisig ko si Anne at humihigpit ang yakap niya sa akin. Sumubsob siyang lalo sa aking dibdib.
Napamura si Xandrei pagtapos kong magkwento. "That would be Morris. Walang ibang makagagawa niyan kundi siya. That fucking bastard will not stop until he brings you down. Sino pa ang makakagawa niyan sayo maliban sa kanya?"
"I thought so, too. He was not that smart, though. He's just desperate to get even. Baka nga mas goal pa niya ang pabagsakin ako kaysa makapantay. He's crazy and very dangerous. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin sa taong 'yon."
"Nasaan daw ang taong 'yon ngayon? May balita na ba?"
"Nagpapakalap pa rin ako. Gusto ko ring matapos 'to sa lalong madaling panahon. I won't wait for Morris' come back. I'll haunt him down."
Hingang malalim ang narinig ko sa kabilang linya. Ilang sandali pa ay boses na ni Heaven ang naririnig ko.
"I've heard your convo with Xan. How's Anne? Gusto mo bang pumunta kami ngayon dyan?" Nag-aalala nitong tanong.
"Not now, Heira. Tomorrow is fine. Baka naabala ko na kayo ng sobra. I just want to inform Xandrei at paalalahanan siya. Wala akong ideya kung anong kabaliwan ang susunod na maiisip gawin ni Morris." Tumiim ang aking bagang.
"We'll keep that in mind. Can I speak to Anne for a moment?" Pakiusap ni Heaven.
Inalis ko ang cellphone sa aking tainga at binulungan si Anne. "Angel, Heira wants to talk to you." Kinuha niya sa akin ang telepono at nagbuntong hininga. Medyo kumalma na siya pero putlang-putla pa rin ang kanyang mukha.
"Heira." Nanginginig ang kanyang boses. "I'm not. I was shocked and-"
Pinakinggan ko ang pag-uusap nila. Hinahalikan ko ang ulo ni Anne, trying to take away her fear and calm her nerves down. Pinipisil ko ang kanyang kamay at binubulungan ng pampakalmang salita, to soothe her. Kalaunan ay naging epektibo naman.
Her conversation with Heira seemed to be a big help. Nang matapos ang tawag ay binalik niya sa akin agad ang phone ko.
"God, Cy." Hinilamos niya ang kanyang palad sa mukha niya. "May matinding galit sayo ang may kagagawan nito."
"I know." Bulong ko. Niyakap ko siyang muli at hinaplos-haplos ang kanyang braso. Kung hindi man matinding galit ay maaari ring matinding inggit.
"If your brother did this, do you think he has mental disorder? This is not normal at all. You must've caused him trauma or he must've experience something worst that involves you kaya may grudge siya sayo."
"I didn't do anything to him, Anne. He did that to himself. Ano bang meron ako na wala siya? Noon, he has everything that I want and I was just a nobody. I never tried to demand anything to him or to anyone kahit isang beses. Nagalit siya nang sobra ng makaahon ako." Naiiling kong paliwanag. "He has been on drugs. May na-diskubre kaming illegal transaction dati ni Mommy under his name. Hindi siya pinakialaman ni Mom. Hindi ko rin siya pinakialaman kahit alam namin na mali ang ginagawa niya dahil nung mga panahon na 'yon may konting concern pa ako sa katotohanang magkapatid kami. Mom also told me to keep it a secret. You see, he's been love all his life by our mother. Do'n palang ay lamang na lamang na siya kaya hindi ko maipaliwanag kung ba't ganyan na lang ang galit niya sa akin. That's totally an act of insanity."
Anne kept silent. Hinalikan ko ang kanyang ulo.
"I would never let him hurt the people I cared the most. Especially, you. Kaya kong tiisin kung ako ang masasaktan pero hindi ikaw, hindi ang mga kapatid ko, hindi rin si Kris. I'll do something about this matter. I will fix this bago pa lumala at baka makaisip pa siya ng panibagong hakbang." Sabi ko sa kanya.
"I. . .I don't want you hurt, Cy. That will kill me inside." Takot na sabi ni Anne.
Nginitian ko siya. Sana ay hindi niya mapansin ang takot ko. Na baka hindi lang ito ang huli. Na baka dumating ang araw na magtagumpay ang taong 'yon na pabagsakin ako. But if I'm going to choose, mas gugustuhin ko na lang bumagsak mag-isa kaysa masaktan ang mga taong iniingatan ko at madamay sila ng tuluyan. Hindi 'yon kakayanin ng konsensya ko.
The night had been long for me. Hinintay ko lang na makatulog si Anne bago ko gawin ang mga dapat kong asikasuhin. Nanatili ako sa library to make some calls and gather the infos that I'll be needing. Nakailang tawag na ako sa PI at tracking agency.
"May improvement na ba? Any lead?" Tanong ko sa agent ng tracking agency na hinire ko. They worked for hours at inaasahan kong mabilis nilang matutunton ang whereabouts ng kapatid ko.
"Sir, we already have a source kung nasaan si Morris Herrera. We just have to be sure. Tatlong lugar po ang nasa data base. I'm going to e-mail it to you after we confirm the place."
"Good. Please, send it as soon as possible. Kung kaya niyo ring i-confirm kung may kasama siyang batang lalaking may edad na anim na taon, pakisabi rin sa akin."
"Yes, Sir."
I made another call. This time, it's Mom.
"Mom, any news? Hindi ba talaga nakabalik si Morris dyan sa Italy?"
Huminga ng malalim si Mommy. "Humihingi ako ng updates sa secretary niya pero hindi pa raw umaalis ng Pilipinas ang kapatid mo. He doesn't know where is his exact location. The communication has been off these past few days. Ilang araw na raw siyang walang nari-receive na tawag mula rito. What should we do, Gelo? I'm very worried. Hindi ako makatulog ng maayos."
"Me, too." Pag-amin ko. Huminga rin ako ng malalim at pumikit. Hinilot ko ang magkabila kong sintido. Sumasakit na ang ulo. I should rest but the thought of Kris might be on danger keeping me wide awake.
Hindi ko na binanggit kay Mommy ang tungkol sa photoalbum. I'm afraid that she would not take it lightly. Baka magpanik lang siyang lalo. I will tell her when the situation is good enough.
Mag-u-umaga na nang makakuha ako ng tulog. Nagising ako nang tanghali at wala na si Anne sa tabi ko. I checked my e-mail kung nando'n na ang data pero hindi pa rin pala napapadala ng agent. Bumangon ako at medyo napangiwi sa sakit ng ulo. Sumungaw si Anne sa kwartn at nadatnan akong nakatungo sa sahig.
"What's wrong?"
"Headache." Maikli kong sagot.
"Do you want coffee? Dadalhin ko na lang dito."
Ngumiti ako. "Yes, please, angel. Thank you."
The day became very tiring. I've been receiving and making numerous calls from different people. Enhancing my connections. Naisip kong kakailangan ko ang mga 'yon sa pagtunton kay Morris. Isinantabi ko ang mga nakabinbin kong trabaho at mas pinagtuunan ng pansin ang pagtrack rito.
Hindi naging madali para sa agency na matunton si Morris, di tulad ng inaasahan ko. Halos mamuti na ang kamao ko sa higpit ng pagkuyom ko ro'n. Planado ang lahat ng 'to. Malinis at walang naiwang bakas kaya nahihirapan kami ngayon. Morris plotted a plan which is unnoticeable and untraceable. It stresses me out.
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng exact address ng lugar kung saan pinaghihinalaang naro'n si Morris.
"What will you do, Cy? Don't tell me pupunta ka dyan mag-isa?" Nag-aalalang sabi ni Anne. Halata sa kanyang boses at mukha ang pagtutol.
Marahan akong umiling. "No. Hindi pwedeng wala ako ro'n kung sakali. I have a plan. Ipapamatyag ko muna ang lugar para makasigurong nando'n nga si Morris. Then, I'll call the police for back up pero kailangang nando'n ako."
"That's going to be dangerous. Ba't hindi mo na lang ipaubaya sa mga pulis? Ipa-arrest natin siya."
"We can't do that, angel. We don't have enough evidence. Hawak ni Morris ang bata. Ano na lang ang magiging reaksyon niya kung pulis ang unang haharap sa kanya? Kailangan muna nating masiguro ang kalagayan ni Kris bago gumawa ng mga panibagong hakbang."
Huminga ng malalim si Anne. Hindi na siya nagsalita o nagreact. I know she's concern to the child pero alam ko ring nangangamba siya para sa akin.
Hindi ko pinalipas ang araw na 'yon ng walang confirmation mula sa PI.
"Sir, confirmed. Dito nga kasakukuyang tumutuloy si Mr. Morris Herrera pero hindi namin makumpirma kung may kasama siyang bata sa loob. Napapalibutan ng mga armadong lalaki ang apartment."
Ni-review ko ang exact location ng bahay. Sa loob 'yon ng isang exclusive subdivision. Isa 'yong townhouse na pang-apatan ngunit sa impormasyong bigay ng PI, mukhang okupado ng mga tauhan ni Morris ang buong townhouse. Pinadalhan niya ako ng picture na nasa veranda si Morris at naninigarilyo.
Tinapos kong isipin ang plano bago sinabi 'yon sa mga back-up security. Nagpalipas ng gabi sina Xandrei at Heira sa bahay kaya naibahagi ko kaagad kay Xandrei ang binabalak ko.
"Tomorrow?"
"Yeah. The sooner, the better."
"I'll come with you."
"You can." Tumango ako. "Pero gusto kong ako muna ang haharap sa kanya. Hindi makumpirma ng PI kung nasa loob nga ng bahay na 'yon si
Kris. Maniniguro muna ako."
Kumunot ang noo ni Xandrei. "Mas delikado 'yan, Gelo. Ano sa tingin mo ang unang magiging reaksyon niya kapag nagkita ulit kayo?"
Bumuntong hininga ako. "Hindi ko na iisipin 'yan. Yung seguridad lang ng bata ang gusto kong masiguro. Hindi pa rin matiyak ng mga PI na hinire ko kung kasama ni Morris si Kris."
"Pero bakit kailangang mag-stay siya sa isang lugar ng patago? It's too obvious that he's hiding something or must be hiding from someone."
Napaisip ako sa sinabi ni Xandrei, He has a point. Is Morris guilty? Ba't kailangan niya magtago at lumayo? May nagawa ba siyang krimen? May nagawa na ba siyang alam niyang magpapadugis sa pangalan at reputasyon niya? May mga hinala ako pero hindi ko masiguro kung ano ang mga maaaring rason ni Morris.
Pagtapos ng pag-uusap namin ni Xandrei ay tumungo na ako sa kwarto. Nadatnan ko na ro'n si Anne na nakayupy sa kama. Agad siyang dumilat nang maramdaman ang presensya ko.
"You done for today?" Mahina niyang tanong. Lumapit ako sa kama at umupo sa bakanteng bahagi. Yumuko ako at hinalikan ang kanyang noo.
"Yup." Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. "You okay, angel?"
"Yeah. Medyo masakit lang ang ulo ko."
"Did you take meds?"
"Pinainom na ako ni Heira." Tumingala siya sa ako sa kanya. "Cy, itutuloy mo pa rin ba ang plano mo bukas?" Nangangamba niyang tanong. "Morris might do something-"
"We'll prepare, angel. I won't let him get into me. We'll have a back up." Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. "I called your parents. Bago ako umalis bukas, gusto kong nando'n ka. Hindi ako mapapalagay na nandito ka mag-isa. I've already talked to Heira."
Hindi siya nagsalita ngunit kitang-kita ko ang pagtutol sa kanyang mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya at hinalikan siya ng marahan.
"Everything will be okay, angel." Marahak kong bulong. Umaasa ako. Sana nga ay maging maayos ang lahat.
Kinabukasan, nasa bahay agad namin ang mga magulang ni Anne first hour in the morning. Anne seemed off at hindi gusto bumitaw sa akin. Ayoko rin siyang iwan pero nailatag na ang plano. She doesn't feel okay with it but I gave her assurance na masasagawa namin ng maayos 'yon.
"Hijo." Lumapit sa akin si Anna Martin. "Be careful."
Tumango ako at muling nilingon si Anne na naiiyak na ngunit inaalo ng kanyang ama. Nakayuko ito sa sahig at bahagyang nanginginig ang mga daliri.
Lumapit ako sa kanya at sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya.
"Cy, don't do it."
"Just this one, angel. Just for Kris' sake." Bulong ko na may kasamang pagsusumamo.
Matagal siyang hindi nakasagot. Huminga siya ng malalim paglipas ng ilang segundo. "Please, come back to me."
Ngumiti ako. I cupped her face and looked straight into her eyes. "Of course, angel. Wala akong ibang babalikan kundi ikaw."
Halos isang minuto ko siyang yakap bago ako tinawag ni Xandrei. Naghihintay na ito at kanina pa nakahanda ang mga back up. Nasa meeting place na ang iba at nakapwesto. I kissed Anne one last time at sumunod sa kapatid ko.
The last glance I gave my wife, I could see fear in her eyes along with the hope na babalik ako sa kanya. I gave her a smile before I go. Kitang-kita ko sa kanyang mata ang pagpipigil. She's teary-eyed. There's something different on her looks but I can't point it out. Yumakap sa kanya ang kanyang ina at iyon ang huli kong nakita. Tinapik na ako ni Xandrei.
I was pretty positive that everything we plan will go as it is. Not a piece of cake but it's a good plan at walang butas na iniwan para makalusot si Morris. Malaki ang chance na madakip namin siya at kung sakaling nando'n si Kris, masasalba namin ang bata.
But it seemed like I was wrong.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top