HTLAB2 - Chapter 3
-
Shattered
-
Napapapikit na ang mga mata ko pero pinipilit ko pa ring dumilat. I need to work. I have to review the medical records of my young patients. Tumayo ako sa swivel chair at tumayo para magtimpla ng kape sa coffee maker. Napatingin ako sa orasan. Hindi pa naman masyadong gabi pero inaantok na ako.
Labas masok ang mga kapwa ko doctor at bumabati rin ang iba sa kanila. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa para wala ng masyadong poproblemahin para bukas.
"Hey, Annie." napalingon ako sa tumawag sa akin. Shinn was standing behind me. He placed a sliced of cake on my table. "Busy, huh?"
Pumikit ako at sumandal sa aking upuan. Tinignan ko si Shinn. "Lagi naman." sagot ko.
"Napaka-workaholic mo." naiiling niyang sabi. Umupo siya sa ibabaw ng desk ko. Pinalo ko ang tuhod niya pero tinawanan niya lang ako.
"What?"
"Baka masira ang desk ko. Napakalaki mong tao!"
"Come on. I'll buy you a new desk if I break this. Mas matibay pa rito. Don't fret." natatawa niyang sabi.
Umirap na lang ako at napailing. Bumalik ako sa pagbabasa at hindi nagpa-distract sa presence ni Shinn.
"You have new patients?" muling tanong niya.
"Yeah." tipid kong sagot.
"Ilan?"
"Two for today."
Kinusot ko ang mata ko at ibinaba ang aking binabasa. I'm done with the first one. Iniligpit ko iyon at kinuha ang isa pang medical record na ibinigay sa akin kanina.
Natigilan ako. Ito yung sa bata na nakakuha ng atensyon ko kanina. Huminga ako ng malalim bago basahin ang kanya. Kris Elisson de Vera, six years old. He has Acute Lymphocytic Leukemia since he was three. Nasa family history ang sakit.
Hinanap ko ang pangalan ng mga magulang niya. Angelo Franco de Vera at Ramina Guitierrez. Hindi ko alam kung bakit parang nakahinga ako ng maluwag sa nalaman ko.
"You looked tense."
Napabaling muli ako kay Shinn na marahang sumisimsim ng kape.
"W-what made you say that?"
"Paiba-iba ang emosyon mo, eh."
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "Tapos na ba ang duty mo?"
"Kung tapos ka na, eh di tapos na rin ako." nakangisi niyang tugon. "Nakalimutan mo ata na magkaparehas lang tayo ng time sched?"
Silly question. Napatingin ako sa wall clock. It's time for me to go home. Tumayo na ako at niligpit ang mga records. Pinanuod naman ako ni Shinn sa ginagawa ko.
"Tita Anna phoned me. Iuwi raw kita sa tamang oras."
Natigilan ako. "Huh?"
"Is she still rooting for Annie-Shinn loveteam? Don't tell me she want us to do serious dating and this is just her first move?" natatawa niyang sabi habang umiiling.
Pumikit ako bago humarap kay Shinn. "Don't mind her. You don't need to send me home. I brought my car with me . And to answer your question , Mom keeps on bugging me to have a boyfriend and you're her favorite target." napailing ako at ngumisi. "Buti nga hindi ko pa naiisipang sirain ang image mo sa magulang ko and reveal your bad records as the city's wildest playboy who don't insert himself on serious relationships."
Pakunwari siyang dumaing at madramang humawak sa dibdib. "Ouch, baby. That hurts!"
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. "Ego got killed, eh? Totoo naman, di ba? You don't do serious relationships. You do relationshits." tumawa ako pagtapos kong sabihin iyon. Natawa rin siya at ginulo ang buhok ko.
"Okay. Fine. You won and I won't deny it. It's our nature, Annie. I don't want any complications. I hate drama. Love is a corny shit. It's not my thing. I'm a hundred percent sure that I'm not the only one who thinks this way. It's normal for single men to play our wild games with wildest girls."
Inirapan ko siya. Wala talagang matinong description na maririnig sa taong 'to. For hopeless romantic girls like me, I'm sure it's a huge blow. A big turn off. I would definitely cross out Shinn's name on my list of ideal men. He's not worth the long wait.
He even defined love as shit. A corny shit to be exact. What the hell? I know love is corny at times but it's not something to be called shit. For me, it's precious. I wait for years just to have it . I keep on waiting for my own turn because I know it'll worth the long-wait.
"Ewan ko sayo, Shinn. Nakakaturn-off ka." inirapan ko siya sabay bitbit ng shoulder bag at kit ko.
"That's where you were wrong. I've turned on a million of ladies. I made them love me in just a blink. I make them scream, swoon, groan, moan-" hinagis ko sa kanya ang isang scratch papel na nilamukos ko kanina. Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga ay napakabastos ng isang 'to. At first look, you will think of him as a respected doctor and good-looking genteman. You won't even have a single idea that he use to have a dirty mouth and a sewer mind.
Nauna akong lumabas ng hospital building. Buti na lang at hindi na ako pineste pa ni Shinn. I will call Mom when I reach home. She needs to stop on pushing me to that jerk. Ayokong mapunta sa isang playboy.
Bumili muna ako ng pagkain sa fast food. Wala ako sa mood magluto ngayong gabi. Nagkarating ako sa unit ay ng matiwasay at sandaling nagpahinga.
Nasa isip ko ang napakaraming bagay. Sa hindi malamang dahilan, hindi ko maalis sa isip ko ang bago kong pasyente. Napaka-pamilyar ng kanyang mukha to the point na naikokonekta ko siya sa ibang tao. I closed my eyes and sigh deeply. It's just pure accident. May mga gano'n talagang pagkakataon.
Hindi ko ipagkakailang parang nakita ko si Cyfer sa batang iyon. Those innocent eyes, the proud nose. . .parang si Cyfer. The little version of him. Kung hindi ko lang nakita ang pangalan ng kanyang magulang sa medical records niya, mapagkakamalan ko talagang anak iyon ni Cy.
Napaisip ako. Paano kung meron na ngang pamilya si Cyfer? Maaring hindi ang batang iyon pero paano kung may anak na rin siya? Parang may tumutusok na matalim na bagay sa dibdib ko. Napakagat ako sa aking labi. Hindi pwedeng ganito. So many years had passed yet I'm still thinking of him. There's a big possibility of him having a family of his own. There's a big possibility of him having a wife and a child. And there's a big possibility that I am now forgotten. Hindi dapat ako umasa sa napakatagal na panahon. Hindi na dapat ako lumilingon. Past is past and I should move on. I know kahit papaano ay nakapag-move on ako pero hindi ganoon kalayo ang narating ko. Yung klase ng pagmu-move on na dapat ay hindi ko na siya iniisip pa. Yung tipong tatawanan ko na lang yung sakit na naranasan ko noon sa kanya.
Someone told me that we'll reach the point of thinking the moments we cried the most and we'll probably laugh at it when the we got over it.
Pero bakit gano'n? Taon na ang binilang pero hindi pa rin nawawala yung sakit? Hindi na kasing tindi ng dati pero nando'n pa rin yung sakit. Gaano man kaliit 'yon, hindi ko gustong balewalain. At mas lalong hindi ko kayang idaan sa tawa para lang patunayan sa sarili ko na naka-get over na ako sa kanya.
Matagal ko ng tinanggap na nagkahiwalay kami sa hindi malamang dahilan pero hindi ko pa rin matanggap na hanggang ngayon ay siya pa rin ang ideal man ko.
Siya ang pamantayan ko. Walang lumagpas sa kung anong nagustuhan ko sa kanya. I kissed other guys and the feeling didn't reach the half of sparks I felt when Cyfer kissed me. My intimacy with my ex-boyfriends was not as addicting as what I've done with him. Masyadong malalim ang iniwan niyang tatak sa akin na kahit tabunan ko ng tabunan ng alaala ng ibang lalaki ay hindi pa rin sapat. Hanggang sa hinayaan ko na lamang na gano'n nang ma-realize kong hindi basta-basta mabubura si Cyfer sa sistema ko. I got tired of trying.
Pagkadilat ko ay umaga na pala. Nakatulog ako sa sofa. Hindi ko nagawang galawin ang pagkain ko. Iinitin ko na lang iyon sa microwave para makain ko pa.
Pagkadating ko sa ospital pagsapit ng hapon ay agad akong sinalubong ni Doktora Santiago. Isa sa mga respetadong head doctors namin. Oncologist rin siya. Sinabi niya sa akin na nakausap niya ang tito ni Kris de Vera. Mamaya ay ako ang haharap sa magulang ng bata . Mamaya pa raw ito makakarating.
Naka-confine na si Kris for furthur observation. We need to know his current condition. Ang Acute Leukemia ay isang klase ng sakit na kailangan ng timely checking. Masyadong aggresive ang ganitong klase ng sakit. Karaniwan ay sa bata talaga ito tumatama. Bumisita ako sa kwarto ni Kris. Gising siya at nakatingin sa kamay niya. Napatayo ang kanyang yaya. Nilibot ko ng aking paningin ang buong kwarto. Bukod sa kanyang yaya ay wala na siyang ibang kasama. That means wala pa rin ang magulang niya?
"Good afternoon." pagbati ko. Bumati rin ang katulong. Doon lamang lumingon sa akin si Kris. Muntik na akong matigilan nang makita kong muli ang mga mata niya. Sinubukan kong ngumiti kay Kris. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Nilingon ko ang kanyang yaya.
"Wala pa ho ba ang magulang niya?"
"Darating palang po mamaya. Parating na rin po si Sir Gelo. Nasa airport na raw po." paliwanag nito.
Tumango-tango ako. "Good."
Bumaling ako kay Kris na nakatingin muli sa kanyang kamay kung saan nakatusok ang para sa dextrose. Tumabi ako sa kanya at napalingon siyang muli sa akin.
"Hello, Kris. I'm your doctor. I-chi-check lang kita tapos may mga itatanong lang ako sayo. Can you speak right now?" malumanay kong tanong habang nakangiti.
Dahan-dahan siyang tumango. Kinuha ko ang kit ko at chineck ang temperature niya through thermometer. May sinat pa rin siya. Nang i-check ko ang heart rate niya ay stable naman ito. Nang matapos ako, ngumiti ako sa kanya.
"Baby, anong nararamdaman mo?"
Umiling ang bata.
"May masakit ba sayo? Masakit ba ang ulo mo?" dagdag ko pang tanong.
Umiling lang muli siya at tumingin sa kanyang kamay. Itinaas niya iyon at tinuro sa akin ang pinagkakabitan ng dextrose.
"Yes, baby? Speak up. I won't bite." nakangiti kong sabi. Mukhang hindi pala salita ang batang ito.
"I hate this thing." sagot niya sa maliit niyang boses. Napangiti ako sa ka-cute-an ng batang ito. A silent-shy type boy yet adorable.
"But you need that, baby. Your body needs that." paliwanag ko sa bata.
Napasimangot ang bata. Mukhang talagang nalungkot ito. "I still hate it. I hate being here. I hate hospitals. I wish Dad could bring me home." mahina niyang sabi na nagpatigil sa akin. Napalingon ako sa kanyang yaya na hindi umiimik. Nang makita niya akong nakatingin ay saka lang ito umayos sa pagkakatayo .
"Ganyan po talaga siya. Ayaw niya sa mga ospital. Hindi naman maiwasan dahil matigas ang ulo lalo na pag wala ang Daddy niya. Tumatakas sa bahay para magkaroon ng kalaro. Hindi ito ang unang pagkakataong na-ospital siya dahil doon."
Tumango-tango ako. I already knew that. I've heard so many stories about children who are ill. The worst thing of being ill in an early age is the child won't experience a normal childhood. There's a big possibility that he/she would experience being discriminate by other children. They were the most insecured ones, vulnerable and breakable. They are fragile not just because they were young babies but also because they experience the worst side of the world before the seeing the brightest side of living. Kaya bilib ako sa mga young survivors. At sana ay malampasan rin ito ni Kris.
"Madalas ba siyang mag-nosebleed?" tinanong ko ang katulong sa kung ano ang mga nangyayari sa bata lalo na pag inaatake na ito ng sakit. Ang klase ng sakit ni Kris ay kailangan ng masusing pagbabantay . Hindi dapat napapagod ng husto ang bata. Kailangan ding sumailalim ni Kris sa iba't-ibang blood test. Ang ganitong klase ng sakit ay nangangailangan ng malaking halaga. Hindi birong pagpapagamot ang kailangan sa pag-cure sa sakit na Leukemia kahit ano pang type nito.
Bago ako lumabas ay nag-request ako ng resulta ng mga test na isinagawa kay Kris. Sa loob ng isang oras ay chineck ko ang iba kong pasyente.
"Doc, naghihintay na po sa inyo yung magulang nung bata sa room 152." sabi sa akin ng nurse.
"Oh, okay. I'll be there in 10 minutes."
Kinuha ko ang clipbboard at naglakad patungo sa elevator para makaakyat na ako sa floor kung saan nando'n ang sili ni Kris. Nakasalubong ko pa si Shinn na may kinakausap na magandang nurse. Tingin ko ay bago pa lang ang nurse na 'yon. Napailing na lang ako.
Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang isang lalaki na nakatalikod. Nakayakap sa kanya si Kris. I smiled at the view. That's such a sweet gesture of a son to his father. Tuluyan na akong pumasok sa loob .
"Good evening, Sir."
Humarap sa akin ang lalaki. I literally stopped breathing when I saw the man's face. Time stops on ticking, the world stop on rotating and my heart stop on beating for a second. I couldn't even blink. Natatakot ako na baka guni-guni ko lang ang lahat ng 'to. Natatakot ako na baka hindi siya ang nakikita ko.
I saw him stiffened. Did he recognize me? It has been eleven years. Am I not forgotten? Napakaraming tanong ang nasa isip ko pero ni isa ro'n ay wala akong masagot.
Cyfer. . .
Pero para akong nasampal ng malakas nang may maalala akong isang bagay. Nanlaki ang mga mata ko. Sana nga guni-guni ko lang 'to! Sana nga hindi ito totoo. Oh, my God.
Napatingin ako kay Kris na nakatingala sa kanya. Ngayon ay nakangiti na siya. Is that because of Cyfer's presence?
Parang sasabog ang puso ko sa lakas ng tibok nito. It's near on bursting. I'm so afraid that Cyfer would hear it.
Napatingin muli ako kay Cyfer na nakatulala sa akin. Nakaawang kanyang labi.
Hindi na siya isang teenage boy na laging magulo ang suot. Ibang-iba na siya. Hindi na mahaba ang kanyang buhok tulad ng dati. Clean cut na ito at bahagyang nakataas. He's not wearing his printed shirts anymore. The man in front of me waswearing a three-piece suit, necktie and slacks. Mukhang kagalang-galang na excutive mula sa isang kompanya. Lumaki ang katawan niya. Tumangkad siya ng sobra. His features from what I could remember is not as same of what I'm seeing right now. The rough features of the Cyfer I knew became dominating and arrogant. He's no longer a teenage boy. He's now a man. A good-looking man. The most handsome man I'd ever seen.
Luminga ako sa paligid at umaasang may isa pa akong lalaking makikita sa silid at baka iyon ang ama ni Kris. Pero wala. Walang ibang nandito kundi si Kris, si Cyfer at ako. Kahit yung katulong ay wala rito.
"Hi." Thanked all the saints! I did not stammer in front of him. Oh, God! I can't let him see how disappointed I am . I can't let him see how much pain I'm going through right at this moment . Ang sakit .
"Anne. . ."
Muli kong napigil ang aking paghinga. He still remembers me. He still remembers. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa. Gusto ko sanang tumakbo na lang palabas ng silid na 'to pero ni hindi ko man lang magawang ihakbang ang mga paa ko. May katiting akong pag-asa na hindi siya ang ama ni Kris. Sobrang liit na parang kasing kitid ng butas ng karayom.
"Nice to meet you again, Cy." marahan kong sabi sabay ngiti sa kanya at kay Kris. "How are you feeling, little boy?"
I didn't know I could act like this in front of him. I never knew I had a talent on pretending. I need this. I need to act like this is just a normal day. I need to act like I finally got over him.
Kahit ang totoo ay hindi.
Lumapit ako ng ilang hakbang. Hindi nagsasalita si Cyfer. Nakatingin lamang siya sa akin at nakamasid sa bawat galaw ko.
"So, uhm. . ." lumunok ako. "Ikaw ba ang . . .magulang ni Kris?"
Shit, Anne. Prepare yourself. That's a line of your end. If he says yes, that will be your end.
Ilang sandali pero hindi pa rin siya sumagot.
"Y-you're Angelo Franco de Vera?" hindi ko na naitago ang panginginig ng aking boses ko. How did that happen? How? He changed his name?
Napalit-palit ang tingin ko sa kanila ni Kris. Ngayong magkatabi na sila ay kitang-kita na ang pagkakatulad nila. Kitang-kita ko.
Kung iyon ang pagbabasehan ay hindi na kailangan pa ng kompirmasyon. Pero gusto kong marinig. Gusto kong malaman ang totoo mula sa kanya.
"Yes." pati boses niya ay nagbago. Mas lumalim. His voice made him more manly.
Nalito ako kung alin sa dalawang tanong ko ang kanyang sinagot. Bago ko pa maulit ang tanong ay nagsalita na si Kris.
"Yes, he's my Daddy Gelo." singit ni Kris sa maliit nitong boses habang nakangiti.
Nanghina ako. Pakiramdam ko ay bigla akong nahilo. Oh, my God. . .
Hold your tears, Anne. This is it. Don't push it. He's not for you. . .
My hear was shattered into pieces. . .for the nth time.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top