HTLAB2 - Chapter 29

HTLAB2 - Chapter 29

This chapter is for Anna Mae Rivas (Hanuenki). Thank you sa pagsali sa game! Sorry kung natagalan. Thanks din for the chit-chat. Haha! Happy New Year! Lovelots and Godbless!

-

Worth it.

-

We cannot predict life. No one can. May mga bagay na nangyayari nang wala sa plano. Minsan naman ay pag pinaghahandaan mo ay mauudlot at hindi mo malalaman kung matutuloy pa ba. Kung oo, kailan ulit?

Napakaraming pagkakataon sa buhay kong tinanong iyan sa kawalan. Ngunit tinanggap ko na lang na ganito talaga ang buhay. Nakakapanlinlang.

Nakahanap kami ng paraan para makakuha ng bagong donor kay Kris. Hindi biro ang halaga ngunit hindi ko iyon inalintana. Money would never be a question here. Ang importante lang sa akin nung mga panahon na 'yon ay gumaling ang bata.

Ilang buwang under-observation si Kris. Sa tuwing pipilitin niya akong umuwi ay wala akong ibang maramdaman kundi awa at panghihinayang.

"Daddy."

"Hmm? You hungry, son?" Kinusot ko ang aking mata bago siya tinignan. Bumabalik na ang kulay sa kanyang mukha. Nung mga nakaraang buwan ay sobrang putla niya. I can see some progress now.

"Dad, I feel okay. Let's just go home. Yoko na dito."

Kita ko sa kanyang mukha ang kagustuhan niyang makaalis sa ospital na 'to. Ilang buwan na ang nakalipas matapos niyang ma-confine rito. Sa labas ng bintana na lang niya nakikita ang pagsinag at paglubog ng araw. Gustuhin ko man siyang ilabas upang mapagbigyan ang kanyang kagustuhan, mas gusto kong i-secure muna ang kalagayan niya.

Hindi ko rin gustong nandito siya sa ospital. He deserves to see life as a beautiful paradise , not a highway to hell. Dapat ay nasa park siya, naglalaro kasama ang iba pang mga bata. Hindi dapat siya nakahiga sa kamang 'to at kinakaabitan ng kung anu-anong maliliit na tubo sa manipis ng braso.

"Hindi pa tayo pwede umalis rito pag hindi ka pa magaling."

"Pero okay na po ako. 'La na po ako lagnat." Kinuha niya ang kamay ko at dinikit niya sa kanyang leeg. Nginitian ko siya. Lumebel ako sa kanya para makita ang kanyang mukha.

"We have to stay here for now. Kapag magaling ka na, ipapasyal kita sa kahit saan mo gusto."

"Disneyland?" Kumislap ang kanyang mata.

"Anywhere, son."

Kris has been my pillar of strength. Ang pinakarason kung bakit kahit hindi ko nagawang tahakin ang daan na gusto kong tahakin ay hindi ko nagawang pagsisihan man lang ang lahat ng 'to. Nagkaro'n kami ng temporary na solusyon para sa kanyang sakit.

Akay ko siya sa park. Dala niya ang bagong laruang bigay ko sa kanya. Ngunit wala ro'n ang kanyang atensyon kundi sa mga batang masayang nagtatakbuhan. Tumingin siya sa akin. Nginitian ko siya kasabay ng marahang pag-iling. I can't let him join them though I want him to experience a normal childhood. Ngunit bawal siyang mapagod ng sobra. Ayokong isugal ang kalagayan niya para sa konting kasiyahan.

Some trials kept on testing us. It keeps on coming back. Bumalik ang sakit ni Ram. Ngunit mas maluwag niyang tinanggap iyon sa ikalawang pagkakataon.

"God already gave me an extension. That's more than what I've wished, Gelo. Kung mayro'n man akong katiting na pangamba. . ." Hinaplos niya ang buhok ng natutulog na si Kris. "Ay yung pagkakataon na hindi ko na siya makikitang lumaki."

Hinanda na ni Ram ang sarili niya sa mangyayari. Napakaraming pagkakataon ko siyang nakitang nawalan ng malay dahil sa panghihina, umiyak ng tahimik dahil sawa na siyang labaman ang sariling karamdaman at sumigaw sa tuwing ginugupo na siya ng sakit. Pero nanatili akong lumalaban para sa kanya kahit matagal na siyang sumuko para sa sarili niya. I want her to live with Kris. I want her to see Kris grow up.

Ang totoo ay ako yung hindi nakapaghanda. Ayokong ihanda ang sarili ko kung sakaling malapit na siyang mawala. Unang-una, hindi ko matanggap. Pangalawa, I somehow depend on her.

"Don't you want to search for her?" She asked me on my twenty-sixth birthday. "Malay mo, this time mahanap mo ulit siya."

Ngiti lang ang isinagot ko kay Ram. Tuluyan akong nawalan ng balita kay Anne nang mag-focus ako sa paghahanap ng eksperto para mapagamot si Ram at Kris. I don't want to hope for something impossible. Bukod sa hindi ko magagawang hatiin ang sarili ko kung sakaling mahanap ko siya. Mabilis muling lumipas ang mga taon. I'm already twenty-eight.

"Tell me something about your first love."

"Come on, Ram. I'm not good in story telling." Natatawa kong sagot.

"Just little details, Gelo. That won't hurt." Pagpipilit niya.

Isa sa mga araw na tila sabik si Ram sa detalye tungkol kay Anne. Nung una ay hindi ko mahulaan kung bakit ngunit nang sabihin niyang sa CMMC siya magpapaconfine ay nagkaro'n ako ng ideya ngunit hindi ko sinabi sa kanyang naghihinala na ako. Iyon ang ospital na pagmamay-ari ng mga Martin, pamilya ni Anne.

Hindi ko na nagawang ipahanap ulit si Anne. Pinagtuunan kong muli ang kompanya namin, Mas lalo itong lumago at lumaki. Nakapagdagdag kami ng branches kaya mas lumaki rin ang kailangan naming balikatin.

Hindi ko na nabigyan ang aking sarili ng oras na maglibang. Kapag pagod ako at gusto kong sumaya, si Kris ang una kong hinahanap.

Hanggang sa nakatanggap ako ng overseas call habang nasa isang business meeting ako sa ibang bansa.

"S-sir, si Kris po, nahimatay na naman. Tumakas po kasi ulit siya para pumunta sa playground."

That was what I hate everytime I have to leave Kris. Hindi ko siya nasusubaybayan. Mas kumukulit at natuto na siyang gumawa ng paraan para makuha ang kanyang gusto. Hindi niya alam na makakasama iyon sa kanya.

Umuwi agad ako ng Pilipinas nang matanggap ang balita. Na-confine si Kris sa CMMC kung saan nando'n rin si Ram.

"Akala ko ba hindi ka na magpapasaway?" Nakangiti ako habang pinagsasabihan siya.

"Daddy, wala kasi akong playmates." Nakanguso niyang tugon.

"I know you want to play with the other kids but didn't I told you that your health is more important than playing with them?"

"Sana po may brother na lang po ako para makapagplay kami. Hindi na po ako pupunta sa playground pag meron na po akong playmate sa bahay."

"Pwede kitang dalhin sa Antipolo para makapaglaro ka with Xyrex."

"Xyrex is older, Dy. I want a younger sibling." Yumakap siya sa akin. Sandali akong natigilan dahil sa kanyang sinabi. Hinaplos ko ang kanyang ulo. Too bad that's something I couldn't give.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kris. Inaasahan ko na ang kanyang doktor.

"Good evening, Sir."

Gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang makita kung sino ang pumasok.

Parehas kaming natigilan. Pakiramdam ko ay literal na tumigil ang oras. Napatulala ako sa kanya sa loob ng mahabang sandali. Hindi makapaniwala na sa loob ng maraming taon ay magkakaharap pa kami.

"Hi." She smiled. Oh, God, that smile. How many times I've dream of seeing it again. At ngayong nakita ko nang muli, just like the old times, para akong nasisilaw. Nakaramdam ako ng panghihina.

"Anne. . ." I was still mesmerized by her innocent beauty. Her facial expression was still soft that makes her look like the most fragile creature. How many years have passed. Ten? Eleven years? Walang masyadong nagbago sa kanya. Kapansin-pansin lang para sa akin ang maikli niyang buhok na dati ay sobrang haba.

"It's nice to meet you again, Cy." Ngumiti siya sa akin. Hindi ko maiiwas ang aking tingin sa kanya. Bumaling siya kay Kris. "How are you feeling, little boy?"

That was the time I almost thought that she's already happy without me. She doesn't need me anymore. Nagagawa niyang ngumiti sa akin ng walang halong tensyon. We talked in a casual manner. I was wondering if I had the same effect on her. Inakala kong wala na dahil normal siyang makisalamuha sa akin. Na parang wala ng nakaraan. She had moved on.

That was what I thought.

I saw a flicker of pain when her stare went down on my wedding band. Gaano man kaliit na emosyon iyon ay do'n ako kumuha ng lakas ng loob. I may sound so foolish but that was my first hope.

Hindi madaling ipaliwanag sa kanya ang kalagayan ko. Totoong kasal ako at inari kong tunay na anak si Kris. Paano ko siya mababawi? Iyon ang una kong inisip.

Kinausap ako ni Heira kinabukasan matapos kong makita muli si Anne. Alam kong nakapag-usap na sila ni Heira. Gusto kong makakuha impormasyon mula sa kanya.

"Is she single?" Tanong ko kay Heira. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng tumango siya.

"Yes." Ngumiti sa akin si Heira. "She waited for you, Gelo. Kahit walang assurance, no promises, no words from you when she left yet she still waited for you. You're one lucky man."

Napangiti ako sa kawalan. Hope starting to fill my chest.

"Fix yourself first. Tell this to Ram. Alam kong hindi ito magiging madali sa parte ni Anne. She doesn't know anything. Ikaw, alam mo na ang gagawin mo. Dahan-dahanin mo muna para hindi siya mabigla. I would have told her earlier. Ayaw lang kitang pangunahan. Alam kong sobrang tagal mo 'tong hinintay." Heira tapped my shoulder before she go.

Heira's right. Ito yung pagkakataong hinintay ko. Mas pinahalagahan ko iyon dahil nagkita kami sa panahong tinigil ko na ang pagpapahanap sa kanya. I guess, this is the right time.

But just like what Heira told me, mahirap 'to para kay Anne. She couldn't take it all. Ayoko naman siyang biglain. I want to be patient with her. Kahit may mga pagkakataon na gusto ko na isigaw ang katotohanan para mabawasan ang komplikasyon.

"W-why are you here?"

"We need to talk, Anne. Please , let me explain. " desperado ako nung unang pagkakataon dahil natakot akong baka hindi siya makinig sa akin. Natatakot akong baka hindi ko masimulan ng tama ang pagpapaliwanag.

That night was one of the most memorable night of my existence. The first time I made her mine. I branded her my own. My territory. And Lord, I was her first. At nung gabi ring 'yon pinangako ko sa aking sarili na ako ang magiging huli. Ako na hangganan niya. Lahat ng paraan ay gagawin ko para masigurong kami hanggang dulo.

Anne hesitated to meet Ram. Kaya naman wala na akong ibang choice kundi ang sabihin kay Ram ang totoo. Na nakita ko na si Anne. Tinawanan pa niya ako nang matapos akong magkwento.

"Ang akala ko naman mauunahan kitang mahanap siya. Actually, nakapag-imbestiga na rin ako ng lihim through their nurses and some of my doctors. Pero nakakainis lang dahil nauna ka pa rin kaysa sa akin."

"Ayaw niyang humarap sayo. Siguro iniisip niya na niloloko kita at magagalit ka sa kanya. In that order." Napailing ako.

"You can't blame her, Gelo. That's a very common scene between a wife and a mistress. Sigurado akong iniisip niyang isa siyang mistress.""

Hindi ako umimik. Tama si Ram.

"Alam mo kung ano ang dapat mong gawin para hindi siya mainsecure sa akin, Gelo. Don't make her feel like a second option. Maiintindihan niya rin ang kalagayan mo. Kung talagang mahal ka niya, she'll understand."

"But what if she doesn't? What if she won't believe me?"

"Then, I'll make her believe. Let me take over, Cy. I want to explain everything to her."

Nang magkalakas ng loob si Anne na harapin si Ram ay hindi na ako nag-alinlangan pa.

Naghihintay ako sa labas ng pintuan habang nag-uusap si Anne at Ram. Silently hoping for Anne to understand. I hope she would. Nang lumabas siya ay nakita kong pinupunasan niya ang kanyang mata. Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto at agad siyang dinaluhan. I smiled at her.

"Feeling better?"

Tumango siya.

"Clear?"

Muli siyang tumango. Do'n nagsimula ang sayang matagal kong ipinagkait sa aking sarili. Siya lang ang gusto kong makuha. Siya lang ang gusto kong maabot. Wala na akong hinihiling kundi ang magpakasal kami.

Ngunit hindi ko iyon nagawa agad dahil sa kalagayan ni Ram. Then, there's Kris. Humingi ako ng konti pang oras. Konti pang oras para mapagsilbihan sila sa nalalabing pagkakataon.

"You don't have to worry about me and Kris. We'll be fine. Kahit kailan ay hindi ka nagkulang sa amin. Be with Anne. You deserve to be happy too. Pati rin si Anne. Go to places with her and make it memorable." Nakangiting payo sa akin ni Ram. Iyon yung mga araw na gustong-gusto niyang umalis ako. Halos itulak niya na ako papunta kay Anne.

Not that I'm not grateful but the real reason why she kept on pushing me away is because she doesn't want me to see her suffering. Kinumpirma ng mga doktor niya na masyado na siyang mahina. Ilang beses na ring tumanggi sa Ram na ituloy therapy niya kahit wala akong tiggil sa pagkukumbinsi.

Hanggang sa pumunta kami ni Anne sa La Principe. Another dream came true. One more wish is granted. Pinangarap kong dalhin siya sa Isla. Kaming dalawa lang. Pansamantalang makawala sa realidad. Walang iniisip.

"Ang ganda rito, Cy." I could see amazement in her eyes. Niyakap ko siya habang pinagmamasdan ang tanawin sa aming harapan.

Someday, we'll have our own world. Gusto kong dito kami tumira. We would raise our children here.

Ngunit may pilit humahadlang sa kagustuhan kong iyon. Sa huling araw ng bakasyon namin sa isla ay nakatanggap ako ng tawag kay Morris.

"Hello. Gelo de Vera speaking. . ."

"Hi again, brother." Natigilan ako ng marinig ko ang kanyang boses. No. Not again. "I heard wala ka sa tabi ng mag-ina ko. Maybe, it's my turn to take them away. I'll take the child first."

"Don't ever hurt my son, Morris. I'll kill you." Natagis ang aking bagang. There's no way I would let him take Ram and Kris. Gagawin niya lang pain ang mag-ina niya para masaktan ako.

I became restless. Nagpa-imbestiga ako at nalaman kong nasa bansa na ulit si Morris. Hangga't maaari ay hindi ko iniiwanan si Ram at Kris ng walang bantay.

And there's Anne. I have to consider her from now on. Hindi ko hahayaang makalapit si Morris sa kanya.

Something unexpected happened. We got involved in an accident. Ngunit hindi ako naniniwalang aksidente iyon. I was a hundred percent sure that was a set up. An ambush.

Nang magising ako matapos ang aksidente, si Anne agad ang hinanap ko. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Masyado akong naging kampante nung araw na 'yon at nakaligtaan ko ang seguridad naming dalawa.

"This is not your fault. Don't blame yourself." Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng mga kapatid ko.

"Habit mong umako ng kasalanan kahit wala ka namang ginawang masama. Magigising si Anne, Cy. Let's be positive. No one's blaming you."

Iyon ang akala nila. Iba ang tingin ng magulang ni Anne. Wala silang ibang masisisi sa nangyari kundi ako. Nakita ko ang panggigilalas sa mata ng ama ni Anne nang mamukhaan niya ako. Her mother couldn't stop crying. Galit na galit ang Daddy niya sa akin.

"I can't trust this man, Anna!" Sigaw ni Daniel Martin ng maabutan akong sa kwarto ni Anne. Galit sila. Magalit lang sila. I would take it all. Pero hindi ako magpapapigil. If I wanna be with her, I'll stay.

"May relasyon ba kayo ng anak ko?" Tanong ni Anna Martin nang kausapin niya ako ng palihim. "Nagkabalikan kayo?"

"Yes, ma'am." Magalang kong sagot.

"Hinanap mo si Anne? O hinanap ka ba ng anak ko kaya-"

"No. Nagkita ulit kami nang hindi sinasadya. Hinanap ko siya noon pero hindi ko nagawang lumapit sa kanya." Tumango-tango ang ina ni Anne. Hindi niya ako magawang tignan.

"I'm sorry for my husband's behavior. Hindi niya gustong nasasaktan si Anne."

Tumango na lang ako. Alam ko naman na hindi lang 'yon ang dahilan. He hates me. He doesn't like me for his only daughter. Ngunit hindi ako magpapapigil kahit kanino. I'll have Anne in any way that I can.

"Please, let me be with her." iyon ang hiling ko kay Anna Martin. Hindi niya ako sinagot. Tinignan niya lang ako ng matagal saka tumalikod.

"Walang kinalaman si Morris sa aksidente?"

Marahang umaling si Xandrei. Hindi ako makapaniwala nung una. Siya ang una kong pinagsususpetsahan. Wala akong ibang maituturo kundi siya ngunit iba ang inilabas ng imbestigasyon. Ang itinuturong salarin ay dating member ng board na pinatalsik namin nang madiskubreng nangangamkam ito ng pera. Bago pa namin ito maipakulong ay nagsuicide ito.

Pinasara na ang kaso pagtapos no'n ngunit hindi ako kampante. I hired a new agency to investigate that particular case.

At inasikaso ko na ang papeles namin ni Ram. Divorce papers. Iyon yung panahon na hindi ko nagawang magpakita kay Anne kahit nalaman kong papalabas na siya ng ospital.

"Gelo, gusto kong bumalik ng Cebu."

Natigilan ako. "Why?"

"I want to reunite with my parents."

"With Kris?"

Ngumiti siya sa akin. "Of course."

Hindi ko alam kung paano ko sasanayin ang sarili ko na wala sila. Pinagmasdan ko si Kris habang mahimbing siyang natutulog. Kinabukasan ay flight na namin patungong Cebu. I have to go with them. Gusto kong naro'n ako para makita ko kung magiging maayos lang ba sila ro'n. Nag-aalala akong baka itaboy lang ulit sila.

"What are you thinking?" Tanong ni Ram habang nag-t-take off ang eroplano.

"Nothing." Nginitian ko si Kris na panay ang turo sa mga bahay na maliit na lang sa paningin namin.

"You're not a good liar." Tumawa siya. Hindi ko magawang ngumiti man lang.

"Paano kung hindi kayo-"

"I'll take care of it, Gelo." Huminga siya ng malalim. "Huwag mo na alalahanin 'yon."

Hindi na ako umimik. I don't want to argue with her. Apart of me want them to stay. I want to keep them ngunit ngayong divorce na kami ay priority ko na si Anne. I was torn.

Ram reunited with her parents. Pinagkaguluhan si Kris. Taliwas sa inakala kong mangyayari. They welcomed Ram with open arms. Nakalimutan na ang nakaraan.

I stayed with them for days. Hindi ako kinwestyon ni Ram. Naisip kong baka iyon na ang huling pagkakataon na makikita ko sila.

"You can visit Kris pag may time ka." Nakangiting wika ni Ram. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I don't want to leave them. Nakita ko namang maganda na ang pagtrato nila kina Ram at Kris pero mabigat para sa akin na iwan sila. For many years, nasanay akong sila ang sandalan ko. Nasanay akong inaalagaan ko sila.

"Huwag mo na kami isipin. We'll be fine here." Huminga siya ng malalim. "Isipin mo ang sarili. Isipin mo si Anne." Hinawakan niya ang kamay ko ibinigay niya ang wedding band niya. "Thank you, Gelo. Sa lahat."

Niyakap ko siya sa huling pagkakataon. That was our goodbye. Alam kong hindi niya gustong pabigatin pa ang sitwasyon.

"You have to be happy, Gelo. Promise me you'll be happy with her." Bulong niya. Marahan akong tumango. Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko dahil sa luha niya.

Ram will always have a permanent mark inside my heart. I let her in and I don't have any regrets. I wouldn't regret that I met her, married her and stayed with her. It was a 'worth it' experience. Kahit ulit-ulitin ang parteng iyon ng buhay ko, pipiliin ko pa rin maging honorable.

But it was already our end. My ending with Ram. I have to start again with someone else . With someone I truly love.

"Thank you, Ram."

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112