HTLAB2 - Chapter 27
-
Complicated
-
"Can I join you for dinner, Sir? If you don't mind." Natigilan ako sandali sa pagliligpit ng mga papeles at lumingon sa babaeng nakatayo at pinapanuod ako.
Ramina Gutierrez. My newly hired assistant. Sa loob ng dalawang buwan niyang pagtatrabaho sa DVI ay wala akong mairereklamo sa kanya.
Una kaming nagkita sa anniversary party ng kompanya. She was introduced by her father who was Xandrei's business partner. Two weeks after that, nakapasok siya ng DVI bilang kapalit ng dati kong assistant. At first, she's civil. Pero kalaunan ay madalas ko na siyang nakakausap.
It wasn't hard to like her. She knew where she stands. A woman who has confidence and capable of being independent. She's easy to get along with and doesn't mix business into personal matters.
Hanggang sa namalayan ko na lang na palagay na ang loob ko sa kanya which I find very unusual. My former employees never dare to talk casual topics with me aside from their job. Ram was different.
Ngumiti ako sa kanya. A simple dinner wouldn't hurt. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na sasabay siya sa akin. Sometimes, we'll dine with some of my employees. Hindi naman ako malupit. Iyon lamang ang unang impression ng mga nagtatrabaho sa DVI at wala akong balak baguhin.
"I won't mind, Miss."
She smiled at me. Hindi ako mangmang. Hindi ako manhid. I could see her admiration towards me. Ngunit ayaw kong patulan. I can't offer her anything aside from employee-employer relationship. I could consider her as a friend and nothing more. I belong with someone else. Then and until now.
"I like you, you know. You're my type. Silent but deadly and domineering. You got me really curious." Sinabi niya 'yon sa akin dati ng pabiro. Birong ang dating sa akin ay totoo.
Umiling na lang ako at sinabayan ng mababaw na tawa. "I'm not the ideal type. Your taste sucks."
Naging mas malapit kami. Magkaibigan. Ngunit katulad ng gusto kong mangyari, hanggang do'n lamang. She reached the point of being vocal towards me. Ngunit madalas ay tinatawanan ko lamang iyon. I made it clear that I have no interest. Ipinagpasalamat ko na rin na hindi niya ipinilit.
"What's with you and your secretary?" Tanong ni Xandrei sa akin nang bumisita siya sa DVI.
"Nothing."
"Your answer is too cliche."
"We're just friends."
Natawa siya. "You sound like some playboy actor. We aren't on showbiz, brother. Tell me a fact."
Huminga ako ng malalim. "I'm telling you a fact. Huwag mo akong kulitin. Kailan ka ba babalik at nang makapagbakasyon naman ako?"
"Changing topics, huh? Why? Nahihirapan ka bang pamahalaan ang kompanya natin? I doubt it."
Of course, being a CEO isn't a piece of cake. Ngunit dahil nagagamay ko na ang pasikot-sikot sa negosyo ay wala halos kaming nagiging problema. Napapansin kong napapadalas ang pag-t-take over ko kaysa sa pamamahala ni Xandrei. Hindi ko naman magawang magreklamo. Not that I didn't want to be in this position. Naisip ko lang na mas karapat-dapat siya rito.
"I'm a family man, Gelo. Ikaw ang single sa atin kaya mas marami kang oras para magtrabaho."
"I'm studying. Don't you want to give me a little consideration?" Matabang kong tanong.
"Hey, naranasan ko rin naman 'yan. I was fifteen when I had my first job and I started at the bottom. Malupit si Papa. Mas maswerte ka pa sa akin." Nakangisi niyang tugon. "Malapit na ang graduation mo. May gusto ka bang gawin? Perhaps plan a party. Xandra will be delighted."
Umiling ako. "I hate parties. A vacation is fine."
Natawa siyang muli. "Sawang-sawa ka na ba sa four-wall office ko?"
Kung alam niya lang. Halos hilahin ko na nga ang araw para makagraduate na ako at makuha ko na ang bakasyong inaasam. I have so many plans in my mind. Magagawa ko lang iyon kapag hindi na ako subsob sa pag-aaral at pagtatrabaho.
Sa bawat social gatherings na kailangan kong puntahan ay si Ram ang sinasama ko. She's a great company. Madalas ay nabobore lang ako sa mga parties ngunit dahil wala ang presensya ni Xandrei, ako ang dapat bumalik. That brother of mine owes me big time.
About me and Ram, we became cool. Napansin ko ring tila nabawasan na ang aggressiveness niya sa akin. I took it as a good sign.
Madalas ay napapagkamalan kaming may relasyon ngunit parehas kaming walang pakialam sa iniisip ng iba maliban na lang sa pamilya.
"Wala ba talaga kayong relasyon ni Ramina Gutierrez?" Paulit-ulit na tanong sa akin ng mga kapatid ko. Nakakarinding marinig iyon araw-araw at napagod na ako sa pagsagot ng 'wala' at 'hindi kami.'
"Ate, don't you think Gelo is a gay? He keeps on denying it! Baka nililinlang niya lang tayo." Sabat naman ng kapatid kong bunso na sobrang nakapagpainit ng ulo ko. I'm not a fucking gay. Tss.
Nang sabihin ko iyon kay Ram ay tinawanan niya rin ako ng malakas. "Gelo, you should find a girlfriend. Naghihinala na ang mga kapatid mo. At baka later on, maniwala na rin ako." Her eyes twinkling in amusement. Tinapunan ko siya ng masamang tingin na mas nakapagpatawa sa kanya. "Kidding. Kung ba't naman kasi single ka. Wala akong nabalitaang nagkagirlfriend ka kahit isang beses. Tapos ni-reject mo pa ang kagandahan ko. Magpakatotoo ka nga sa akin, Gelo. Are you gay?"
"Do you want me to fire you?" Malamig kong sagot sa kanya. Damn it.
"Come on! Napakapikon mo talaga. Mag-girlfriend ka na kasi." Pumangalumbaba siya sa harap ko. "Gayahin mo ko."
"You get yourself a boyfriend?"
"Not yet. Hmm, he's more of a 'special someone.'"
I didn't bother asking who. At that time, I was really happy for her. She found someone better.
Or so I thought.
I've attended a number of business gatherings with a numerous business tycoons in Asia. Isang buwan bago ang graduation ko ay tumungo akong Singapore para sa isang convention. Doon ipinakilala sa akin ni Ram ang lalaking tinutukoy niya.
"Gelo, this is Morris. My boyfriend." Nilingon ito ni Ram. "Babe, he's Gelo. Nakwento ko na siya sayo dati, di ba? He's a dear friend of mine."
Doon palang ay kinutuban na ako. Ngunit hindi ko masabi kay Ram ang tungkol kay Morris. Na magkapatid kami at hindi maganda ang impresyon ko rito. Isang beses ay nagtangka ako ngunit agad akong nagpreno nang sabihin niyang masaya siya kay Morris.
"He's perfect, Cy. I mean, he's too good to be true. A real gentleman." Ngumiti siya sa kawalan. "Tingin ko nga ay hindi ako deserving. Nakilala ko siya dati nung teenager pa ako. We're young and wild at that time. Pero ibang-iba na siya ngayon. I think. . .I think I'm falling for him. No. I already love him."
Ayokong sirain ang kasiyahan ni Ram nung mga panahon na 'yon. Kahit hindi pa rin ako kumbinsido na nagbago na si Morris ay napagpasyahan kong manahimik na lang muna. Hiniling ko na sana ay totoo ang mga sinasabi ni Ram. Na hindi lang siya nalilinlang.
Lumipas ang mga linggo at napansin kong walang pasidlan ang saya ni Ram. Saglit akong nakumbinsi na baka nga ay nagbago na ang kapatid ko. Hindi ko na kailangan pang makialam dahil mukhang mapapabuti si Ram kung gano'n nga.
I graduated. Nagplano na akong umalis dalawang linggo matapos ang graduation day ko. Sa wakas ay mapupuntahan ko na ulit si Anne. Pinagkasya ko ang sarili ko sa balita at impormasyon mula sa taong hinire ko para masundan siya. I thought the torture would end there.
I was wrong.
Isang pangyayari ang sumira sa plano ko. A night before my flight ay tinawagan ako ni Ram.
"G-gelo." Natigilan ako nang marinig ang boses niyang nangangarag.
"Are you crying?" Mas lalo siyang humagulgol. I rushed to her house. Nadatnan ko siya sa sofa, nakayakap sa kanyang tuhod at tulala. Napatingin ako sa paligid. Nagkalat ang mga gamit at may mga bubog pa mula sa salamin, bote at mamahaling vase.
"Ram." Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya tumitingin sa akin. Nakatulala lang siya sa harapan. "Ram, look at me. Anong nangyari?"
Hindi siya nagsalita nung gabing 'yon. Nakatulog siya sa gano'ng pwesto. I took my time to see the CCTV footage sa labas at loob ng bahay niya. Tumawag na rin ako ng pulis dahil naisip kong baka magnanakaw ang gumawa nito. I also called the nearest hospital for ambulance para matiyak ang nangyari kay Ram.
Habang hinihintay ko ang mga pulis ay pinanuod ko ang footage. At nanigas ang katawan ko nang mapagtanto ang buong pangyayari.
"Morris, don't do this to me! Please!" humahagulgol si Ram habang nakahawak sa paanan ni Morris. "Sabi mo mahal mo ako! You told me you'll marry me-"
"I lied. Bitawan mo ako bago kita saktan." Malamig na tugon ni Morris habang pilit na inaalis ang payat na braso ni Ram sa kanyang paanan.
"You already did!" sigaw ni Ram. "Please, Morris! Ano bang gusto mong gawin ko?"
"You already served your purpose , my dear. I had a great time with you in bed and I'm pretty sure my brother would be guilty as hell kapag nalaman niyang ginamit lang kita." Nakakalokong ngumiti si Morris. Bakas ang gulat at pagkalito sa maamong mukha ni Ram.
"W-what? Ginamit? Kapatid?" halos hindi ko na narinig ang boses ni Ram kaya nilakasan ko ang volume.
"I'm wonder why Angelo De Vera didn't tell you who I am. That stupid prick. Sa kanya ka dapat magalit dahil pinabayaan ka niya sa akin when all along, alam na alam niya kung sino ako."
Natulala si Ram sa kanya ng mahabang sandali. "M-magkapatid. . .kayo?"
"Yes, my dear. And you just got used for revenge." Bumilis ang aking paghinga ng marinig ko iyon. Kusang kumuyom ang aking kamao at nagtagis ang aking bagang. Fuck!
Tumalikod si Morris at akmang lalabas na nang pinto nang tawagin muli siya ni Ram.
"Morris, I'm pregnant with your child." Napahawak si Ram sa kanyang bibig. She looked so helpless. Napahagulgol siyang muli habang nagmamakaawa kay Morris. "Morris, kakalimutan ko lahat ng 'to. Please. Anong gagawin ko sa anak natin?"
Matagal na sandali ang lumipas bago nagsaglitang muli si Morris. "Ipa-abort mo. Wala akong pakialam."
Ang sumunod na pangyayari ay ang paghahagis ni Ram ng mga babasaging bagay. Napatulala ako ng matagal sa screen.
Nanikip ang dibdib ko. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa aking loob. Nangunguna ang galit kay Morris. The asshole didn't change! I knew it! Fuck! Bakit ko ba naisip na mapapabuti si Ram sa kanya? Napahawak ako sa aking ulo. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.
Nang madala si Ram sa ospital at masigurong maayos ang lagay niya at ng batang kanyang dinadala, tinawagan ko si Ate para may makasama si Ram habang wala ako. Papunta palang ang mga magulang ni Ram sa ospital.
"Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Ate Xandra.
"May pupuntahan akong importante. Please, pakibantayan muna si Ram."
"Gelo!" Iniwan ko kaagad si Ate at binalewala ang pagtawag niya sa akin. Na-trace ko mula sa cellphone ni Ram ang address ng building kung saan naka-stay si Morris kaya nagawa ko sing puntahan.
Pagkabukas palang niya ng pintuan ay suntok ko na ang sumalubong sa kanya. Nabigla siya at hindi nakalaban. Hindi ko siya tinantanan dala ng galit ko. Sumisigaw siya kaya lumabas ang tao sa kabilang unit at nagawa akong awatim. Duguan ang buong mukha niya at ako naman ay hingal na higal.
"Asshole! Hindi ko masukmura na may kapatid akong tulad mo!" Nagdidilim pa rin ang paningin ko. Paulit-ulit na nagrewind sa isip ko ang pagsusumamo ni Ram sa kanya at ang huli niyang sinabi. Wala siyang pakialam sa bata. He even want Ram to abort her pregnancy. Hayop!
He filed a case against me dahil sa pambubugbog ko sa kanya. Hindi lamang iilang beses laman ng tabloid ang mukha ko dahil sa nangyari. Ang mga kapatid ko ang gumawa ng paraan para sa akin. Madaling naibasura ang kaso ngunit agad nag-file ng petition ang panig ni Morris.
Nang ikwento ko sa mga kapatid ko ang buong pangyayari ay pinayuhan nila akong huwag magdala sa galit.
"He wants you to self-destroy. Itutulak niya ng sagaran ang pasensya mo ngunit wala siyang gagawing hakbang na ikakasira ng imahe niya. Kagaya na lang ngayon. Ikaw ang nagmukhang masama dahil pinatulan mo siya. Siya ang nagmukhang kawawa kahit ang totoo ay siya ang may sala. Don't let your anger overpowers you. Walang magandang maidudulot iyon sayo at bibigyan mo lang ng satisfaction ang taong 'yon." Ani Xandrei. Sumang-ayon naman si Ate.
"Ang pagtuunan mo ng pansin ngayon ay si Ram. She needs you now. Badly."
Alam ko ang nais iparating ni Ate. Siya ang nagkwento sa akin nang buong pangyayari matapos kong umalis ng ospital at ipabantay sa kanya si Ram. Nang dumating raw ang mga magulang ni Ram ay galit na galit ito. Mas lalo raw nagkagulo nang malaman ng mga ito na buntis ang kanilang anak.
Nang araw na 'yon ay nagpasya akong pumunta ng ospital.
Halos manlaki ang aking ulo nang madatnan ko si Ram na umaakyat sa bintana ng kanyang kwarto.
"Ram!" Mabilis ko siyang dinaluhan at niyakap mula sa likod. Binuhat ko siya paalis sa bintana kahit panay ang pagpupumiglas niya.
"Let me go, Cy! Let me go!" Umiiyak na siya. Nilapag ko siya sa kama.
"No! Ano bang iniisip mo? Magpapakamatay ka ba, ha?!" Nasigawan ko siya dala ng pagkawindang. Pinukpok niya ang aking dibdib. Ramdam ko ang kanyang panghihina. Umiyak siya ng umiyak.
"Hayaan mo na lang ako!"
"What about the baby, Ram? Hindi mo man lang ba naisip ang anak mo? Pag ginawa mo 'yon, hindi lang ikaw ang mapapahamak!"
Tinakpan niya ng kamay ang kanyang mukha. Umupo ako sa kanyang tabi at hinagod ang kanyang likod. "Death is never a escape from hell."
Umiling si Ram. "Ayoko na, Gelo. Ayoko na talaga."
"Hush. . ."
"Wala na akong pupuntahan. Galit sa akin sina Papa at Mama. And Morris l-left me already-"
"Don't ever mention his name again. Kalimutan mo na siya." Napahawak ako sa aking noo. "I'm sorry. Kasalan ko. Pinabayaan kita sa kanya. I'm sorry."
"Sinabi niyang magkapatid kayo. Is it true?"
"He's my half-brother. Magkapatid kami sa ina."
Humagulgol siya. "Ginamit niya lang ako laban sayo. Why, Gelo? Bakit siya galit?"
Hindi ko siya masagot. Mas lalo akong naguilty.
"Nag-withdraw ang mga Gutierrez ng shares nila sa DVI." Pahayag ni Xandrei.
Napahilamos ako. "Is it because of what happened to Ram?"
"I couldn't think of any better reasons."
Nagkasabay-sabay ang problema dahil sa nangyari. Hindi lang mga Gutierrez ang nagwithdraw ng shares. Napilitang bumalik si Xandrei. Even my sister forced themselves to work on DVI. There were a lot of complications came after what happened.
Hindi na talaga natuloy ang pag-alis ko papuntang US. I thought it wasn't the right time to chase for Anne. Mas kailangan ako ng pamilya at ng kompanya. Nandyan pa si Ram na walang ibang matatakbuhan kundi ako. Tuluyan na siyang tinalikuran ng kanyang magulang.
Sa bahay ko siya pinatira. Hindi pa halata ang kanyang tiyan pero hindi magtatagal ay siguradong mapapansin na 'yon..
Binalak kong kausapin muli si Morris ngunit nakabalik na raw ito ng Italy. Tinalikuran rin nito si Ram. That fucking coward.
I was torn between chasing for Anne and for helping Ram. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Litong-lito ako sa sitwasyon at matatakot sa maaaring komplikasyon. Hanggang sa nanaig ang honorableng rason at inalok ko ng kasal si Ram.
"Marry me for the child's sake." She was already four months pregnant at bumubukol na ang kanyang tiyan.
Nabigla siya at napatulala sa akin ng mahabang sandali. Pagtapos ay ngumiti at marahang umiling. "No. Hindi mo dapat itali ang sarili mo sa akin, Gelo."
"Pero yung bata-"
"Okay na ako. Tanggap ko na ganito ang nangyari sa akin. Alam kong guilty ka at sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari. Pero, Gelo, hindi kita sinisisi. Si Morris ang nanakit sa akin. Hindi ikaw. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." Yumuko siya at sandaling huminto bago magpatuloy. "I want to thank you for everything you've done and you've been doing for me. Your help is more than enough. You don't have to marry me."
That was the first time I offered my name to someone. Hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan si Ram sa ginawa niya. A part of me was rejoicing. The other half was still full of guilt.
Hanggang sa nalaman ni Ram ang tungkol kay Anne. Siya pa ang nag-encourage sa akin na pumunta ng US. Natuloy na ako sa ikalawang pagkakataon. Pero hindi ko kinaya ang nakita ko ro'n.
Anne was with someone. Una ko siyang nakitang naglalakad papasok sa university na may kasamang lalaki at nakaakbay ito sa kanya. Sinabi ko sa aking sarili na baka kaibigan lang. O baka kaklase. Baka hindi naman. . .
Ngunit sa isang linggong pagsunod ko kay Anne at sa lalaking 'yon ay napagtanto kong mali ang umasa ng umasa.
They are together almost everytime. Muntik na akong magpakita kay Anne sa sobrang panibughong nararamdaman. And when I saw them kissed, I felt useless. Everything useless. It's useless to wait and hope for nothing.
Napagpasyahan kong bumalik ng Pilipinas dalawang linggo pagtapos kong umalis ng bansa. Only to find out that Ram was critically ill.
CML. Late Stage. Iyon ang sabi ng doktor. And she only have two remaining years to live. Iyon ang binigay na taning sa kanya ng doktor.
"T-that's ridiculous! What about the baby? Masyado atang mabilis-"
"Its symptoms can be recognized if it's already at the late stage. Gano'n ang karaniwang nangyayari to those patients who suffers on the same type of Leukemia. As for the baby, kailangang manatili ng pasyente sa ospital para mas mabantayan at matugunan agad kapag may naging problema." He paused for a moment, "Tingin ko ay ininda ni Miss Gutierrez ang kanyang sakit."
Napailing ako. Hindi makapaniwala. Anong mangyayari sa bata? Makakasurvive kaya ito sa sinapupunan ni Ram?
"Shit." Napasandal ako sa pader. This is too much to take.
Ako ang nabungaran ni Ram nang muli siyang nagising. Ibang-iba na ang kanyang itsura ngayon kumpara nung iniwan ko siya mag-iisang buwan na ang nakalipas. Maputlang-maputla ang kanyang mukha at namamalat ang kanyang labi. Nangayayat siya at tila hinang-hina.
"Ito ba ang rason kung ba't gusto mong umalis ako?" Mahina kong tanong. Maingat kong hinawakan ang kanyang kamay.
Ngumiti siya sa akin at may isang butil ng luhang kumawala sa kanyang mata. Nanikip ang dibdib ko. Tumingala ako at huminga ng malalim. Hindi ko siya kayang makitang naghihirap ng ganito.
"You should've told me earlier."
"I got scared." Pumikit muli si Ram. "I'm scared."
Inamin ko sa sarili ko na sa maikling panahon na nakilala ko si Ram ay naging importante siya sa akin. Para ko na siyang kapatid. At sa puntong 'to ay ako lang ang matatakbuhan niya. Ako lang ang makakatulong sa kanya.
"I. . .have a favor to ask." Nanghihina niyang sabi. "Just one last favor."
Hindi muna ako umimik. Hinintay ko siyang dugtungan ang kanyang sasabihin.
"Marry me, Gelo. Please. Save my baby." She sobbed. "I only have a few years left. You're the only person I can trust right now. I don't care about myself any longer. Yung baby ko na lang. Kahit yung baby na lang. . ."
Sinubsob ko ang aking noo sa kamay niya at mariing pumikit. Nagbabara ang lalamunan ko. Wala akong masabi.
"Please, Gelo. You can have Anne after two years. Pag wala na ako. Kapag-"
"Hush it. Don't say that." Gumaralgal ang boses ko. Marahan kong hinalikan ang kamay niya at pilit na ngumiti. Nanlalabo ang aking paningin. "We'll marry, Ram. You and the baby will survive. I'll make it sure."
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top