HTLAB2 - Chapter 26
A/N : CYFER POV starting this chapter.
-
The Past
-
"Congratulations. You're officially a De Vera." Kinamayan ako ni Atty. Delgado at nginitian. Naramdaman ko naman ang kamay ng Ate ko sa aking braso.
"Let's throw a party!" Pumalakpak siya at parang batang sobrang ang tuwa sa nangyari. Nakangisi akong umiling.
Xandrei tapped my shoulder. "Kailangang mapakilala ka na namin sa board bago ang annual meeting."
Kunot-noo ko siyang nilingon. "Is it necessary?"
"Of course, you idiot! De Vera ka kaya dapat nasa DVI ang pangalan mo." Sabat naman ng bunso kong kapatid.
"Xandie is right. Though, mayro'n ka namang shares sa DVI lingid sa kaalaman ng mga board members, dapat ka pa rin naming ipakilala. Isa ka sa nagmamay-ari ng DVI. Kailangan ka nilang makilala, not as Madrigal but as a De Vera."
I was nineteen when I changed my name. Matagal ang proseso ng pagpapalit ng pangalan ngunit dahil kilala at hindi basta-bastang pamilya ang mga De Vera, nagawa nila iyon i-proseso ng masmabilis.
Hindi ko hiniling na mapabilang sa kanila. I have so many issues kaya naisipan kong bumalik sa Italy at umalis sa poder ng mga De Vera two months before I turn eighteen. Nagtrabaho ako sa farm ng uncle ko kung saan ginagawang wine ang mga berries. I rent a house near his farm para madali akong makapasok sa trabaho. At that time, hindi ko naisipang bumalik o magpakita man lang sa aking ina.
I want to live a peaceful life. Yung malayo sa gulo. Yung hindi ko maiisip ang insecurity ko.
Pero kahit anong takbo ko palayo sa magulong mundo, parati pa rin akong nahahabol. Wala akong takas.
So many things happened. Pinuntahan ako ni Ate Xandra at Xandrei sa Italy. They want to clarify some of the issues I had left. Mailap na ako sa kanila nung mga panahon na 'yon. Natakot uli akong magtiwala. Gano'n naman talaga, di ba? Pag kinakain ka na ng insecurities mo, hirap ka na magtiwala sa kahit kanino.
Akala ko ay tatantanan na nila ako ngunit hindi. Ilang beses nila akong binalikan. Hindi sila tumigil. They want me back. They want me to be a part of their family for the second time.
"You are a De Vera. You may not be born bearing our name but the blood in your veins are just like ours. Bakit nagtitiis ka rito sa Italy kung pwede ka namang sumama sa amin sa Pilipinas? You belong there!" My sister was too persuasive. Siya ang pinakamadalas na nagkukumbinsi sa akin na bumalik sa Pilipinas at lisanin ang Italy.
"Please, Cy. You should be with us. Ayos naman na kayo ni Xandrei , di ba? Bumalik ka na. Please."
"Please, sungit. Bumalik ka na." I got an overseas call from Xandie. Katulad ni Ate ay wala siyang bukambibig kundi ang bumalik ako.
That day, I started to reconsider going back. Pero hindi kayang lunukin ng pride ko na basta-basta na lang akong babalik sa kanila. Wala pa akong napapatunayan sa sarili ko. Nanliliit pa rin ako at punung-puno ng insekyuridad.
The next day, I got a visitor. Isang bisitang hindi ko gustong makita man lang. Morris.
"Uncle told me you work on his farm."
He still wears his most deceiving fake smile. Nasusuya ako sa pagmumukha niya. May gana pa talaga siyang magpakita pagtapos ng ginawa niya sa akin nung nakaraang taon. Nangangalit ang bagang ko sa pagtitimpi. Pinipilit kong huwag umalpas ang pagkamuhi ko sa kanya at magpadala sa emosyon.
"Bagay sayo ang trabahong 'yon. Famer, huh? Pambasura."
Ilang linggo akong nagtiis sa panlalait ni Morris. Halos ikalat niya sa buong farm ang pagkatao ko at medyo hinaluan pa niya ng marurumi at walang katotohanang kwento. Ngunit binalewala ko lahat 'yon.
Hanggang sa bumalik si Xandrei sa Italy at inimbitahan ako sa kanyang kasal.
"Hindi ako magtatagal. May sakit si Heira at hindi ko gustong iwan siya pero gusto ko ring personal na imbitahan ka sa kasal namin." Inabot niya sa akin ang imbitasyon na hindi ko naman kinuha kaya napilitan siyang ilapag iyon sa mesa.
"Alexandra and Xandrea are still waiting for you." Tumikhim siya. "Me too."
Nagtaas ako ng malamig na tingin sa kanya. "Ano pang kailangan niyo sa akin?"
Tinignan niya ako pabalik. "Gusto naming bumalik ka."
Umiwas ako ng tingin "What for?"
"Because you belong to be one of us. You're a De Vera. Why do you have to live alone if you can stay with us and have a family? I know you have a lot of insecurities but can you just forget those? Even your issues with me. Forget it. Hindi ko na nga maalala 'yon." Huminga siya ng malalim.
Natahimik ako ng mahabang sandali. Wala siyang nakuhang sagot sa akin. Wala naman akong sasabihin sa kanya.
No. Hindi ko lang talaga alam ang itutugon ko sa mga sinabi niya.
Tumayo siya at saka nagpaalam.
"Aasahan kita." Iyon ang huli niyang sinabi sa akin.
The wedding is four days from now. I'm happy for them. For my brother and Heira. Inamin ko sa aking sarili na bago ako umalis sa Pilipinas ay nagawa kong magustuhan si Heira. The attraction was too strong and I mistakenly judge it as love. But I guess, I was wrong. That isn't love. May naaalala lang ako kay Heira. Idagdag pa na siya lang ang napaglabasan ko ng sama ng loob maliban sa isang babaeng alam kong hindi ko kailanman maaabot pa.
Umuwi ako ng Pilipinas nang hindi sigurado kung ano ang dadatnan ko ro'n. Bukas na ang kasalanan ngunit hindi agad ako nagpakita sa kanila. Pinanood ko ang kasal nila sa malayo. I was about to go when someone called my name.
"Madrigal?" Napalingon ako at nakita kong si Lawren Delgado 'yon. Tumaas ang kanyang kilay. "So, you came back? Why are you here? Di ba dapat nasa loob ka?"
Malamig na tingin ang ipinukol ko sa kanya. He was still as nosy as hell. Nakakairita.
Tumalikod ako at akmang aalis ngunit napahinto ako nang magsalita siya. "Oh, Dad. I saw a guest here sa labas. Baka gusto mong malaman kung sino?"
Liningon ko siya. The asshole was grinning at me while talking to his father over the phone. Fucker.
Hindi nagtagal ay nakita kong tumatakbo si Alexandra de Vera palabas ng venue. Nang mamataan niya ako ay patakbn ulit siyang tumungo sa akin. Mataktika namang tumalikod si Ren Delgado habang kumakaya. He even shouted, "You're very much welcome!"
Tss.
Mahigpit akong niyakap ni Ate. "I know you'll come! I know you would!" Tuwang-tuwa siya. Sa sobrang tuwa niya ay mukhang gusto niya na akong pipiin sa yakap niya.
That was the start. Muli akong nakabalik sa mga De Vera. Little by little, they taught me how to be dependent to them. Muli kong binuksan ang sarili ko para sa kanila. I witnessed them struggle pero sa lahat ng pagkakataong 'yon ay hindi kami nagkakawatak-watak. They witnessed me grow into a different person. A better one. They accepted me. I learned to accept myself once again.
Tinulungan ko si Alexandrei sa pagpapatakbo ng DVI. There are times that I would be the acting CEO everytime that him and Heira would go on vacation. Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho dala ang pangalan ng mga De Vera.
Unti-unti akong nasanay sa bago kong pangalan. Nakakapanibago sa una ngunit kung araw-araw mong naririnig ay makakasanayan talaga.
"The project is a huge success. Congratulations to both of you." Atty. Delgado was also there for us. Tumayong pangalawang ama namin sa kompanya. Alexandra de Vera raised a new business. Ang bunsong kapatid naman namin ay iba ang gustong tahakin. She doesn't want to involve herself into business world. Nag-aral siya ulit at kumuha ng basic education. Hinayaan namin siya sa gusto niya.
Naranasan kong patakbuhin ang DVI na walang tulong ng mga kapatid ko. Hindi ako nagreklamo kahit pakiramdam ko nung una ay hindi sapat ang karapatan ko para maupo sa pinakamataas na pwesto.
Nagawa kong iahon ang sarili ko. Nagkaro'n ako ng pagkakataong magtayo ng sarili kong negosyo na labas sa koneksyon ng DVI. Sinusuportahan ako ng mga kapatid ko. Nagsisimula pa ako no'n at hindi masyadong gamay ang pinasok ko.
I focused on my work. Inabala ko ng todo ang aking sarili. But there are times, when I go to bed at night, sumasagi sa isip ko na tila ako robot. I would wake up early for my job, would go home late with the same reason. Tinanong ko ang aking sarili kung masaya nga ba ako. Did I change a lot? Did I become a better person?
"Wala ka kasing lovelife." Natatawang sabi ni Heira. "Ano ba 'yan? Wala ka bang balak mag-asawa o magka-girlfriend man lang?" Iyon ang madalas niyang pinang-aasar sa akin sa tuwing bibisita ako sa Antipolo. They decide to live here kaya madalas ay through data lang nagtatrabaho si Xandrei.
Hanggang sa may nabanggit sa akin si Heira. "Naaalala mo pa ba si Anne?"
Natigilan ako nang sambitin niya ang pangalang 'yon.
"Hindi ka pa ba nakakaget-over sa kanya kaya hindi ka pa nagkaka-girlfriend ulit?"
Hindi ako nakasagot.
That question messed up my system for so many days. Hanggang sa na-realize kong baka tama si Heira.
I won't deny that Anne made a huge impact on me. Para siyang isang sampal na nakapagpagising sa akin sa walang kwenta kong mundo noon. Masakit pero nagising ako. We are young but the feelings we had for each other wasn't a puppy love. I bet my life on it. Pero masyado pang magulo noon. Walang wala ako. Wala akong mukhang ihaharap sa pamilya niya. Ni pangalan ko ay walang silbi. Ano pa ang mgagagawa ko para sa kanya maliban sa mahalin siya?
And I was too insecure back then. Idagdag pa ang mga taong humadalang sa amin. So, we ended up apart.
"Gusto mong i-set kita ng blind date?" Isa 'yan sa mga nakakalokong suggestion ng mga kapatid kong babae. They are desperate for me to have an affair or any romantic involvement with any girls.
"Damn. Stop it." I was twenty-one that time. We were celebrating Christmas in Antipolo. Nagkakatuwaan at mukhang ako ang nakita na naman ang nakita nila.
Fuck. Blind date? What the hell? I'm not desperate!
"Ayaw mo? Minamaliit mo ba ang powers ko sa matchmaking? Tanungin mo si Xandrei kung sino ang nagpayo sa kanya na maghanap ng baby mak-"
"Ate, stop it." Natatawang sabi ni Xandrei. "Hayaan mo na si Gelo."
Napailing na lang ako. It's good to have a family but there are times that I would get a crazy witty suggestion from them. Hindi ko alam kung seryoso ba silang tumutulong o gusto lang nilang pagtripan ako.
"Here it is. Private ang lahat ng information tungkol sa taong pinapahanap mo. She's taking Pediatric course in Stanford University."
"US?" Tanong ko sa private investigator na hinire kn mula sa isang agency.
Tumango ang P.I. "Nasa loob ho ang lahat ng detalye."
Tumango ako at nagpasalamat. Binayaran ko ang P.I. at agad naman itong umalis.
Patuya akong ngumiti sa aking sarili. "Not desperate, huh?"
Sinong niloko ko? If I really moved on from her memories, ba't hindi ko magawang makipagrelasyon sa iba? I can't even give myself a chance to fall from any girl. Sa tagong bahagi ng utak ko ay hinahanap ko siya sa bawat babaeng makakasalamuha ko. Thinking that she's my standard. Ngunit mukhang walang makakalagpas sa kanya. That's so unfair, right?
I wonder if she totally moved on. It has been years since we broke up. I even feel like a shit everytime I would remember that I didn't tell her the truth. The real reason why I have to break our relationship. Iniwan ko siyang nag-iisip kung bakit. Iniwan ko siyang lumalaban mag-isa. Pinaramdam ko sa kanya na walang saysay kung ipagpapatuloy pa namin ang relasyong 'yon. Hindi ko man lang nasabi. . .
I promised to myself that I would get her no matter what. When the right time comes, I would definitely go after her.
And I did.
Pumunta ako ng US. The very first time that I set a leave from work. A treat for myself. Isang linggong pahinga pagtapos ng mahigit dalawang taong pagpapatakbo ng DVI at ng sarili kong negosyo. Isang taon na lang din at magtatapos na ako sa kursong kinuha ko.
"May sakit ka ba?" Sinipat ni Xandie ang leeg at noo ko. "Wala ka namang lagnat. Ba't ka mag-l-leave?"
"Masama ba?" Malamig na tingin ang pinukol ko sa kanya. She pouted.
"Sungit. Nakakainis. Saan ka magbabakasyon? Sama ako!"
"No."
"Kainis ka naman! Ang arte nito." Inirapan ako ng kapatid ko. Tinawanan lang siya ni Ate. Bumalik ako sa pagbabasa mga reports.
"Come on! Once in a blue moon lang mag-file ng leave si Gelo. Give him a break." Kinindatan ako ni Ate. Napangisi na lang ako sa pagngingitngit ng bunso naming kapatid.
They don't anything. Not that I don't trust them with my secrets but I want to be sure first. Gusto ko munang malaman kung saan ko ilulugar ang aking sarili. I want to 'her' first. Umalis ako na wala silang kaalam-alam kung ano ang balak kong gawin do'n.
Pagkarating ko sa US ay walang ibang laman ang utak ko kundi si Anne. Kung paano ko siya lalapitan. Kung ang una kong sasabihin sa kanya. I felt silly.
Ngunit nang makita ko siya sa malayo, pagtapos ng mahigit tatlong taon, hindi man lang ako nakalapit. I froze on where I was standing. Pinapanuod ko lang siya habang umiinom ng tea sa isang coffee shop at nagbabasa ng makapal na libro.
Huminga ako ng malalim. Nothing has changed. Same with my feelings. Mas sigurado na ako ngayon.
Gano'n pa rin siya. Mas pumuti lang siya rito dahil sa malamig na klima. Mas humaba ang kanyang buhok. Ngunit pumayat siya. Hindi ba siya kumakain ng tama?
Napagtanto kong paborito niyang puntahan ang coffee shop na 'yon kaya naman may naisip akong gawin habang nagbabakasyon ako sa US.
"Please give this order to that lady." Palihim kong tinuro sa waiter si Anne at binigyan ito ng malaking tip pagtapos ay mataktika akong umalis ng coffee shop. Iyon ang parati kong ginagawa sa pananatili ko sa ibang bansa. Pina-extend ko ang bakasyon ko. I got obsess with spying her.
"Ano bang ginagawa mo dyan? Siguro may babae ka dyan tapos ayaw mo lang ipakilala sa amin?" Nanlalaki ang mata ni Xandrea sa videophone. Hininaan ko ang volume dahil nakakarindi ang matinis niyang boses.
"Istorbo ka. Why did you call?"
"Pinapauwi ka na ni Kuya Xandrei. Magdadalawang buwan ka na dyan. Hello? Malapit na po ang annual meeting. Baka gusto mong umuwi muna? Saka mag-eenrol ka pa po for second sem! Nakalimutan mo na atang graduating student ka at pasukan na ulit next week?" Sakastiko niyang tugon,
Natigilan ako. Shit. I forgot all about those.
"Oh ,ano? Huwag mo sabihing nakalimutan mo nga? Lagot ka talaga kay Kuya. Masyado ka atang na-e-engross sa pamamasyal dyan sa US? Ano bang meron dyan at mukhang nakalimutan mo na umuwi rito sa Pilipinas? Saka di ba-" In-end ko na ang call at nawala agad sa screen si Xandrea.
"Tss. Napakaingay." Humiga ako sa kama at saglit na nag-isip.
Kung ipagpapatuloy ko 'to ay hindi ko magagawang umuwi ng bansa. Kung sakali namang magpakita agad ako sa kanya ay parehas lang kaming madidistract. I know she's pretty serious on the field she wants to enter. Sa maikling panahon na pananatili ko rito ay nagawa kong maghagilap ng maraming impormasyon tungkol sa kanya. I didn't expect that I'll be willing to be her stalker. That was so weird of me. Mag-aalangan rin ako dahil baka hindi ko na siya magawang iwanan.
Nakapagpasya akong bumalik ng Pilipinas ng hindi nagpapakita sa kanya. Kailangan na ako ng kompanya. Kailangan ko rin munang tapusin ang susunod na sem. Then, after that, babalikan ko siya. I'll get her.
Naging abala ulit ako sa trabaho. Nagbago ang pamamalakad naming magkapatid sa DVI. Napagdesisyunan naming bumuli ng mga maliliit na kompanyang papabagsak na, we'll revive it at isasama sa hanay ng mga negosyong dapat palaguin para mas lumakas ang DVI.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita ulit kami ni Morris.
Tatlo sa ilang kompanya niya ay on verge of bankruptcy kaya naka-on sale ito sa DVI. Nagkataong wala ang kapatid ko at ako ang haharap sa mga abogado at partial owners.
I've read the info and all the data kaya alam kong siya ang may-ari ng mga kompanyang bibilhin namin. Hindi ko lang inaasahang dadaluhan niya pa ang meeting na 'yon dahil para lang itong formality para sa deal.
Gulat na gulat siya nang makita niya ako. I got surprised too. Nauna lang akong nakabawi.
"Nice to see you again, Mr. Herrera." Hindi ko napagilang maging sarcastic. Though, everyone seemed oblivious about it. Maliban kay Morris na hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla.
"Sir, he's the current Vice-president of DVI. Mr. Alexandrei De Vera has an important meeting with his executives, so his brother, Angelo De Vera, are the one who's going to sign further contracts." Pagpapaliwanag ng secretary ni Xandrei. Nagsitanguan ang mga lawyer at partial owners sa akin at nakipag-kamay. Morris became uneasy.
Binigyan ko siya ng blankong tingin.
"Let's get started. I still have an appointment after this. Can we make it faster?" Sabi ko. Sumang-ayon ang karamihan. They gave me the last three contracts.
Kitang-kita ko ang pagtutol sa mukha ni Morris. I was sure he wants to say something ngunit hindi niya nagawa dahil kaharap namin ang mga abogado at partial owners ng nalugi niyang negosyo. Napirmahan na ni Xandrei ang deed of sale kaya hindi na sila makakaatras.
Nang matapos ang formal meeting ay nagkasabay kami sa elevator. Hindi ko alam kung sinadya niyang sumabay. Wala akong pakialam. I know what happened that day gave him a big blow. Binenta niya ang kanyang pag-aari sa tinuturing niyang mortal na kaaway.
Hindi ko siya nakikita bilang gano'n ngunit ang nakakapagpainit ng dugo ko ay ang makita ang mukha niya na nagpapaalala sa akin ng mga panlilinlang at katarantaduhang ginawa niya noon.
And I'm a hundred percent sure that he didn't change a bit. If he did, he just got worse.
"Tell me. Anong ginawa mo para mapunta ka sa pwestong 'yan? Binilog mo ba ang may-ari ng DVI? Or did you marry one of Alexandrei's sisters? Vice-president, huh." Hindi ko na siya kailangang lingunin pa para makitang nanlilisik ang kanyang mga mata sa pagkakatingin sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Wala akong balak patulan ang mga kababawan niya. He just got bitter. Well, he's always better when it comes to me. Hindi niya siguro matanggap na sa puntong ito ay mas mataas ako sa kanya. Though, wala akong balak makipagkompetensya, hindi naman mamatay-matay ang inggit niya.
"You must be fucking their pussies-" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. Kinwelyuhan ko siya at pinanlisikan ng mata. He just grinned at me. "What? You'll hurt me? Then, go throw a punch, bastard!"
Dahan-dahan akong ngumisi habang pinapatay siya ng tingin. "No, I won't punch you. Though, it would give me so much pleasure if I break your bones right now. I have a better idea in mind." Tinulak ko siya ng malakas at napaupo siya sa sahig. "Go insult me all you want but the next time you'll say nasty things referring to my sisters, hindi lang tatlong kumpanya ang mawawala sayo."
Tinalikuran ko siya agad nang bumukas ang elevator. Fucking asshole. I was right. He never changed. I'm certain that he will never be.
Mabilis na lumipas ang isang buwan matapos kong makaharap si Morris, naganap ang anniversary party ng DVI.
That was where I first saw Ram. Or so I thought.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top