HTLAB2 - Chapter 24


-

Begin Again

-

I woke up with a heavy feeling. Gising na ang diwa ko pero nanatili akong nakapikit ng ilang minuto. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita medyo madilim pa. Wala pang liwanag sa kurtina. Napatingin ako sa orasan. 6:01.

Bumangon ako at sumandal muna sa headboard ng kama. Napatulala ng ilang sandali sa kisame.

Now, what? Pagtapos nito, ano na ang gagawin ko?

Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. I should give myself a break. My mind couldn't function properly because it was already full of certain and uncertain thoughts. Stressing myself to the hilt might take the little sanity left in me. I should relax for awhile and forget the what had just happened last night.

But how can I be stress free?

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang bumukas ang pintuan at pumasok si Cy. Tumaas ang kanyang kilay nang makitang gising na ako. Then, he smiled. A warm smile, full of affection and tenderness, which I missed so much.

"You're awake. Akala ko bukas ka na magigising." Sabi niya sa akin habang papalapit.

Kumunot ang noo ko. Hindi ba't umaga na ngayon? "I woke up early. Six palang." Tinuro ko ang orasan at pagtapos ay marahan siyang natawa.

"It's not six in the morning, angel." Nanlaki ang mata ko.

"G-gabi na?" Kaya pala wala man lang liwanag sa bintana dahil papagabi na! In my mind, I started counting how many hours I had slept.

Tumango siya. Marahan niyang hinila ang kamay ko at napatayo ako mula sa kama. He's grinning from ear to ear. I had seen an image of him as a boy who just got his favorite toy. I pout.

"Hindi mo ako ginising."

"Why would I?" Hinalikan niya ang aking noo. "You can rest all day , angel, and I won't mind having you in my bed day and night." Sabi niya ng pabiro. But I know, he's pretty serious about it.

Yumakap ako sa leeg niya. The comfort his arms can give sets my mind at peace. Humigpit rin ang kanyang brasong nakapulupot sa katawan ko.

Hindi niya ako pinaulanan ng tanong kagabi . Nang marating namin ang bahay niya ay sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. He was just there, cuddling me. Doing his best to comfort me in every sweet way he can. He didn't even stop me from crying.

"Cry all you want. I'll be your human hanky for tonight." That was what he said last night. I wasn't sure if he meant it as a joke to ease the heavy atmosphere or a serious offer to make me feel lighter. Yet , I found myself buying it. Kaya kagabi, wala akong magawa kundi ang umiyak sa dibdib niya. Nilabas ko lahat ng luha na dapat kong ilabas. He didn't utter a word. Hinahaplos niya lang ang likod ko sabay ng mariing halik sa aking noo.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon. Ang mapanatag ang loob ko kahit hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari.

Hanggang sa nakatulugan ko ang pag-iyak, alam kong nakabalot pa rin ako sa yakap niya.

"Wanna go somewhere?" Tanong niya. Sandali akong kumalas.

"Saan?"

He shrugged his shoulder. "Kahit saan."

Gusto kong um-oo pero nang maalala kong kagagaling lang namin sa aksidente ay nagdalawang-isip ako.

"I don't think it's a good idea. Magagabi na. And we just had an accident, Cy." May trauma na hatid ang pangyayaring 'yon sa akin. Hindi na ako masyadong kampante sa labas ng bahay. Wala akong balita kung nahuli na ba ang mga suspects kaya ayokong isugal ang kaligtasan naming pareho.

Ramdam kong sandaling natigilan si Cyfer at tumiim ang kanyang bagang. Pagtapos ay huminga siya ng malalim. "Yeah. We should stay here 'til tomorrow morning , then we'll go straight to Antipolo."

"Kina Heira? Anong gagawin natin do'n?"

"I was thinking na baka ma-bore ka lang rito kung mag-isa ka. At least, pag may kasama ka na, meron kang makakausap."

May naalala ako at agad kong tinanong si Cy tungkol do'n.

"Where's Ram?"

Ngumiti siya sa akin. "Nasa Cebu."

"Bakit? Anong meron sa Cebu?"

"Do'n nakatira ang parents niya. She wants to spend a vacation there. Kasama niya si Kris."

"Ohh." Gusto ko sanang itanong kung kailan pa pero bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Cy palabas ng kwarto.

"You must be hungry. You slept for more than twelve hours. Let's eat together. Nagpaluto ako."

We had an early dinner. Nag-usap kami tungkol sa kung anu-anong bagay pero hindi kasama ro'n ang pag-alis ko sa poder nila Mommy at Daddy. Hindi rin siya nagtanong at ipinagpapasalamat ko 'yon. Baka mag-breakdown na naman ako kung sakaling banggitin niya ang tungkol ro'n.

Hindi pa rin ako handang pag-usapan 'yon. As much as possible, gusto ko munang pagpahingahin ang aking utak.

We watched a movie after having dinner. Nanatili kami sa living room. Napansin kong may kalakihan 'tong bahay niya. Nakakalungkot ang tumira rito mag-isa.

"Nasaan na ang mga maids mo? Parang wala naman akong nakitang ibang tao rito."

Hindi niya ako sinagot. Buong atensyon niya ay nasa pinapanuod namin. Muli akong natahimik. Pero sa isip ko, ngayong wala si Ram at Kris sa bahay niya, naninibago rin kaya siya?

Alam kong sanay siya na mag-isang nakatira sa ganito kalaking bahay. I remember the old days. Nung teenagers palang kami ay malaki rin ang tinitirahan niya ngunit siya lang mag-isa ang nando'n. Mas malaki ang bahay niya ngayon pero naisip kong baka hindi na siya sanay na mag-isa dahil ngayon ay may pamilya na siya. The de Veras. . .Ram and Kris.

Ako naman ang wala. Ang nawalan. Mapait akong napangiti. Ganito pala ang pakiramdam ng walang matakbuhan. Yung pakiramdam na isa ka lang left over na tulad ng isang pagkaing hindi naubos. Isang bagahe na dagdag pasanin. Dagdag alalahanin.

Ngayon ko mas naintindihan ang naramdaman ni Cy noong mag-isa lang siya. When he didn't have a place or a person to turn to. Tinalikuran niya ang mundo. He rebel against the world and he decided to isolate himself from others. That was because he didn't want to be a burden to anyone just as same as what his family made him felt.

And Ram was also a classic example. When she got dumped by Morris while carrying Kris, her family turned her down ,thinking she was a big failure. A disappointment. A burden. She was desperate to escape her own nightmare that's why she married Cyfer. And Cyfer, as the man who suffered the same situation at a young age, wanted to play hero and save Ram from the world's judgement.

Dahil alam ni Cyfer kung paano ang mahusgahan at maapakan ng ibang tao na tila ka isang duming karapat-dapat ibasura. He doesn't want Ram to experience the same thing.

Hindi nalalayo ang nararanasan ko ngayon sa mga dinanas nila. Totoo pala talaga. You will only get an idea on someone's point of view when you had a chance to experience what that person had experience. I wonder if he wants to play hero for the second time. Pakiramdam niya ba ay obligado siyang bantayan at protektahan ako dahil sa kanya ako tumakbo? Dahil siya ang pinili ko?

Sandali akong natigilan. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Ram bago siya magpakasal kay Cyfer noon?

"What are you thinking?" bumalik ang isipan ko sa realidad nang marinig ang boses ni Cy. Napatingin ako sa kanya. Kung kanina ay naka-focus siya sa pinapanuod namin, ngayon naman ay titig na titig siya sa akin. "You're spacing out. Stop thinking. You're stressing yourself."

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi maiwasan." Sagot ko.

Tumahimik siya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kanyang mainit na palad sa binti ko. Itinaas niya 'yon at ipinatong sa binti niya. Pagtapos ay kinuha niya ang aking braso at pinatong naman sa kanyang baywang. Hindi ko napigilang matawa sa posisyon namin. Napatingin siyang muli sa akin.

"What's funny?" Simple niyang tanong. He looks amused ,though.

"You." Tinuro ko siya. "Do you want me tangled with your body?" Natatawa kong tanong.

Sumimangot siya. "Don't you miss me? Ilang linggo rin tayong hindi nagkita, ah?"

"Of course, I did."

"Well, you looked like you can actually endure more weeks without seeing me. That only means that I missed you more than you do." He's pretending to be mad. I know. He's pouting, parang nagtatampo. But his expressive eyes doesn't go with his act. It was glittering in amusement.

I giggled. "Cute."

He gave me a warning look. "What am I? A puppy?"

Mas lalo akong natawa. "How do you manage to look so adorable at this moment, Mr. Madrigal?"

"I'm a de Vera now."

"You will always be Cyfer Madrigal to me." Nakangiti kong sagot.

Hindi siya sumagot. Nakatitig siya sa akin ng matagal. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mga mata niya. Then, his smile slowly form a curved to his lips.

"I miss the sound of your laughter. It was a thousand times better than hearing you sobbing in misery."

Natahimik ako. Inayos niya ang buhok na bahagyang tumatakip sa pisngi ko at nilagay iyon sa aking tainga. Pagtapos ay hinaplos niya ang pisngi ko.

"Your problems, forget it for now, okay?" Mahina niyang sabi. Halos pabulong. Kahit hindi niya diretsahang sinabi ay agad ko namang nakuha. Tumango ako at sumiksik sa leeg niya. "Tomorrow, we'll talk about it."

Tomorrow. . .

Parang hindi pa rin ako handa kung bukas na pero dapat ko na rin ipagpasalamat na naging considerate si Cyfer. He gave me time. That's the only thing I'm asking for.

"And also," Tumikhim siya. "Tell your friends that you are with me , so they won't worry too much. You can call Rhea. . .and that guy."

Sandali akong napatigil. Nawala sa isip ko na i-contact ang mga kaibigan ko. Kung hindi pa sinuggest ni Cy ay baka hindi ko na talaga maalala.

"I'll call them tomorrow."

"Good." Nagkatitigan na naman kami. He was about to lean closer when his phone rang. "Damn it." Inabot niya ang kanyang phone sa round table at ni-reject ang tawag.

"Ba't hindi mo sagutin? Baka importante 'yan." Marahan kong sabi. Sasagot pa sana siya nang mag-ring ulit ang phone niya. Natawa ako nang mapamura siya ng mahina. Sinagot niya 'yon.

"Angelo de Vera , speaking. What is it?" Iritable niyang sagot. "Okay. Just send me the files through e-mail. No. I'm on leave. Ipagawa mo na lang sa mga executives. I have to go. I'll send the data for the meeting when I'm done. Don't call again. Disturb me or I'll fire you." Pagtapos ng tawag ay pinatay niya ang kanyang phone at hinagis sa kabilang sofa.

"Who. . .was that?" Maingat kong tanong.

"My secretary."

"Ohh, you're one harsh employer." I teased him.

"He's a pest. I had received too much calls from him today. I'm on leave. Tss."

"Hindi ka pumasok ngayon sa opisina?"

"Nope."

"Kaya ko namang mag-isa rito-"

"Kaya mo pero ako hindi. Isa pa, you're asleep. I was too engross watching you sleeping on my bed. Ngayon na lang ulit nakasama. Ngayon na lang din ako makakabawi."

"Ano bang pinagkakaabalahan mo this past few weeks."

Ngumiti lang siya. Hindi niya sinagot ang tanong ko. He yawned. Nag-inat siya. Kinuha niya ang remote at pinatay ang tv at component. Muntik na akong mapasigaw nang buhatin niya ako patungo sa kanyang kwarto.

"We'll sleep now. Kulang ako sa tulog, eh." Ngumiti siya sa akin.

Namula ang pisngi ko. "Hindi mo naman kasi ako kailangang bantayan matulog."

"Yeah. But I want to. That's how I get contented." His words made my heart feel warmth. It's enough to make my heart go crazy as it beats frantically inside my chest. This is what he does to me. So, addicting. . .

Nauna siyang nakatulog sa akin. He must be very tired. Siguro ay nagtrabaho pa siya habang natutulog ako. I saw some folders at the living room. Siguro ay 'yon ang kanyang inayos.

Pumangalumbaba ako at pinagmasdan siyang tulog na tulog. Dumampi ang kamay ko sa dibdib niyang nagtataas-baba sa kanyang paghinga paakyat sa kanyang leeg. He didn't shave for today? Tumutubo na ang stubbles niya. Umangat pa ang kamay sa labi niyang bahagyang nakaawang. Napangiti ako.

He became a man. He became more mature, inside and out. Mature na siya noon pa man pero ibang-iba na siya sa Cyfer na teenager na nakilala ko noon. Nabawasan ang insecurities niya. Alam na niya kung saan niya ilulugar ang kanyang sarili. He became a man who knows what he wants, a man who stands by what he believes and a man who knows what he is capable of. I'm happy for him. Not to mention, proud.

I gave him a quick kiss on the lips. Napangiti ako.

"Me too, Cy. I feel contented by watching you sleep." As long as you lay beside me. I won't be bothered.

Nagising ako kinabukasan na nakapulupot ang mga braso ni Cy sa akin. "Wake up, angel. Tanghali na. Magbabyahe pa tayo."

Inangat ko ang inaantok kong mga mata sa kanya. Ngumiti ako at binati siya. "Good morning!"

Nagbyahe kami papuntang Antipolo nang mag-a-alas dose na.

"You bring some clothes? Baka do'n na tayo magpalipas ng gabi."

Tumango ako at tinuro ang duffel bag sa likod. "Pinagsama ko yung ating dalawa."

Ngumiti siya sa akin. "So wifely."

Namula ang mukha ko at napaiwas ng tingin. Natawa naman siya. "Don't feel embarrass. I actually like it."

At mas lalo akong namula.

Nakasunod sa amin ang mga bodyguards ni Cy. Walang traffic. Nakarating kami ng Antipolo sa oras. Sumalubong sa amin si Heira na nakangiti. Nagpaparak palang kami ay kumakaway na siya. Bahagya akong natawa. Wala pa rin siyang pinagbago.

"She's too excited to see you again." Sabi ni Cy bago siya bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin ako. Kumaway ako pabalik kay Heira. Bitbit ni Cy ang nag-iisang bagahe namin. Niyakap ako ni Heira nang makalapit kami sa kanya.

"Na-miss kita, Anne! Welcome sa bahay namin. Pasok kayo!" Cy and I exchange amuse glances. Yeah. Heira is too excited. I can see that.

Pagkapasok namin sa sala ay may nakita agad akong dalawang batang naghahabulan. Kumunot ang noo ko. Akala ko ba'y isa lang ang anak ni Heira?

"Kids, do'n kayo sa playroom maglaro. May visitors tayo."

"Sino , Mommy?" Tanong ng batang lalaking carbon copy ni Xandrei de Vera. The boy got Heira's eyes but the rest of his features ay nakakasiguro akong kay Xandrei. Nilingon ko si Cy na lumapit sa batang lalaki.

"Hey, little dude. Long time no see." Ginulo ni Cy ang buhok ng bata.

"Tito Gelo!"

Agad kong napagtanto na close si Cy sa pamangkin niya. Napatingin ako sa batang babae na titig na titig naman sa akin.

"Hello." Nginitian ko ito. Nahihiya itong ngumiti pabalik.

"Xyrex, do'n na kayo ni Miyara sa playroom." Utos ni Heira sa kanyang anak.

"Come on, kids. I'll play with you." Singgit ni Cy.

"Really, tito?" Tuwang-tuwa yung batang lalaki. Nilingon ako ni Cy at kinindatan. Natawa naman ako. Sumama sa kanya ang dalawang bata. Naiwan kami ni Heira na nakatingin sa tatlo na pumasok sa isang kwarto.

"Who's the younger girl? Pamangkin rin ni Cy?"

"Nope. Kababata ng anak ko. Pag may lakad ang magulang ni Miyara, dito siya sa amin tumutuloy."

Sabay kaming tumungo ni Heira sa sala. Malaki rin 'tong bahay nila. I can see the pool outside. Umupo ako sa sofa. She sat beside me.

"Kamusta na?" Ngumiti ako at yumuko. Tinitigan niya ako ng mabuti. "Okay ka na ba?"

Lying would be useless. Pretending to be alright is foolish. I'd rather tell Heira the truth.

"Nalaman na ng parents ko ang tungkol sa amin." Panimula ko. "Nagalit sila."

Sa maikling salita ay nagawa kong iparating kay Heira ang kabuuan ng nangyari kagabi. Ayoko na pahabain pa ang kwento. Wala namang magbabago kahit pa i-detalye ko ang lahat.

"Umalis ka ba sa poder ng magulang mo?" Maingat na tanong ni Heira . Marahan akong tumango. Huminga naman siya ng malalim.

"Galit sila. Naguguluhan at nasasaktan ako. Hindi makakatulong kung palagi kaming magkikita sa bahay. And I need space. I need some time to think about so many things that I have to consider. So, I decided to leave."

Tumango-tango si Heira. Mabigat ang bawat buntong hininga niya. "I. . .uhm, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano kita matutulungan. I never experienced those at ayokong magmarunong." Huminga siya ng malalim, "B-but I wish you won't quit, Anne. Fight for it. You've gone this far ,so don't waste it. Sobrang dami niyo ng pinagdaanan. I'm sure, magiging masaya rin kayo ni Gelo."

Nginitian ko siya. "Quitting is never my forte, Heira."

Bahagya siyang natawa. "I know. That's why I'm telling you to be strong. Walang alam ang mundo pero marami silang nagsasabi. Pero yung mga taong nakakaalam ng totoo, they prefer to be quiet and laugh at the world's misjudgement. Sino bang tanga sa huli? Hindi naman ikaw. Kundi sila."

"Perhaps." Maikli kong sagot. Nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip. Minsan, iniisip ko kung hanggang kailan ako makakatagal? Paano kung mas lumala pa ang sitwasyon? Paano kung magsawa si Cy?

"Pero may mga tao rin na kahit may alam ay hindi pa rin agad nila lubusang matanggap ang katotohanan. Na kahit anong klaseng paliwanag pa ang gawin mo'y hindi pa rin nila maiintindihan. Pag sarado ang isip, mahirap magpaintindi at mag-explain ng paulit-ulit."

Again, she's right. Kaya nga I'm buying some time. Umaasa na pagkatapos ng lahat ng 'to ay maiintindihan rin nila. Ibubukas rin nila ang kanilang isipan at kusa nilang matatanggap ang katotohanan.

"Anyway," bumalik ang excitement sa boses ni Heira. "May naikwento na ba ni Cy sayo?"

"Huh?"

Nanlaki ang mata ni Heira. "Oh, no! Don't tell me wala ka pa ring alam?"

"A-ano ba 'yon? Tungkol saan?" Napa-facepalm si Heira.

"Ang lalaking 'yon talaga! Lagi na lang gustong i-delay ang magagandang balita. Hanggang ngayon, I have this urge of smashing his face on the wall." iritang-irita si Heira habang sinasabi niya 'yon. Ako naman ay medyo kinabahan na. Gusto ko na agad malaman kung ano 'yon.

Pagtapos ay tumawa siya. "I know you're dying to know it pero ayokong sirain ang plano niya. Isa pa, gusto ko rin. . .naming lahat, na siya ang magsabi sayo. Baka pag inunahan ko siya, ako ang ihampas niya sa pader." Humagalpak siya ng tawa.

Hindi ko magawang tumawa dahil naglalaro na sa isipan ko ang bagay na 'yon. Na-e-excite ako na natatakot at the same time.

Marahang tinapik ni Heira ang balikat ko. "True love worth every sting of pain." Kinindatan niya ako. "I've been there. Look at me now, sobrang saya. Kaya I'm pretty sure that you and Gelo will have your own turn. Una-unahan lang minsan. Pero pare-parehas lang 'yan."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "I believe you."

"Oh, I know you will! Parehas lang tayong hopeless romantic nung high school! And I can't believe na naunahan ka pa ni Rhea na magpakasal! Next time, i-invite natin yung isang 'yon. But for now, tayo munang dalawa. Tulungan mo akong magluto ng merienda para sa asawa mo at mga bata." W-what? Asawa ko?

"H-heira. . ." Namula ng todo ang pisngi ko sa gusto niyang iparating.

Tawang-tawa siya nang makita ang itsura ko. "Oh, goodness! Twenty-eight and still blushing. Lucky, Gelo." Naiiling niyang wika.

Heira will always be Heira. Nakakatuwa na wala ring nagbago sa pagitan namin kahit maraming taon na ang lumipas. Kahit nag-asawa na siya at may anak na.

Nang magdala ako ng merienda sa playroom ay napagtanto naming wala ro'n si Cyfer.

"Where's tito, Xyrex?" Tanong ni Heira sa anak niya.

"Umalis po siya kanina, eh."

Nagkatinginan kami ni Heira. Ngumuso siya na tila may tinatagong ngiti. "May rooftop ang bahay. Makikita mo agad yung spiral stair pag umakyat ka sa second floor. Do'n niya hilig pumunta kapag nandito siya."

Sinunod ko ang direksyon na tinuro ni Heira. Pagkarating ko sa second floor ay ay spiral stair na combination ng wood and glass.

Nang makaakyat ako ay sumalubong sa akin ang mabining ihip ng hangin. Nakita ko si Cy na nakahalukipkip at nakatingin sa kalangitan. Napangiti ako.

"Cy. . ." Pagtawag ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Nilahad niya ang kanyang kamay. I willingly come to him.

Gusto ko sanang itanong kung ano yung tinutukoy ni Heira. Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita na siya.

"Divorce na ang kasal namin ni Ram." Mahina lamang ang pagkakasabi niya no'n ngunit tila dinala ng hangin ang bawat salitang binitawan niya patungo sa aking tainga. I froze.

"Iyon yung inasikaso ko. Bago ka pa makalabas ng ospital, ayos na yung divorce papers namin. Hiniling niya sa akin na gusto niyang magpunta na Cebu para makita ang parents niya. But we have to wait for her doctor's signal na pwede na siyang magbyahe ulit. Kaya medyo natagalan kami. I stayed in Cebu for six days to make sure that she'll be alright sa poder ng parents niya. Nung tumawag ka nung nakaraang gabi, kararating ko lang ng Manila."

Nagbara ang lalamunan ko. Wala. . .akong masabi. Huminga siya ng malalim at kumalas sa akin.

May kinuha siya sa kanyang bulsa. Maliit na box na kulay puti. Binuksan niya 'yon sa harap ko at tumambad sa akin ang dalawang singsing.

Wedding band. A couple ring.

"I know I should do this with candlelights, petals of roses surrounds us, with fireworks and everything that would make this day memorable, but after all the hell we've been through, I can't wait anymore to kneel in front of you. . ."

Dahan dahan siyang lumuhod sa harap ko at nakatigagal lamang ako habang nakamasid sa kanya. I can't breathe. I can't even blink. I'm so afraid that it would turn into dream. Please, let it be real. Let it be real. . .

"Let's begin again, Anne. I'm going to make you mine for real. No one will ever dare to question us anymore. And if they do, I will protect you with my love. You won't need anyone. I won't need anyone else either. We only need to stay together and make this feeling eternal. So , please, let's marry. Marry me."

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112