HTLAB2 - Chapter 23
-
Don't regret
-
Naubos ko na ata lahat ng luha ko. After the confrontation scene, pinanawan ako ng lakas at tila ako matutumba. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating ng kwarto ng hindi nabubuwal ang mga binti. Ramdam ko ang pangangatog no'n kanina at panginginig ng aking mga kamay kasabay ng pagbaha ng luha sa kama ko.
Nakatulala ako habang yakap ang tuhod at nakasandal sa headboard ng kama. Hindi matigil ang paghikbi kahit tila nailabas ko na lahat ng luhang kaya kong ilabas.
This is it. They already knew it. I don't know what would be the next scene after this. There's a possibility that they would betray me or they would lock me up inside my room para hindi makatakas. Not that I'm planning to escape our house. Naisip ko lang na baka maisip rin nilang huwag akong bigyan ng tsansang makalabas ng bahay para hindi kami makapagkita ni Cy.
Ngayon palang ay nararamdaman ko na ang pagkasakal. Nasasakal ako sa sakit, hirap na dala ng sitwasyon at pangungulila kay Cy. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko ang mga magulang ko. That was never my intention. I just want myself to be happy. I just want them to be happy for my sake. I want their support.
Pero ba't ganito? Gusto ko lang sumaya. Wala namang masama ro'n, di ba? Pero bakit pagdating sa akin ay tila nawawalan ng saysay ang katwirang 'yon? Ba't napakaraming komplikasyong kasama ng kasiyahang gusto kong makuha?
Kinagat ko ang ibaba kong labi at mariing pumikit. Barado na ang ilong ko sa kaiiyak. Ganito ba talagang klaseng sakit ang dapat kong indahin para sumaya?
Hindi ba pwedeng makuha 'yon sa simpleng paraan? Kailangan ko talagang maramdaman at madaanan 'to?
I want to question God. Why? What now? What's his plans for me? I wanna know. But at the same time, I'm afraid that his will might be different to what I'm hoping to happen. There was no sign given. O siguro'y meron na siyang naibigay ngunit nabubulag ako ng sarili kong rason kaya hindi ko makita iyon.
Ramdam ko pa rin ang pamamanhid ng pisngi ko sa sampal ni Papa. Ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay at matindi ang sakit na dala no'n ra akin.
Hindi na ako nakapagsalita pagtapos no'n at nag-walk na si Papa. Sinundan siya ni Mama ng walang sabi-sabi at naiwan akong mag-isa sa sala habang umiiyak.
Paano kaya maaayos ang sitwasyon na 'to? Gulong gulo na ang isipan ko. Hindi ko na alam ang dapat kong unahin.
Nakayupyop ako sa aking tuhod nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Inangat ko ang aking ulo. Then, I saw my Mom. Mugto ang kanyang mata at halatang kagagaling lamang sa iyak. Namumula ang kanyang pisngi at ilong.
Madalang ko siyang makitang umiiyak. But I never saw her like this. Kitang-kita ang sakit, pagkalito at pagsisi sa kanyang mga mata. I know she's already disappointed. I disappoint her. Silang dalawa ni Dad. Marahil ay iniisip niya ang butas ng maaaring naging pagkukulang niya bilang magulang. Kung ano ang nagawa niyang mali para magawa ko 'yon at madungisan ang pangalang iningatan ng buong angkan ng mga Martin sa napakatagal na panahon. At heto ako, sinisira ang pangalang 'yon
Hindi ako gumalaw. Umiwas lang ako ng tingin. Sinubukan kong huminga ng malalim sa aking bibig dahil barado na ang aking ilong. Pagtapos ay pumikit. Naramdaman ko ang paglundo ng kanang bahagi ng kama sa pag-upo ro'n ni Mommy.
Hindi na ako nakaramdam ng takot. Hindi ko na nga alam kung ano dapat ang aking maramdaman. Nakakamanhid ang sakit at nawawalan na rin siguro ako ng pakialam.
"Anne. . ." Halos hindi ko na marinig ang pagtawag na 'yon ni Mommy. Pabulong iyon at tila hirap na hirap siyang sambitin ang pangalan ko.
Lumunok ako nang maramdamang nag-iinit na naman ang aking mga mata.
"Anne, I want to know the whole truth." Nabasag ang tinig ni Mommy at napahikbi pa ito sa huli ngunit pinigilan niyang magtuloy-tuloy. "Totoo ba? Is that guy married with someone else and they already have a son?"
Hindi ako makapagdesisyon kung iiling ba ako o tatango. May mali at tama sa kanyang tanong at hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magpaliwanag.
Tumikhim ako upang mawala ang tila isang bagay na nakabara sa aking lalamunan. "Yes. He's married." Pabulong kong tugon sa tanong ni Mommy.
Napatingin muli ako sa kanya. Nakalagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang bibig, pinipigilang mapahagulgol. Nakatingin siya sa akin na punung-puno ng luha ang mga mata at basang-basa ang magkabilang pisngi.
It hurts to see her this way, crying because of what I've done. I never meant to hurt her and Dad. I never wanted to be a mistress. I was never treated to be like one but in the eye of anyone who doesn't know anything, that was already a sin. At para sa kanila ay hindi sapat na mahal mo lang ang tao para bumaba ka sa lebel na 'yon. A sin is a sin. Whenever you go against the law of nature, you already gave the society a permit to judge you.
"I. . .We never raised you like that. I know you love him so much but we never raised you like that." Nanginginig na sabi ni Mommy. Pumikit akong muli.
Tatanggapin ko lahat ng sasabihin niya. Masakit man 'yan o maganda, thinking that I deserve it. I've hurt the people I love the most. I've hurt the people who gave me life. I deserve to be hurt in return.
"Hindi mo man lang ba kami naisip nung nagdesisyon ka? We want the best things for you but you settled for the worst. Do you know how much pain you gave us? It's like we'd lost you, Anne. We lost our only daughter." Humikbi si Mommy at napilitan akong harapin siya.
Nahahabag ako ngunit gusto kong magpaliwanag. Gusto kong kahit konting konsiderasyon ay maibigay niya. Gusto kong maipaintindi sa kanya ang buong istorya bago niya ako mahusgahan.
"I'm sorry, Mom. I love him-"
"Love can destroy you, anak. And base to what you've done, I can say that you're willing to be destroyed for him. But we don't want to lose you. Mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal ka ng Daddy mo." Pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang panyo. "That kind of love is never a good love. That was next to selfishness. Being selfish is never a good thing either."
Hindi ko magawang kontestahin si Mommy. She has a point. No. Overall, she's correct. Ngunit pag nagawa mo na ang isang maling bagay, you somehow stand by it despite how wrong it was.
"And if that guy loves you, he won't let you stoop that low. If he truly loves you, he won't let you be his mistress. You're just an option. A second best. I can't believe you settled on that. That was low, Anne. That's not love."
Umiling ako. "It is, Mom. We won't fight for a long time if it's not. I won't endure this kind of pain if it's not. And I won't stoop this low if I'm not inlove with him and if he isn't inlove with me. Can't you see. . ." Tumulo ang luha ko. "Hirap na hirap na ako but I'm bearing all this heartaches kasi mahal ko yung tao. I just want to be happy. No girl would ever dream to be a mistress, My."
"Then, it will lead you to nothing. If something will cause you no good, you should learn to let it go."
Unti-unting nalalagas ang mga salitang binitawan ni Mommy nung nasa ospital pa kami. Unti-unting nawawalan ng bisa ang sinabi niyang susuportahan niya ako. Tumatagilid na siya ngunit hindi ko siya masisi kung babawiin niya ang kanyang mga salita.
"It's impossible to let him go." Bulong ko at muling umiling. "Mom, I know something happened before and you didn't tell me about it. Kayo ni Dad. . ."
Kumunot ang kanyang noo na tila hindi niya alam ang tinutukoy ko.
"Alam kong alam niyo na nagka-boyfriend ako nung High School. Alaw kong nalaman niyo ang tungkol sa akin at kay Cy."
Nanigas si Mommy sa kanyang kinauupuan at natulala sa akin. Nagpatuloy ako at sinubukang huwag haluan ng panunumbat ang aking tinig.
"You ordered Cyfer to stay away from me." Kahit anong pilit ko na itago ang sakit at bitterness sa nakaraan ay hindi ko iyon mapigilan.
Nanlaki ang mga mata ni Mommy. "T-that was a long time ago, Anne. You were too young and your Dad doesn't approve of you having an intimate relationship with any guy-"
Umiwas ako ng tingin at bumuga ng hangin. "Yes. That was a long time ago. But things would've never been this complicated if you didn't go against our way."
Sandaling natigagal si Mommy pagtapos ay tila maiiyak na naman. "You're blaming us? We just want the best for you. . ."
"I'm not, Mom. I don't want the 'best things' you're referring to if Cyfer is not included."
Her eyes widen. She nearly gasped. "Y-you're choosing him over us?"
Tila nanikip ang dibdib ko. Do I have to choose? Do I have any other options? I love my parents and I owe my life to them. But I love Cyfer too much , which gave me a lot of reasons why I found life worth living.
"Don't make me choose, My. Please." Nabasag ang tinig ko. Huminga ako ng malalim. Nakakatakot pumili. Nakakatakot dahil baka ang tao o mga taong matatalikuran ko ngayon ay hindi ko na kailanman pwedeng balikan.
Tahimik na umiyak si Mommy sa gilid ko habang iniinda ko ang bawat hikbi niya. I want to comfort her but I think that would be useless. I was the one who caused her pain. Ayoko magpanggap na patay malisya sa nangyari.
I'm not yet done but I'm already tired of explaining myself. I had enough. I don't know where they got the news. Maybe, they hired someone to check Cyfer's background. Knowing my Dad, talagang maiisipan nitong paimbestigahan si Cy.
"He's married pero wala siyang anak. Hindi siya ang ama ng anak ni Ram." I paused. Sandali ring natigilan si Mommy. "Ram knows me. She knows what's going on between me and Cy."
"Oh, my God." Napapikit si Mommy as she hissed those words na parang ayaw niyang marinig ang sinasabi ko. Tumikhim ako.
"It's not what you think."
"Then, what is it? Don't tell me she wants you for her husband because I won't believe you. Who in the world would want a husband with a mistress?" Tila diring-diri siya sa salitang 'mistress.'
"Cyfer married Ram because Ram was pregnant with his half-brother's child. Hindi pinanagutan ng kapatid ni Cyfer ang bata and Ram was betrayed by her family. She had nowhere to turn to. Si Cy lang. A-at may taning na ang buhay niya. They had an agreement for the sake of Ram's son who was my patient dahil may inborn na sakit ang bata. Yung batang 'yon ang dahilan kung ba't kami nagkita ni Cy." Tumingin ako kay Mommy na nakatulala sa isang tabi. Hindi ko alam kung nakikinig pa ba siya sa akin ngunit nagpatuloy ako. Hoping she would understand.
"They are married but there was something missing from the very beginning. There was no love between them." Iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko na isinama ang mga sinabi ni Ram at ni Cy sa akin tungkol sa nangyari noon. I don't want to speak for their sides. Ang mahalaga masabi ko kay Mommy ang mga importanteng detalye.
"Pinangakuan ka ba niya na makikipaghiwalay siya sa asawa niya?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero tila may bahid ng galit ang boses ni Mommy.
"T-that's what their planning to do-"
"And you believed him? That was a stupid excuse. Tingin mo ba ay hihiwalayan niya ang kanyang asawa kung may sakit ang mag-ina niya? Those people need him more than you do! Kaya ba ng konsensya mo na may naapakan kang mga tao para lang sumaya ka at makuha mo ang lalaking mahal mo?" Umiling-iling siya at nakuha kong hindi ko siya makukumbinsi sa paliwanag ko.
"There's a bigger word than love, Anne. There's honour. There's dignity. If you let that love ruin our family's honour and dignity, then you're doing it wrong. That love will kill you in the end." Pinanuod ko ang pagpunas ni Mommy sa kanyang luha.
"Malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali. I've done my part , Anne. Kami ng Daddy mo. At hindi ko alam kung saan kami nagkamali." Muling nabasag ang kanyang tinig ngunit bago pa siya maiyak ulit ay huminga siya ng malalim. "Ikaw na ang magdedesisyon sa sarili mo. We won't cage you. Hindi ka na bata. I just. . .I just wish you'll choose to do the right things over the things you wanted."
Iyon lamang at umalis na siya ng kwarto ko. Naiwan akong walang nagawa at lito. Am I back to zero. Iniisip ko kung paano ako ngayon. Paano ko sila mahaharap sa mga susunod na araw. Dapat ba na manatili ako rito sa bahay?
Inayos ko ang aking sarili. I only have a few hours to decide. Ayokong paabutin 'to ng umaga.
Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang ang number ni Cyfer. Tatlong ring bago niya nasagot.
"Angel?"
Tumikhim ako. Sinisikap na huwag maiyak. Gusto kong magkwento sa kanya pero hindi ko ata makakaya.
"C-can you pick me up? Dito sa bahay?" Mahina kong tanong. Narinig ko ang yabag niya sa kabilang linya.
"Why? Did something happen? Tell me." I could almost hear desperation in his voice.
"I'll tell you later. Can you pick me up?" Huminga ako ng malalim para magtunog normal ang boses ko at hindi niya mahalata ang nararamdaman ko ngayon.
"Anne, I'm starting to worry. Tell me what happened. You're slowly killing me."
"It's about my parents." Tumikhim ako. Napahawak ako sa aking labi at mariing pumikit. "Alam na nilang kasal ka sa iba, Cy. Nagalit sila sa akin." Hindi ko napigilang mapahikbi.
Wala akong narinig na sagot sa kabilang linya kundi ang kanyang paghinga.
"Cy, aalis ako rito sa bahay." Halos dumugo na ang aking ibabang labi sa pagkakakagat ko ro'n. "I need you."
Narinig kong may kumalansing na susi sa linya at ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. "I'll be there within an hour. I'll call you again. Huwag ka na umiyak."
Tumango ako. "I'll wait."
Binaba ko ang linya. Tumayo agad ako sa kama. Wala akong dapat sayangin na oras. Ilang minuto lang at nasa labas na si Cy.
Kinuha ko ang aking maletang walang laman sa ilalim ng kama. Binuksan ko ang closet ko at basta na lang kumuha ro'n ng mga damit. Hindi ko na inayos ang pagkakalagay no'n sa maleta sa pagmamadali. Nang mapuno ko ng damit iyon ay basta ko na lamang isinara. Nagpunta ako sa banyo at mabilis na naligo at nag-ayos ng sarili.
Bumaba ako na dala ang maleta. Nakasalubong ko ang ilan sa mga katulong namin. Wala silang imik nung una ngunit may isang nangahas na magtanong.
"M-miss Anne, saan kayo pupunta?" Tila siya maiiyak. Hindi ko siya sinagot. Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagbaba.
"Nasa kwarto ba si Dad?"
Umiling ang katulong. "Nasa study room po."
Nilapag ko muna ang maleta ko bago tinungo ang study room. Huminga ako ng malalim bago marahang kumatok at dahan-dahang binuksan 'yon.
Nakita ko agad si Dad na nakatingin sa mga picture frames na nakasabit sa dingding. Likod lamang niya ang nakikita ko. Lumibot ang tingin ko sa buong kwarto. Sa long table ay ang isang bote ng brandy at maliit na kopita. Sigurado akong aware siya sa presensya ko ngunit hindi niya ako nilingon.
"Dad. . ." Mahina kong tawag sa kanya. Tila siya nagulat at napaharap sa akin. The first thing I recognize in his face was pain. He was hurting. I was hurting the man I admired since birth. Sandali akong pumikit dahil hindi ko siya kayang makitang ganito.
He was a hard man. Arrogant and very domineering. He dominates all the time. But despite his arrogance, I know he loves me so much. Ang makita siyang nasasasaktan at tila walang magawa ay nakakapanghina.
I wish pain is tangible so I could literally throw it away, I could easily take the pain away on my parents' faces. But pain is an abstract. It wasn't tangible so I was left with no choice and unguarded. Pag nakasakit ka ng ibang tao , ang magagawa mo na lang ay humingi ng tawad. At pag hindi nila tinanggap, hindi mo sila magagawang sisihin dahil una sa lahat ay ikaw ang nagkasala. Sinadya mo man o hindi, nasaktan mo na sila at hindi mo na 'yon mabubura pa.
"Aalis po ako." Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mata. Mula sa sakit ay nakita kong nabahiran 'yon ng galit.
"You'll run away with him? I won't allow you!" Tila nagsilbing malakas na kulog ang sigaw niya sa buong silid. Halos mapapikit ako sa gulat at nakaramdam ng konting takot.
"Dad, I'm twenty-eight. Hindi na ako teenager na kailangan niyong bantayan at diktahan. I can decide for myself-"
"Decide for yourself?" Patuya siyang tumawa. "Iyan pala ang kaya mong idikta sa sarili mo. Ang maging kabit ng isang walang kwenta at bastardong lalaki! Iyan ba ang gusto mong patunayan sa akin, ha? Iyan ba?!"
"Dad!" Halos mapasigaw na ako. Naghihimagsik ang damdamin ko. Gusto ko siyang makinig ngunit tila imposible 'yon. Oo, naririnig niya ako ngunit sarado ang kanyang utak at hindi ko 'yon mabubuksan ngayon. Hindi niya ako maiintindihan.
"You'll choose him than our family? You'll choose him over me and your Mom? Go! If that will make you happy, then go!" Tumalim ang kanyang mata. "Pero kalimutan mo na lang na may magulang ka. You're being ungrateful to us, Annielle! Once you step out of my house, you're no longer a Martin!"
Tila sinasaksak ng paulit-ulit ang dibdib ko. Napayuko at napaatras. Pakiramdam ko ay tinalikuran na nila ako hindi pa man ako nakakapagdesisyon para sa aking sarili. Nauna na siyang magbitaw ng hatol bago sa akin. Ang magagawa ko na lang ay panindigan 'to. Galit na sila at paniguradong titindi ang galit nila kung araw-araw nila akong makikita.
"Okay. . ." Tumango-tango ako. Pinilit kong ngumiti at mag-angat ng tingin kay Dad. "Okay, Dad. . ." Umatras ako ng ilang hakbang. "Goodbye." I don't know if it's just for now or for a lifetime but this is the way I'm going to take today. Let tomorrow take care of itself. Darkness leads my way but I'm still hoping that at the end of this madness, there will be a glimpse of light, a glimpse of hope and forgiveness.
"I love you, Dad." Iyon ang huli kong sambit bago ako lumabas ng study room. Pinunasan ko ang aking mata at nagbuntong hininga. Hindi ko na pupuntahan si Mommy para magpaalam. I'm pretty sure she already saw this coming. Hinayaan niya na akong magdesisyon.
Binalikan ko ang maleta ko. Kinuha ko ang aking shoulder bag at hinagilap ang aking cellphone ro'n.
May dalawang missed call at isang text galing kay Cy.
Cy : Nasa labas na ako.
Hindi na ako nagreply. Dali-dali na akong lumabas ng bahay dala ang maleta ko. Nakita ko siyang kinakausap ng dalawang guard namin, Hindi lang isang kotse ang nakaparada sa labas kundi tatlo. Must be his bodyguards. That's not an exaggeration for security. I'm pretty sure he hates being guarded but it's just a little sacrifice he needs to consider for his safety.
Nang maaninag niya ako ay tumingin rin sa akin ang dalawang guard. "Susunduin niya ako." Sabi ko sa mga ito. Nagkatinginan pa pero sa huli ay tinantanan din nila si Cy.
Lumabas ako ng gate. Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang harapang makita si Cy. God knows how much I missed this man. Gusto ko siyang sugurin at yakapin ngunit tila ako napako sa aking kinatatayuan. Siya ang lumapit sa akin. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin.
Hinawakan niya ang isang kamay ko. Napadako ang tingin niya sa dala kong maleta. Walang siyang tinanong o sinabi. Basta niya na lang kinuha ang maleta sa akin at inakay ako papuntang sasakyan. "Let's go."
Nagawa niya pa akong ngitian samantalang napakabigat ng pakiramdam ko. Naiinis na ako sa aking sarili. Wala na bang katapusan ang pag-iyak ko?
Nung nakapasok na kaming pareho sa sasakyan niya ay napatingin kami sa isa't-isa. Tuluyang tumulo ang luha ko at agad niyang pinunasan 'yon.
"I'm here, Anne." Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ang likod no'n. "You don't have to take the pain alone. Share it with me because I'm your other half. From now on, we are one. I promise."
Wala pa akong sinasabi ngunit tila alam niya na ang mga nangyari. Naiyak ako lalo at hindi nakaapuhap ng sasabihin. Binalot niya ako sa mahigpit niyang yakap habang hinahalikan ang aking noo. "And I miss you so much, angel. Cry all you want but please, don't regret that you're choosing me."
Regret? After all the pain? No, Cy. Never.
I know this may not be the best decision and my desperation could make the situation worst but I'm hoping that someday they would learn to understand and forgive. This is what I'm fighting for and I'll stand by it no matter what.
I'm sorry, Mom. . .Dad. . .
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top