HTLAB2 - Chapter 21
-
Misery
-
There are strange happenings we could not delay. Kahit pa nga ba gusto nating ihinto ang oras at ihanda ang ating sarili sa dapat na mangyari. Pero paano nga ba natin malalaman pag handa na tayong harapin ang isang bagay na ating kinatatakutan o iniiwasan? Ano ang basehan?
I wasn't prepared. I knew that this day would come but not this early. I didn't expect that we would end up crowded in a hospital room, me lying in a hospital bed, Cy at the door wanting to come inside and my parents was like a wide barrier between the two of us.
Sumasakit at naninikip ang dibdib ko habang nakamasid sa kanila. Gusto kong tumayo pero walang lakas ang katawan ko. Gusto kong kausapin si Dad. Na sana ay bigyan niya ako ng konsiderasyon kahit ngayon lang. Na sana ay hayaan niya ako. Kahit magpanggap na lang siyang walang nakita ay ayos na sa akin.
But the fire in his eyes became more intense. Na parang anumang oras ay sasabog siyang tila bulkan. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghina sa aking nakikita. Pinagmasdan ko si Mommy na lumapit kay Dad at hinimas ang kanyang braso. Halatang natetensyon at kinakabahan na rin si Mommy. Hindi pa rina nagbabago ang expression ni Dad. Ang klase ng titig na pinupukol niya kay Cyfer ay pinagsama-samang galit, kawalang-tiwala, sama ng loob at pagkasuklam.
I want to stop him sa kung ano man ang binabalak niyang gawin. Gusto kong sabihin kay Dad na huwag na siyang magalit. Pero tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
Nang mapatingin ako kay Cyfer ay nakatingin lamang siya sa akin. May lungkot sa kanyang mga mata at kahit hindi niya sabihin ay nasasaktan siya. Nasasaktan siya na ganito ang nangyari. Nasasaktan siya na ganito lang ang kina-hinatnan ng lahat. Parehas kami.
Humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para gawin 'yon. Nakasuot pa rin siya ng hospital cloth. May parte ng kanyang mukha na nangingitim pa rin ngunit pawala na rin 'yon. Medyo nangingitim na ang ibaba ng kanyang mata sanhi ng marahil ng pagpupuyat. Ang tanging nagpapabago sa kanyang maaliwalas na mukha ay ang emosyong nasasalit-salit ro'n. But he remained standing at where he is, proud and arrogant.
"Cy. . ." Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Habang palapit na siya ng papalapit sa akin ay bigla siyang hinarang ni Dad.
"Get out." Malumay ngunit maliwanag na pagkakasabi ni Dad. Mas tumindi ang kaba ko kaya naman wala sa loob akong napasalita. Nagbabara ang aking lalamunan.
"Dad, no. No, please." Pakiusap ko sa kanya. Sana mabigyan niya kami ng tsansang makapagpaliwanag. Na sanay lawakan niya ang kanyang pag-iisip at makinig siya sa akin.
"Daniel." Marahang usal ni Mommy.
"You have the guts to face me after all this bullshits!" Napapikit ako nang tumaas na ang boses ni Dad. Hindi naman natinag si Cy. Mula sa pagkakatingin sa akin ay lumipat ang tingin niya kay Daddy. Hinahanap ko ang kaba o takot sa kanyang mukha pero wala akong nakita. Blanko na ang kanyang ekspresyon. Hindi ko na siya mabasa. Nakatayo siya sa pintuan at hindi natinag sa galit ng aking ama. Ako ang natatakot para sa kanya. Ayokong mag-away sila ni Dad at hangga't maaari ay ayoko ng sakitan. Hindi ko ata kakayaning makita si Dad na sinasaktan si Cy. At kahit pa nga ba alam kong hindi lalaban si Cy sa Daddy ko ay ayoko pa ring mauwi sa gano'n ang eksenang 'to.
"I want to see her." Determinadong sagot ni Cy. Nakikipagpaligsahan sa pamatay na titig ng aking ama. Sinabi niya iyon sa tonong hindi nangangailangan ng kumpirmasyon o humihingi ng permiso.
"Nakita mo na siya. Maari ka ng umalis." Malamig na sagot ni Dad sa kanya. Halatang ayaw man lang palapitin si Cy sa akin,
"Dad, please. . ." Pakiusap kong muli.
"I want to be with her, Sir."
Nagtagis ang bagang ni Dad. Si Mommy ay halos yakapin na siya sa takot na baka bigla na lamang nitong sunggaban ang kaharap.
"Ang kapal rin naman talaga ng mukha mo. Pagtapos ng nangyari sa anak ko, may lakas ng loob ka pang harapin ako ngayon. Muntik na siyang mamatay ng dahil sayo! Pinahamak mo siya!"
Napapikit ako sa akusasyon ni Dad. Parang gusto kong umiyak na lamang pero walang luha na lumalabas sa aking mata.
Ang marinig 'yon mula kay Dad ay sobrang sakit. Masakit iyon para sa akin dahil alam ko, higit kanino man, na hindi ginusto iyon ni Cy. Alam kong kailanman ay hindi pinangarap ni Cy na ipahamak ako. It was pure accident. We were on the wrong place at the wrong time. Kung alam lang namin na gano'n ang kahihinatnan ng gabing 'yon ay sigurado akong hindi magiging kampante si Cy sa siguridad naming dalawa.
Ngunit may mga pagkakataon talagang hindi mo mapipigilan. At may mga taong hindi nagpapapigil sa pagpanig sa kasamaan at paggawa ng krimen. Sila ang dapat na sisihin at hindi si Cy.
"I will take all the blame. Just let me be with her. Kahit ngayon lang." Matigas na sabi ni Cy at hindi talaga nagpapatalo. Hindi nagpapasindak sa aking mga magulang. That's my Cyfer. . .
"There's no one deserves to be blamed but you, stinking bastard. I'll make sure you'll rot in jail." Tumaas-baba ang dibdib ni Dad sa galit.
"Tama na, Dan. Hayaan muna natin ang mga bata-
"I can't trust this man, Anna! And they're no longer children! He put our daughter in danger! Wala siyang magandang maidudulot sa anak natin kundi kapahamakan!" Sumisigaw na si Dad. Hindi na kayang kontestahin ni Mommy si Dad pag sobrang galit na 'to.
"It was never my intention. The least thing I would ever do to your daughter is to put her on danger. I would never wish to harm her. Pero kung sa tingin niyo ay kasalanan ko 'to, I won't decline to meet your lawyers. Just. . ." Tumingin muli sa akin si Cy. "Just give me a moment with her. I'm dying to talk to your daughter. Please, let me."
"Please, Dad. Just this once."
Namumula na ang mukha ni Dad sa pagpipigil ng galit. Ilang segundong natigagal si Dad bago nagmartsa palabas ng kwarto. Sumunod sa kanya si Mommy na tinanguan na lamang ako.
Nakahinga ako ng maluwag nang kami na lang ni Cy ang naiwan sa kwarto. Do'n ko lamang pinakawalan ang pinipigil kong paghinga. Pilit akong ngumiti kay Cy at nilahad ang aking kamay na hindi naka-cast. Agad siyang lumapit sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan 'yon. Hindi pa siya nakuntento at hinalikan niya ang nakabenda kong noo, pababa sa aking ilong at patungo sa tuyot kong labi. Kusa akong napapikit. I missed him.
His kiss is like a feather. Light and smooth. He didn't put any pressure on it. Just simply touching his lips to mine. Ramdam ko ang kanyang pag-iingat.
Napadilat lang ako ng maramdamang may tumulo sa aking pisngi. Then, I saw his face, his eyes were closed but his tears silently showing. He's crying.
"God, I was so scared. So damn scared, angel. I thought I would never have you again. I thought I would lost you forever. You sleep for too long." Humahaplos ang kanyang ilong sa pisngi ko. Ngumiti ako. Tinaas ko ang aking kamay at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.
"I will never leave you, Cy. Not until God take my life. And you know, I will always fight for you. Even in death." Bulong ko. "Sorry if I gave you a scare."
Umupo siya sa stool at hinawakan ang kamay ko. Nilagay niya iyon sa kanyang noo at sandaling pumikit. Kinakalma ang sarili.
"I'm sorry. You're Dad was right. It was all my fault. I've been so careless. Hindi dapat ako-"
"Stop it. I don't want to hear you taking all the blame. Cy, hindi mo 'yon kasalanan at kahit kailan ay hindi kita sisihin sa nangyari. Lahat ng 'yon ay aksidente. Stop blaming yourself. Alam ko na hindi mo ginusto ang nangyari sa atin. We should be thankful dahil buhay tayo. Okay pa rin tayo. Let's thank God for that." Sandali siyang hindi umimik. Hinahaplos ko ang kanyang palad. "Care to tell me what I had missed for eleven days?"
Tumikhim siya bago nagsalita. "Xandrei told me that we were both critical nang isugod tayo sa ospital. I was shot two times. One on my shoulder and one on my upper back. While you, were shot on the arm."
Arm? Doon lang ako tinamaan pero nakatulog ako ng labing isang araw? Gano'n na 'yon kalala?
Nagbuntong hininga si Cy. "I know what you're thinking. It wasn't fatal. Yung impact ng pagkabangga ng kotse ko ang dahilan kung bakit ka nawalan ng malay. The doctors said nabagok ang left side ng ulo mo. They even declared you were on the state of comatose."
Napalunok ako. Sandali akong pumikit at umusal ng pasasalamat. Oh, thank you, God, for giving me a second life. Kami po ni Cy.
"What about you? Kailan ka nagising?"
"I was on the ICU for three days. Nagising ako apat na araw pagtapos ng aksidente. Masyadong maraming dugo ang nawala sa akin." Huminga siya ng malalim. "Medyo masakit pa yung mga sugat."
Napasinghap ako. "You should rest! Kailangan mong bumawi ng lakas." Namamaos kong sabi sa kanya.
Umiling siya at malungkot na ngumiti sa akin. "You're my strength. I can endure any kind of pain just to have you by my side. Hindi mo alam kung gaano ako natakot nang malaman kong hindi ka pa nagigising. Those damn doctors wants to chain my on that fucking hospital bed. Muntik na akong mabaliw kakaisip kung bakit hindi ka pa nagigising."
"But you were last night, rigit?" O guni-gumi ko lamang 'yon?
"I sneak-out."
Ngumiti ako. "Thank you. I'm glad you woke up first."
Tumalim ang kanyang mata na parang hindi sang-ayon sa akin sinabi. "I'm not glad about it. Hindi mo alam kung anong klaseng kaba yung naramadaman ko ng ibalita sa akin na pitong araw na kritikal ang lagay mo. Don't do that to me again."
Hinaplos ko ang kanyang mukha. "I won't ever leave you."
"I love you." Bulong lang iyon pero punung-puno ng sincerity. Ngumiti ako.
"I love you more. Pasensya ka na nga pala kay Dad." Napalunok ako. Muling nakaramdam ng kaba. "Sorry, Cy. I know we're buying our time pero hindi natin kontrolado ang mga nangyayari. Alam kong makakaharap natin ang mga magulang ko pero hindi ko inaasahang mapapaaga."
"You're Dad was so mad. Hindi ko siya masisi. Nag-iisang anak ka lang at hindi nila kakayanin pag nawala ka pa."
Umiling ako. "But still, ayoko yung mga salitang binitawan niya tungkol sayo. Ayokong naiinsulto ka at sa harap ko pa mismo. Pagtapos ng lahat ng 'to, hindi mo deserve ang masisi."
Huminga siya ng malalim at saka yumuko na tila may inisip muna bago magsalita. "Your Mom was just silent. She rarely talks. Hinayaan niya akong mapuntahan ka pag madaling-araw na. Wala siyang sinasabi. At kung galit rin siya sa akin, wala akong magagawa. Ipinagpasalamat ko na hindi na rin siya nagsalita ka na."
"Because Dad was mad. Hindi niya kayang kontestahin si Dad pag galit na galit na ito."
"Nag-aalala sila ng sobra, Anne. Hindi ko sila masisi. I was with you nang mangyari ang aksidente. Ako lang ang mapagbubuntunan nila ng sisi sa nangyari sayo. Wala silang ideya sa kung sino ang maaaring suspect. Pinaigting na nila ang seguridad sa paligid mo. May bodyguard sa likod ng pinto. Nagbabantay rito sa kwdarto mo."
"Ohh."
"Yes. Nung nakaraan, mga tao namin ang nagbabantay sayo pero kalaunan ay pinatanggal np Dad mo ang mga bodyguards namin at nag-hire siya ng panibagong bodyguards."
Sandali akong natigilan. "N-nakaharap mo na ba si Dad at Mommy nung hindi pa ako nagigising."
"Maraming beses akong lumapit sa kanila pero hindi nila ako kinikibo. Pero hindi mangmang ang mga magulang mo, Anne. I'm pretty sure they've already concluded. Naghihintay lamang sila ng tamang panahon para makausap tayong dalawa." Muli niyang hinalikan ang aking kamay. "At hindi ako natatakot dumating ang araw na 'yon, angel. I promise you, kahit ano pa kalaki ang pagtutol ng mga magulang mo sa akin, hindi ako susuko na makuha ang kanilang loob."
Tumango ako at mahinang pinisil ang kanyang kamay. Gusto ko rin na ipaglaban niya ako. Ayokong magkalayo muli kami o kaya naman ay bitawan niya ako ulit. Mas gugustuhin kong harapin ang galit ng aking magulang kaysa mawala siya sa akin.
After all that we've been through, hindi ko ata matatanggap kung sakaling mawalay na naman kami sa isa't-isa.
"May lead na ba? Sino ang suspect?" Tanong ko na ikinatiim ng bagang ni Cy.
"Maliban sa pag-iimbestiga ng mga pulis, nag-hire kami ng sariling PI at tracker para malaman kung may kung sino ang mga lalaking sakay ng tatlong motorsiklo at kung kinalaman si Morris sa nangyari." He hissed something under his breath. "Wala pa kaming lead at walang bakas na may kinalaman siya sa nangyaring aksidente pero oras na mapatunayan kong siya ang may pakana no'n, kakalimutan kong magkapatid kami. That fucker."
"Cy. . ."
Nagtatagis ang bagang ni Cy. Nakapikit siya habang nakapatong pa rin ang kanyang noo sa aking kamay. "Alam kong sasabihin mong huwag muna tayong mamintang ng kung sino pero siya lang ang alam kong makakagawa nito. Siya lang ang may walang katapusang galit sa akin. Siya lang ang desperadong saktan ako at saktan ang lahat ng mahalagang tao sa buhay ko. Hindi ko siya mapaptawad, Anne. At kung sakaling may nangyaring masama sayo, ako mismo ang hahanap sa kanya at papatayin ko siya."
Umiling-iling ako. "You are no killer. You aren't like him and don't ever try to plant hatred inside you. Huwag mo siyang gayahin. At hindi pa tayo nakakasiguro. Haharapin natin 'to ng tama. Huwag mong ilalagay ang bata sa iyong kamay. Walang mabuting idudulot 'yon sa sitwasyon."
"Nasasabi mo 'yan dahil hindi ikaw yung nakaramdam ng matinding takot-"
"I wasn't just scare, Cy. I'm terrified. Kung ako yung naunang nagising at nakita kitang nakaratay at wala pa ring malay , I'll go crazy. But lets thank God that we're not. We didn't end up like that. We aren't seperated by death at iyon ang mas dapat nating ipagpasalamat. Huwag mo munang isipin si Morris o kahit sinong tao na maaaring may kagagawan nito."
Hindi na nagsalita si Cy. Nakapikit lamang siya at mahigpit na hawak ang kamay ko. Pumikit rin ako at tahimik na nagdasal.
Napakarami kong kasalanan bilang tao at Siya lang ang may karapatang kumuha ng buhay ko. Kung nararapat man ako sa ikalawang buhay na ibinahagi niya sa akin ay lubos akong nagpapasalamat.
And this man beside me, parang ako rin siya. Kung ito man ay isang parusa dahil sa pagmamahalan naming dalawa ni Cy, tinatanggap ko ito ng lubos at walang pag-aalinlangan.
Ang akin lang, sana'y huwag na siyang mawala sa akin. Dahil baka hindi ko na talaga kayanin.
"Baka hindi muna tayo magkita." Bulong niya na nakapagpadilat sa akin,
"What do you mean?"
"Lets be realistic and open-minded. We both know that your parents doesn't want me to be with you. Pagtapos ng nangyari, alam kong hindi ko makukuha ang loob nila. Lets not push it for now. May ibang araw pa para makipag-usap tayo ng masinsinan sa mga magulang mo." Inabot niya ang aking pisngi at hinaplos 'yon. "Hindi muna kita pupuntahan rito para hindi lumala ang galit nila. Palamigin muna natin ang sitwasyon. Magpagaling ka muna. Pupuntahan ulit kita pag may magandang tyempo na. Hindi muna ngayon, hindi muna bukas. Okay?"
Napalunok ako. "Hindi talaga kita makikita ng matagal?"
Tumawa siya. Ang kauna-unahan niyang tawa simula ng magising ako. "Tingin mo ba makakatiis ako ng matagal? No. Alam kong hindi ako aabot ng sobrang tagal. Expect me at your door one of these days."
Ngumiti ako. Mahirap man sa akin ang gusto niyang mangyari, sa tingin ko ay iyon ang pinakamainam na dapat gawin. He's right. Hindi na dapat kami magdagdag ng panibagong rason para magalit pang lalo sina Dad. Kailangan naming hintayin ang paghupa ng apoy.
"Magpagaling ka rin, okay? You badly need a rest. You looked like a zombie."
"That's your fault, angel. Ang tagal mong gumising."
Nagawa pa niyang magbiro tungkol sa isang bagay na walang kinalaman sa sitwasyon namin. Para na rin ma-divert sa ibang bagay ang aming pag-iisip. At para na rin mabawasan ang tensyon at kabang nadama namin kanina. Sapat na ang kanyang ngiti para magkaro'n ng lakas. Magpapagaling ako at pag medyo okay na, haharapin muli namin ang mga magulang ko. Ang kailangan ko lang ngayon ay assurance mula sa kanya.
"Don't make me wait for too long, Cy. Promise me."
Tumango siya at ngumiti. "I promise, my angel."
Natapos ang usapan namin ro'n. Kahit gusto ko siyang pagmasdan ng matagal ay sinabihan ko na siya na magpahinga at bumawi ng tulog. Tatlong minuto pagkalabas niya ng aking kwarto ay pumasok si Mom.
Wala munang nagsalita sa amin. Nakaupo siya sa pwesto ni Cy kanina. Nakapikit ako ngunit pinapakiramdaman ko siya. Pagtapos ay naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa aking buhok.
"Anne. . ."
Dumilat ako at bumaling sa kanya. Nakangiti siya ngunit naluluha ang kanyang mga mata. "I'm sorry. . ."
Hindi ko alam kung para saan 'yon ngunit nagawa kong ngumiti sa kanya. May hinanakit rin ako sa kanya ngunit ang makita siyang umiiyak sa aking harapan ay nagpapakirot sa dibdib ko. Kahit pa gaano kalala ang pagtatampo ko sa kanya, ayoko siyang makitang ganyan. One of the worst things in the world is seeing my mother cry. And the worst thing I could do as a child who came out from her womb is be the reason of her misery.
"Sorry rin po. Sorry kung hindi ko nasunod yung gusto niyo para sa akin. I know you only want the best things for me. But Mom, he may not be as perfect as any perfect guy you prefer for me. . ." Ngumiti ako ng pilit kahit na naguumpisa ng lumabas ang mga luha ko. "Pero siya pa yung minahal ko. Ng sobra. Ng higit pa sa sarili ko. Siya lang."
Pumikit siya at tumango-tango. Tinakpan ang kanyang bibig at yumuko. Umayos ako ng higa at tumingin sa kisame. Ramdam ko ang pagdaloy ng luha sa gilid ng aking mata. Hindi ako halos makahinga.
Nang sabihin ko 'yon kay Mommy ay nabawasan ang tone-toneladang alalahanin sa aking isapan. Okay na ako sa ganito. For now. . .
Nagulat ako nang magsalita muli si Mommy.
"I feel like I've been a worst mother. Dahil hindi kita sinuportahan, dahil pinilit ko yung gusto ko ngunit ayaw mo naman, dahil hindi ko naisip na nasasaktan na pala kita sa pagpipilit ko ng mga bagay na inakala kong makakabuti para sayo. Kaya humantong pa sa ganito. Muntik ka ng mawala sa amin. At sinisisi ko ang sarili" Pinunasan niya ang kanyang luha.
"But now, I want you to know that I'm going to let you have the kind of happiness you want. I'll support you. I'll help you sa kahit anong paraang makakaya ko bilang Mommy mo. Anything for my only daughter."
Then, I cried. Not in misery, but in happiness.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top