HTLAB2 - Chapter 2


-

Eyes

-


"Why don't you date, hija? Naunahan ka pa ng bestfriend mo magpakasal. You're not getting any younger. Dapat may boyfriend ka man lang." Mom keeps on convincing me to date a guy while we're having a family dinner. I want to roll my eyes in irritation. Seriously, pwede naman niya akong sabihin in private but for pete's sake, we're on a fine dining restaurant with my uncles and aunts along with my not-so-close cousins. Nakita kong natigilan pa ang iba sa kanila at napatingin sa akin.


This is great, Mom. Great!


"Your mom is right, Annielle. You should date. You're on legal age." sabi ni Aunt Rona na kapatid ng Dad ko.


"Your Aunt Rona is right. Kung gusto mo , I can find you a date mula sa mga bachelor na kilala ko." nakangising dugtong naman ni Aunt Deliah.


Now, I'm pissed yet I'm trying so hard not to be obvious about it. I show them my one of a kind fake-smile.


"No need, Auntie. I can find my own man. I'm just. . .uhm, well. . .I'm waiting for the right time."


Kahit peke ang ngiting pinakita ko sa kanila, I gave them a sincere answer. I don't want other people messing with my way of living. If I don't have a boyfriend, then that's not their business anymore. If I'm still single , they have no say on that. I don't want any advice from other people kahit pa kapamilya ko sila. And last but not the least, I don't need their help. Kagaya nga ng isinagot ko kanina, I can find my own man in God's given time.


"My daughter can handle herself, Deliah. She doesn't need your bachelor friends. She'll date if she's ready." mariing sagot ni Papa. Napalingon kaming lahat sa kanya. For the first time in my whole existence, ngayon lang ako sumang-ayon sa mga binitawan niyang salita tungkol sa pagiging single ko.


Ayoko rin namang maging single habang buhay. But if I'm going to have my own love life, I want to decide by my own. Hindi yung maraming nangingialam.


Ngumiti ako kay Dad. He smiled back at me. Lumingon ako sa dalawang tita ko. Si Tita Rona ay nagkibit lang ng balikat. Si Tita Deliah ay umismid.


"Don't you have any consideration to your own daughter, Daniel? I understand your protectiveness over her because she's an only child but for pete's sake, she's twenty eight! Anne must have a boyfriend! Ito ngang mga pinsan niya na mas bata sa kanya ay may mga asawa na. Dapat siya rin. Babae pa naman siya." naiiling na sabi ni Tita Deliah. "Nagka-boyfriend ka na ba, Annielle? I mean, serious boyfriend?" tanong pa niya sa tonong parang awang-awa siya sa akin.


Muntik na akong mapaubo. Not sure if I'm going to give her a yes or a no for an answer.


I've been into different kind of relationship when I was still on US but I can't consider those relationship as serious ones. I don't fool around. Nagpapaligaw rin ako sa tamang proseso. Pinapakilala ko rin sa mga magulang ko and when the guy have their approval, parang kusa na akong magsasabi ng 'oo.'


Hindi ako nagloloko sa isang relasyon at never rin akong nakipaghiwalay. Like what I've said before, ako ang laging naiiwan.


Yung mga naging boyfriend ko sa US, nagustuhan ko lang lahat. Wala akong minahal ng sobra. Hindi naman ako nagsisi dahil sila yung tipong pag may nagustuhang iba na mas better kaysa sa akin, kakalas agad sila. I never cried over them . Nasaktan ako, oo. But I never shed a tear. Kayang kaya kong indahin yung sakit dahil pride lang naman ang nasagi sa akin. Not my heart. Never akong nagmakaawa na balikan nila ako. Never ko silang hinabol. Never na rin akong nagpakatanga sa mga lalaki.


Don't get me wrong. I don't hate men. Alam ko lang sa sarili ko kung ano yung klase ng lalaki ang gusto kong makasama. And there was only one guy I considered as my serious boyfriend. He was the first and the last one I ever had. Ewan ko kung masusundan pa.


Stop it, Anne. Don't go there. . .


Huminga ako ng malalim at tumingin kay Tita Deliah. Akma akong sasagot nang bigla naman magsalita si Daddy.


"Nagka-boyfriend siya sa US. My daughter is not a flirty type of a girl, Deliah. Hindi ko rin naman siya pinagbabawalan. Ang gusto kong mangyari ay siya ang mag-decide para sa sarili niya. She's a smart woman and I trust her. If she wants to date men, I will let her. Pero nakikita kong masaya ang anak ko sa field niya, why do I need to question her love life? She'll have it sooner or later. Hindi siya dapat pangunahan. She'll date her type of men. Hindi yung sa kung sinong lalaki na irereto mo sa anak ko." sagot naman ni Dad kay Tita Deliah.


Tumikhim si Mommy . Alam kong nagkakaroon na ng tensyon sa mesa namin. Napatingin ako sa iba pang mga tito at tita ko na nagsilbing mga expectator tulad ko. Ang mga pinsan ko naman ay nakatingin sa akin. Yung iba ay alanganing ngumiti. Nakita ko pang bumulong ang anak ni Tita Deliah sa kanyang ina.


I sighed in relief when they brought up another topic. Ayaw kong marinig ang pangalan ko na pinag-uusapan at sa harap ko pa mismo. I'm a very private person and I value that privacy. Hindi ko kailangan ng mga payo ninuman.


Natapos ang dinner na parang walang nangyari. Nag-usap-usap ang mga tito at tita ko tungkol sa business. My cousins were talking about something. I can't relate to them. We're not that close. Minsanan lang kami mapagsama-sama katulad ngayon kaya siguro mailap pa rin ako sa kanila. Yung iba ay may asawa na at yung iba naman ay single tulad ko. Sa tingin ko ay ako ang pinakamatanda sa kanilang lahat na nandito. I have two other boy cousins na mas matanda sa akin pero hindi sila nakasama sa dinner ngayon. Hindi ko alam kung single pa rin ba sila tulad ko o may pamilya o asawa na rin ba tulad ng ibang pinsan ko.


Umakyat na lamang ako pangalawang palapag ng restaurant kung saan may balcony. Lumayo ako sa kanila para hindi ako magmukhang kawawa. Hindi ko na siguro hihintayin ang mga magulang ko at mauuna na lang umuwi mamaya. Mukhang matatagalan pa sila.


Lumabas ako ng balcony at nakita kong hindi lang ako ang nandito ngayon. Napalingon sa akin ang isa pang tao na nandito kasama ko.


She is one of my cousins. Tita Rona's youngest daughter. Millicent Guerrero. She's six years younger than me. Hindi ko rin siya close pero mailap rin siya tulad ko. Ang alam ko kakauwi niya lang galing ibang bansa.


I smiled at her. "Hi."


Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya nang batiin ko siya. "Oh, h-hello. You're Annielle, right?"


Tumango ako at tumabi sa kanya. "Yeah, but you can call me Anne. And , hmm. . .What shall I call you?"


"You don't know me?"


Marahan akong natawa sa tanong niya. "Silly. Of course, I know you! What I mean is anong gusto mong itawag ko sayo? Millicent lang ba? Don't you have any nickname?" marahan kong tanong.


Tumikhim siya at alanganing ngumiti. "Lee."


"Nice to meet you, Lee." ngumiti ako ng mas malawak. Hindi naman ako bastos sa mga pinsan ko. Kinakausap ko rin naman sila kahit papano. Hindi lang talaga ako lumaki kasama sila at iba ang personality ko sa kanilang lahat. Masyado akong tahimik at mahinhin. Sila kasi ay mahilig sa mga party at kung anu-anong social gatherings which I avoided like a plague .


"Ba't hindi mo kasama ang mga Ate mo?" tanong ko .


Umiwas siya ng tingin sa akin . Tumikhim muna siya bago sumagot. "I like it here. Tahimik."


Hindi niya sinagot ng diretso ang sagot ko. Nanahimik na lang din ako dahil mukhang wala naman siyang balak makipag-usap sa akin.


Nagulat na lang ako nung magsalita siya pagkalipas ng ilang minuto. "You aren't close to them?" she paused for a moment. "Ngayon ko lang kasi sila nakita ulit. Being with them makes me feel awkward. How about you?"


"I hate family gatherings." simple kong sagot. "Hindi rin kasi ako lumaki with them."


Tumango-tango siya. "Parehas pala tayo."


Katahimikan. Akala ko hindi na siya muling magtatanong pero nagkamali na naman ako. "Hindi ka ba nalulungkot?"


Kumunot ang noo ko. "Nalulungkot saan?"


Tumingin siya sa akin bago magsalita. "You're too focused on your career. Para kasing ang hirap ng kalagayan mo. Twenty-eight and still single. Hindi ka ba naiinggit sa mga pinsan natin na may asawa na?"


Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Sino ang hindi maiinggit sa mga pinsan kong mukhang masaya at tahimik sa marriage life nila? Who doesn't want a peaceful marriage life? Minsan iniisip ko na lang na late ang life progress ko pagdating sa pag-aasawa. Boyfriend nga wala, asawa pa kaya? Ayoko rin naman sa arranged marriage. I grew up witnessing how my Dad cherished my Mom in every way he can. Same as Mom's adoration to my Dad never fades. Gusto ko yung gano'n.


At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naiinggit sa mga pinsan ko o sa kahit kaninong mag-asawa na masaya sa buhay nila. Gusto ko ng gano'ng klaseng buhay pero ayokong magmadali. Ayokong pangunahan si God sa plano niya sa akin.


Ngumiti ako at tumingin sa kanya. "Hmm, a little. Pero iniisip ko na lang na someday , magkakaroon din ako ng gano'n. Late bloomer ang lovelife ko." I chuckled.


Tumango siya at ngumiti. "But I admire you. Nagawa mong maghintay. . .at naghihintay ka pa rin hanggang ngayon." mahina niyang sabi. "You know, hindi lahat may patience pagdating sa love." tumingin siya sa akin at alanganing ngumiti. "Sorry kung madaldal ako. Ngayon lang kasi may kumausap sa akin na pinsan ko. Anyway, sabi ni Mommy doktor ka raw. Pediatrician?"


Tumango ako. "Pediatric Oncologist."


Nung nasa America ako, napalapit ako sa isang org na nangangalaga sa mga batang may cancer. Tuwing may charity mission, nando'n ako. Kahit nung lumipat ako rito sa Pilipinas for specialization, tumutungo pa rin ako do'n. Isa sa nag-impluwansya sa akin na pasukin ang field na 'to. I love kids and pity those who are ill. They are just babies who deserves to see rainbows and appreciate how beautiful life is. Gusto kong magsalba ng mga batang tulad nila. Especially , those who are suffering from cancer.


"You're too young. Sobrang talino mo nga. Sa Stanford ka nag-aral ng Med , right? You're awesome." pumangalumbaba si Lee at tinitigan ako with admiration. Ako naman ngayon ang nahiya. Hindi ko ibinabandera ang mga achievements ko. A way to keep my feet on the ground. Gusto kong manatiling ganito, simple lang. Kung may magtatanong, saka lang ako sasagot.


Humaba ng humaba ang usapan namin ni Millicent at hindi namin napansin ang paglipas ng oras. Marami rin naman siyang na-i-share sa sarili niya pero pakiramdam ko, may parte ng pagkatao niya na pilit niyang itinatago. Hindi ko na lamang pinansin. Wala ako sa lugar para magtanong.


Sabay kaming bumaba at nakita naming pauwi na ang iba naming pinsan. Pero yung mga tito at tita ko kasama ang mga magulang ko ay patuloy na nag-uusap-usap. Lumapit ako sa kanila at sinabing mauuna na lamang ako pero sumalungat si Daddy.


"No, hija. Sabay sabay na tayo. Wala kang dalang kotse." sabi nito. Wala akong nagawa kundi maghintay. Agad namang nagpaalam sila Mommy at Daddy kina tito at tita. Hinanap ng mata ko si Millicent pero hindi ko na siya nakita. Siguro ay umuwi na. Sayang. Hindi ako nakapagpaalam. Wala pang sampung minuto ay nasa daan na kami.


"Sa condo ka ba ngayon, hija? O uuwi ka sa mansion?" tanong ni Mommy. Nasa backseat ako at nasa harapan sila ni Daddy. Si Dad ang nag-d-drive.


"Sa mansion ka muna, hija. Madalang ka na umuwi sa atin lately ." Sabi naman ni Dad habang nagmamaneho. Nilingon niya ako nang mag-red ang traffic lights. Ngumiti ako sa mga magulang ko.


"Sa condo muna ako, Dad. May dadaanan kasi ako ng maaga sa ospital. Sa weekend po, promise, uuwi po ako do'n."


Narinig ko ang buntong hininga ni Dad. Si Mommy naman ay bahagyang ngumiti.


"Sorry nga pala kung kinulit kita kanina, hija. I was just worried. Sobrang tagal na nung huling boyfriend mo." marahang sabi ni Mommy habang nakatingin sa akin ng matiim.


"It's okay, Mom. Wala naman pong nanliligaw sa akin." natatawa kong sabi.


Nanlaki ang mga mata ni Mom. "What about Shinn? Ang tagal niyo na magkasama. Hindi ba't sinundan ka pa niya-"


"Mommy. . ." putol ko sa sasabihin niya. Ito na naman at magpapaliwanag akong muli tungkol sa aming dalawa ni Shinn kahit ilang beses ko na rin sinabi sa kanyang walang namamagitan sa amin. "I already told you, Shinn wanted to escape their business abroad kaya sumunod siya sa akin. We're friends. Good friends. Kaibigan din siya ni Rhea. Huwag niyo na lagyan ng malisya. Magkaibigan lang talaga kami."


Huminga ng malalim si Mommy at napatingin kay Daddy bago bumaling muli sa akin. Bakas ang panghihinayang sa kanyang mukha. "I like him for you. Bakit ba kasi binasted mo siya noon? He's a gentleman! Good-looking, intelligent, and we know his family background. Not to mention, he's a harvard graduate and no criminal records. He's perfect for you."


Marahan akong natawa sa description ni Mommy kay Shinn. Perfect, huh? Well, it's true that he's a good-looking gentleman who has a brain like Einstein's and he's every girls ideal man but unfortunately, I'm not one of those woman who swoon on Shinn Aslejo's feet. I know him well . If breaking a girl's heart is a crime, Shinn would be the most wanted criminal. Napailing na lamang ako. Kahit gaano ka-perpekto sa paningin ng iba ang isang tao, may mga kalokohan pa rin 'yang tinatago. Mom doesn't know Shinn as the city playboy and party animal. Geez. Ayoko namang sirain ang image niya sa mga magulang ko kaya tinikom ko ang aking bibig. Binasted ko siya dahil sa reputasyon niyang iyon. Though, medyo natamaan si Shinn kay Rhea, binasted rin siya ng bestfriend ko sa ibang kadahilanan naman.


Hindi na lamang ako nagkomento hanggang sa maihatid nila ako sa tapat ng condo building.


"Bye, Mom, Dad. Ingat kayo." I kissed them goodbye bago ako lumabas ng kotse. Nakahinga ako ng maluwag nang marating ko ang kwarto kn. Nasa 43rd floor unit ko at kitang-kita sa glass wall ang city lights pati na ang nagtatayugang buildings dito sa siyudad. Gusto ko pa rin ng matataas na lugar kaya sinadya kong pinili ang unit na nasa mataas na floor. Tuwing na-b-bore ako, titingin lang ako sa labas at pagmamasdan ang magandang view mula rito.


Old habits. Hindi ko na maalis sa sistema ko. May mga bagay na kahit gusto mong kalimutan at ibaon, hindi mo magawa dahil nakatatak na sayo. Tinanggap ko na lang rin na kasama na 'to sa pang-araw-araw na buhay ko. Ang balikan lahat ng pinanghihinayangan ko.


Huminga ako ng malalim at tinungo ang ref. Kinuha ko ang isang bote ng brandy na halos wala pang bawas. I'm not a regular drinker. Umiinom lang ako kapag hindi ako makatulog. Natuto akong uminom nung nasa States pa ako. Masyadong wild at liberated ang mga tao ro'n. Kahit yung mga inaakala kong nerds sa university, party animal pala sa gabi. Shinn was a classic sample. Disente sa umaga, party goer sa gabi. Natuto akong uminom dahil ayokong maging KJ . I know my limits at hindi pa ako nalasing ng sobra.


Nakagawian ko na rin ang uminom pag ganitong hindi ako inaatake ng antok. A shot or two is enough. Hindi ko naman inuubos ang bote ng brandy sa isang inuman lang.


Nang lumalim ang gabi, hindi ko napansin kung nakailang shot na ako. Medyo mainit na rin sa pakiramdam ang dala ng alak. Napatingin ako sa brandy at nakakalahati na 'yon. It's time for me to sleep.


Pumunta ako sa kama at binalot ang sarili ko sa comforter. Mahirap din ang ganito. Gusto ko ng tahimik at simpleng buhay kahit isa akong Martin pero napakaboring ng dating dahil pakiramdam ko, ako lang ang nabubuhay sa mundo. Sarili kong desisyon ang bumukod at mabuhay mag-isa pero nakakalungkot rin pala. How can I have that kind of life without asking for something impossible? Pinikit ko ng mariin ang aking mata. Old habits are hard to die, same as my first love.


Tanghali na ako nagising. Hapon pa ang duty ko pero kailangan ko na maghanda. Weekdays ngayon at siguradong traffic na naman. Hindi ko na nadaanan ang mga dapat kong daanan kaninang umaga. Damn.


Chineck ko ang phone ko at may text do'n si Shinn.


Shinn Aslejo : Hey, angel, can you pick me up? 2pm sa Euphoryst. Pretty please? I forgot my car in the bar. Sabay na tayo pumasok. Thanks!


I rolled my eyes upward. See? May pagkamakapal talaga ang mukha nitong Shinn Ace na 'to. May balak yata siyang gawin akong personal driver. Euphoryst Hotel, huh? Naka-score na naman siguro sa isa sa mga ka-filing niya.


Nag-reply ako.


Me : 12 ako pupunta sa dyan. Kung hindi ka pwede ng mas maaga, magtaxi ka na lang.


Naghintay ako ng reply niya.


Shinn Aslejo : Haha! You're too hard on me, Annie! Pero sige, 12. Haay! Round 12 pa sana kami pero dahil nagmamadali ka, mababawasan ng 2 rounds . Tsk. I'll wait at the lobby. Thanks, angel!


Napangiwi ako sa reply niya. Round 12? Ano sila? Nag-b-boxing?


Me : Gross! Kailangan mo pa talaga sabihin 'yon? Jerk.


Shinn Aslejo :Hahahaha! Sexy Jerk.


Hindi ko na siya ni-replyan dahil alam kong puro kalokohan na lang ang irereply niya sa akin. Pag napikot talaga si Shinn, ako ang sasagot ng Stag Party niya.


Saktong 12pm ay nasa tapat na ako ng Euphoryst. Tinext ko siya na maghihintay na lang ako sa tapat at siya na lang ang lumabas para hindi na ako magpark. Maya-maya ay nakita ko na siyang lumabas ng hotel at may ngisi sa labi. Umirap ako at napailing na lang nang sumakay siya sa kotse ko.


"Thanks, Annie!" akmang yayakap siya sa akin ng hampasin ko siya agad sa braso.


"You had sex tapos yayakap ka sa akin?" sinamaan ko siya ng tingin.


"What?" natatawang sabi niya. "Naligo naman ako, eh. Wala ng trace ng cu-"


"Argh! Shut up, Shinn Ace!"


Tinaas niya ang kanyang kamay habang tumatawa. "Okay. Okay. Fine. I'll shut up. Sungit talaga." naiiling niyang sabi. Panay ang ngisi niya sa buong byahe. Ako naman ay tahimik na nag-d-drive.


Nakarating kami ng ospital at nauna siyang bumaba. "Thanks for the ride, angel. I enjoyed it!" sabay tawa ng malakas. Muntik ko na mabato sa kanya ang stuffed toy na accessory ko rito sa kotse. Pag si Shinn ang nagsalita, nagiging double meaning. Dirty-minded kasi.


Naging abala ako sa buong araw. Aside from checking the young patients na naka-confine, ni-review ko rin ang ilang medical records dahil ang iba sa kanila ay nasa early stage ng cancer. Kasama ang head doctor at ilang nurses, isa-isa kong pinuntahan ang mga pasyente na nasa E.R.


"What happened?" tanong ko habang chi-ni-check ng nurse ang isang batang walang malay. Sandali pang nagtagal ang tingin ko sa bata bago napatingin sa magulang nito.


"Kayo po ba ang parent?"


Umiling ito. "Yaya lang po." kinakabahang sabi nito habang naiiyak na nakatunghay sa bata. Tumango ako at malumanay na nagtanong.


"Ano po ang nangyari?"


"N-nahimatay po habang naglalaro sa playground. M-may sakit po kasi talaga siya pero ngayon lang po ulit siya inatake."


"Nasaan po ang parents? Natawagan niyo na po ba?" pinapanuod ko ang mga nurse na abala sa pag-aasikaso sa bata.


"Y-yung Daddy lang po niya, kaya lang nasa business trip po. Yung ina po kasi ng bata naka-confine rin dito." napansin ko ang panginginig ng kamay ng yaya ng bata.


"Wala po ba tayong matatawagan na kamag-anak na pwedeng pumunta rito kaagad? Ano po ang sakit ng bata at ilang taon na po siya? Dala niyo po ba ang medical records ng bata?" sunod sunod kong tanong.


"H-hindi po, eh. Teka po at itatawag ko. Ang alam ko lang po may sakit siya. Leukemia. Hindi po namin namalayan na tumakas at naglaro sa playground." sandaling kinalikot ng katulang ang dalang cellphone at nag-dial. Nanginginig at naiiyak ito sa takot. Binalingan ko ang nurse na nag-aasikaso sa bata na wala pa ring malay hanggang ngayon.

Ilang sandali ay lumapit sa akin ang katulong.


"Doc, y-yung tito po niya ang pupunta rito. Hahabol po yung Daddy niya pero baka bukas pa raw po ng umaga dahil nasa ibang bansa po. Y-yung medical records po, ipapadala ko po agad."


"Good. Kailangan namin agad iyon. Ilang taon na po siya?"


"Six po."

Muli akong napatingin sa bata. Tinanong ko ang nurse kung anong lagay nito pero habang nagpapaliwanag ang nurse ay napansin kong may hawig ang bata sa kung sino na hindi ko matukoy. Hinawakan ko ang pulso ng bata at inaapoy pala ito ng lagnat.


Ilang sandali ay umungol ito at unti-unting nagmulat ng mata. Ako ang una niyang nakita at tinitigan.


Napasinghap ako. Those eyes are familiar ,too. Sino ang magulang ng batang 'to?


>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112