HTLAB2 - Chapter 19


-

Right time

-


Hawak ko ang envelope na naglalaman ng result kung buntis nga ba ako o hindi. Hindi ko muna binuksan dahil nangako ako kay Cy na sabay naming malalaman ang resulta.


"Thank you, doc."


Tumango ang doktor at ngumiti. Buti na lamang at nirespeto nito ang kagustuhan ko. Hindi rin ito nagbanggit ng kung anong may kinalaman sa resulta ng pregnancy test. Punung-puno ng pagkaunawa ang mukha ng doktor.


Nang makabalik ako sa kotse ay kitang-kita ko ang pagkainip sa mukha ni Cy. Napatingin siya sa hawak kong envelope.


"Anong sabi?"


Nagkibit-balikat ako para mabawasan ang kaba. "Hindi ko pa alam. Hindi ko pa nabubuksan. Sabi mo kasi, di ba?"


Tumango siya. Nanatili ang kanyang tingin sa envelope. I gave it to him. "Open it."


Sandali siyang natigilan habang ako ay ina-anticipate na ang laman no'n. Dahan-dahan niyang binuksan ang envelope at kinuha ang puting papel sa loob no'n. Sabay naming binasa ang nakalagay sa papel. Isang salita lamang ang nakakuha ng atensyon ko.


Negative.


Napatingin ako kay Cy na blanko ang mukha. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng relief o panghihinayang. Hindi ko alam.


Pumikit ako at sumandal sa upuan. Naramdaman ko naman ang pagdantay ng ulo ni Cy sa aking leeg.


"Negative. That means wala pa." Huminga ng malalim si Cy. Matagal na sandali siyang tumahimik. "I should feel relieved but honestly," Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Sayang. Maybe, this isn't the right time."


Tumango-tango ako. Bumaling ako sa bintana para itago ang pag-iinit ng sulok ng aking mata. Naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit.


"Angel. . ." Iniharap ni Cy ang mukha ko at hindi ko na naitago sa kanya ang luha ko. Dinampi niya ang kanyang mga daliri sa luhang lumalandas sa aking pisngi. "Don't cry."


"I don't know why I'm crying." pabulong kong tugon. "Ewan ko. Di ba dapat tayong matuwa dahil wala pa naman? Pero ba't parehas tayong nanghihinayang?"


"Maybe because we both hoping for something good kahit na maging sanhi pa 'yon ng mas komplikadong sitwasyon. We both want a family. Me , you and a baby."


"You're right." Kumuha ako nang tissue sa aking bag. "Siguro, nag-assume na rin ako kanina na buntis nga ako kaya nakaramdam ako ng matinding disappointment nang ma-confirm na hindi naman pala."


"Anne-


"Okay lang, Cy. Hindi naman natin kailangang magmadali, di ba? I'm okay." Inunahan ko na siya. Ayokong gawing big deal ito.


Hindi na umimik si Cy. Hindi rin siya nagsabi ng kung ano. Tahimik lamang siyang nag-drive at ako naman ay nakatingin lamang sa labas ng bintana ng kanyang kotse.


"Galit ka?" Wala sa loob kong tanong nang magpark siya sa loob ng CMMC.


"Give me one reason why I should." Tipid niyang sagot.


"Galit ka, eh."


Hinarap niya ako at marahan siyang umiling. "Anne, I'm not. Nag-iisip lang ako. . ."


"Then, could you please tell me what you're thinking right now?"


"I'm fine, angel. Just fine." Hinawakan niya ang kamay ko. Mainit iyon. Hindi tulad ng akin na nanlalamig.


"Ano bang iniisip mo?"


"About the annulment. Siguro kailangan ko na talagang madaliin 'yon. Maiintindihan naman ako ni Ram."


"Do you think it's a good idea?" May pag-aalinlangan kong tanong.


"We'll see." Tumingin siya sa akin. Blanko pa rin ang kanyang mukha at hindi ko siya mabasa. "I'll talk to Ram."


"How about Kris?"


Hindi siya sumagot. Nagbuntong hininga lamang siya at humalik sa aking noo.



"Malelate ka na, angel. I'll fetch you later."


Ramdam ko ang pag-iwas niya na mapag-usapan ang topic na 'yon kaya naman hindi ko na pinilit. Bumaba ako sa kotse niya ng tahimik.


Pinasya kong magpacheck-up muli. This time ay pinayuhan ako ng resident doctor namin at neresetahan ng gamot.


"Avoid stress. Stop thinking too much. Nagiging sanhi talaga iyan ng madalas na pagkahilo. Same symptoms na nararanasan ng mga buntis, Ms. Martin." Nakangiting sabi nito. "And since you told me na imposible kang mabuntis, maaaring stress ang main reason kung bakit ka nakakaramdam ng gano'n. Wala namang problema ang vission mo at healthy ka naman. Reresetahan kita ng gamot na pwede mong inumin pag inatake ka ng pagkahilo."


Napalunok ako. Pilit akong ngumiti. I had no choice but to make a lie. Ayokong maghinala ang doktor lalo na't kilala niya ako. Malakas lang ang loob kong magpa-check up sa kanya dahil negative ang result ng test sa naunang clinic na aking pinuntahan.


At siguro nga ay tama siya. Stress lang ito. I'm thinking too much nitong mga nakaraang linggo kaya nakaramdam ako ng gano'n kaninang umaga.


Kakalabas ko lang ng clinic nang mamataan ko si Shinn na nakikipag-usap sa isa pang doktor. Hindi ko mapagdesisyunan kung lalapit ba ako o mananatili akong nakatayo rito o lumiko na lang sa kabilang direksyon at umastang hindi ko siya nakita. But I guess it's too late to turn my back.


"Doc." Bati sa akin ng doktor na kasama ni Shinn. I recognized him. Nakasama ko na siya sa isang charity mission. A hematologist.


"Dr. Rivera." Ngumiti ako. Bumaling ang tingin ko kay Shinn na biglang nagseryoso. Nagpaalam agad ang doktor na kasama niya nang may tumawag na nurse. Naiwan kaming dalawa ni Shinn.


Hindi ko magawang ngumiti dahil seryoso ang titig niya.


"Hindi kita nakita kahapon." Sabi ko. Nagkibit siya ng balikat.


"May inasikaso lang ako." Tipid niyang sagot. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Hindi niya nilulubayan ang pagtitig sa akin. Nagsisimula na akong makaramdam ng pagkailang.


"Anne, can I talk to you?" Sabi niya paglipas ng ilang sandali.


"We're talking now."


"No. I mean, in private. Mamayang breaktime. I seriously want to have a word with you." Napaangat ang aking tingin at nakita ko ang pag-aalala at disappointment sa kanyang mukha. Muling umatake ang kaba sa aking dibdib. Agad ring naging blanko ang kanyang mukha na parang guni-guni lang ang emosyong nakita ko kanina.


"Tungkol saan?"


Hindi siya sumagot. Akala ko ay maglalakad siya papunta sa akin pero nilagpasan niya lang ako. "Mamaya na lang. I'll text you." Iyon na ang huli niyang sinabi.


Hindi siya lumingon. Ako naman ay napatitig sa likod niya habang palayo siya ng palayo. Anong pag-uusapan namin?


Naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga batang pasyente pero oras-oras ay sumasagi iyon sa isip ko. Hindi na natanggal iyon sa aking isipan hanggang sa nakatanggap na ako ng text mula sa kanya. Naghihintay na raw siya sa coffee shop sa ground floor. Alam na alam niya talaga ang oras ng breaktime ko.


Tumungo ako agad doon at namataan ko si Shinn na sumisimsim ng hot coffee. Nang umupo ako sa harap niya ay tumuwid siya ng upo.


"Anong gusto mo? My treat." Akma siyang tatayo ng pigilan.


"Hindi na-"


Wala na akong nagawa nang tumayo siya at pumila. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya pinigilan.


Bumalik siya may dalang slice ng cake at cappuccino. Nilapag niya iyon sa harap ko.


"Thank you."


Tumikhim siya at umayos ng upo. Nagkatitigan muli kami at pakiramdam ko ay importante ang pag-uusapan namin ngayon.


"Anong sasabihin mo sa akin?"


Tumingin siya sa labas ng glass wall. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya, iniisip kung ano ang kanyang sasabihin. "Who is he?"


Natigilan ako. Bumaling siya muli sa akin. Napapikit siya at marahang umiling. "Damn it. I already know who he is but I wanna hear it from you. Ayokong maniwala hangga't hindi nanggagaling sayo."


Pakiramdam ko ay binabayo ang dibdib ko. Parang may kung anong bagay na nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. Mas matindi pa sa kaba at tensyon na naramdaman ko nang umamin ako kay Rhea. Iba ngayon dahil harap-harapan kong kakausapin si Shinn. He's a man and I don't know what he thinks. I could see how disappoint he is. Napayuko ako.


"You were with him nung nagbakasyon ka?" Pabulong lamang ang pagkakasabi niya ngunit parang kulog na iyon sa aking pandinig. Napapikit ako. How did he knew it?


Dinig ko ang pagmumura niya at napapikit akong lalo. Hindi ko siya kayang tignan.


"You didn't tell me. Didn't I advice you to stay away from him? Anne, he's married! Hindi mo siya dapat patulan-"


"Shinn, hindi 'yon gano'n." Pilit akong humihinahon kahit gusto ko na sumigaw. So, tama nga ako. May alam na si Shinn. Siguro ay naghinala na siya noon pa man. "You can't understand dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon-"


"Yes, I can't. I can't understand dahil inilihim mo. Hindi mo sinunod ang payo ko. Anne, I'm a man-"


"Pero hindi siya ikaw." Sabi ko na nagpatigil sa kanya. Umiling ako. "Iba siya sayo. Iba ang tingin ko sa kanya at sa ibang tao. Yes, he's married but I love him. And his marriage with Ram-"


"Fucking shit." Napahilamos ng mukha si Shinn. "Damn. I thought you were smart." he hissed.


Nasaktan ako sa sinabi niya. Napalunok ako at unti-unting nakaramdam ng panghihina. Idagdag pa ang panlulumo dahil mukhang hindi ako maiintindihan ni Shinn.


"Paano mo nalaman?" Tanong ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya.


"I saw you inside his car. Ilang beses na. Sumasakay ka sa kotse ng lalaking may asawa."


"Alam 'to ni Ram, his wife-"


"Spite and despite of your reasons, that's immorality! Kasalanan 'yan. Dapat tinatak mo sa utak mo na kahit mahal mo yung gagong 'yon, kasal pa rin siya sa ibang babae. Hindi ikaw. Hindi sayo. Ibang babae. But at this point, ikaw yung other woman. You stoop on the level of being mistress. That's disgusting." Mahina ngunit mariin ang bawat bigkas niya ng salita.


Naluha na talaga ako dahil naipamukha niya sa akin na napakababaw kong babae. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng coat ko at mabilis na pinunasan ang kumawalang luha. Si Shinn naman ay nakaawang ang bibig at hindi inasahan ang pag-iyak ko. Nag-iwas muli ako ng tingin. Muli na naman siyang nagpakawala ng ilang mura at luminga-linga sa paligid.


"I'm sorry, Anne." Sabi paglipas ng ilang segundo. "Nag-aalala ako sayo. Sana alam mo na gulo 'yang pinasok mo. Mahalaga ka sa akin at hindi ko matanggap na ginawa kang kabit ng lalaking 'yon. Anne, you're my friend. You're precious and you deserve the best things in the world. Kung mahal ka ng taong 'yon, hindi ka dapat niya ginawang mistress. Kung mahal ka talaga niya, pahahalagahan ka niya. Hindi yung ganito. At ikaw, you settled for being second best. Anong klaseng relasyon 'yan?" Pagkukwestyon niya na parang may halong pandidiri. Naninikip ang dibdib ko sa kanyang reaksyon. Nasasaktan ako na gano'n ang tingin niya sa akin.


"It's not like that. Masyadong komplikado at kulang ang oras para ikwento ko ang lahat sayo pero mali ang iniisip mo. Yes, I love him and he loves me-"


Naningkit ang mata ni Shinn. "Iyan ba ang sinabi niya sayo? Then, binibilog lang niya ang ulo mo. Ako na ang nagsasabi sayo, hindi 'yan totoo."


"Shinn. . ," nakaramdam ako ng matinding frustration. Hindi ko alam kung paano ko siya makukumbinsi at kung paano ko siya mapapaniwala. Nasa publikong lugar kami at natatakot akong may makarinig sa pinag-uusapan namin. "Hindi siya gano'n. Hindi mo kilala si Cy kaya huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan."


"And now, you're defending him. God, I can't believe this is happening. Ikaw ang pinakamatalinong babae na nakilala ko pero ba't kumikitid ang prinsipyo mo? Tell me, paano pag nalaman 'to ng magulang mo? Can you say 'hey Mom, Dad, this is my boyfriend. He's married and I'm just a mistress.' Fuck it." He mocked.


Namula ang mukha ko sa hiya. Gusto ko siyang sampalin para matigil siya sa pagsasalita at makinig naman siya sa akin. Ang tanging pumipigil sa akin ay ayokong magkaro'n ng eskandalo rito.


"His wife knows." Mahina kong tugon.


"What the fuck? Are you kidding me?" Kita ko ang panggigilalas sa mukha niya. Hindi makapaniwala. "At ano? Sinaktan ka ba? Anong sinabi ng asawa niya sayo? Pinagsalitaan ka ba ng masama-"


"Ako ang mahal niya. Nagpakasal siya kay Ram dahil kailangan. Meron silang tinatakbuhang tao at hindi niya maaring pabayaan si Ram." Umiling-iling ako. "Hindi mo maiintindihan 'to sa gano'ng kaikling kwento. And no, hindi ako sinaktan ni Ram. Kung ikakapanatag ng loob mo, sasabihin ko sayo na maayos ang pakikitungo niya sa akin. Sa ibang pagkakataon, sasabihin ko sayo. Even Rhea can explain this to you. Just ask her."


"Alam niya rin 'to? And she allowed you to-"


"Just ask her, Shinn. Sabihin mo alam mo na pero hindi ko naipaliwanag ng maayos sayo. I'm sure Rhea will be willing to tell you the whole story. But I hope, this will be the last time na makikialam ka sa aming dalawa. You're my friend. . ." I paused for a moment. "At nagpapasalamat ako sa concern mo sa akin pero gusto kong maging pribado muna ang relasyon ko kay Cy."


Hindi agad nakaapuhap ng sasabihin si Shinn. Kita ko ang pag-iigting ng kanyang panga at pagkuyom ng kanyang kamao. Umiling siya at muling nagsalita.


"Then, that isn't love , Anne. That's selfishness." Mariing sabi pa niya.


Malungkot akong ngumiti kay Shinn. "That's for you. But for us, this isn't selfishess. This is a big sacrifice. Do you think gusto kong mapunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko maaalis sa isipan mo na ako ang 'other woman.' Ako yung 'mistress.' Ako yung 'kabit' na nagiging dahilan ng pagkasira ng pamilya." Lumunok ako. Pakiramdam ko ay may umiipit sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim para pigilan ang nagbabantang pagbagsak ng luha ko. "Pero never niyang pinaramdam sa akin na pampalipas oras lang ako kagaya ng kadalasang ginagawa sa isang kabit."


Napahikbi ako at napatakip sa aking bibig. Agad na tumabi sa akin si Shinn at niyakap ako. Alam kong nililingon na kami ng ibang costumer na nasa loob rin ng coffee shop.


"Sorry."


Iyon ang huling binitawang salita ni Shinn. Wala kaming imikan hanggang sa bumalik kami ng ospital. Hindi na siya nagtanong at ako naman ay hinatid niya sa staff lounge. Wala rin akong imik. Tinanguan ko na lamang siya para umalis. I'm glad that he did. He gave me a little time to be alone and calm myself.


Masyado ata akong nagiging emosyonal. Naiiyak ako sa tuwing kukumprontahin ako ng ibang tao sa relasyon ko kay Cyfer.


Yung pakiramdam na gusto ko na lang balewalain ang mga sinasabi nila at maging masaya sa piling ni Cy pero hindi ko magawa. Lagi ko pang naiisip na maaaring humadlang sa amin. Imbis na hindi na lamang bigyan ng pansin ay napagtutuunan pa ng atensyon. Nakakapanghina. Nakakawala ng lakas ng loob.


Kahit ilang beses kong sabihin na wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, hindi pa rin maiiwasang maapektuhan ako at masaktan sa bawat salitang binibitiwan nila.


Nakasandal ako sa sofa nang biglang bumukas ang pinto nang staff lounge.


Napalingon ako at nakita ko si Daddy na naka-formal attire. Napatuwid ako ng upo.


"Daddy?"


Agad siyang lumapit sa akin at may pag-aalala sa mukha. "What happened?Nakasalubong ko si Shinn at sinabi niyang nandito ka raw."


"Y-yeah. Siya ang naghatid sa akin dito. You didn't tell me na pupunta ka rito sa CMMC."


"May biglaang meeting lang, hija. Anyway, anong nangyari sayo?"


Bahagya akong ngumiti at umiwas ng tingin. "Wala, Dad. Just a little understanding between me and him."


"Him. Si Shinn?"


Tumango ako.


"May relasyon na ba kayong dalawa ni Dr. Aslejo?" Biglang naging pormal si Daddy. Mabilis kong itinanggi iyon at umiling.


"No, Dad. We're just friends."


Napailing si Dad. "You sound like some actress denying her relationship with some actor."


Natawa ako. "Seriously, Daddy. We're not into show business. I didn't know you were interested on that kind of issues."


"Well, you're a big issue because you're my daughter. Your Mom wants you to date Shinn Aslejo. Baka naisapan mo siyang pagbigyan." Dad shrugged his shoulders. Ako naman ang hindi sumagot. Ngumiti na lamang ako at umiling.


"You looked stress. Nahihirapan ka ba sa field mo?"


Umiling ako. "Nah. I can manage. Marami lang po akong iniisip."


"Like what?" Untag ni Dad.


Like why did you lie to me? Why did you pushed Cyfer away without me being aware from it? Why did you take my happiness away from me eleven years ago?


Hindi ko na isinatinig kay Dad iyon. Hindi pa ako nakakaget-over sa issue na 'yon at kahit gusto kong humanap ng sagot mula sa kanya ay mas pinili ko na lang na manahimik muna.


"Wala, Dad. Marami lang akong inaalala ngayon."


Nakakaunawang tumango si Dad at hindi na nagdagdag ng tanong. Pinagpasalamat ko na iyon.


May mga bagay talaga na mas mabuting huwag sabihin.


Bumalik ako sa trabaho at inabala ko ang sarili ko sa mga records na dapat kong tignan. Nasa kalagitnaan na ako nang biglang magdilim ang aking paningin at nailapag ko ng wala sa oras ang mga papel.


Napahawak ako sa aking ulo. Itinukod ko ang aking siko sa mesa bilang suporta. Nanatili ako sa gano'ng ayos hanggang sa mawala ang pagdidilim ng aking paningin.

Huminga ako ng malalim. Parang magkakasakit ako.


"Okay lang po kayo ,Doc?" Tanong ng isang intern na nasa harap ko ngayon. "Tubig po, oh." Sabay abot nito sa akin ng tubig.


Umusal ako ng pasasalamat. Nang idilat ko ang aking mata ay bumalik sa dati ang aking paningin ko.


Pinilit kong tapusin ang trabaho ko sa araw na 'to. Pakiramdam ko ay napagod ako ng husto kahit na puro pagbabasa lang ang ginawa ko para sa araw na 'to.


Tumunog ang cellphone ko. Si Cy ang tumatawag.


"Cy. . ." Bungad ko.


"You done for today, angel? Papunta na ako."


"Yup. Aayusin ko lang ang mga gamit ko."


"Good. Malapit na ako. Kumain ka na ba?"


"Hindi pa pero wala akong gana. Gusto ko na lang umuwi ngayon para maaga akong makapagpahinga ng maaga."


"No." Matigas niyang pagtutol. "We'll have dinner first. Hindi pwedeng hindi ka kakain."


Marahan akong natawa. "Okay, fine. You're the boss, Mr. De Vera."


"Where do you want to eat? No drive thru for tonight."


"Why?" Natatawa kong tanong.


"Hindi naman natin nakain yung kagabi. We argue then made love. We missed the 'real' dinner, angel."


"Cy!" Humalakhak siya sa kabilang linya. Natawa rin ako kahit namumula ang mukha ko sa sinabi niya.


"Malapit na ako, angel. Hang up na. Love you."


"I love you too. Text mo na lang ako pag nasa parking ka na para makalabas agad ako."


"Okay."


In-end ko ang tawag at inayos ko ang aking gamit. Napatingin ako sa orasan at naalala kong sabay ang out namin ni Shinn ngayong araw. Dumaan ako sa station nila. Gusto ko sanang makapagpaalam sa kanya at makiusap. Makikiusap ako na sana'y huwag siyang magalit sa akin at hangga't maaari ay huwag niya sanang gawing big deal.


I trust Shinn. Alam kong hindi niya magagawang isumbong ako sa aking mga magulang. Tulad na lang kanina, may pagkakataon na siyang kausapin si Dad pero hindi niya ginawa. Pinanghahawakan ko pa rin ang samahan namin.


"Nurse, nandyan pa ba si Doctor Aslejo?"


"Doc, kaka-out lang po niya. Nagkasalisi po kayo." Sagot ng nurse.


"Ohh. Gano'n ba? Thanks." Napabuntong hininga na lang ako. Hindi siya nag-overtime. Siguro dapat i-text ko na lang siya? Bahala na mamaya. Sa lounge muna ako nanatili habang naghihintay ng text ni Cyfer. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin siyang text.


"Ba't ang tagal?" Tumingin ako sa wrist watch ko. Ten minutes. Fifteen. Twenty. Wala pa rin.


"Going home, Doc?" Tanong sa akin ng isang doktor na pumasok rin sa lounge.



"Hinihintay mo si Doc Aslejo? Kanina pa 'yon umalis, ah."


"Ah, no. May hinihintay akong iba."


"Ohh." Nahalata ko ang curiousity sa mukha ng doktor pero wala na itong ibang sinabi. Nauna na itong magpaalam. Panay ang tingin ko sa cellphone ko pero wala pa ring text doon. Tumawag ako pero ring lang ng ring . Hindi niya sinasagot.


Huminga ako ng malalim. Nag-aalala na ako. Pinasya kong tumungo sa parking area kung saan madalas niyang pinapark ang sasakyan niya. Kung sakaling wala siya ro'n, magtataxi na lang ako. Baka may nakalimutan lang ito sa opisina o may naging aberya. Oh, God. I'm worried!


Nang mamataan ko ang sasakyan ni Cy ay agad akong tumakbo patungo roon. Nakita ko siya na nakasandal sa gilid ng kanyang kotse. Nanlaki ang mata ko nang makitang pinupunasan niya ang labi niya. May dugo ro'n at. . .


"Oh, my God." I whispered. Nabitawan ko ang mga gamit ko at bumagsok iyon sa semento. Agad ko siyang dinaluhan. Nagulat pa siya nang makita ang presensya ko.


"What happened, Cy?" Nagpapanik kong tanong. Umiwas siya ng tingin. Who did this?


Pinanlamigan ako ng katawan. Naalala ko na nandito sa bansa ang kapatid niya. Si Morris ba ang gumawa nito? Nagsisimula na naman ba siya?


>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112